Stephanie
Nang makuha ko na ang aking schedule ay tumuloy na ako kaagad sa first subject ko.Nakita ko naman na iyong terror na Professor ang magiging teacher namin sa subject na chemistry.Hays bakit ba kasi siya pa ang magiging teacher namin eh ang dami pa naman na iba dyan. Sana naman ay hindi siya masyadong mag sungit sa amin.Pero parang niluluko ko na lang ang sarili ko nun dahil alam na alam ko naman kung gaano ka terror ang Professor na ito. Kaya nga halos walang gusto na mag enroll sa kanyang subject kapag nakita na ito ang magiging Prof eh.Maliban na nga lang doon sa no choice na kasi puno na ang ka Prof na may hawak din ng same na subject sa kanya. Kaya napipilitan na lang na sa kanya mag enroll.Balita ko pa nga dito kay Ms. Jane San Gabriel na ito ay marami itong binabagsak na estudyante lalo na kung hindi nag se seryoso ng pag aaral sa subject niya.Nag lalakad na ulit ako dito sa hallway ng may biglang nag tanong sa akin na cute na may katangkaran din na babae."Hello, pwede magtanong?" Ang sabi nito sa akin na nakangiti ng malaki.Ngumiti din naman ako dito pabalik. "Oo naman, ano ba iyon?" Pabalik kong sagot dito.Maya lang ay nagtanong na siya sa akin kung saan ang room ng Chemistry. Mukhang isa pa ata ito sa magiging classmates ko eh."Hay naku sumunod ka na lang sa akin at doon din lang ang punta ko ngayon." Nasabi ko na lang sa kanya ng nakangiti.Mukha kasing ang bait bait nito at magaan ang loob ko sa kanya.Maya lang ay nagpakilala na ito sa akin. "Ako nga pala si Avril Del Carmen." Pakilala nito kaagad sa akin."Ako naman si Stephanie Biel Monteverdi." Pakilala ko naman dito.Agad naman nitong inabot sa akin ang kanyang kamay at nag handshake kami tsaka na namin ipagpatuloy ang pag lalakad papunta sa classroom.Medyo marami na rin naman na nandito sa room buti na nga lang at may space pa sa may bandang gitna.Dito kasi ako madalas umupo eh. Ayaw ko kasi sa masyadong hulihan at parang wala akong matututunan pag doon ako nag pwesto.Tapos pag sa may harapan naman eh parang sobrang lapit ko naman na masyado sa board at naduduling lang ako pag ganun.Kaya dito na lang sa gitna. At Least neutral lang sya.Agad din naman na tumabi sa akin sa kabilang upuan si Avril. Nakipag kwentuhan na rin ako dito ng kung ano ano.Hanggang sa napunta ang topic namin sa aming magiging Prof sa subject na ito.Yun nga napag usapan namin kung gaano ito ka terror sa kanyang mga estudyante at kung paano ito mamahiya pag hindi nasasagot ang kanyang mga tinatanong.Kaya nga halos wala ng gusto na maging teacher ito eh. Pero wala pa rin talaga silang magagawa lalo na at overload na ang mga estudyante sa ibang prof na same din lang ang subject na hawak katulad nito.Maya lang ay bigla na lang tumahimik na para bang may dumaang masamang hangin sa kanilang harapan.Nagkatinginan muna kami ni Avril bago dahan dahan na tumingin sa may harapan banda upang tingnan kung sino ang pumasok na yun.Isang parang anghel na bumaba sa lupa ang nasa harapan namin ngayon.Agad naman nitong nilapag sa may table ang kanyang mga dala dala at tinignan kami sa isang napaka seryoso na mukha.Ito na ba ang sinasabi nila na terror na Professor? Parang hindi naman eh. Ang bait bait kasi ng itsura nito na para bang hindi makabasag pinggan ito.Nang balingan ko naman ang aking katabi ay kita ko naman sa mukha nito ang labis niyang paghanga kay Ms. San Gabriel.Mukhang nagkaroon pa ata ito ng crush kay Ma'am.Mga ilang saglit lang ay nagsalita na si Ma'am Jane at nag umpisa na itong mag sulat sa board.Hindi na rin siya nagpakilala pa at hindi na rin ito nag tanong pa ng mga names namin.Basta pinapasa na lang kami ng aming mga index card at nagsimula na itong mag sulat sa board."Ito ang magiging topic natin sa subject ko sa loob ng isang semester. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyo na mag advance reading kayo. Dahil hindi ako ang klase ng tao na mapapakiusapan nyo about sa magiging grades nyo sa akin. Kung nag aral kayong mabuti ay malamang na papasa kayo sa subject kong ito. Pero kung pa easy easy lang kayo at hindi mag aaral ng mabuti eh ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo e drop nyo na ang subject na ito dahil nag papakahirap lang kayong pumasok at hindi rin lang naman kayo makakapasa. Sinasabi ko sa inyo ito ng maaga pa lang para wala ng sisihan pa pagkatapos ng semester na ito at kayo ay bumagsak. