Must have been the wind

Must have been the wind

last updateTerakhir Diperbarui : 2021-09-18
Oleh:  NostxlgicxxTamat
Bahasa: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
55Bab
2.4KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Solene severe finizy priemmo is an ordinary woman. Isang ordinaryong babae na naniniwalang mag-mula nang mamulat siya sa mundo, puro kamalasan lamang ang nagaganap sa buhay niya. Ang miserableng buhay niya ay mas lumala pa ng tumira siya sa tiyahin. Not until realization hits her, she needs to live with her own and no one can dictate what she needs to do. Ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para mag-tagpo ang mga landas nila ng lalaking may kulay abong mata na tila humihigop sa kanya kapag sila'y nag-kakatitigan. She met Hyde amoushe strovinstell. A multibillionaire heir and the CEO of Riotte Strovinstell, a well-known and successful five-star hotel chain throughout Asia, Europe, and the United States. Natuto siyang lumaban at higit sa lahat natuto siyang muling mag-mahal at buksan ang sarili para sa mga bagay-bagay. Not ever since when her cruel past has been spilled little by little, everything went lost in its place. She desperately desired to flee but she knew she couldn't... P.S. I do not own the pic. Credits to the owner of the pic used in book cover : )

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

Must have been the wind

𝚍𝚒𝚜𝚌𝚕𝚊𝚒𝚖𝚎𝚛  ▌│█║▌║▌║

𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚠𝚘𝚛𝚔 𝚘𝚏 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗. 𝚄𝚗𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛𝚠𝚒𝚜𝚎 𝚒𝚗𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍, 𝚊𝚕𝚕 𝚝𝚑𝚎 𝚗𝚊𝚖𝚎𝚜, 𝚌𝚑𝚊𝚛𝚊𝚌𝚝𝚎𝚛𝚜, 𝚋𝚞𝚜𝚒𝚗𝚎𝚜𝚜𝚎𝚜, 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎𝚜, 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚒𝚗𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚒𝚗 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚊𝚛𝚎 𝚎𝚒𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚙𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚝 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚎 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛𝚜 𝚒𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚘𝚛 𝚞𝚜𝚎𝚍 𝚒𝚗 𝚊 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚝𝚒𝚘𝚞𝚜 𝚖𝚊𝚗𝚗𝚎𝚛. 𝙰𝚗𝚢 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚖𝚋𝚕𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚝𝚘 𝚊𝚌𝚝𝚞𝚊𝚕 𝚙𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚜, 𝚕𝚒𝚟𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚛 𝚍𝚎𝚊𝚍, 𝚘𝚛 𝚊𝚌𝚝𝚞𝚊𝚕 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚒𝚜 𝚙𝚞𝚛𝚎𝚕𝚢 𝚌𝚘𝚒𝚗𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕

𝚊𝚕𝚕 𝚛𝚒𝚐𝚑𝚝'𝚜 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚛𝚟𝚎𝚍   ▌│█║▌║▌║

𝙽𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚝 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢  𝚖𝚊𝚢 𝚋𝚎 𝚛𝚎𝚙𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚎𝚍, 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚖𝚒𝚝𝚝𝚎𝚍 𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚢 𝚏𝚘𝚛𝚖 𝚘𝚛 𝚋𝚢 𝚊𝚗𝚢 𝚖𝚎𝚊𝚗𝚜, 𝚙𝚑𝚘𝚝𝚘𝚌𝚘𝚙𝚢𝚒𝚗𝚐, 𝚛𝚎𝚌𝚘𝚛𝚍𝚒𝚗𝚐, 𝚘𝚛 𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛𝚠𝚒𝚜𝚎, 𝚠𝚒𝚝𝚑𝚘𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎 𝚙𝚛𝚒𝚘𝚛 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚝𝚎𝚗 𝚙𝚎𝚛𝚖𝚒𝚜𝚜𝚒𝚘𝚗 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚎 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛

Author's note:

This story contains typographical errors, wrong grammars, profanities, disturbing scenes which is not preferable for young readers. if you don't want any of this then I should recommend that you must skip those parts or proceed to the next story. please bear with me, I'm not a pro and still trying to learn little by little. all of the things mentioned in this story is purely fictional

- — — - — - — - — -

She tried to forget the past, but it continuously haunts her.

Ang nakaraan na sinubukan niyang ibaon sa hukay at kalimutan pero hindi siya nito tinantanan.

She worked hard para makaahon sa buhay. Kinaya niya ang lahat, matakasan lang ang nakaraang nag-pahirap sa kanya pero kahit na anong pag-tatago at pag-takas niya sa mga ito, paulit-ulit siya nitong binabalik-balikan.

Ginusto na lang niyang mawala pero nag-karoon pa rin siya ng pag-asa na lumaban sa kabila ng mga nangyari sakanya.

