Share

Chapter 04 - Scar

Chapter 04 - Must have been the wind

Solene

"Ito ang ipapa-kain mo sa 'min? pag-kain ng aso?!" Napaigtad ako ng sigawan ako ni Auntie.

Sardinas na ginisa sa bawang at sibuyas ang tanging naiisip kong lutuin at iyon ang naka hain sa mesa. Wala nang stock dito sa bahay at wala na kong pera na pwedeng ipambili ng ulam. Kinuha na nila ang lahat ng pera ko at pinambisyo lang nila iyon.

Napa tingin ako sa niluto ko. Pag-kain din naman ng tao 'yan, hindi pag-kain ng aso.

Nabigla ako ng binuhos ni Auntie ang niluto ko sa mismong ulo ko. May kung anong bumara sa lalamunan ko at pilit ko iyong nilunok at huwag mag-paapekto sa mga sinasabi nila pero hindi eh.

Masakit talaga...

"Wala kang utang na loob!" Bigla naman akong sinabuyan ng kanin ni Astria. Napako na lang ang paningin ko mga paa ko.

"Pareho kayong walang kwenta ng nanay mo!" Nag-babadya nang tumulo ang luha ko at hindi ko na napigilang sagutin si Auntie. 

Ayoko sa lahat ang dinadamay ang nanay ko. Hindi niya alam kung gaano siya kabait at hindi niya alam kung gaano siya nag-hirap mabayaran lang ang utang niya sa sugal. ayokong nadadawit sa usapan si mama na nanahimik na dahil wala naman siyang ginawang kasalanan kahit noong nabubuhay pa siya. Ang tanging kasalanan niya lang ay ang mabuhay sa magulong mundo. 

Naipit lang siya sa gulo ng mundo...

"Huwag ninyong idamay si Mama dito. Wala kayong karapatang pag-sabihan siya ng ganyan, hindi mo alam Auntie kung gaano kahirap ang pinag daanan niya noon." Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko.

Sumusobra na sila! tatanggapin ko pa ang lahat ng pananakit at panlalait nila sa 'kin pero ang pag-salitaan ng ganun si mama? hindi eh. Wala silang alam sa lahat ng sakripisyo niya. 

Ayos nga lang sa kanya na lait-laitin siya at saktan pero hindi niya hahayaan noon na saktan ako ninuman. Noon 'yon ng nabubuhay pa siya pero ngayon? wala na siya. Sarili ko na lang ang inaasahan ko.

Wala nang mag-tatanggol sa 'kin kundi ang sarili ko na lamang.

"Aba sumasagot ka pa ah!"  igla akong tinulak ni Astria. Tumama ang likod ko sa pinapatungan ng lutuan at nahulog mula doon ang mainit na kawali. Nabagsakan nito ang taas na parte ng braso ko at napahiyaw ako sa sakit.

Sobrang hapdi pero wala nang mas sasakit pa sa pag-trato nila sa 'kin at mga masasakit na salitang ibinabato nila.

Iniwan nila ako sa kusinang umiiyak. Hinayaan nila akong mag-dusa sa natamo kong paso sa braso.

_ _ _ _ _ _

Bigla akong napabalikwas sa hinihigaan ko. Sunod-sunod rin ang pag-hinga na ginawa ko.

Bangungot na naman...

Tagatak ang pawis sa noo at leeg ko. Napasulyap ako sa orasan sa dingding.

Alas tres pa lang ng madaling araw. Binuksan ko agad ang ilaw at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatulala sa kawalan sa harap ng salamin.

Sinara ko ang ilaw. Naupo ako sa tapat ng bintana at muling nag-simulang tumitig sa kawalan. Tanging liwanag na lang ng buwan at iilang ilaw sa kalye na tumatagos sa bintana ang nag-sisilbing ilaw sa madilim na kwartong ito. 

Biglang sumagi sa isip ko ang mga imahe ni Mama.

