Share

Chapter 03 - Gray eyes

Chapter 03 - Must have been the wind

Solene

Nakuha ko na ngayon ang sahod ko kaya sumugod na kami ni Ethienne sa supermarket para naman may makain pa ako at hindi mamatay sa gutom.

Matipid na matipid ako pag-dating sa mga bagay-bagay. Tuwing nakukuha ko ang sahod, lagi kong inuuna ang mga kailangan. Hindi ako basta-basta nag-wawaldas ng pera lalong-lalo sa mga hindi naman kailangan. Ang hirap kaya mag-trabaho.

Gusto kong makapag-pundar ng sariling bahay at mag-karoon ng sariling negosyo na mag-tataguyod sa sarili ko. Sa panahon ngayon, mahirap makakuha ng pera kaya todo kayod ako maitaguyod lamang ang sarili sa sariling sikap.

Nag-alok kanina na kumain si Ethienne sa isang fast food. Hindi naman ako nakatanggi dahil bihira lang naman kami mag-kita, madalas pa kaming abala sa trabaho.

"Eto pa teh oh. Kunin mo na to masarap 'to," saad niya habang nakangisi. Ang takaw niya talaga eh 'noh? puro pag-kain ang nasa utak.

Napakamot ako sa batok dahil kung makapag-turo siya ay parang siya ang mag gogrocery. napailing na lang ako. Hay, hayaan mo na siya solene ganyan talaga kapag patay-gutom. Bukod sa minsang pagiging gastusera niya, mahilig din siyang kumain kaya pag-nasa apartment ko siya, lagi yang nag-babaon ng pagkain. Kung minsan kapag nababagot, pag-kain lang ang katapat niya. Ganoon siya katakaw.

Nag-tataka nga ako dahil sa lakas niyang kumain, hindi siya lumulobo. Para pa din siyang tangkay hanggang ngayon, pareho kami. ako kasi, hindi sanay na madami ang kinakain.

"Tama na ito baka kulangan ako ng pera. Nakabudget na kasi ang pera ko. Sapat lang ang dala ko ngayon para sa pang grocery,"  mahinang sambit ko habang nakatingin sa listahan ng mga bibilhin ko.

Napansin ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. Alam kong aangal na naman ang isang 'to.

"Tignan mo nga ang laman ng cart mo. Wow, ang dami teh, ang dami! kaya ang payat-payat mo dahil tinitipid mo ang sarili mo. Hindi yan sasapat sayo sigurado ako."  Nag-salubong ang kilay niya.

Natigilan ako saglit at napatingin sa laman ng cart ko. Tama nga siya, mukhang hindi ata ito sasapat sa 'kin pero mas nanaig pa rin talaga ang pagiging matipidin ko.

"Jusko pwede na yan. Ang mahalaga nakakakain pa naman ako," hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko.

"Alam mo Solene, hindi masama ang mag-laan ng pera para sa sarili mo. Huwag mo naman sanang tipidin ang sarili mo okay? Ayaw kong mag-kasakit ka dahil lang sa kaunti ang mga kinakain mo," Sabi niya.

Sinalubong ko ang seryosong mga tingin niya at tila kinain na ako ng kaba. Grabe pa naman 'to magalit mukhang tigreng mangangain ng buhay na tao kahit anong oras. Masama ba ang mag-tipid? gusto ko lang mag-ipon eh.

Ayos lang ako kahit hindi makakain ng masarap basta ang mahalaga nakakakain ako ng tatlo o dalawang beses sa isang araw at isa pa, sanay na akong magutom.

"Dagdagan mo lang nitong slice bread. Eto pa, isa pa ito oh, lagay mo na dyan. Huwag nang tumanggi ako na mag-babayad niyan."

Nag-alinlangan pa akong tanggapin iyon dahil kahit na kaibigan ko siya, nakakahiya pa din. Ano na lang sasabihin sa 'kin ng mga magulang niya, ni Nanay Emer? na pera lang ang habol ko sa anak niya?

"Huwag na Ethienne," tipid na sambit ko at sinalubong ang kakaibang tingin niya. Kulang na lang ata sumpain niya ako sa sama ng tingin niya sa 'kin. jusko!

"Alam mo ghorl, sarap mong sakalin eh. Sabi nang wag tumanggi. Kakalbuhin kita pag hindi mo 'yan tinaggap. Parang hindi tayo mag=kaibigan ah?" Ngumiti na lamang ako at niyakap siya.

Masaya ako na may kaibigan akong tulad niya.

"Kaibigan ba talaga kita? totoo ba yan?" Natigilan siya kaya natawa naman ako.

