Share

Chapter 2

Aвтор: brownladyyy
last update Последнее обновление: 2021-08-15 16:44:46

"So, you're Layla?" tanong niya. Nakataas ang kilay nito, seryoso ang tingin sa akin habang magka-intertwined ang kamay na nakatapong sa isang folder na sa tingin ko ay record ko.

Mataray ko siyang pinagmasdan.

Mukha siyang paltos na sinabuyan ng harina sa sobrang puti. Halatang may lahi. Matangos ang kaniyang ilong. May manipis at mapula itong labi. May suot itong salamin na parang wala naman grado. Design? Nakahati sa gilid ang kaniyang buhok habang naka-wax pa. Malinis at talagang karespe respetado ang kaniyang datingan.

Aminado akong gwapo siya pero hindi iyon sapat para mahumaling sa kaniya. Tss. Never.

Lalo na kung nakaka-intimidate ang aura niya. Halatang hindi kami magkakasundo ng taong 'to. Well, kahit presidente pa siya, wala akong paki. Siguro kung katulad lang ako ng iba, manginginig na ako sa takot sa paraan pa lang ng tingin niya pero hindi 'e. Simula nang tumungtong ako ng senior high, wala na akong kinatatakutan.

"Millie na lang, trip ko lang. Bakit ba?" walang gana kong tugon habang bored na kinukutkot ang dumi sa daliri ko. Pwede na pala akong tubuan ng kamote dito, e! Nanggigitata sa dumi! Saan ba ako nagsusuot?

"Layla, you know wha—"

"Millie na nga lang," Sumulyap lang ako dito tapos agad din akong bumalik sa pagkutkot sa aking daliri.

"Layla."

"Millie nga! Bingi ka ba?!" Lumingon ako sa kaniya at humalukipkip.

"LAYLA EMILLIENE PONCE!" Umalingawngaw ang tunog ng malakas niyang hampas sa mesa. "You are in the OSA right now! Show some respect!" sigaw niya. Muli ko na naman nasaksihan ang paglabas ng litid niya sa leeg. Bakit ba siya sigaw nang sigaw?

Mula sa OSC ay dinala nila ako dito. Si Ma'am Loreal na isang head ng Office of Student Affair kasi ang mag-dedesisyon kung anong gagawin sa akin at dahil wala pa siya, etong unggoy ang nasa upuan niya habang pilit akong pinagsasalita kung bakit ko ginawa ang kalokohan ko kanina.

Napabuga ako sa hangin at muling umikot ang maganda kong mata. Kahit nasa presinto pa ako ngayon, walang makakapigil sa bibig ko. Sa pinapakita niyang ugali ngayon, mas napipigilan lang akong magsalita. Parang mas masarap pa siyang inisin.

Huminga siya nang malalim upang mapakalma ang sarili. Nang maging kalma na ay sumandal siya sa kaniyang upuan at humalukipkip. "It says in your record that you're from here last year, yet, you don't have any idea about the newly elected student council officers? One more thing, the rules and regulations. You knew what major offenses are but you still do it even last year?" Kahit normal ang boses nito ay nando'n pa rin ang authority sa pagsasalita. Wow lang, damang dama ang pagiging president, ah.

Umalis ito sa pagkakasandal. "So how come na nandito ka pa kung paulit-ulit mong ginagawa ang major offense?" Kumunot ang noo nito. "The guidance was not that lame to slip this away lalo na ang principal." Mariin niya akong tinignan. Nakipaglaban naman ako ng tingin dito. "I guess, you were close with the old officers, no wonder." Tumango tango ito.

Pinagkrus ko ang legs ko ngunit pumirmi sa pagkakasandal sa upuan. Natahimik ako sa sinabi niya. Guilty ako. Totoong close ko si Barunggong na dating presidente kaya napapalampas ang mga kalokohan ko.

Pero ngayon, mukhang malabo na ulit mangyari iyon.

"All I can say is change the way you live. You're graduating student now and that kind of behavior doesn't apply on college."

"Edi 'wag mag-college," bulong ko.

"What?!"

"Wala!" Sigaw ko.

Nagtiim ang bagang nito at nakita ko ang pagsara ng kamao niya na halatang nagtitimpi. Palihim akong ngumisi. Naiinis na siya!

