Share

A Family

Pagkadating namin ni itay sa tapat ng gate ng bahay, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Nginitian ko siya at lumabas ng sasakyan.

"Salamat po." ani ko at bumuntong-hininga. Ngumiti si itay at pinakatitigan ako. Kababakasan ng pag-alala ang kaniyang mukha.

"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang aking siko. Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Opo, medyo kinakabahan lang po ako dahil hindi ko alam kong ano ang magiging reaksiyon ko kapag nalaman ko na ang lahat." ani ko at hindi napigilan ang pagsimangot. Nakikiusap na tinitigan ako ng itay.

"Please anak, huwag kang magagalit sa iyong ina." aniya sa mababang boses. Naroon ang pag-aalala sa boses niya. Tumango na lamang ako. Akmang pipindutin ko na ang doorbell ng marinig ko ang boses ni inay.

"Athalia, Michael!" sigaw niya.

Napatingin ako sa loob ng bakuran at nakitang papalapit si inay na may malapad na ngiti sa mga labi. Nang makalapit siya agad niyang binuksan ang gate gamit ang susi na nasa kaniyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status