"Aba't syempre. Anong akala mo sakin plastik? kung plastik ako edi sana matagal na akong tinangay ng hangin papunta sa ibang taong plastik para makipag-plastikan. Ay pota friendship goals ang peg?" Bigla siyang nag hairflip sa harap ko. May nalalaman pa siyang pa hairfpli-hairflip eh.

Nag-papasalamat ako dahil tuwing may kailangan man ako o wala palagi siyang nasa tabi ko at sinusuportahan ako sa lahat ng bagay. Si Ethienne na lang at ang pamilya niya ang itinuturing kong pamilya ko.

Habang nag-lalakad kami, biglang nabunggo ang cart na tulak-tulak namin sa isa pang cart.

"Look where you're going woman."  Napatingin ako sa nag-salita at nakipagtitigan sa pamilyar niyang mga mata. Siya yung lalaking may kaalitan na babae sa labas ng hotel at parang nakita ko na siya dati hindi ko lang maalala.

Isang pares ng abong mga mata...

"Wow kami pa 'tong nakakainis? Eh ikaw na nga itong naka bangga," sarkastikong sambit ni Ethienne kaya naman gumuhit ang inis sa mukha nito. Palaban pa naman ang kasama ko, ayaw mag-patalo.

"Tama na. Hayaan mo na." Saway ko dahil mukhang walang balak tumigil. Ayaw mag-patalo, talagang palaban ang loka.

"Pasenya na Sir." Magalang na humingi na lamang ako ng paumanhin. Ako na kasi ang nahihiya kay Ethienne.

"What's happening here, Hyde?"  Biglang sumulpot ang babaeng naka-suot ng itim na turtle neck. Ang suot nitong kuwintas ay kumikinang at ang hawak niyang LV na bag ay halatang mamahalin.

Halos lahat ng suot niya ay sumisigaw ng karangyaan, mag-mula ulo hanggang paa.

"Binangga niya po ang cart namin tapos kami pa daw yung nakakainis," Sumbong naman ng loka. Ang ilang mga tao ay napapatingin na lang sa gawi namin. Alintana ito sa kausap na 'min ngayon samantalang hiyang-hiya na ako.

"Hyde, apologize," utos ng Ina nito kaya napa-busangot ito. Pansin ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

"Really? you're telling me to apologize to them?" pabalang na sagot nito. Ganyan pala siya makipag-usap sa ina niya. Ginalang niya man lang sana dahil pag-nawala ang nanay niya baka mag-sisi siya sa huli.

"Aba bastos na nga tapos ganyan pa makipag-usap." Parinig ni Ethienne sabay irap sa hangin. Sigurado akong napansin iyon ng lalaki kaya naman ganun na lang ang itsura niya.

Nag-kibit balikat na lamang ang gaga. Kahit kailan talaga hindi ito mag-papatalo mapa sabunutan man yan o sapakan go lang, walang atrasan. Pinanalakihan ko siya ng mata dahil ako ang nahihiya sa inaaasta niya sa harap nila.

"May sinasabi ka?" tanong nito kay Ethienne

Mag-kasalubong na ang kilay nito at tila handa nang mangain ng tao sa kahit na anumang oras. Nagawa niya pang mag-tanong kahit na alam niya na siya ang pinaparinggan nitong magaling kong kaibigan.

"You can go. Ako na ang bahala dito." Tipid na nginitian kami ng Ina nito kaya nginitian rin namin ng pabalik para hindi kami mag-mukhang bastos.

"Sige po. Mauna na po kami Ma'am, " Ako na mismo ang namalaam dahil walang balak ata tumigil ang loka sa pakikipag-asaran sa lalaking iyon.

Ano kayang nakain ng isang to at ang tapang-tapang?

Bago pa kami tuluyang makalayo sa mag-ina, nakita kong lumingon pa si Ethienne at bumelat pa sa lalaki.

"Hinayaan mo na sana hindi naman sinasadya. Ayon, nag-karoon pa tuloy ng alitan kanina. " Nakakunot ang noo na binalingan niya ako ng tingin at hindi na din maipinta ang mukha nito.

May nasabi ba akong mali?

"Alangan naman na pabayaan kong ganun-ganunin nalang tayo nung lalaking 'yon. Nakakainis ang sama ng ugali, sarap sipain!" Nag-papadyak na sambit niya. Kawawa naman yung sahig, napag-bubuntungan ng galit.

"Wala tayong magagawa ganon na ata 'yun." Nabigla ako ng bigla niyang hawakan kamay ko. Problema neto?

"Alam mo teh, ipag-laban mo din ang sarili mo minsan. Huwag kang mag-papaapi hindi yung puro ka na lang pag-papasensya. Aabusuhin ka nila kapag ganyan ka."

Natahimik ako. Mukhang hindi na siya nakapag pigil pa. Ayaw ko lang naman kasi ng gulo kaya hangga't maari ay ako na mismo ang umiiiwas.

