Share

His Secretary

Penulis: AtengKadiwa
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-19 07:25:56

Athalia'sPOV

Nang makapasok ako sa CR. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Nakikita ko ang isang babae na kababakasan ng kasiyahan sa mukha, at takot sa mga mangyayari. Ano ba ang naisip ni Luke at kinuha niya akong Sekretarya niya?

Nag-iisip ba siya? Bumuntong-hininga ako. Sabagay, walang masama sa ginawa niya. Pero ginulat niya ako. Hindi man lang siya nagpasabi sa akin na may balak siyang ganito para hindi ako nagulat ng ganito.

Ngayon, walang dahilan para iwasan ko pa siya. Dahil kahit iwasan ko siya, siya ang kusang lumalapit sa akin. Ano bang ginagawa mo sa akin Luke? Ipinikit ko ang mga mata at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang faucet at naghugas ng kamay. 

Muli, bumuntong-hininga ako bago nagpasyang lumabas ng Comfort Room. Nang makalabas ako, nakita kong seryusong nag-uusap sina Luke at Mr. Lereño habang may papel na nasa harapan. Yun na ba ang kontrata?

Naglakad ako palapit sa kanila. Lumingon sa gawi ko si Luke at hindi makatakas sa aking paningin ang paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Bigla akong naasiwa kaya nag-iwas ako ng tingin. Nang makalapit ako sa Mesa ay umupo ako sa upuan. Lumingon sa gawi ko si Mr. Lereño at kinuha ang papel na nasa harap ni Luke at ibinigay iyon sa akin.

"Pirmahan mo Ms.Ramos."—itinuro niya ang aking pangalan kung saan ako pipirma.—"Nakasaad diyan na ikaw ang magdedesisyon hanggang kailan mo gusto magtrabaho bilang Sekretarya ni Mr. Sebastian at tatlong araw sa isang linggo ka niya magiging Sekretarya." aniya. Tumango ako at kinuha ang ballpen na nasa tabi ng aking laptop at pinirmahan iyon. Matapos pirmahan ibinigay ko iyon kay Mr. Lereño.

"Okay. So na-settle na natin lahat. Kaya aasahan ko na magiging maayos ang lahat. Hopefully, na magiging matagumpay ang ating pagiging magkasosyo, Mr. Sebastian." ani Mr. Lereño kay Luke.

"Yes, of course." ani Luke habang nakatingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kaniyang titig.

"Okay. So I have to go. Makikipagkita ngayon sa akin si Mr. De Guzman para pag-usapan ang mahahalagang bagay patungkol sa pagpapalawak ng among negosyo. Mauna na ako." ani Mr. Lereño at tumayo na.

 Si Mr. De Guzman ay isa sa pinagkakatiwalaan niyang kasosyo sa Heirwone Enterprise. Ngayon naman kasosyo niya na rin si Luke. Hindi basta-basta nagtitiwala si Mr. Lereño sa ibang tao. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Luke si Mr. Lereño para maging kasosyo niya ito.

"Aalis na rin po ako Sir." ani ko at kinuha ang laptop at inilagay iyon sa laptop bag. Akmang tatayo ako ng magsalita si Luke.

"Mag-uusap pa tayo Ms. Ramos."—binalingan niya si Mr. Lereño—"Ako na po ang bahala sa kaniya Sir. May sasabihin lang po ako sa kaniya." aniya. 

Tumango si Mr. Lereño at naglakad palabas ng VIP Room. Samantalang naupo muli ako sa upuan. Tiningnan ko si Luke na mataman na nakatitig sa akin.

"Iniiwasan mo ba ako Athalia?" tanong niya sa akin. 

Kita ko sa kislap ng kaniyang mga mata ang sakit. Hindi lang naman siya ang nasasaktan. Ako rin, gustong-gusto ko siyang makasama pero hindi pwede.

"Oo, dahil yun ang kailangan. Luke, may girlfriend ka. Ano nalang mararamdaman ni Mickhaela kapag nakita niyang magkasama tayo? Hangga't maaari ayaw kong may makaaway." ani ko sa kaniya. Tumiim ang bagang niya.

"Alam niyang magkaibigan tayo at tiyak na maiintindihan niya. Nauna kitang nakilala kaysa sa kaniya kaya wala siyang karapatan na paiwasan ka niya sa akin." aniya na matiim na nakatitig sa akin. 

Sinalubong ko ang kaniyang titig. Yun nga ang masakit, na magkaibigan lang tayo. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya. Pero wala ring mangyayari, dahil tiyak na wala siyang nararamdaman para sa akin. Mapait akong napangiti sa isiping iyon. Hanggang dito lang talaga siguro kami, hanggang magkaibigan lang kami.

"Okay. Sabihin mo sa kaniya. Dahil ayaw kong magkaroon ng kaaway. Oo, mahirap lang kami Luke. Pero hindi ko hahayaan na may masabi siyang hindi maganda sa akin kapag naging Sekretarya mo na ako dahil kahit sino pa siya hindi ko siya uurungan. Pinalaki ako na may dignidad, na kahit mahirap ako hinding-hindi ako magpapaapi." aniko na matalim na nakatitig sa kaniya. Tumaas nag sulok ng kaniyang labi.

"Palaban ka parin hanggang ngayon Athalia. Kaya nga sa paglipas ng panahon mas lalo—." naputol ang mga sasabihin niya ng tumunog ang ring tone ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa shoulder bag ko na nasa mesa. Si Charles ang tumatawag.

"Si Charles ang tumatawag, saglit lang sasagutin ko." aniko at bago ko pa masagot ang tawag nakita ko ang pagdidilim ng kaniyang mukha. Galit ba siya? Hindi ko nalang siya pinansin at inilagay sa taenga ang cellphone.

"Hello Charles. Good Afternoon!" masiglang bati ko sa nasa kabilang linya.

"Good Afternoon din Ath. Nandito ako ngayon sa building na pinagtratrabahuhan mo. Sinusundo ka. Tinanong ko sa Receptionist kung out mo na, Sabi niya umalis ka daw kasama si Mr. Lereño. Asan ka para masundo kita." aniya. Sh*t! Bakit hindi ko naalala na susunduin niya ako ngayon? Bumuntong-hininga ako.

"I'm sorry Charles, biglaan kasi itong Meeting ko sa Boss ko. Hindi ko naalala na susunduin mo pala ako ngayon. Naabala pa kita." ani ko at tiningnan si Luke na nagtatagis ang bagang. 

"Ako ang maghahatid sayo. Kaya sabihin mo sa kaniya na umuwi na." aniya sa mahina pero matigas na boses. 

Bigla akong kinilabutan sa boses na ginamit niya. Napalunok ako nang makitang matalim ang tingin niya sa akin. Sa hindi malamang kadahilanan napatango ako, sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

"Okay. Asan ka ba ngayon at susunduin kita?" tanong niya ulit. Umiling ako na para bang nasa harapan ang kausap ko.

"Uhm. Charles, sa susunod nalang. Kasama ko si Luke." ani ko. Ilang segundong natihimik si Charles na nasa kabilang linya.

"Charles?" tanong ko sa kaniya. Tumikhim siya.

"Okay Ath, take care. May next time pa naman." aniya at pinatay ang tawag. 

Ramdam ko sa boses na nagseselos si Charles kay Luke. Sino nga bang hindi? We are friends after all. Bumaling ako kay Luke na nakatitig pa rin sa akin.

"What?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya.

"Nothing. So let's go? Sa lunes ka na magsisimula sa pagiging Sekretarya ko Athalia. So better prepare." aniya at ngumiti. Parang may iba sa ngiti niya, may binabalak ba siya?

LUMABAS kami ni Luke ng Restaurant at tinungo ang parking area ng Restaurant kung saan naroon ang Black Sedan niya. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng passenger's seat. Nang makapasok ako, inilagay ko ang seatbelt sa bewang. Nang makapasok si Luke sa driver's seat at mailagay ang seatbelt. Agad niyang pinasibad ang sasakyan palabas ng parking lot.

"Kamusta na pala si Tito Adan?" tanong ko nang maalala ang Ama ni Luke. 

Naging mabait siya sa akin noong nandito siya sa Pilipinas. Kamusta na kaya siya? Sinulyapan ko si Luke. Bahagya siyang natigilan.

"Ayos lang naman siya."—tumingin siya sakin. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Malungkot ba siya dahil hindi niya kasama si Tito Adan ngayon? Ibinalik niyang muli ang tingin sa daan.—"Ikaw? Kamusta kayo ni Charles?" tanong niya sa akin.

"Ahm. Ayos lang naman. Mabait siya at maalalahanin." ani ko at tiningnan siya. Nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya.

"Basta huwag ka lang niya sasaktan. Ako ang makakalaban niya, Athalia." aniya at tumingin sakin na may matalim na mata. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na maintimadate sa kaniya. Tumango ako.

"Hindi niya ako sasaktan. Sinisiguro ko yan. Mabait na tao si Charles, ramdam ko ang sinseredad sa panliligaw sa akin. Kaya huwag kang mag-alala. Kung sasaktan niya ako hindi ako mangingimi na makipaghiwalay sa kaniya kapag naging kasintahan ko na siya." ani ko. 

Hindi na nagkomento pa si Luke sa sinabi ko kaya tumingin ako sa labas ng bintana para pagmasdan ang mga bahay na nadadaanan namin. Mukhang malapit na kami sa bayan. Lagpas kasi ng bayan ang Restaurant. Hanggang sa makarating kami sa gate ng bahay. Tiningnan ko ang relong-pambisig. 

Alas-sais na ng gabi. Lumabas ako ng Sedan at hindi na hinintay si Luke na pagbuksan ako. Tumingala ako sa langit, makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan. Biglang bumukas ang pintuan ng bahay at lumabas roon si Inay na may bitbit na plastic bag, na marahil ang laman ay basura. Lumabas na rin ng Sedan si Luke.

"Athalia? Luke?" ani inay at naglakad palabas ng gate.

Inilagay sa gilid ang plastic bag. Kinukuha iyon ng garbage truck kapag madaling araw. Umiikot iyon sa kabayanan.

"Tita Carmen!" ani Luke at nilapitan si Inay at nagmano. Lumapit na rin ako at nagmano kay Inay. 

"Magandang gabi inay." magalang kong bati. Tinanguan niya ako.

"Pasok ka Luke. Dito ka na maghapunan. Magluluto ako ng Afritada. Tiyak na namiss mo na iyon." ani inay. Bago pa makasagot si Luke, inunahan ko na siya.

"Nay, mukhang uulan. Baka mastranded si Luke. Mahirap pa man din, bumiyahe na umuulan." ani ko. Tiningnan ako ni Luke subalit ibinalik muli iyon kay Inay.

"Okay lang po Tita. Gusto ko pong matikman ang luto niyo." ani Luke na may malapad na ngiti sa mga labi. 

Bumuntong-hininga ako. Mukhang wala na ako magagawa. Malapad na napangiti si Inay at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng bahay. Samantalang ako naman ang nag-lock ng gate. Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng may matitipunong braso ang yumakap sa bewang ko. Nakaramdam ako ng kiliti ng tumama ang hininga niya sa aking taenga.

"I miss you Best Friend." ani Luke na naging dahilan para manghina ang mga tuhod ko. 

Kumapit ako ng mahigpit sa rehas ng gate para doon kumuha ng lakas dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng malay. Humarap ako kay Luke, at nagsisi ako sa ginawa ko dahil mas lalong naglapit ang ang aming katawan. Kadangkal nalang ang layo ng aming mga mukha. At mabilis ang pagtibok ng aking puso. Pakiramdam ko ang init ng katawan ko dahil sa pagkakadikit ng aming katawan.

"Say that you miss me too Athalia. Please say it." aniya sa nagmamakaawang boses. Lumunok muna ako para mawala ang bara sa aking lalamunan.

"I miss you too, Luke." ani ko pero huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi habang nakatitig sa akin. Nang humiwalay siya sa pagkakadikit ng aming katawan. Doon lang ako nakahinga ng maluwang.

"Tara na sa loob, medyo malamig na ang simoy ng hangin. Mukhang uulan na." aniya.

Tango lang ang isinagot ko dahil walang lumabas na salita sa mga bibig ko. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay. Tumingin ako sa magkasiklop naming mga kamay. Pilit ko iyon hinihila, subalit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Kahit ngayon lang Athalia, mahawakan ko ang kamay mo. Pagdating natin sa loob bibitawan ko na." aniya at humarap sakin. 

Nangungusap ang kaniyang mga mata. Naghihintay ng positibong tugon. Bumuntong-hininga ako. Wala namang masama kung magkahawak ang kamay namin. Besides, we're friend. Yun ang masakit na katotohanan, we're just friends. Tumango ako at ngumiti.

"Sure. Besides, we are friends." anito. 

Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Pero, pagdaka'y nawala din iyon at napalitan ng ngiti. Baka namalik-mata lang ako. At hinila ako patungo sa loob ng bahay habang magkahawak ang aming mga kamay. 

Masaya ako dahil magkasama kami ngayo, walang dahilan para itanggi ko iyon. Pero hanggang kailan? May kasintahan siya at magiging kasintahan ko si Charles kapag sinagot ko na siya. Bahala na. Sa ngayon, hindi ko muna iisipin iyon. Susulitin ko na ang mga araw na magkasama kami, dahil darating ang panahon na maghihiwalay na ang aming mga landas. Because we're not meant to be. Masakit man, pero kailangang tanggapin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Bestfriend's Affection   The Surprise (Ang Wakas)

    After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."

  • My Bestfriend's Affection   Sacrifice

    Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at

  • My Bestfriend's Affection   Pregnant

    Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.

  • My Bestfriend's Affection   The Wedding

    Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak

  • My Bestfriend's Affection   Honeymoon

    Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e

  • My Bestfriend's Affection   Grieving

    Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status