Share

Chapter 11

Dahil ayaw ni Tempest na muling makita si Damon dahil baka mapahamak lang siya, agad itong nag-ayos at kinuha ang damit niya para sa masquerade ball. Mas mabilis pa kay Flash kung tumakbo siya papunta sa may parking lot at agad nagtungo sa bahay ni Medea.

“Wow, bigla-biglang bumisita nang wala man lang pasabi. Anong meron?” tanong ni Medea pero bago pa siya makarinig ng sagot mula sa kaibigan, tiningnan niya lang si Tempest na tumakbo papasok sa loob.

“Isara mo na iyang pinto!” sigaw nito mula sa sala.

Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Medea bago isara ang pinto at pinuntahan si Tempest. Halata namang sobrang nagmamadali siya dahil hindi pa niya nagawang suklayin ang buhok niya. Pupunahin na sana niya ang kaniyang nakakatawang itsura pero natahimik siya nang makita niya ang dinalang suot ni Tempest. Dahan-dahan niya itong nilapitan at tiningnan nang maigi.

“Oh my gosh, Tempest…” she gasped as she gazed at her. “No freaking way.”

Tempest grinned proudly and winked at her. “
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status