"Nak' kain na tayo?" Napatingin ako sa nag-aabang niyang kamay na abutin ko iyon.

"Tara na po, nagugutom na ako." Pag-dating na 'min sa maliit na hapag kainan, tuwang-tuwa ako kahit simpleng pag-kain lamang ang nakahanda doon. Wala nang ibang bagay ang makapag-papasaya pa sa 'kin kundi ang kasama siyang kumain sa hapag araw-araw. 

"Sa tingin pa lang po niyan ay masarap na iyan,"  nakangiti lang ako habang binabanggit ko ang mga katagang iyon.

"Pasensya na anak ah? iyan lang ang kaya ni Mama." Napansin ko ang lungkot sa mata niya kaya nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Wag ka pong mag-alala, basta ang mahalaga ay nakakakain pa rin tayo." Mapait siyang ngumiti at iginiya ako sa upuan. Nilagyan niya ng pansit ang nakaabang kong plato.

Hindi ko namalayan na may iilang patak na pala ng luha ang dumaloy sa pisngi ko. Mapait na lang akong napangiti at bumalik sa higaan. Pinahid ko agad ang mga luha sa pisngi ko at pinilit na muling makatulog.

Nag-babakasakaling makakatulog na ng matiwasay na walang dadalaw na bangungot.

_ _ _ _ _ _ _

Nag-tipa ako ng text kay Ethienne dahil last week pa iyong huling kamustahan namin.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siyang reply sa text ko. Tinawagan ko na lang siya, nag-babakasakaling sasagutin niya ang tawag ko. Naka ilang ring pa bago niya ito sinagot.

"Pasensya na teh ha? nasa probinsya ako. Hindi na kita na-text at na-tawagan dahil medyo mahina ang signal ngayon dito pero mabuti naman at nakisama ngayon," narinig ko ang sunod sunod na pag-hinga niya.

Mukhang pagod siya.

"Oh anyare? ba't panay ang pag-hinga mo dyan?" Nag-aalalang tanong ko. Malay ko ba at baka may kung ano na pala siya at hindi niya lang ito masabi sa 'kin.

"Wala oa mo seryoso. Nastress lang ako ng bonggang-bongga makipag-ratratan doon sa naka alitan ko sa daan." Napailing na lang ako kahit kailan talaga ayaw mag-patalo. Laban kung laban.

"Bakit ano ba kasing nangyari?" Sigurado akong tumitirik na naman ang mata niya. Sa tuwing mag-kukwento siya sa 'kin ng mga kinaiinisan niya, palaging may kasamang pag-irap.

"Papunta na sana ako sa palengke tapos may dumaan na hayop na sasakyan. Sakto pa na umulan kahapon kaya maputik pa ang daan tapos ayon, para na kong naligo sa putik. Sa sobrang inis ko binato ko dun sa sasakyan yung isang tsinelas ko. Pag-dating ko sa palengke chismis agad yung narinig ko. Partida pa naman ang mga chismosa. Kahit kailan talaga updated sa mga pangyayari. Mas updated pa kaysa kay mayor. Ang mga plastik rin ay naka kalat sa kung saan-saan." Natawa na lang ako sa kabaliwan nitong kaibigan ko.

"Ayaw mo nun instant celebrity ka na?" natatawang biro ko sa kanya. Paniguradong mas lalong tumitirik na ang mata niya ngayon kung nakikita ko lang siya.

"Duhh. Alam kong maganda ako pero sis, hindi ako attention seeker." Naiimagine ko tuloy na nag-hihairflip ang loka ngayon. Mahangin rin 'to minsan eh daig pa minsan ang electricfan.

"Eh sino naman yung may ari ng kotse?" Kung nakita ko lang ang nangayari, siguro nasapak na niya yung lalaking iyon sa inis.

