Share

Chapter Sixty Four

KUNG hindi lang magugutom ang kanyang reyna, hindi talaga aalis si Lance. Kaya lang nai-stress din siya kapag kumakalam na ang sikmura ni Jillian. Para itong nagiging monster. Tumatalim ang tingin at nanunulis ang nguso. Ang sarap tuloy ihagis sa kama!

May kaba lang siyang naramdaman nang maalala niyang si Mark Wayne lang ang kasama ni Jillian sa bahay kaya naman binilisan na lamang niya ang kanyang pagkilos. Sabihin man na si Mark Wayne ang tunay na asawa ni Jillian, siya pa rin ang mahal ni Jillian kaya dapat lang na sila ang magsama. 

Umaasa siyang tutuparin ni Jillian ang ipinangako nito sa kanya. Na kung anuman ang relasyon nito kay Mark Wayne ay tatalikuran nito dahil siya ang mahal nito. Dapat ay masiyahan siya sa sinabing iyon ni Jillian pero hindi niya magawa. Hindi pa kasi naaalala ni Jillian na may anak ito kay Mark Wayne. 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status