Share

Chapter 3

"Hey, guys." Masiglang bati ni Michael sa'min nang pagkalapit nya. Bumati naman kami pabalik sa kanya. Nakipaghandshake pa sya mga kaibigan namin at sinuntok ng mahina ang braso ko bilang pagbati. Alam niyang di ako mahilig makipag handshake. "Yea, so here's Lea, my girlfriend."

At dun lang namin napansin ang babae sa likuran niya. Nakangiti ito ng malaki at kumaway sa amin. Tumango lang sina Ailan, Marvin at JR sa babae habang ako naman ay ngumiti at kumaway din.

Teka, sino 'to babaeng 'to? Asan si Steff? Isip ko habang pilit na nakangiti pa rin dun sa Lea daw. I know, ang plastic ko. Kesa naman dedmahin ko sya, bastos ko naman.

Btw, Steff was Michael's ex-girlfriend, I guess? To be honest I'm not sure since kahapon kasabay pa namin sya maglunch. Yah. She had been eating lunch with us for almost... uhh, more or less a week now? 

Urgh nevermind. Okay na rin 'to, baka mabait naman di tulad ni Steff na lagi na lamang nakikipag kompetensya sa akin at di ko alam kung bakit.

Michael sat beside me and his girlfriend took the seat beside him. Pagkakaupo palang nila, pinulupot agad nito ang mga braso nya sa braso ni Michael at tumingin ng masama sa'kin.

I held back rolling my eyes. 

Ugh, not with her, either. Pati ba naman sya?

I mean, what's wrong with them? It's not like I'll take their boyfriend away from them... kahit gustuhin ko man, hindi yan mangyayari. You bitches are lucky for being born as a girl.

Isinawalang bahala ko nalang ang uri ng tingin na pinupukol nya sa'kin. Sanay na ako okay? Tinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagkaing nasa harap ko.

Nag-umpisa narin silang kumain nang maihatid nung isang stuff sa cafeteria nato yung pagkain nila.

Actually, hindi naman dapat hinahatid ang pagkain dito. Tama na siguro ang isang example para maigets nyo kung bakit ganun ang trato dito sa kanya.

Isa sa mga board member ng school na 'to ang mother nya. At sila din ang may-ari ng lupang tinatayuan ng school na ito. Yes, it seems to be a lie but it's true. Marami pa silang naiitulong sa school na ito kaya naman walang makagalaw kay Michael dito.

"Michy baby, I don't eat mushroom. Can you please eat it for me?"

 

Palihim na tumingin ako sa kanila nang marinig kong nagsalita si Lea. Nakita ko syang inilalapit ang kutsara sa bibig ni Michael na hindi naman nakatingin sa kanya.

"Okay babe, just put it right there. I'll eat it later." Sabi ni Michael na di man lang ito tinapunan ng tingin. Busy kasi sya sa pagbabalat ng grilled chicken nya.

Fck, not again. "Carlo, here." Nakangiting sabi ni Michael sa'kin sabay lagay nung balat ng manok sa plato ko. "You like that, right?"

Hell yeah, I love it. Pero parang nakakawalang ganang kainin dahil sa uri ng tingin sakin ni Lea. Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti kay Michael. "Yea, thanks."

 

"Baby, I also like that. Can you give me some as well?" Biglang nakangusong sabi ni Lea na tila nagpapacute kay Michael.

"Huh? Sure. Here take the rest." Sabi niya at binigay na lahat ng natitirang manok kay Lea. 

 

Pasimpleng inismidan ako ni Lea. Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil baka bigla ko nalang mahigit ang buhok nya at masabunutan ko.

Nag-umpisa na muli kaming kumain. Tahimik lang na nasubo sina Ailan, Jr at Marvin pero alam kong pinakikiramdaman nila si Lea. Her actions, her whining, her behavior. They are judging her. Since mapili sila sa mga kakausapin at kakaibiganin nila, natutunan na nilang bumasa at nangilatis ng tao. At ganun din ako. At sa pinakikita ni Lea ngayon, nope, di nya makukuha ang loob nilang tatlo.

Si Michael naman, since he's stupid, walang siyang pakialam sa mga taong nakakasalamuha nya. Kung meron bang intensyon o wala ang taong kasama nya, di nya na inaalam. He'll like or hate whoever he likes. He takes opinion to no one. And that's one of the reason why I like him. His honesty... and a little of his stupidity.

"Babe, I said I don't want to!" Tila naiinis na sabi ni Michael kay Lea dahil kanina pa sya nitong pinilit subuan. Bad move, girl. He hates that.

"Isa lang baby, ok? Say aaaah.." pumilit pa ni Lea.

"I can eat by myself, babe." pagmamatigas ni Michael. He's getting to his limit, I can feel it. Di na ako magtataka kung bigla nalang nyang matampal si Lea. That would be nice though. I would like to see that.

"Babe, if you really love me you'll open your mouth." Inis na ring sabi ni Lea.

"Goddammit!" he finally snapped, slamming his hands on the table. "You're making me lose my appetite, Lea. If you still want to be my girlfriend, then stop being so annoying." Sigaw ni Michael.

Gusto kong matawa dahil sa mukha ni Lea. Takot na takot siya at mukhang di inaasahan ang ganitong ugali ni Michael.

Madalas kasi mabait ito sa lahat maliban sa mga taong ayaw nya. Wala pang nakakita sa kanyang magalit maliban sa aming mga kaibigan nya which is madalas mangyari. Everytime na may kinakausap ako at ayaw nya sa taong 'yon nagagalit sya.

"Kalma lang, Kael." Sabi ko at tinapik ang balikat nya. "Tinatakot mo si Lea."