"Oo. Yung hinayupak na 'yon ang tindi ha! ako pa yung may kasalanan? eh siya na nga 'yung nakaperwisyo, siya pa 'yung galit! Ang yabang lang teh sarap ingudngod sa putik. Gwapo pa naman sana kaso attitude ang lolo mo. Nilait ba naman ako? tawagin ba akong asungot? hayop! hindi na ako nakapag-pigil ayun, pinahiran ko ng putik yung puting polo niya tapos nalaman ko pa na anak pala yun ng may-ari ng hacienda na pinag-tatrabahuhan ni Tatay."

Naiimagine ko tuloy kung anong naging reaksyon ng lalaking iyon, nangingitngit na siguro iyon sa galit.

"Jusko, hayaan mo na. Tapos na din naman iyon. Nangyari na ang dapat mangyari. Kamusta pala si Nanay Emer? si tatay Roel? si Theia? si Eithan?" sunod-sunod na tanong ko.

Matagal-tagal na din kasi yung huling bisita ko sa probinsya nila at nakaka miss kasama ang pamilya niya. Lalong-lalo na ang mga kapatid ni Ethienne.

"Ayos lang sila. Nga pala, tumutulong ako kay Nanay mag-benta sa palengke habang nandito pa 'ko. Nakalimutan ko sa 'yong sabihin na umalis kasi ang amo ko pumunta ng Greece. May dadaluhan daw na kasal ng kamag-anak. Sinabihan kami na huwag na munang pumasok. Mabuti naman at hindi naman daw babawasan ang sweldo namin."

Mabait ang boss nila kaya kampante ako na maayos ang pasweldo nito sa kanila. Ang sweldo  niya kasi ay hindi sasapat para sa pang araw-araw na pantustos nila. Idagdag pa na may dalawa pa siyang pinapa-aral. Ang isa nasa kolehiyo na.

"Sige na at mukhang naabala na kita"

"Sus, hindi ka kailan man magiging abala sa 'kin. Tatawagan na lang kita ulit pag-malakas lakas na ang signal dito. Pasensya na teh ah?"

"Naku ayos lang. Unahin mo muna ang pamilya mo." Mapait akong napangiti.

Ano kaya ang pakiramdam na may kumpletong pamilya? ang may Tatay? hindi ako kailan man nagalit kay Mama at sa Papa ko dahil sa ginawang pang-iwan nila sa 'kin. Alam kong may dahilan ang pag-lisan nila sa tabi ko at nirerespeto ko iyon.

"Solene, pinapatawag tayo nina Sir Gaius." Tumango ako at lumapit sa nag-kukumpulang mga katrabaho ko.

Nasa harap nila si Sir Gaius, medyo nahiya ako dahil mukhang ako na lang ang hinihintay nilang lahat.

"Happy birthday Sir!" masayang bati ng lahat. Nakakunot noo naman akong napatitig sa kanilang lahat.

Ano kayang meron? Birthday ba ngayon ni Sir Gaius? Kinalabit ko si Maerchie at taka naman siyang napatingin sa 'kin.

"Ngayon ba ang birthday ni Sir Gaius?" tanong ko. Napatango naman siya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nakakahiya at ako lang ang tanging hindi bumati sa kanya.

"Oo, bakit?" takang tanong niya.

"Ah eh wala naman." Ngumiti ako at binaling ang tingin sa iba.

"Salamat sainyong lahat," nakangiting sambit ni Sir. Tuwang-tuwa siya sa pag-bati ng mga katrabaho ko.

"So as of now, i'm planning to celebrate my birthday here. Sa private area gaganapin ang celebration. May pipiliin ako sainyong mag-siserve ng mga pag-kain at aalalay sa mga bisita ko mamaya." Nag-katinginan naman kaming lahat. Ang ibig niya atang sabihin ay pili lamang ang mag-siserve doon at ang ibang hindi napili mukhang sa bar mag-tatrabaho.