Maya-maya ay may biglang pumasok at lumapit sa kaniya. Siya ang isa sa mga alila niya kanina. Isa itong petite na may short hair na may bangs. May clip sa gilid tapos naka-eye glasses. Halos magkasingputi silang dalawa.

Nakakainis lang dahil hindi ko matarayan. Masyadong maamo ang mukha. Umiwas na lang ako ng tingin nang may binulong ito sa kaniya.

"Okay, noted."

Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya. Paalis na rin ang babae.

Mula sa nag-aalab na matang nakatingin sa akin kanina ay bigla itong nabuhusan ng tubig. Sumigla ang mukha niya. Tumaas ang kilay ko.

"I guess it would be your first time to go to Guidance office?" nakangisi na niyang tanong.

Napaawang ang labi ko.

Bigla akong tinakasan ng hangin sa katawan. Hindi magkamayaw sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa guidance. Kanina ko pa din kagat kagat ang ibabang labi ko. Kung pwede lang talaga tumakas ngayon kanina ko pa sana ginawa. Kaya lang nasa likod ko si Cadence at bantay sarado niya ako. Parang aso lang.

Yes, never pa akong nakapasok sa guidance. Once na nangyari kasi iyon ay alam kong katapusan ko na.

Mariin akong napapikit. Saglit kong isinumpa ang mga bagong officers. Mukha sila ang tatapos sa akin. Akala ko pa naman hanggang dulo ay malaya akong makakagawa ng kalokohan. Hindi habambuhay ay sila Barunggong ang nakaupo kung saan mas kontrolado ko pa sila kaysa kontrolado nila ako.

"Matae ka sana ngayon," sumpa ko kay Cadence nang tumigil na kami sa harap ng guidance.

Nawala ang ngisi nito at bago pa siya mag-react ay nagmadali na akong pumasok sa loob.

Niyakap ako ng malamig na hangin at isang nakakabinging katahimikan. Ganito pala ang loob ng guidance. Dumako ang tingin ko kay Ma'am Rosyl na biglang napatigil sa kaniyang ini-scan na papeles dahil sa presensiya ko. Bahagya niyang ibinaba ang salamin upang mas matignan akong mabuti.

Napayuko naman ako at lumunok habang naglalakad palapit sa kaniya. Shet talaga. Bagong sakit sa ulo na naman ang dadalhin ko kay mama pag-uwi.

Nang makaupo na ako sa harap niya ay nanatili pa rin akong nakayuko.

"Hindi ko na patatagalin pa, Miss Ponce. I already heard enough of things you've done here even last year. Nagsisisi akong ngayon lang dumating ang ganitong balita sa akin. Perhaps, I neglected my duty but this time I won't passed this anymore. Now, I want you to-"

Mabilis akong umangat ng tingin. Lumalam ang mga mata ko.

"Ma'am! Mahirap lang po kami! Isang kahig, isang tuka! Kaya sana po mabigyan nyo po 'ko ng second chance para maituwid lahat ng kalokohan ko! Promise po, magiging mabuti na akong estudyante!" pagsusumamo ko habang may paiyak-iyak effect pa. Baka tumalab, 'e.

Hindi talaga ako pwedeng ma-expel ngayon. Bukod sa maiiwan ko si Calum ay papatayin din ako ng nanay ko. Ako na nga lang ang inaasahan niya, ma-di-dissapoint ko pa siya. It's a big NO.

Kumunot ang noo nito saka inalis ang salamin. "I'm not going to expel you. I'm just going to repay your kindness for saving my dog. Hindi mo na ba naalala? Last Saturday?" May sumilay na ngiti sa mukha niya. "How did you come up with that bad idea?" Tumawa siya.

Sarap sana ituro ni Cadence pero 'wag na lang. Mabait akong bata. Bigla naman akong natanggalan ng tinik at pilit na inaalala ang sinabi niya.

"'Yung patawid po sana sa Marcos Highway?

"Exactly! My pogo! You saved him, iha!"