She met a guy...

A guy with cold gray eyes. She wasn't aware that she was already falling hanggang sa muling gumulo ang magulo na niyang buhay.

Tuluyan na lang ba siyang makukulong sa nakaraan or will she choose to move forward to free from the horrible past?

_ _ _ _ _ _ _

Nakatingin lang ako sa stop lights habang nakatayo sa isang waiting shed. Medyo malakas ang ulan kaya sumilong muna ako saglit.

Madaming mga tao ang nag-mamadaling sumilong dahil karamihan sa kanila ay walang mga dalang panangga ng ulan. Tinignan ko ang mga sapatos kong nabasa na ng ulan na tila iyon ba ang pinaka interesadong bagay sa mundo.

Medyo humihina na ang ulan kaya napag desisyunan ko nang lumakad na. Habang nag-lalakad ako, may natanaw akong poster ng isang shop. Napahinto ako sa pag-lalakad at hindi ko man lang namalayan na nakatitig na pala ako doon sa poster na iyon.

WORLD'S MOST HANDSOME C.E.O.

Hyde Amoushe Strovinstell...

Hindi ko alam kung bakit ako nakatingin sa mismong poster na iyon pero isa lang ang nasa isip ko. Ilang araw kaya akong hindi kakain makabili lang ng ganoong kamahal na damit? Masakit man isipin pero iyon ang totoo at wala akong magagawa. Siguro may bunga din naman ang lahat ng pag-hihirap ko diba?

Biglang bumukas ang sliding door at dumungaw doon ang isang babae na naka-suot ng pormal na damit. Siguro isa siya sa mga empleyado ng shop na ito.

"What can I help you Ma'am?" ani ng Saleslady kaya umiling ako.

"Pasensya na sa abala," saad ko at lumakad na. Ilang minuto din bago ako tuluyang nakauwi sa apartment ko.

Nag-bihis muna ako bago nag-timpla ng kape at naupo sa tapat ng bintana. Pinag-masdan ko lang ang pag-patak ng ulan sa basang kalye. 

Ilang minuto din akong natulala sa tapat ng bintana hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na pigura. Kumunot ang noo ko. Sino kaya iyon?

"Ethienne?"  Umiling ako. Hindi nga siya iyon, siguro namamalikmata lang ako.

Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising dahil masarap ang naging tulog ko kagabi kaya halos habulin ko na ang oras huwag lang malate sa trabaho.

Sa kasamaang palad, naipit pa ang sinasakyan kong jeep sa traffic. Lagot baka mahuli ako!

"Manong dito nalang po!" Inabot ko ang bayad at nag-madaling tumakbo. Nakarating ako sa may pedestrian lane at mabuti na lang dahil naka-hinto ang mga sasakyan.

Nadaanan ko ang isang itim na sports car at napakunot ang noo ko ng makita ang sakay non. Binalewa ko nalamang iyon at lumakad na. Pag-dating ko sa pinag-tatrabahuhan ko gaya ng dati, marami na ang kumakain.

"Solene paki bilisan na please. ang dami nang customer huhu"  agad naman akong tumango at pumasok na staff's room para makapag-palit ng damit pan-trabaho.

"Good morning po! heto na ang order ninyo"  iyon ang naging simula ko sa araw na ito. Kailangang ngumiti para mas ganahan pa ang mga customer na kumain.

Napatingin ako sa orasan. Tapos na ang trabaho ko para sa araw na ito. Namaalam na ako at nag abang na ng jeep sa waiting shed. Dalawang tao lang ang naabutan ko doon dahil mag-aalas nuebe na ng gabi. Nag-overtime kasi ako, asakay na sana ako ng jeep ng may maramdaman akong nakatingin sa 'kin mula sa likod.

Lumingon ako at nagulat ako ng makita ko kung sino iyon.

"Camerone?" Hindi nga ako nag-kamali dahil siya iyon. Nakatingin lang siya sa 'kin at minabuti ko na lang na huwag na siyang kausapin.

Ayoko nang maalala ang nangyari sa 'min dahil tapos na 'yon. Parte na iyon ng nakaraan na hindi na dapat balikan. Sasaktan ko lang ang sarili ko.

_ _ _ _ _ _ _ _

"SOLENEEE!" Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng makarinig ako ng sabay na katok at sigaw mula sa labas.

"Buksan mo nga tong' pinto!"  Kahit na tinatamad pa ako, pinilit kong tumayo dahil baka masira na nga iyon sa lakas ng katok niya.

"Ano ba! Ang aga-aga para kang nag-wawalang dragon diyan eh,"  saad ko at nag-tungo sa sala.

"Eh pano ang bagal mong kumilos! Sabunutan kita dyan kita mo," saad niya na may kasamang pag-irap. Tinulak ko na lang siya papuntang sala para matahimik na ang bibig niya.