Mabilis naman siyang kumalma nang makita nya ang takot sa mukha ng girlfriend nya. He sighed and apologized to her. "I'm sorry, babe. J-Just don't ask me to do something I don't like."

Nang tumango si Lea, inakbayan sya ni Michael at hinalikan sa labi. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko. Ramdam ko ang sobrang paninikip ng dibdib ko. Ah shit, it hurts. How I wish na ako yung hinalikan at kino-comfort nya. If only I am a girl everything would be simple and easy.

"U-Uhh.. p-pupunta lang ako sa restroom saglit. Excuse me." nakangiting sabi ko sa kanila at agad na lumabas ng cafeteria - hinihiling na sana ay normal lang ang pagpapaalam ko.

Nag-umpisa na ako maglakad papunta restroom. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa music room. Mula sa munting kawang ng pinto, nakita kong may umupo sa harap ng piano at mukhang mag-uumpisa nang tumugtog.

Lumapit ako sa pintuan at marahan sa sumilip sa pinto.

Wow, it's Dark Eroll Arcangel, he's one of the popular students here in this school. I’ve heard of him. He's very good at playing instruments. Marami narin syang pinanalong competitions na nagtaas sa pangalan ng school namin. He's quite good-looking and has a gentle personality (according sa mga fans nya) at isama mo pa na galing sya sa isang mayamang pamilya. Kaya naman isa din sya sa pinakaiingatang estudyante dito. 

Nang inumpisahan nyang tugtugin ang isang komposisyon, automatiko na tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko. Wala man akong gaanong kaalaman at interest tungkol sa musika pero nagawa niya akong papikitin para pakinggang mabuti ang pagtugtog nya. Gusto kong umiyak sa di malamang dahilan.

Hindi ko namalayan naisandal ko pala ang aking ulo sa pinto at tinuon lahat ng lakas ko doon. 

"WOOAH!" Nakalimutan kong nakakawang nga lang pala iyon kaya naman natumba ako papasok ng music room. Nadismaya ako sa pagtigil ng daloy ng musika sa tenga ko.

Natigilan naman ako nang nagtagpo ang mga mata namin ni Dark nang mag-angat ako ng tingin.

"You alright dude?" Tanong nito at lumapit sakin. Hinawakan nya ako sa dalawa kong kili-kili at inangat ako patayo. Woah! He's really tall!

"I’m fine and sorry for disturbing you." Natatawang sabi ko habang pinapagpagan ang pants ko. "Galing mo pala talagang tumugtog."

Ngumiti lang sya at umupo ulit sa harap ng piano. "Hindi na ako magpapakilala since sigurado naman akong kilala mo na ako." Bigla nyang sabi. 

Tinaasan ko sya ng kilay.

What's that supposed to mean?

Nanlaki ang mata nya ng magsink-in sa utak niya ang mga salitang sinabi nya. "N-No. I'm not bragging or anything... It's just, you know, I play sometimes and you might, eh? You probably don't....---"

"Hey hey, kalma lang. I understand and yes I already know you." Natatawang putol ko sa explanation nya. Dang it! He's cute!

Kumamot naman sya sa ulo nya nakitawa din sa'kin. "So what happened. Bakit bigla ka nalang pumatak sa pintuan ng music room?" Tanong nya at pumindot ng isang key sa piano.

"To be honest, pupunta lang sana ako sa restroom tapos nakita kita dito tapos bigla kang tumugtog. Nadala ako sa galing mo sa pagtugtog tas di ko na alam ang nangyari. Ang alam ko lang nakadapa ako sa harapan mo." Sabi ko.

Tumawa naman sya sa explanation ko. "You're a strange one." Sabi nya. "Song, my friend?"

"Huh?" Maang na tanong ko sa kanya. Di ko naman kasi alam kung anong song ang sinasabi nya.

"Do you want me to play for you? You can choose if you want." Sabi nya. Napaisip naman ako. Nag-isip ako ng composition title na alam ko kahit na di ko naman alam yung tunog.

"Canon in D by Johann Pachelbel.." I said quietly. Nag-ok sign naman sya sa kamay nya at muli ulit tumugtog.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. Wow. I love it. So ito pala yung Canon in D. I never heard it like this before. Sure, I've already forgotten the sound of the song pero di pa ako nakakarinig ng ganito kagandang musika. He's playing the song with full of  emotions and sincerity. It was really amazing.

I unconsciously closed my eyes.

Habang tumutugtog nya, nalimutan ko tuloy ang mga problema ko. Kahit sandali lang, nawala ang sakit na naramdaman ko kanina nang makita kong hinalikan ni Michael si Lea. Ang nakatagong nararamdaman ko kay Michael. Ang katotohanan na kahit kailan di nya matutugunan na nararamdaman ko. Ang limang taong paghihirap kong itago ang nararamdaman ko tuwing kasama ko sya. Lahat ng iyon nakalimutan ko habang pinakikinggan ko ang pagtugtog ni Dark.

Tumulo ang luha ko. 

Napakapayapa ng lahat habang tumutugtog sya. Kung pwede sana habang-buhay na sya tumugtog. 

Pero nakalimutan ko, lahat nga pala ng tugtugin, may katapusan. 

Kaya naman nang matapos tumugtog si Dark, muling bumalik sa akin lahat ng emosyon pati narin ang pagmamahal ko kay Michael. Yung pinagsamahan namin, yung ngiti nya, yung personalidad nya at lahat pa ng dahilan kung bakit ako napamahal sa kanya.

"Salamat." Bulong ko.

Nang muli kong buksan ang mata ko, I found Dark intently looking at me. Then he smiled brightly, "You're welcome."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status