Paano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang mag bago. Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka palang ipakasal ng parents mo sa anak nang kasosyo nila sa negosyo. Paano kung malaman mo rin na hindi lang sya basta babae kung hindi isa mo rin siyang Professor? At hindi lang basta Professor mo ito kundi isang dyosang Professor na kinakatakutan sa inyong school. Paano kung isang araw magising kanalang na mahal mo na ito? Makaya mo kayang balikuin ang isang Ms. Jane San Gabriel na ubod ng maldita at para sa iyo ay anak ni Lucifer?
View MoreAvril"Mommy si Mama po kanina sa grocery may nginitian na magandang babae po doon." Dinig kong sumbong agad ng anak ko kay babe pagdating pa lang namin dito sa bahay pagkagaling namin mag groceries."Tapos po kinausap pa po sya kanina. Dinig ko nga rin na kinukuha yung cellphone number ni Mama." Dagdag pang sumbong nito kay babe. Bigla naman akong kinabahan at namutla sa mga pinag sasabi ng magaling at sumbungera kong anak sa dragon niyang ina. Patay ako nito. Ginantihan ko lang naman ng ngiti yung babae kanina. Alangan naman kasi na isnabin o kaya ay simangutan ko ito diba. Naging friendly lang naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari. At ano raw binigay ko ung cp number ko doon. Hello di ko gawain yun no at saka mahal ko ang asawa at mga anak ko para lang ipagpalit sa babae. Tsaka dyosa kaya na may lahing dragon ang asawa ko kaya bakit pa ako maghahanap ng maganda lang. Dahan dahan naman na pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naramdaman ko na lang ang pag
AvrilNakalabas na ako sa hispital. Halos 2 weeks din na hindi ako naka pasok. Mabuti na nga lang at may program sa school kaya naman halos wala din kaming pasok nun. Nandito na ako sa room namin ng first subject. Kanina pa ako maagang dumating. Sabay nga pala kaming pumasok ni Babe. Ito ngayon ang nag drive ng kotse ko. Yun na lang daw ang gamitin namin kaya pumayag na kaagad ako. Ayaw kasi nito na mag gagalaw na muna ako. Kung maaarin nga ay ayaw pa nitong pumasok ako ngayon eh. Pero hindi naman pwede yun dahil baka mag failed na ako sa mga subject ko dahil sa absent ko. At bumaba na naman ang grades ko nito malamang. Hindi na muna ako tumambay sa office ni Babe kasi nga ay nandoon ngayon si Dean at kausap ito. Nag tataka daw kasi ito at ilang linggo rin kasing hindi ito pumasok. Tsaka nag sabi oala dito si Babe na mag re resign na siya nung hindi pa ako nagigising. Napag usapan naman namin ang bagay na yun at sinabi ko dito na hindi nito kailangan na mag resign kasi naiintindih
AvrilNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang lalamunan ko parang ilang linggo ako na hindi uminom. Gusto ko sana na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Para bang bigat na bigat ito na halos hindi ko maigalaw pa. Kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang igalaw ang aking mga kamay. Pero parang mabigat din ito. Mag sasalita na lang sana ako pero parang ungol lang ang lumabas doon. Maya lang ay bigla na lang ako nakarinig ng parang mga nag uusap sa tabi ko. Base sa mga boses ng mga ito ay si Jane at ang kanyang mga kaibigan ang mga yon. "Ano naman kaya ang ginagawa nila sa kwarto namin ni Jane?" tanong ko sa isip ko. Nag try ulit ako na mag salita para pukawin ang presensya ni Jane. Pero ungol lang ulit ang lumabas sa aking bibig. Maya lang ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Alam ko na kung sino ito. "Babe gising kanaba? Babe!?" pakikipag usap sa akin ni Jane. Gusto ko sana itong sagutin pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. "Gi
JaneHalos mahigit isang araw ng tulog si Avril. Mula kasi ng maoperahan ito ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman todo ang kaba na aking nararamdaman. May ilang beses din na nag flat line ito kaya nga hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon. Kaya naman mukha na akong bumabatak sa itsura ko. Nakiusap na rin ang aking mga magulang na kung maari ay mag pahinga naman daw ako at baka ako naman ang magkasakit. Pero hindi ako pumayag. Paano na lang kung magising si Avril tapos hindi ako ang mamulatan nito. Ano na lang ang iisipin nya. Tsaka gusto ko na nasa tabi lang ako ng asawa ko. Mag papahinga lang ako pag na sure ko na na okay na okay na siya at pag nagising na rin ito. Baka daw kasi dahil sa pag kaka bugbog nito at palo sa kanyang ulo ay magka internal hemorrhage ito. Na sana huwag naman po mangyari. Hindi na rin ako masyado na kumakain. Siguro nag subo lang ako kanina ng mga 3 kotsara dahil wala talaga ako sa mood at walang lasa oara sa akin ang kinakain ko. Kung hindi ng
