Share

Chapter Forty Three

LAKAD...lakad...lakad...

Shucks, hindi napigilang sabihin ni Jillian dahil pakiramdam niya'y isang malaking kahangalan lang ang kanyang ginagawa. Ang buong akala niya kasi kapag umalis siya sa bahay ni Lance ay tuluyan na siyang makakatakas. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung wala na siyang lulusutan para magawa iyon?

Gubat ang kanyang pinasok at kasabay ng reyalisasyon na iyon ay naisip din niyang may panganib na ihahatid iyon sa kanya. Kaya naman ngayon ay gusto na niyang huminto at bumalik na kay Lance. Maaari ngang magalit ito sa ginawa niya pero sa palagay naman kasi niya ay iyon ang tama niyang gawin. Pamilyado siyang tao kaya hindi dapat si Lance ang kanyang kasama. 

Kahit pa sabihing ito ang mahal niya. 

Ngunit, nang lumingon siya sa kanyang pinanggalingan ay parang biglang nanlaki ang kanyang ulo. Hindi na rin kasi niya alam kung saan siya galing dahil may apat palang lagusan doon. Kaya, hindi na niya alam kung saan  siya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status