"It doesn't mean na sarado dapat ang bar kahit na may magaganap na celebration mamaya. So, ang ibang hindi ko mapipili ay sa bar kayo alright?" saad niya at nag-simula nang pumili.

50 kaming lahat ng crew dito at hinati na lang niya lang para balanse.

"Ayumi, Arche, Andred, Harra, Vien, Portern, Zerus, Alcy, Marrien, Indie, Moretta, Sixth,Yeoni, Lorrisse, Renee, Alvari..."

Hindi ko na narinig kung sino pa ang tinawag dahil lumilipad na naman ang utak ko. Naiisip ko pa lang ang mga bista ni Sir Gaius ay parang malulula ako sa dami. Siguradong puro mga kilalang tao ang mga bisita mamaya kaya kailangang maganda at maayos ang Private area. 

"And lastly... Solene." May naramdaman akong tumapik sa braso ko. si Andred lang pala.

"Bakit?" ngumuso lamang siya sa unahan kaya naman ibinaling ko ang tingin ko doon. Lahat sila naka tingin sa 'kin kaya medyo akward. 

"Ikaw ang pinakahuling pinili ni Sir. kasali rin ako sa mag-seserve sa party niya," tuwang-tuwang sambit ni Andred. 

"Ah ganon ba?" Tumango na lamang siya at ibinalik ang tingin sa unahan.

"For those people na hindi ko na mention, shall proceed to work at the bar later. So i'm counting on you that's all, you may now continue your work." Nag-sialisan na ang mga ka trabaho ko pero nag-paiwan muna ako para batiin siya. 

"Happy birthday Sir! pasensya na ho wala po akong regalo," saad ko at binigyan siya ng tipid na ngiti. Agad niya naman iyong sinuklian. 

"Thank you Solene, it's okay. I'm not really fond of gifts though," natatawang sambit niya at nakisibay na rin akong tumawa. Inabot ko sa kanya ang t-shirt na pinahiram niya sa 'kin kahapon.

Kailangan ko na itong isauli dahil hindi naman to akin eh.

"Heto na Sir yung damit na pinahiram ninyo sakin. Salamat po ulit." Tinignan niya ang kamay kong nag-hihintay na kunin niya ang damit.

"No need. Bakit mo pa ibabalik? marami ako niyan."  Nahihiyang na payuko ako. Nakakahiya naman kung tatanggapin ko pa ito.

"Ay hindi na ho. Nakakahiya." nahihiyang sabi ko pero tumawa lang siya.

"It's really fine. You can keep it." Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang iyon dahil baka isipin niyang nag-papabebe pa ako.

_ _ _ _ _ _ _ _

Naging abala ang lahat sa Third fractio. Isang engrandeng selebrasyon ang magaganap kaunting oras na lang. Sa disenyo pa lang ng buong paligid halatang mga mayayaman ang ookupa sa lahat ng upuan dito. Napatingin ako sa celing at agaw atensiyon ang malaking chandelier na naka sabit sa kisame. 

"Arche, make sure na maayos ang pag kakalagay 'nung mga flower vase sa bawat table,"  dinig kong sambit ng manager namin. Agad naman na sumunod si Arche sa utos niya. 

"Zerus can you please arrange the curtains? gusot na kasi." Pinagmasdan ko si Zerus na inayos ang nagusot na kurtina.

"Sixth pasabi sa mga chefs na ihanda na ang mga pag-kain na isiserve. Pwede nang mag-simula ang party anytime." Tumango naman si Sixth at agad na nag-tungo sa kusina.

Ako naman ay abala sa pag-aayos ng red carpet. Nagulat na lamang ako ng biglang may kumalabit sa braso ko. Si Nein lang pala. 

"Solene, pwede ba kitang maabala saglit?" taka akong napatingin sa kanya. Parang balisa siya at pabalik-balik ang tingin sa labas ng private area.