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahabang paliwanag nito sa amin bago kami tinignan ng nakataas na ang isang kilay nito.Mukhang tama nga ang sabi sabi about kay Ma'am. Na wala itong pakialam kung bumagsak ka man o hindi.May point din naman kasi ito. Kung di ka nga kasi mag aaral ng mabuti ay babagsak ka nga naman sa subject niya. Pero kung masipag ka at nakikinig sa kanya ay wala nga naman dahilan para e failed ka niya.Yung mga tamad lang mag aral ang natatakot na mag enroll sa kanya. Dahil takot ang mga ito na bumagsak dito.Nang bumaling ulit ako sa aking katabi ay nakatulala pa rin ito kay Ma'am Jane na para bang nag e imagine ng kung ano.Kumikislap pa ang mga mata niya na para bang gandang ganda sa kanyang nakikita. Naku patay na talaga ang nag lason.Please lang Avril kung mahal mo pa ang buhay mo. Huwag mo ng pangarapin pa ang katulad ni Ma'am Jane. Dahil magsisisi ka lang pag ito ang nagustuhan mo. Sa isip isip ko.Maya lang ay nagsalita na ulit si Ma'am. "Sa next meeting nga pala natin ay may oral recitation kayo about sa next topic natin. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyo na mag advance reading na kayo para di kayo tatanga tanga pag nag tanong ako sa inyo. Nag kakaintindihan ba tayo!?" Malakas na sigaw nito sa amin.Kung kanina ay may authority lang na nagsasalita ito. Pero ngayon ay para na siyang mag bubuga ng apoy dahil hindi kami nagsasalita kanina pa. Naka tanga lang kasi kami sa kanya eh.Sino ba kasi ang nasa matinong pag iisip pa ang magsasalita at salungatin ito kung ganito naman kasi siya.Nag "yes Ma'am" na lang kami dito upang hindi na ito magalit sa amin. Ano ba yan first day of classes pa lang galit na ito kaagad.Napairap naman ito sabay ikot ng kanyang mga mata ng marinig ang pagsagot namin sa kanya.Maya lang ay nagpaalam na si Ma'am at nag mamadali na rin itong umalis sa room namin.Habol na lang ng tanaw ang aming nagawa dito at ng makalabas na ito ng tuluyan sa room ay siya namang pag buga namin ng aming mga hininga na para bang nakahinga na kami ng maayos ngayon.At itong katabi ko. Ayon ang laki ng ngiti. Hays isa ring may sapak ata sa utak ang isang ito eh.StephanieOn the way na kami ngayon ni Samantha papunta sa bahay nila Avril. Kalalabas lang kasi nito ng hospital kung saan ay na baril ito. Yun palang time na hindi ko na ito ma contact ay na kidnap pala ito. Mabuti na nga lang at buhay ito kahit na ang dami nitong tama. Sakto naman na nasa Netherlands kami ni Samantha noon ng mag paramdam na nga ito sa akin na nasa hospital nga daw ito kasi nga na kidnap siya. Kaya nga ngayon ko pa lang ito makikita paano naman ay pinigilan ako nito na pumasyal sa kanya sa hospital. Nakaka video call ko lang siya. Hindi ko nga malaman dito kung bakit ayaw niya na sabihin sa akin kung saan na hospital ito naka confined e. Di ko naman na siya pinilit pa. Hindi ko tuloy masabi din sa kanya na may asawa na ako at ito nga ay kasama ko na ngayon upang personal na ipakilala sa kanya. Sana lang ay huwag silang mag away na dalawa. hahahaNakarating na kami sa bahay ng mga ito at mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila. Mukhang may mga tao na rin pa
SamanthaKatatapos lang ng kasal namin ni Stephanie at nandito nga kami sa pag aari nilang bahay dito sa Netherlands kung saan kami ikinasal nito. Kinakabahan ako syempre first night namin ito as a married couple, Pero mas lamang na excited ako kasi naman my god matagal ko ng hinihintay na mag initiate si Stephanie na may mangyari sa amin noon pa lang na mag jowa pa kami nito pero hanggang kiss lang ang ginagawa nito kahit na puro pang aakit na nga ang ginagawa ko sa kanya. Nag tapat din ito sa akin nung gabi ng first daye namin na isa daw siyang intersex at ok lang naman sa akin yun. Mas mahal ko siya at lahat ng yun ay kaya kong tanggapin at nasabi din niya sa akin na kaya daw niya akong ma buntis kaya naman mas lalong maganda kasi hindi na namin kailangan pa na mag pa IVF. Kanina pa din ako tapos maligo at itong si Stephanie ay kanina ko pa rin hinihintay na matapos siya sa kanyang pag ligo. Mukhang wala na yata itong plano pang lumabas ah. Paubos na rin ang wine na kanina ko p
