Share

Chapter 36

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2025-03-03 20:07:29
TAHIMIK na nakaupo si Gracie sa kanyang desk sa sales office ng Palmera Homes. Pilit niyang iniintindi ang mga papeles sa harapan niya, pero kahit anong gawin niya, hindi niya maialis sa isip ang nangyari sa Paraday Island Resort. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay walang sinabi sa naglalagablab na tensyon na bumabalot sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya si Oliver—ang matalim nitong tingin, ang bahagyang ngiti na parang may alam siyang hindi, at higit sa lahat... ang katotohanang binili nito ang kanyang painting.

"Miss Reyes, I have decided to take your work with me..."

Napakagat siya sa labi habang muling bumalik sa isip niya ang gabing iyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Oliver? Bakit kailangang siya pa ang bumili ng painting? At higit sa lahat, bakit parang sinasadya nitong guluhin ang isip niya?

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napalingon siya at agad na nanlamig ang kanyang pakiramdam nang makita kung sino ang bagong dating—si Oliver Wright mi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
baka kagagawan un ng pamilya ni Oliver
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku ang daming problema ni Oliver
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 49

    May ilang segundo pang lumipas na puro haplos at hininga lamang ang umiiral sa pagitan nila. Hanggang sa tumunog ang cellphone. Isang maikling vibrate sa bedside table—sapat para basagin ang ritmo, sapat para gisingin ang bahaging matagal nang naka-alerto sa loob ni Oliver. Hindi niya agad pinansin. Hinayaan niyang manatili ang kamay ni Gracie sa kanya, ang init na kanina lang ay parang sapat na para kalimutan ang mundo. Ngunit muling tumunog ang cellphone. Mas mahaba ngayon. Mas mapilit. Napabuntong-hininga siya at marahang hinawakan ang pulso ni Gracie. Hindi para pigilan—kundi para ipahiwatig na kailangan niyang huminto. Agad namang umurong ang kamay nito, parang nahuli sa isang lihim na sandaling hindi dapat nakita. “Sorry,” bulong ni Gracie, bahagyang umatras. Umupo si Oliver, kinuha ang cellphone. Isang tingin lang sa screen, at agad nagbago ang ekspresyon niya. WORK CALL – BOARD SECRETARY Tumigil ang mundo niya sa isang iglap. Hindi ito simpleng tawag. Hindi ito maaa

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 48

    Tahimik ang kwarto matapos ang init na unti-unting humupa. Hindi na iyon ang klaseng katahimikan na nakakailang—kundi ang katahimikang parang may sariling pulso, may sariling hininga. Magkatabi sila sa kama, magkadikit ang balat, at tila pareho pa ring inaayos ang kanilang paghinga—hindi na lang dahil sa pagod ng katawan, kundi dahil sa bigat ng damdaming unti-unting umaakyat sa pagitan nila.Nakahilig si Gracie sa dibdib ni Oliver, ang pisngi niya’y bahagyang nakadikit sa balat nito. Pinapakinggan niya ang pintig ng puso nito—malakas, matatag, halos nakakaaliw sa una. Ngunit habang tumatagal, bawat tibok ay tila may sinasabi. Parang may gustong ipaalala. Parang may babala.Sa bawat paghinga ni Oliver, ramdam ni Gracie ang init na bumabalot sa kanya, ang presensyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ng seguridad—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Isang pakiramdam na hindi niya inaasahang hahanapin pa niya.Hinaplos ni Oliver ang buhok niya, marahan at paulit-uli

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 47

    Kinabukasan. Mahinang sinag ng araw ang unang dumampi sa balat ni Gracie. Marahang gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata, pilit binubuksan sa kabila ng antok at panghihina. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakayakap sa kanyang baywang, mainit at banayad ang paghinga sa kanyang batok.Si Oliver.Dahan-dahan siyang napangiti. Nakaunan siya sa braso nito, magkadikit pa rin ang katawan nila, pareho pa ring hubo’t hubad, at tila ayaw lumayo sa isa’t isa. Sandaling pumikit muli si Gracie, ninanamnam ang init ng katawan ng lalaking katabi niya.Ngunit hindi nagtagal, unti-unti na ring bumalik sa isip niya ang mga katotohanang pilit niyang inililibing kagabi.Ang totoo niyang pagkatao.Ang dahilan kung bakit siya narito.Ang malaking lihim na maaaring gumiba sa lahat ng ito sa isang iglap.Napabuntong-hininga siya. Maingat na hinawi ang kamay ni Oliver sa kanyang tiyan at marahang tumalikod. Pinagmasdan niya ito—nakapikit pa rin, kalmado ang mukha, tila wala

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 46

    AT sa muling paglalapat ng kanilang mga titig, wala nang kailangang sabihin pa.Unti-unti, lumapit si Oliver. Ang mga mata nito’y tila nananabik, ngunit may pagpipigil pa rin—hindi siya basta-basta sumugod, kundi hinihintay si Gracie. At si Gracie, sa kabila ng kaba at damdaming sumisiklab sa kanyang dibdib, ay hindi na umatras.Muli siyang humilig palapit, dahan-dahan, hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi—mas mainit, mas totoo, mas malalim kaysa kanina.Ang halik ay naging daan upang mawala ang lahat ng alinlangan.Napasinghap si Gracie nang maramdaman ang dila ni Oliver na bahagyang humagod sa kanyang ibabang labi, humihingi ng pahintulot. At sa paglalapat ng kanilang mga labi’t hininga, wala nang ibang natira sa pagitan nila kundi init—isang init na hindi na mapipigil.Hinawakan ni Oliver ang pisngi niya, banayad, habang ang isa nitong kamay ay gumapang sa kanyang baywang, hinihila siya papalapit. Hindi na kailangan ng salita. Ang katawan nila ang nag-usap—sa bawat haplo

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 45

    Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wala na siya sa pagitan ng pag-iwas at pag-amin. Nahulog na siya. At masyado nang malalim.“Oliver…” mahina niyang tawag, bahagyang nanginginig.Hindi ito sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay—hindi mapilit, kundi parang humuhugot ng lakas mula sa kanya. Sa simpleng hawak na iyon, may init na nagmumula sa balat hanggang sa dibdib niyang kumakabog.Gusto na sana niyang sabihin ang lahat. Ilahad ang katotohanan. Ipakita ang bahaging matagal na niyang ikinukubli—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot. Takot na kapag nalaman ni Oliver, mabura ang koneksyong ito na sa bawat araw ay lumalalim.Pero nakita niya sa mga mata ng binata ang pagkapit sa katahimikan. P

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 44

    Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status