Reborn As a Wife of My Gay Best Friend

Reborn As a Wife of My Gay Best Friend

last updateLast Updated : 2026-11-05
By:  Mayonaka_KisakiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
10Chapters
22views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“I want him! Yes, him! I want to marry my gay best friend!” Lahat ay natigilan at nagulat sa isinigaw ni Vanessa. Hindi makapaniwala ang lahat dahil alam ng pamilya kung gaano niya kamahal si Hendrix. Pero ngayon, halos ipagsigawan niya na gusto niyang makasal sa kaniyang best friend—na isang bading pa? “Dmn! Are you stpid?” galit na asik ni Hendrix kay Vanessa. “I didn’t know na ganito ka kadesperada sa pagpapapansin sa akin. Magpapakasal ka sa isang bading to get back at me? Sa tingin mo ba hahabulin kita? Never in your wildest dreams, Vanessa!” Walang kaabog-abog na sabi ni Hendrix habang bakas sa mukha nito ang labis na kaarogantehan. “I changed my mind. I don’t want you anymore. Mas gusto ko na si best—I mean, si Darius. I want him... only him.” Tahimik namang nakatayo sa gilid ng malaking glass window na may gold frame si Darius, hindi pa rin makapaniwala sa naririnig. Inikot-ikot niya ang alak sa hawak niyang wine glass habang napapaisip. “What the f*ck? Why me?” Bakit nga ba? Why did Vanessa choose Darius—her gay best friend—kaysa sa lalaking sobra niyang minahal mula pagkabata?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Vanessa’s Point of View

“Now, pumili ka na iha, who do you want to marry?”

‘Anong nangyayare?’ Tanong ko sa aking isipan bago tumingin sa paligid. Sa aking harapan ay ang aking Daddy at Mommy na seryosong nakatingin sa akin habang nakaupo sa mahabang sofa na mayroong gold frame. Sa kaliwang bahagi naman ay naroroon si Hendrix, galit itong nakatingin sa akin habang nakayakap sa kanyang braso si Tricia na ngayon ay namumula ang mga mata.

Akala ko patay na ako! Hindi ko maiwasang mapahawak sa aking ulo. Hindi ba at nabagok ang ulo ko matapos akong banggain ni Tricia?

Is this another life? Panaginip ba ‘yon? Or nanaginip ako? Damn. The pain felt so real. I guess, God pitied me. Binigyan niya ako ng chance na itama lahat ng katangahan na ginawa ko sa aking buhay.

At ang oras na ito ang pinakapuno’t dulo ng lahat ng misfortune ko. Sakto sa araw kung kailan pinilit ako nila Mommy and Daddy na pumili ng mapapang-asawa. For Pete’s sake, I’m only 24 years old and currently a fourth-year student. Bakit ba sila nagmamadali?

“Sir, with all due respect, talaga bang kailangan pa ng ganito? I mean, nasasayang lang ang oras nating lahat sa selection na ito,” aroganteng sabi ni Hendrix bago tumingin sa kanyang mga magulang. “We are all aware na ako ang pipiliin ni Vanessa. Mula pa noong mga bata kami, alam na ng lahat na gusto niya ako. So, we don’t have to ask her about this, dahil for sure ako ang kanyang pipiliin.”

Nagpupuyos ako sa galit nang marinig ito. I was too dumb and stupid before para hindi makita ang mga red flags na pinaglalandakan niya sa mukha ko.

“Son, we still need to do this. Kahit sabihin pa natin na alam ng lahat kung gaano ka kamahal ni Vanessa, kailangan pa rin ng formality to let her choose.”

I smiled bitterly. Itinago ko ang aking kamay na ngayon ay nakakuyom dahil sa galit. Napayuko ako, then I remembered something.

Ngayon ang araw na bumalik si Darius, my gay best friend mula sa States. Isa rin siya sa mga playmate ko na kinuha ni Daddy simula noong bata pa ako; he’s always there for me not until he decided to explore the outside world.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng silid. Hindi nga ako nagkakamali. Naririto nga siya. Dumapo ang tingin ko sa isang binata na matangkad, mayroong malalamig na tingin at gwapong pagmumukha. Nakatayo siya sa malaking glass window na mayroong gold frame habang iniikot ang alak na nasa wine glass. Napakagwapo niya talaga… Napakagwapo talaga ni Darius, pero sayang dahil bakla ito.

“Vanessa, alam kong si Hendrix ang pipiliin mo,” napabaling ang tingin ko kay Tricia. Nakayakap pa rin ito sa braso ni Hendrix habang namumula ang kanyang mga mata. “Alam naman ng lahat na naririto, miski sa unibersidad, na hindi ikaw ang gusto ni Hendrix. Kaya bakit ipinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo?”

‘Puro kayo Hendrix, kayo ang magpakasal kay Hendrix, mga bwisit kayo!’ Halos isigaw ko sa aking isipan. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumuhod si Tricia sa harapan ko.

Damn it! Self, galaw-galaw? Hahayaan mo na lang ba na maulit yung trahedyang iyon? NO!!

“I beg you, Vanessa, huwag na si Hendrix. Masaya na kami ng boyfriend ko. I know na marami kayong pinagsamahan, but… p-please, h-huwag na siya.”

Doon ay tuluyan na siyang umiyak. Napapikit ako nang mariin. Tulad nang nangyari sa aking past life o sa panaginip na iyon, nagmukha akong masamang tao dahil sa kanya. Maging ang mga magulang ko ay ang tingin na sa akin ay masamang tao.

“Tricia, tumayo ka diyan! Huwag kang lumuhod sa hipokritang ‘yan!” galit na sabi ni Hendrix at inalalayang tumayo si Tricia.

Kitang-kita ko ang lihim na pagngiti ni Tricia, kaya lalo akong nanggigil.

“Look—” hindi pa man ako nakakapagsalita nang sumigaw si Hendrix.

“KAHIT PILIIN MO AKO, HINDING-HINDING KITA PIPILIIN! HINDI KITA MAMAHALIN! BIGYAN MO NAMAN NG KAHIT KAUNTING DIGNIDAD ANG SARIL—”

PAK!

Napapaypay ako ng aking kanang kamay matapos ko siyang sampalin. Good job, self! Napakaingay, kalalaking tao.

“Oh my God, son!” sigaw ng Mommy ni Hendrix bago ito humarap sa akin.

“Gusto mo rin?” matapang na tanong ko. Napahakbang naman ito palikod.

“Vanessa!”

Natigilan ako dahil sa may-pagtitimping tawag sa akin ni Mr. Dawson, my father. Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang labis na galit, habang si Mommy naman ay namumula ang gilid ng mga mata.

‘Oh, masama na naman ako?’ nasabi ko na lang sa aking sarili.

“Sige, saktan mo lang ako nang saktan! Basta tatandaan mo na kahit ikasal tayo dahil sa p*tanginang kasunduan na iyan, hinding-hindi ako mananatili sa ‘yo. KAILANMAN!” Nanlilisik ang kanyang mga mata na sabi ni Hendrix sa akin.

“B-baby, I’m scared. Ayokong mawala ka sa akin. Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang? Huwag na siya… Ayaw kong mawala ka sa akin dahil lang sa gusto kang kunin ng tabachoy na ‘yan!” umiiyak na sabi ni Tricia, dahilan para yakapin ito ni Hendrix na tila pinoprotektahan mula sa akin.

Binitawan niya si Tricia bago naglakad palapit sa akin. Napatras naman ako dahil nanlilisik ang kanyang mga mata na tila ba anytime kaya niya akong patayin gamit ang titig na iyon. Hindi ko napansin ang dog bowl na naapakan ko. Napaupo ako, at dahil medyo may katabaan ang aking katawan ay nahirapan akong ibalanse ito.

“Hahaha! Look at yourself! Sa sobrang katabaan mo, hindi mo na magawang itayo ang sarili mo. Tapos mangangarap ka na makasal sa akin? Huh? Ang lakas ng loob mong paiyakin si Tricia, Vanessa! Ang isang tabachoy na katulad mo ay nababagay diyan sa sahig at hindi sa katulad ko!”

Tanga ba siya? Kitang-kita naman ng lahat na wala akong ginagawa sa kanyang Tricia. Nagdradrama lang naman ito at mas pinapaniwalaan niya pa rin ito? Kailan lang ba niya nakilala? For Pete’s sake, 3 months pa lang silang magkakilala while us? Since I was 10 years old, they were assigned as my playmate!

“That’s enough!” malakas na sigaw ni Mr. Dawson.

Napatunganga ako. In my last life, never silang nakialam sa akin. Bakit ngayon pinapakita niyang may pakialam siya sa akin?

“I’m sorry, Sir Dawson. Ako po ang may kasalanan, gusto lang akong protektahan at ipaglaban ni Hendrix. Please don’t be mad at him, wala po siyang kasalanan,” sabay punas ni Tricia sa mga imaginary na luha niya.

Lalo akong nainis. Hindi pwede ‘to, hahayaan ko na lang ba na maulit ang aking pathetic fate? Never in my dead body! Kahit nahihirapan ay pinilit kong tumayo. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang akmang paglapit sa akin ni Darius na tila nais akong tulungan, ngunit sinenyasan ko ito na kaya ko na. Hinihingal ko silang hinarap. T*ngna, kailangan ko nang mag-diet. I’m not the pathetic-chubby Vanessa they know anymore!

“I am deeply sorry for my son’s behavior, Mr. Dawson. Alam mo naman ang mga bata, they tend to do what their heart wants,” paghingi ng tawad ng Dad ni Hendrix.

‘Mga bata? What their hearts want? At ano? Ang gusto ng puso ng anak niya ay alipustahin at ipahiya ako?’ Mga nais kong sabihin sa kanila ngunit hindi ko na lang itinuloy. Huminga ako nang malalim at diretsong tumingin kay Mr. Dawson.

“I don’t want him, Mr. Dawson,” seryoso at diretsong sabi ko kay Mr. Dawson.

Tinitigan niya ako nang matagal bago nagsalita. “What do you mean?”

Hindi ko alam ang mararamdaman nang itanong niya ito. Napakalamig ng kanyang boses at nakita ko pa sa tabi niya kung paano ma-tense si Mommy. Galit ba siya dahil gusto niya si Hendrix para sa akin?

“What I mean is… I don’t want Hendrix anymore.”

“Tell me, who do you want?” seryosong tanong niya. Tahimik ang buong silid at pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nasa loob nito. Sobrang nakaka-tense. Nakakatakot. At the same time… nakakagaan ng loob sa hindi maipaliwanag na dahilan.

“I want him, Dad! Yes, him! I want to marry my gay best friend!”

Malakas kong sabi habang nakaturo kay Darius na ngayon ay kasalukuyang nakaturo din sa sarili at tila hindi makapaniwala.

ITUTULOY

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Mayonaka_Kisaki
Mayonaka_Kisaki
Highly recomended! Started: November 4, 2026
2026-11-04 17:35:24
0
0
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status