StephanieNasa hapag kainan na kami at magkatabi kami ngayon ni Samantha. Sa totoo lang ay hindi pa naman niya ako formal na naipapakilala sa parents nito. At hindi ko din alam kung girlfriend ko na ba ito ulit. Wala din kasi kaming napag usapan sa bagay na yan e. Ang buong akala ko nga ay ngayon nito ma e explain sa akin ang lahat. Hindi ko naman alam na mas uunahin pala nito na ipakilala ako sa kanyang mga magulang. Masaya ako sa totoo lang. Kasi ibang level na kasi yung makilala mo ang magulang ng mahal mo. Pero parang ang bilis naman kasi sa totoo lang talaga. Hayst bahala na nga si Samantha sa mga trip niyang yan. Kung ito ang gusto niya why not naman diba. Maya lang ay nag salita na ang parents ni Samantha. "Ano ang balak nyo ngayon ni Stephanie anak?" tanong ni Tita. "Yun nga Mom balak ko sana na ipakilala ngayon ang girlfriend ko pero mukhang kilala nyo naman na at naguguluhan lang kami ni Stephanie po. Ano po ang ginagawa ng parents niya dito at bakit parang matagal nyo n
StephanieNandito na ako sa condo ni Samantha at halos hindi ako makahinga ng makita ko ang itsura nito kanina pag bukas niya ng pinto. Bakit ba napaka ganda ng babae na ito? Hayst napapa sana all na lang talaga ako . Halos hindi ko naman malayo ang tingin ko sa kanya na ngayon ay sure ko na nag e star pa. Habang ito naman ay todo ang ngiti sa akin at alam ko na inaakit na naman ako nito. Hindi naman na niya kailangan na akitin pa ako kasi akit na akit na talaga ako sa kanya. Baka hindi kami matuloy sa date namin kapag hindi la rin siya tumigil s ginagawa niyang yan sa akin. "Hindi pa ba tayo aalis Samantha?" tanong ko naman dito. Gusto ko lang e divert ang attention ko sa ibang bagay. Baka kasi hindi na ako makapag pigil pa e. "Bakit excited kana ba hmmm sa date natin?" naka ngisi naman na sagot nito sa akin. Hayst bakit ba ganito na naman po siya? parang sinapian ng kalandian sa katawan niya ngayon. "Medyo lang naman." alanganin na sagot ko naman dito. Nakita ko na lang na na
StephanieUwian na. Balak pa sana na ihatid ako pauwe ni Samantha pero di na ako pumayag pa. Kailangan din na mag pahinga nito at saka dyahe naman kung ako pa ang ihahatid niya. Payag pa ako kung ako ang mag hahatid sa kanya sa condo niya. Mabuti na lang at hindi na ito nag pumilit pa at sinabi ko na kailangan na mag beauty rest namin pareho para sa date namin mamaya. Mabuti na nga lang at pumayag ito eh. Nang makarating na ako sa bahay ay agad na akong dumiritso sa kwarto ko at gusto ko ng ihiga ang aking katawan. Tsaka gusto ko na makapag pahinga ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin namin mamaya no Samantha. Siya kasi ang nag aaya ng date kaya siya ang nakakaalam kung ano ba ang gagawin namin. Nag pa akyat na lang ako ng meryenda kay Manang at gaya ng dati yung favorite na pansit canton with egg ang ni request ko na meryenda. Medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakakakain nito e. Nag text na rin ako dito na naka uwe na ako sa bahay. Alam kong nag da drive pa ri
StephanieKanina pa nakaalis si Samantha at kanina pa rin panay ang tinginan sa akin ng mga classmates ko. Alam ko na gusto na akong lapitan ng mga ito at mag tanong kaya lang wala makapag lakas ng loob. Sa sagutin ko naman lahat ng tanong nila sa akin e.Pero nag tataka din ako kasi hanggang ngayon ay wala pa din si Avril. Naka ilang message na ako dito pero hindi pa rin siya nag re reply sa akin. Maging sa messenger ay nag message na rin ako sa kanya pero di pa niya ito na re read. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari dito. Mula pa ito kahapon nung mag uwian na. Hindi na rin ito nag message sa akin. Medyo kinakabahan na rin ako sa tao na yun.Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Ms. Jane siya kasi ang first subject namin ngayon e. Pero mukhang hindi rin ito papasok. Kasi never naman na late ang isang yun eh Hanggang sa natapos ang first period namin na walang Avril at Ms. Jane ang dumating. Wala din naman sinabi kung bakit wala ito. Hanggang sa mag lunch ay wala pa rin akong