Nakakahiya sa kapit-bahay eh.

"Bakit ka naparito?" Tanong ko at humikab. Sa totoo lang, inaantok pa ako. Kung hindi naman ako gigising, sapak ang aabutin ko sa kanya.

"Baka matagal pa tayo mag-kita ulit." Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit?"

"Lilipat ako ng trabaho. Hindi kayang punan ng sweldo ko ang pampaaral at pampakain sa pamilya ko."  Natigilan ako at napatingin sa kanya.

"Dito ka lang," saad ko at bumalik sa kwarto. Hinanap ko ang pakay ko at ng makuha, agad ding bumalik kung nasaan si Ethienne.

"Eto. Idagdag mo na." binigay ko sa kanya 'yung konting perang naitabi ko.

"Gaga. Anong gagawin ko dito? Kaya ko namang mag-trabaho." Binalik niya sa kamay ko 'yung piggy bank ko at umiling.

"Itago mo na lang yan. Pang-mukbang na lang na 'tin balang-araw," loka-lokang sabi niya at nag -peace sign. Akala niya naman kina-cute niya na iyon.

"Hindi na ako mag-tatagal."  Napabuntonghininga ako at ibinalik sa kamay niya iyong piggy bank.

"Solene..." Ngumiti lang ako.

"Sige na tanggapin mo na. Sino pa ba ang mag-tutulungan? Diba tayong dalawa lang naman?" Napangiti siya at napayakap sa 'kin bigla.

"Uy salamat ha. Bawi ako next time pramis." Pinitik ko'yung noo niya at natawa.

"Shuta aray ko ha!"  Natawa na lang ako.

"Pakipot ka pa kasi eh."  Inirapan niya ako.

"Oh siya, aalis na ako. Balik ko na lang 'tong piggy bank mo ah? Thanks, beshie!"  Nag-flying kiss pa siya at umalis na.

Ang sarap niya kasama dahil iba ang trip sa buhay. Minsan, hindi mo alam kung nasapian na ba o nakulam na ang isang iyon. Malala pa naman ang bibig non, talagang 'di uso sa kanya ang salitang 'retreat' o 'back out'

Sabunutan pa man iyan o sapakan aba'y go lang ng go ang loka. Naiinggit nga ako sa kanya minsan dahil kaya niyang mag-labas ng saloobin niya. Hindi tulad ko, masyadong duwag at palaging tinatakasan ang mga pangyayari.

Oo, aaminin ko na duwag ako. Ayaw ko lang ng gulo hangga't maari kasi sawang-sawa na ako sa gulo. Gusto ko lang naman ang mag-karoon ng maayos at tahimik na buhay. Sapat na iyon sa akin.

Dahil hangga't kaya pa, kakayanin pa!

                                                         _ _ _

              

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

Komen

Tidak ada komentar
55 Bab
Prologue
Must have been the wind         𝚍𝚒𝚜𝚌𝚕𝚊𝚒𝚖𝚎𝚛  ▌│█║▌║▌║     𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚠𝚘𝚛𝚔 𝚘𝚏 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗. 𝚄𝚗𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛𝚠𝚒𝚜𝚎 𝚒𝚗𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍, 𝚊𝚕𝚕 𝚝𝚑𝚎 𝚗𝚊𝚖𝚎𝚜, 𝚌𝚑𝚊𝚛𝚊𝚌𝚝𝚎𝚛𝚜, 𝚋𝚞𝚜𝚒𝚗𝚎𝚜𝚜𝚎𝚜, 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎𝚜, 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚒𝚗𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚒𝚗 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚊𝚛𝚎 𝚎𝚒𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚙𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚝 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚎 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛𝚜 𝚒𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚘𝚛 𝚞𝚜𝚎𝚍 𝚒𝚗 𝚊 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚝𝚒𝚘𝚞𝚜 𝚖𝚊𝚗𝚗𝚎𝚛. 𝙰𝚗𝚢 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚖𝚋𝚕𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚝𝚘 𝚊𝚌𝚝𝚞𝚊𝚕 𝚙𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚜, 𝚕𝚒𝚟𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚛 𝚍𝚎𝚊𝚍, 𝚘𝚛 𝚊𝚌𝚝𝚞𝚊𝚕 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚒𝚜 𝚙𝚞𝚛𝚎𝚕𝚢 𝚌𝚘𝚒𝚗𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕       𝚊𝚕𝚕 𝚛𝚒𝚐𝚑𝚝'𝚜 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚛𝚟𝚎𝚍   ▌│█║▌║▌║     𝙽𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚝 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢  𝚖𝚊𝚢 𝚋𝚎 𝚛𝚎𝚙𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚎𝚍, 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚖𝚒𝚝𝚝𝚎𝚍 𝚒
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-11
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status