"Bakit?" Hinigit niya ang braso ko at hinila ako papunta sa bar.

"Pasensya na. May nag-order kasi ng Perchiéne Colonus, iilan lang sa'tin ang marunong 'nun at kadalasan pa ay na assign sa party ni Sir Gaius." aNg-dalawang isip pa tuloy akong sumama sa kanya dahil baka mapagalitan ako ng manager namin.

Ang Perchiène Colonus ay pinag-halo na Whiskey, Margarita, Espresso, Martini at Manhattan na inumin na siniserved namin sa bar. Iyon ang best-seller dito tuwing gabi kaya hindi pupwedeng mawalan ng mag-mimix nito sa bar.

Aksidenteng napag-halo ko ang inumin na iyon at nainom ito ng isa sa mga regular customer namin dito tuwing gabi. Nabigla pa nga ako dahil nagustuhan niya iyon. Naging pabor iyon kay Sir Gaius kaya nilagay niya na iyon sa drink list ng Third fractio.

Ang pizza parlor ay umaga hanggang alas otso ng gabi lang bukas at pag-sapit naman ng alas nuebe hanggang alas dos ng madaling araw, ang bar naman ang bukas. Puro mga mayayaman ang customer ng bar kaya naging sikat na itong hide-out ng mga mahihilig sa alak. 

"Ilan bang order?" agad ako ang tungo sa counter at agad na nag-mix ng mga inumin. Wala akong nadatnang tao sa counter dahil ang ilan sa kanila ay nakita kong nag-siserve ng mga inumin. 

Binilisan ko ang bawat pag-galaw ko dahil baka hanapin at mapagalitan pa ako ng manager namin. Mukhang malapit nang mag-simula ang selebrasyon.

"Hmm i like the drink. Another one please." Agad kong sinunod ang sinabi ng customer na nag-hihintay na ng panibangong baso. Kanina pa siyang nakatingin sa 'kin pero hindi ko na din iyon pinansin. 

Nang humupa na ang mga nag-oorder ng inumin na iyon ay napatingin ako sa labas. Madami na ang mga mamahaling kotseng naka park sa labas. Mukhang hindi lang mayayaman ang mga panauhin ni Sir Gaius, mukhang mga sikat na tao rin ang iba.

Maging ang media ay nag-kalat rin sa labas dahil hindi ito pinahintulutan sa loob dahil para sa privacy naman syempre. Hindi kailangan lahat ay ipakita sa publiko.

Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng biglang may lumapit sa 'kin na lalaki. Lasing na ito panigurado dahil pasuray-suray na ang pag-lakad niya.

"Miss can i have a dance with you?" Napatingin ako sa maamong mukha nito. Magulo ang buhok, matangos ang  ilong, kayumanggi ang kulay ng balat, maganda ang hugis ng labi at makapal ang kilay.

"Pasensya na po Sir, babalik na ho ako sa trabaho." Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Gumapang ang kaba sa dibdib ko ng tumingin siya sa 'kin.

"Bitiwan niyo ako Sir pakiusap. Kailangan ko nang mag-trabaho." Nag-pupumiglas ako pero malakas talaga ang lalaking ito. Hindi naman ako maka sigaw dahil dinig na dinig sa bawat sulok ng bar ang ingay ng tugtog at kahit sumigaw ako dito ay walang makakarinig sa ;kin.

"No unless you dance with me babe. Come on let's enjoy." Muntik na akong mahila sa dance floor dahil sa lakas niya. Halos mag-makaawa na akong bitiwan na niya ang pala-pulsuhan ko pero wala pa rin talaga.

"Pakiusap po Sir! bitiwan na ninyo ako!" Ngumisi lamang ito. Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinapit ang bewang ko at dampian ng halik ang leeg ko. Naninigas na ang buong katawan ko.

Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat pero isang baritonong boses ang nag-patigil sa 'min pareho.