Hindi ako sanay na makipag-away. Hindi namin namalayan na kami na pala ang susunod na mag-babayad sa counter kaya nag-labas na ako ng pera ganun din si Ethienne.

"Tandaan mo ang mga sinasabi ko sa 'yo, para na rin ito sa ikabubuti mo. Mahalaga ka sa 'kin kaya ayokong nakikita kitang inaapi at nasasaktan dahil pati ako masasaktan 'din." Napangiti na lang ako.

Ang sarap talaga mag-karoon ng kaibigang kagaya niya. Maswerte ako sakanya kahit na walang preno minsan ang bunganga niya.

"Salamat," mahina lang iyon pero sapat na para marinig niya

- - - - - - - - 

"What happened?" Napapantastikuhang tanong ni Gaius sa empleyado niyang biglang sumulpot sa opisina niya.

"Sir, may nag-kakagulo po sa labas!" awtomatikong kumunot ang noo niya.

"Si Solene po." When he heard her name, he quickly left his office then rushed outside. Naabutan niyang sinisigawan si Solene ng isa sa customer ng Third fractio. Solene's shirt has a stain, mukhang natapunan ito ng ketchup.

"Pasensya na ho Ma'am pero iyan po talaga ang inorder ninyo kanina at sinisiguro po naming malinis ang siniserve na 'min."

Dinig niyang sambit ng dalaga na pilit na kinakausap ng maayos ang nag-rereklamong customer pero mukhang ayaw nitong madala sa mahinahong usapan.

"I need to talk to your manager now!" sigaw dito ng babae.

"The manager is not available right at the moment," saad ni Gaius. nakakunot namang napatingin sa kanya ang babae at tinaasan siya ng kilay.

"S-sir." Nagulat si Solene sa biglaang pag-sulpot ng amo.

"I can handle this," mariin niyang sabi.

"And who the hell are you Mr.?" mataray na tanong ng babae kay Gaius.

"I'm the owner of this pizza parlor and it is my right to know what is happening right here." Napatingin ang iilang mga kumakain doon dahil sa maotoridad at baritonong boses ni Gaius.

Napapitlag ang babae sa bosses ni Gaius. Kahit nga mismo si Solene hindi gugustuhing makitang galit ang amo niya dahil nakakatakot ito. Napangisi ang babae pero agad na napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha nito.

"I just ordered two bunch of burgers. Ang sabi ko ay mustard lang ang ilagay but look at our burger, ketchup ang nilagay nila eh I'm allergic to ketchup saka may ipis pa ang sinerve sa 'kin, are you trying to make me go to the darn hospital?" mataray na reklamo nito kaya napapikit na lamang si Gaius sa inis.

Alam niya malinis ang isiniserve nila at hindi nila ugaling mandaya ng tao. Kinukutuban si Solene sa mga ikinikilos ng babae dahil halata namang ang mga pinag-sasabi nito ay pawang walang katotohanan.

"First of all, you don't have the right to shout at my workers and for your information, Miss, sinisigurado na 'ming malinis ang isiniserve naming mga foods dito at hindi kami nandadaya but did you really ordered a burger with mustard?"

Kapansin-pansin na natigilan ang babae at nag-iwas ng tingin.

"Where's the receipt ?" tanong niya kay Solene at agad naman itong inilahad ng sa kanya ng dalaga.

Masusing sinuri niya ang mga nakasulat sa resibo at ng makita niyang ang nakalagay doong order ay dalawang burger with ketchup ay agad na nag-dilim ang mukha niya.

"Niloloko mo ba kami Miss? why are you trying to make a scene in here? malinaw na malinaw na ang nakalagay ditong order ninyo ay dalawang burger with ketchup not burger with mustard."

Kinuha ni Gaius ang kutsara at sinimulan halukayin ang nasabing burger na may ipis. Laking gulat na lang ng mga tao doon ng hawakan ito ni Gaius at masusing sinuri iyon.

"It's fake. It's not a real cockroach."  Matalim na tinignan nito ang babae na kung kanina ay ang tapang-tapang pero tahimik na lang at naka-yuko.

"Tell me, Miss, what's your plan? are you trying to ruin the name of this pizza parlor?" Napaawang ang bibig ng babae at mukhang nataranta.

"W-wala, let's go Renei." Mabilis na tumayo ang dalawang babae pero bago pa man ito tuluyang makaalis, hinawakan ni Gaius ang braso nito.

"Don't ever comeback here, hindi niyo gugustuhin ang mangyayari sainyo pag-nakita ko pa kayo dito." Nag-pupumiglas ang babae at halata na ang takot sa mga mata nito.