Hindi pa nag-si-sink in sa 'kin lahat kaya tango lang ang ginawa ko. Galing akong mall noong Sabado. Pauwi na ako nang makita ko ang isang tuta na gustong tumawid mag-isa. Ang lawak lawak ng highway na iyon kaya hindi naman siya agad maiiwasan ng mga sasakyan. Kaya tumakbo ako para kunin siya. Si Ma'am Rosyl pala ang nagpasalamat sa akin ng araw na iyon.

Bigla kasi akong tinawag ng kalikasan kaya hindi ko na siya nakilala at naka usap ng matagal.

"And I heard that you've been helping out your classmates and even your schoolmates when you have a chance. Madaming nakarating na report sa akin and I regretted it because ngayon ko lang nalaman. I should have repay you before."

Kumurba sa ‘O’ ang bibig ko. Sino naman kayang anghel ang nag-report ng kabutihan ko?

Nginitian ko si ma'am.

"What do you want, iha? I could tell your teachers na ipasa ka sa lahat ng subject-"

Mabilis akong umiling. Dahil alam ko kung sa'n na 'to papunta. Ayoko naman maging unfair sa mga kaklase ko. Saka wala naman akong matututunan kapag gano'n ang nangyari, kahit tamad ako mag-aral. Ah, basta! Patas lang dapat sa lahat ng bagay. Etong si ma'am naman parang hindi head ng guidance. Talagang naisip niya 'yun?

"Meryenda na lang po ma'am. Solve na 'ko do'n!" Malawak akong ngumiti, natawan naman ito.

Taas noo akong lumabas ng office. Napagdesisyunan namin ni ma'am na mag-order na lang sa KFC pero sa bahay namin ipapadala para pagdating ko ay may pagkain na doon at makakakain pa sila mama. Edi solve na ang problema ko ngayong araw. Akalain mo 'yun, halos manginig na ako sa kaba kanina dahil akala ko mapapatalksik na ako, pero hindi pala!

Ika nga nila, expect the unexpected!

Paglabas ko ay hindi na ako nagulat nang bumungad sa akin si Cadence. Seryoso ito na nakasandal sa pader habang may hawak na isang folder ang isang kamay at ang kabila naman ay nasa bulsa niya. Busy siya pag-s-scan dito.

Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay nag-angat ito ng ulo. Isinarado niya ng folder. Mabilis na nag-flash ang ngisi sa kaniyang labi pero mas malaki naman ang ngising ibinigay ko.

Humalukipkip ako. "Akala mo tapos na 'ko?" Naglakad ako palapit sa kaniya.

Naglaho ang ngisi nito at kumunot ang noo niya. "What do you mean?" Bakas sa mukha niya na nagtataka siya kung bakit ang saya saya ko pa ngayon.

"Well, I guess see you tomorrow.” Inirapan ko siya at nilagpasan sabay humalakhak.

Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang bigla niya akong hinila paharap sa kaniya.

"What happened? Hindi ka expel?"

Mabilis akong lumayo sa kaniya nang mapansin kong naaamoy ko na ang hininga nito. Na-bother ako hindi dahil mabaho ang hininga niya, masyado lang kaming close sa isa’t isa! Tapos siya balewala lang! Pero infairness ang bango pa din ng hininga niya! Paano 'yun?! Toothpaste ba pagkain niya?!

"Hindi! Edi sana humagulgol na 'ko! Duh!" Muli ko na naman siyang inirapan at akmang tatalikod na sana nang hinila na naman niya ako!

"I don't believe you! Dapat ay expel ka na! What did you d- ARGHHH! F*C*!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinapakan ko siya ng pagkalakas lakas. Nabitawan niya tuloy ang folder na hawak niya. Ang kulit kasi!

"Kulit mo, ah! Sabing hind inga ‘e! Bingi ka talaga, ‘no?!”

Nabitawan niya ang hawak niya para mahawakan ang paa niyang tinapakan ko. "Y-YOU!" Nagawa niya pa talaga akong ituro. Napakagat siya sa ibabang labi. Iniinda ang sakit.

Bineletan ko lang siya saka kumaripas na ng takbo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. President Cheated That Day   Epilogue (Pt 2)

    The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N

  • Mr. President Cheated That Day   Epilogue (Pt 1)

    Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 56

    “Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 55

    Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 54

    “Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 53

    Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status