"Let go of her. " Umigiting ang panga niya. Hindi ako maka paniwala sa nakikita ko. Napakurap-kurap pa ako. Totoo bang nandito siya?

Bakit ba siya nandito?

"Sino ka ba? bakit ka nangingialam?" tanong ng lalaking may-hawak sa 'kin. Nag-dilim ang mukha ni Sir Hyde sa hindi malamang dahilan.

"Bitiwan mo siya ngayon na," maotoridad na utos nito pero hindi pa rin ako binibitiwan ng lalaki. Nang lumuwang ang pag-kakahawak niya sakin, kinuha ko na ng pag-kakataon na makawala.

"Oops not so fast babe." Nahuli niya ako at hingpitan pa ang pag-kakahawak sa pala-pulsuhan ko. Napatingin ako doon. Namumula na ito dahil sa higpit ng pag-kakahawak ng lalaki doon. 

"Fuck! i told you to let her go!" Wala akong nagawa ng biglang ambahan ng suntok ni sir Hyde ang lalaking lasing. Bigla na lang itong natumba at muling tumayo at sunod na tinapunan pabalik ng isang suntok si Sir Hyde.

"Sir Hyde tama na po!" Pilit ko silang inaawat pero sadyang malakas talaga silang dalawa.

May lumapit na dalawang bouncer at inawat silang dalawa. Putok ang labi ng lalaki at maga ang isang mata samantalang sugat lamang sa panga ang natamo ni Sir Hyde. Lumapit sa 'kin si Andred na nag-aalala.

"Ano bang ba kasing nangyari? ayos ka lang ba? akala ko ba sa private area ka din ngayon eh bakit ka nandito?" nginitian ko lang siya.

"Wala, ayos lang ako salamat."  Tinapunan muna ako ng isang tingin ni Sir Hyde bago siya tuluyang lumabas ng bar.

Dali-dali kong kinuha ang first aid kit at sinunod siya. Natagpuan ko siyang nakaupo sa bench at umigting ang panga. Nakapikit siya habang nasa panga ang kamay.

"Sir pasensya na po." Nilapitan ko siya. Naka-kunot ang noo nya at takang tinapunan ako ng tingin. 

"What?" Umiling lamang ako at ngumiti.

"Hinayaan na lang po sana ninyo iyon. Nadamay ka pa tuloy." Nakayuko lang ako habang sinasabi ko iyon.

"So?" napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya.

"What are you doing here?" Dagdag niya pa.

"Hayaan mo akong gamutin 'yang sugat sa panga mo bilang pasasalamat." Ngumiti ako samantalang ang kilay niya ay halos mag-dikit na.

"I don't need your help." Pag-tanggi niya pero kailangan ko iyon gamutin dahil ako ang dahilan kung bakit nadungisan ang mukha niya.

Mas nangibabaw ang guilty kaysa sa hiya kaya kahit nahihiya, nagawa ko paring umupo sa tabi niya. Binuksan ko ang first aid kit at nag-simulang lagyan ng betadine ang bulak pero bago pa man mag-tagal ang pag-dampi ng bulak sa balat niya, hinawi niya ito at hinawakan ang palapulsuhan ko.

Lumitaw ang peklat ko. Nakita niya...

Napatingin ako sa mata niyang kulay abo na tila hinihigop ako. Iniwas ko ang tingin ko pero nanatiling hawak niya ang palapulsuhan ko habang nasa peklat ko ang tingin. 

"I said I don't need your help alright?" Binitawan niya ang kamay ko at mabilis na pumasok sa loob ng bar. Natigilan ako at nakatingin lang sa likod niya na papasok ng bar. 

Inayos ko ang gamit at pumasok na rin sa loob upang makapag-trabaho na. Mas dumami pa ang taong nag-sidatingan kaya tumulong na ako. Ayokong mapagalitan at masira ang gabi ni Sir Gaius.

                                                        _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Nostxlgicxx

B

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status