JaneKanina pa ako hindi mapakali dito sa pinag tataguan namin. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob upang harapin ang mga dumukot kay Avril. Pero alam ko na mas mapapahamak lang si Avril pag ginawa ko iyon. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na same din lang ang expression ng sa akin na gusto na ngang sumugod lalo na si Tito na kanina pa pinipigilan ni Tita. "Mag hintay na lang po tayo dito Dahil mas makakabuti kung ang mga tauhan ko at mga scout ranger ang pumasok sa loob. Baka maka abala lang tayo sa kanila at sya pang maging dahilan upang mabolilyaso pa ito." Sabi naman sa amin ni Camela. Tama naman din ito baka maka sama lang kami sa diskarte ng mga ito. Nag uusap kasi sila kung paano makakapasok doon ng walang nakakapansin. At nalaman ko na rin kung sino ang mastermind ng kagaguhan na ito. Shit ka Noli hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyari na masama kay Avril. Gagamitin ko ang lahat ng connection pati na rin ang pera ko upang mabulok ka sa bilangguan at mas
AvrilKanina pa ako nag hihintay sa pag dating ng tinatawag nilang boss. Curious din kasi ako kung sino ba ito at bakit parang ang laki naman ng galit nito sa akin. Kahit naman kasi anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin. At saka sobrang nag aalala na ako sa mahal ko. Alam ko na panay na ang iyak nito ngayon. Maisip ko pa lang ang mukha nito na hilam sa luha ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Sana naman okay lang ito. Oo dapat sarili ko ang isipin ko pero kasi hindi ko maiwasang mag alala dito. Ramdam ko rin kasi na alam na ng mga ito na nawawala ako. At alam ko din na nakita na ni Jane ang nangyari sa akin. Malamang na makita naman siguro nito ang sa sakyan ko na naka balagbag lang doon sa may kalsada papasok sa subdivision nito. Yun ay kung hindi kinuha ng mga kidnapper ang kotse ko. Sana naman ay hindi. Taimtim din lang na nag darasal ako na sana ay huwag akong pabayaan ni god. Alam ko na hindi ko pa naga
JanePara akong nauupos na kandila matapos ko mapanood ang video sa dash cam ni Avril. My god ano na ang ginawa nila sa asawa ko. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Sobrang natatakot na ako ngayon para sa kalagayan nito. Kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Lintik lang talaga lalo na yung nakita ko na pag palo nila sa ulo nito. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano kalakas yun paano na lang kung nagkaroon ng internal damage sa utak nito? Hinding hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang nasa likod ng kalokuhan na ito. Kahit para akong nawawalan ng lakas ay pinilit ko ang aking sarili hindi pwede na magpadala ako sa nangyari dapat ngayon pa lang ay mag isip na ako ng paraan. Gumawa na ng pwedeng hakbang at hindi ang mag hintay lang ako dito at sila ang mag manipulate sa akin. Agad kong tinawagan ang aking mga kaibigan. Mas higit kailangan ko ang mga ito dahil alam ko ma matutulungan nila ako sa nangyari na ito. Lalong lalo na itong si Camela na maraming connection pag da
JaneAlam ko na nag tatampo sa akin si Avril ramdam ko yun kaya lang ay hindi ko pinansin at pinatulan ito dahil ayaw ko na humaba pa ang usapan namin tungkol don at pag simulan pa ng away namin. Pinaka iiwasan ko pa naman na mag away kami. Dahil pag nag simula ng bumuka ang aking bibig ay diri diritso na ito at baka kung ano pa g masasakit na salita ang masabi ko dito tapos pag sisihan ko naman pag ako ay nahimasmasan na. Kaya kung maaari ay ako na lang ang iiwas. Mabuti na nga lang at hindi naman na ito nangulit pa. Hayst Hindi naman kasi ito nag iisip eh. Kung ano ang gusto yun na lang. May asawa ito kaya dapat isa alang alang din nito ang nararamdaman ko. Oo gusto ko na rin naman na ipag malaki siya at yung hindi kami nag tatago na dalawa. Pero kasi hindi pa nga ito tapos sa kanyang pag aaral. Okay lang sana kung hindi ako doon nag tuturo wala naman sanang problema yun. Tsaka anong gagawin ko kung halimbawa man na tumigil na ako sa pag tuturo? Nandito na lang ako sa bahay? Mag h
AvrilKatatapos lang ng last subject ko sa hapon at ngayon nga ay nandito na ako sa may parking lot at balak ko ng umuwe na. Mas mauuna ako kay Jane dahil may isang subject pa ito ngayong araw na ito. Tsaka nag usap na rin kami na hindi ko na siya hihintayin pa. Sumangayon na lang ako dito at gusto ko na rin naman ng mauna ng makauwe. Kanina pa kasi kaiba ng pakiramdam ko kaya gusto ko na pansamantala ay umidlip muna. Nakasakay na ako ngayon sa aking kotse at binabagtas na ang kahabaan ng highway. Mabuti na nga lang at hindi naman ma traffic kaya tingin ko ay mabilis lang akong makakauwe nito. Paliko na sana ako sa may kanto ng subdivision ng bigla na lang may humarang sa kotse ko na mga armado na mga kalalakihan. Kung bibilangin ko siguro sila ay mga nasa apat ang mga ito na ngayon nga ay nakatutok dito sa sasakyan ko ang kanilang mga dalang baril. Mabilis naman na hininto ko ang aking kotse at kinakabahan na binuksan ko na lang ang aking kotse. Wala din lang naman akong laban p
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments