"And you both just came out from the comfort room. Am I right?" seryoso niyang tanong.
Seryoso naman siya palagi. Lalo na kapag may kinokonpronta siyang mga estudyante kapag nahuli niyang gumawa ito ng kalokohan. Pero sa oras na ito, kakaiba ang tono ng pagtatanong niya. Tipong mas seryoso pa sa seryoso. Tipong hindi na estudyante ang datingan niya. Para na siyang pulis.
Umiwas ako ng tingin. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dati rati naman ay inis lang ang nararamdaman ko sa t’wing nahuhuli ako sa kalokohan ko pero iba ngayon. Parang pinako ang paa ko sa sahig. Hindi ako makakilos.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi naman pwedeng magmukhang mahina ako sa harapan niya. Baka mas maniwala siya na galing sa’min ang pregnancy test na iyon. Kailangan kong lusutan ‘to.
Lumunok muna ako. “I-Iniisip mo ba na isa amin ang buntis? Kasasabi ko lang na napulot lang namin-“
“P-Pres...”
Lumingon ako sa likuran ko n
Warning: Sensitive content alert(?) I brought up teenage pregnancy not because it is okay, it is just nagiging common na these days. Whatever we do, we must face the consequence. However, let's not NORMALIZE it. :))))
"A-Aling Sallie?" Bumaba ang tingin niya sa hawak hawak namin ni Cadence. Agad akong bumitaw doon.Bahagya akong lumayo sa kaniya. Bakit sa dinami daming lugar pa, dito pa ako mahuhuli ng kumare ng mama ko? Malapad akong ngumiti. Bakit pakiramdam ko kasalanan ang pagsama ko kay Cadence? Tapos ngayon nahuli ako. Pakiramdam ko kailangan ko talagang gumawa ng palusot mamaya. "A-Ano pong ginagawa niyo dito?" Ngumiti siya. "Bumibili ng regalo para sa apo ko. Alam mo naman na malapit na birthday n
Tahimik lang akong nakadungaw sa bintana habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay namin. Hindi ko alam kung sa bakit parang may lakas pa ako. Maghanapon kami
Si Mia at Carol ang nagturo sa amin. Shunga shunga man si Mia minsan, pero may ibubuga ‘yan pagdating sa academics. Siya ang sumunod na Albert Einstein sa barkada. Kaya kapag wala si Carol, sa kaniya kami umaasa ni Hannie. Si Carol nagturo sa major subjects, si Mia naman sa mga minor.Inabot din kami ng tatlong oras kaya alas-dos na kami natapos.Sobrang proud ako sa sarili ko dahil may na-gets ako kahit papaano sa mga tinuturo nila. Ito ang unang pagkakataon naging makabuluhan ang pag-re-review namin. Madalas kasi ay lumilipad ang utak naming ni Hannie. Lalo na ako. Parang lumulutang ang mga numbers at words sa paligid.Kaya ang laki ng ngiti ni Carol sa’min ngayon dahil na-realize niyang hindi naman talaga bobo ang mga kaibigan niya.Tamad lang.“Ugh! Mia, doon ka na! Carol, bakit ba nandiyan ka sa kama mo?! Dito ka sa tabi ko! Ilayo mo 'tong si Mia!"Nakahiga na kaming lahat. Kaming tatlo sa lapag habang si Carol a
Ilang minuto lang din ang lumipas nang magsimula na kaming mag-review. Katabi ko si Carol, kaming dalawa ang nakaharap sa gawi nila Cadence. Ako ang nasa pasilyo. Kaharap ko naman sa table si Hannie at kaharap naman ni Carol si Mia.As usual, sina Carol at Mia ang nag-re-review sa’min. Si Hannie puro tanong. Hindi niya kasi magets agad. Mabuti na lang mahaba ang pasensiya nila sa kaniya. Kapag kasi ako ang nagtanong, badtrip agad sila. Gano’n sila kasama sa akin.Nainggit ako saglit kay Hannie. Puro siya tanong. Ibig sabihin, tutok siya sa pag-re-review. Habang ang ginagawa ko lang ay pinagmamasdan sila. Hindi ko na masundan ang ginagawa nila. Sinusubukan ko naman maging katulad ni Hannie, pero itong utak ko ang pahamak. Bigla biglang lumulutang. Ilang beses kong sinusubukang magpokus sa pag-re-review pero agad ako natutulala. Naririnig ko naman sila pero wala akong naiintindihan.Huminga ako nang malalim at hindi sinasadyang napatingin
