Share

Athalia's Office

"Mabuti naman kung ganun." aniya habang tumatango. "Nga pala, gusto ka daw kausapin ni Ms. Onillo, papuntahin ko na ba siya rito o gusto mong sa opisina mo nalang kayo mag-usap?" Bumaling ako kay Luke at muling ibinalik ang tingin kay itay.

"Ahem, may sasabihin po kami ni Luke, itay." ani ko. Ngumiti si itay.

"Kayo na?" tudyo ni itay. Inirapan ko siya.

"Hindi po ah! Liligawan pa niya ako diba?" ani ko at tumingin kay Luke na tumatawa ng mahina. Tumikhim si itay.

"Ano bang sasabihin niyo?" tanong niya at tumingin kay Luke.

"Gusto ko po maging assistant ni Athalia, Tito Mike." ani Luke. Napakunot-noo si itay.

"Bakit?" nag-uusisa niyang tanong.

"Gusto ko pong bantayan si Athalia, Tito. Gusto ko nakikita ang mga lalaking nakakasalamuha niya sa negosyo. Pasensiya po kung nagiging possesive ako pero hindi po ako mapapakali kung nasa bukid lang ako samantalang si Athalia ay nakikipagmeeting kasama ang mga kalalalkihan." paliwanag ni itay.

"At ayaw kong mag-isip ng kung ano si Luke, at gusto
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status