Share

Ms. Homophobic
Ms. Homophobic
Author: imnotpsychopath

Prologue

Pagpasok ko sa comfort room ay may bigla na lang humila sa akin sabay sandal sa pintuan ng cr na pinasukan ko.

Isang magandang mukha ni Ms. Samantha ang aking nakita na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa akin na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya.

"Bakit kausap mo ang malanding iyon ha!!? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pwede mong kausapin ang mga babae dito sa school ha!!!?" Galit na galit na tanong nito sa akin.

Medyo nanginginig pa ang kamay nito na ngayon ay siyang mahigpit na nakakapit sa kwelyo ng aking damit.

Habang ang isa naman niyang kamay ay naka kuyom na para bang handa ng manapak magkamali lang ako ng sagot sa kanya

"Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na ako lang ang pwedeng kumausap sa iyo. Minsan pa talaga Stephanie sinasabi ko sa iyo." Ang nasabi niya ng di pa rin ako umiimik dito.

Naguguluhan kasi ako sa kanya. Bakit hindi ako pwede kumausap ng iba? Tsaka ano yon di na ako pwede na makipag friend pa dito sa campus. Tamang aral lang ang gagawin ko?

Tsaka sobrang natataka ako dito kay Ms. Samantha. Ano ba kasi ang ikinagagalit at pakialam nito kung magkaroon man ako ng mga kaibigan?

Bakit siya lang ba ang pwede kong kausapin? Siya kaya ang nag sabi sa akin na huwag ko siyang kakausapin kahit minsan at nag iinit ang ulo nito sa akin lalo na pag nakikita ako nito.

Maya lang ay umalis na ito sa aking harapan at tuloy tuloy ng lumabas sa cr.

Naiwan naman ako sa loob ng cr na naguguluhan na sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status