“So, ano nga? Bakit wala kang kinekwento sa amin? Alam namin may mga nangyari kaya biglang naging mabait ka sa kaniya, ‘wag mo ng i-deny.” “Natitiis mo ng magsikreto sa amin, Millie? Hindi mo na kami mahal?” “Meron nga?” Pagkatapos namin magmeryenda (salamat kay Cadence sa pa-cake at frappe niya), nagpatuloy kami sa pag-aaral. Bumalik ang ilang ko kay Cadence. Mas lumala pa nga dahil sa sigaw ni Mia! Mabuti na lang nasa baba siya no’n dahil nag-order siya. Kung narinig niya ‘yun, wala na akong mukhang iapapakita. Kaya ang ginawa ko binalewala ko na lang ang presensiya niya. Nagtagumpay naman ako sa huli. Makalipas ang kalahating oras, nagdesisyon na rin kaming umuwi. Nandito kami sa terminal at naghihintay ng jeep. May tumigil na sa harap namin at imbes na sumakay na kami, umupo muna kami sa waiting shed. Napansin kasi nila na kakaiba ang mood ko ngayon. Mula noong nakita ko si Cadence at hanggang sa makauwi kami, napansin nila na hind
Pagkatapos ng tatlong araw na exam, nakakatuwa dahil mataas ang Creative Writing ko. Lalo na sa essay part. Sabi kasi ni Cadence, walang connect sa topic at hindi makabuluhan ang essay ko. Kaya kinonek ko tapos pinag-isipan kong mabuti. Pero sa ibang subject, as usual, medyo mababa pero hindi naman bagsak. Okay na rin! Wala ng dayaang naganap. Takot ko na lang kay Cadence. Apat nga pala mata niya. Hindi ko pa napapansin na dumadaan siya sa room. Baka kapag nagpakopya pa ako, saktong mahuli niya ako. Edi bye bye graduation! Nakakabilib lang siya dahil kahit oras ng exam, nagagawa niya pa rin ang responsibilidad niya. Kahit na pagod at mukhang puyat ito, hindi siya nagpapabaya. Uso naman magpahinga. Baka lumupasay siya diyan sa sahig sa sobrang kapaguran. Hay! Bakit ko ba siya iniisip?! Erase erase! - Kung sino man ang nakaimbento ng fun run tapos alas-kwatro y media ang simula, sana masaya ka kung nasaan ka man
Sumabay na kami sa mga nasalubong naming mga tumatakbo. Kaso ilang minuto pa lang ang lumilipas, nanghihina na ako."Ano ba 'yan! Hindi pa nga tayo nakakalayo sa pinagpahingaan natin, pagod ka na agad?!" angil ni Carol. "Mag diet ka na nga!"Pagod na agad ako pero siya ang taas pa rin ng energy. Palibhasa payat."Lumayas ka na nga sa harapan ko!" sigaw ko. Kami ang nagyaya sa dalawa kanina, pero kami itong napag-iiwanan. Medyo nakalayo layo na sina Hannie at Mia.Inirapan ako ni Carol bago siya muling tumakbo. Hindi naman ako gaanong mataba. Sakto lang. Hindi rin naman ako madaling mapapagod kung hindi ako gutom. Wala na akong energy! Hay, kalokang fun run 'to. Naging fun walk. Ay, hindi, sad walk! Kailan ba 'to matatapos?!Tumigil muna ako sa gilid. Bigla kong naalala na kailangan ko pa palang ibalik ang phone ni Calum. Baka mamaya hinahanap na niya ito.Luminga ako sa paligid. Kaso imbes na siya ang makita ko, si Ca
Kinabukasan, mag-isa lang akong pumasok. Nagsabi sa akin si Carol na a-absent siya dahil may sakit raw ito. Hindi na ako nagulat. Madaling magkasakit si Carol kapag nagpaulan. Kahit saglit pa 'yan. Habang ako naman ay matibay pa din. Ni sipon o ubo ay wala akong naramdaman. Pupuntahan ko na lang siya mamaya para kamustahin. Wala siyang binanggit tungkol sa nangyari kahapon. Basta nag-sorry lang siya pagkatapos niya ako i-inform na may sakit siya. Ayoko naman sa text at call siya tadtarin patungkol doon. Mas mabuting sa personal kami mag-usap. Absent din si Hannie dahil na-late daw siya ng gising. Imbes na humabol, um-absent na lang siya. Tutal, tinatamad siyang pumasok. Wala rin si Mia dahil nasa hospital pa siya. Hindi ko alam kung mabibwisit ako sa kanila o maaawa. Ako ang natirang matibay sa aming apat. Mag-isa lang tuloy ako buong araw. May kadaldalan naman ako sa room. Kaso iba pa rin kapag mga tropa mo ang kasama mo.