"L-let go of me!" Tuluyan nang binitiwan ni Gaius ang nanginginig sa takot na babae at halos tumakbo na ito sa pag-mamadali palabas.

"Everyone, sorry to interrupt you. Please continue eating and all of you please go back to work," utos niya sa mga empleyado niya na agad namang sumunod.

"Solene, come with me." Nag-angat ng tingin ang dalaga at tumango.

"Okay po Sir."

"Let's go to my office. Follow me." Nang makarating sila sa opisina nito, hindi maiwasang mamangha ni Solene sa laki nito.

Ang laki nga nito, tatlo hanggang limang kotse ang kakasya doon.

Puno ng mga libro ang isang bookshelf nito. May mga nakasabit na makalumang paintings at iilang picture sa dingding nito, may lampshade din sa gilid ng worktable at meron 'ding malaking sofa na pwede nang higaan ng limang tao.

Meron rin coffe table sa gitna na gawa sa kahoy na tila luma na. Ang ilang mga vase ay halatang matanda na pero mas nangingibabaw pa rin ang ganda nito.

Napaigtad si Solene ng marinig niyang tumikhim ang boss niya.

"Pasensya na po sir. Ngayon lang po kasi ako naka-pasok dito," nahihiyang sambit niya at nanatiling nakatayo.

"Have a seat," tipid na sambit nito.

"Salamat po Sir." Tumango na lamang si Gaius at pinag-masdan ang damit ng dalaga na may mantsa. Hindi niya maiwasang maawa dahil si Solene ang palaging napag-bubuntungan ng galit ng mga customer nila minsan.

"You alright? what happened to your shirt? ang babaeng iyon ba ang may gawa niyan?" Nag alinlangan pa si Solene kung sasabihin pa ba nito dahil maliit na problema lang naman iyon para sa kanya.

"Ayos lang po ito Sir, saka wala lang ho ito. Uuwi din naman ako mamaya." Tinignan siya ng boss niya kaya nailang siya.

"Let me lend you a new one." Mabilis na lumapit ito sa walk in closet nito at nag-halungkat. Hindi na naman maiwasang mamangha ng dalaga sa nakita.

Tila nalula ito sa dami ng mga damit, sapatos, mga bag, mga alahas at iba pang gamit na laman non.

"Huwag na po Sir, ayos lang po talaga ito." Pag-tanggi niya ng iabot sa kanya ang isang malinis na itim na t-shirt.

"Sige na huwag nang tumanggi, baka awayin ka nanaman ng costumer dahil diyan sa suot mo." Napilitang kinuha nito ang damit.

Hindi ko akalaing may mga ganitong tao pa rin hanggang ngayon. Walang pinipiling katayuan sa buhay, mapa-mayaman man o mahirap. Palaging nakabukas ang palad para sa lahat ng mga nangangailangan.

"Go to the left. The bathroom is there."  Nang makarating siya sa cr, namangha na naman siya sa laki nito. Amoy lalaki ang cr at kumpleto din ang gamit.

Nang makalabas siya ng banyo, nagulat siya dahil nandoon si Gaius na tila nag-aabang sa pag-labas niya.

"Did I scare you?" tanong nito kaya sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ng dalaga.

"Hindi po sir," tipid na sagot niya. Nakarinig sila ng kalabog mula sa pinto.

"Who's there?" tanong ni Gaius.

"Where are you bud? it's Phoenix and Hyde"

Pag-dating nila sa may sa sala ng opisina ni Gaius, naabutan nilang komportableng nakaupo doon si Hyde habang nag-hahalungkat naman ng wine si Phoenix sa mini bar counter ng opisina.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Gaius sa dalawang kaibigan.

"Chill pre, mambuburaot lang sana kaso mukhang busy ka," makahulugang sambit ni Phoenix at pinalipat-lipat ang tingin kay Gaius at Solene, ganun na din si Hyde. Lumapit siya sa kanila na nag palipat-lipat din ang tingin sakanilang dalawa ni Solene.

Biglang kumabog ang didbdib ng dalaga sa hindi malamang dahilan.

"Sige Sir balik na po ako sa trabaho. Salamat dito, iuuwi ko na lang bukas."  Binigyan niya ng tipid na ngiti ang amo. Paalis na sana siya ng biglang mag-salita si Hyde.

Nang mag-tama ang tingin nina Solene at Hyde, unang nag-iwas ng tingin ang dalaga. Nahihiya siya at pakiramdam niyang wala siyang karapatang tumingin sa mga mata ng binata.

"Tell your fucking friend that I'm going to kill her if I ever meet her again." Napakunot ang noo na lamang ang dalaga at maayos na nag-paalam sakanilang mag-kakaibigan.

Anong ibig niyang sabihin?

                                                           _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status