Chapter 3
BELLA POVNakatanaw pa din ai Bella sa papalayong si Vin. Nagtataka pa din siya sa ikinikilos neto. Hindi sya sanah sa pananahimik ni Vin. Mas sanay sya na nang aasar o nakikipagharutan sa kanya si Vin.Pumasok na lang sya sa loob ng kanilang bahay ng makita nya na nakapasok na din si Vin sa bahay neto. Pagpasok nya ay agad nyang nakita ang kanyang ina."Mano po Nay!" Sabi ni Bella sa kanyang ina sabay mano dito."Andyan ka na pala Bella. Paalis na din ako anak hinintay lang kita. Magpapalaba kasi si Aling Linda. Maiwan na kita. Magsaing ka na lang dyan mamaya meron naman ng ulam dyan" sagot ng kanyang ina na si Brenda."Sige po Nay. Si Tatay po?""Wala pa ang tatay mo. Tumawag kanina baka bukas pa daw siya maka uwi.""Sige po Nay. Ingat po kayo. Babye""Sige na. Magsara ng pinto ha.""Opo Nay""May tinapay pala dyan. Magmeryenda ka na muna""Opo."Naiwan naman na mag isa si Bella sa kanilang bahay. Agad naman siyang nagpalit ng damit bago nagmeryenda. Gumawa na din sya ng iba pa nilang assignment. Nang matapos siya ay nagsaing na din siya na iniutos ng kanyang ina bago umalis.Habang naghihintay sa kanyang sinasaing ay napasilip siya sa bintana at nakita nya si Vanessa sa kabilang bakod."Pssst... Pssst...." Sitsit nya kay Vanessa sabay tago.Palinga linga naman si Vanessa at hinahanap ang sumisitsit sa kanya "Sino yun?""Pssst... Pssst..." Panloloko pa ni Bella kay Vanessa.Lumapit naman si Vanessa sa may bintana nila Bella dahil nakabukas iyon at pagsilip nya nakita nya ang kanyang ate Bella na nagtatago "Huli ka ate Bella. Hahaha"Nagulat naman si Bella kay Vanessa. "Waahhh... Hahaha." gulat na sabi ni Bella "Pano mo nalaman na andyan ako? Hahaha" dugtong pa nya."Hahaha. Gulat ka ate Bella noh!? Hahaha. Nakita ko kasi na nakabukas yung bintana nyo kaya sumilip ako. Pagsilip ko nakita kitang nagtatago dyan." Sagot naman ni Vanessa."Ikaw talaga. Hahaha. Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan?""Wala po kasi ako magawa sa bahay. Naghahanap po ako ng kalaro kaso wala pa po yung mga kalaro ko eh nagawa pa daw ng mga assignment nila"" O eh ikaw? Wala ka bang assignment?""Tapos ko na po kanina pa ate Bella" ngiting sagot ni Vanessa kay Bella."Ah. Gusto mo pasok ka muna? Wala naman akong kasama dito eh.""Sige ate Bella. Dyan na muna ako wala naman akong ginagawa eh."Agad naman binuksan ni Bella ang pintuan at pinapasok si Vanessa."Baka hanapin ka pala sa inyo Vanessa. Magpaalam ka muna kay lola.""Wala po si lola ate nabili po ng uulamin sa hapunan""Ah. Sige sumilip silip ka na lang dyan sa bintana para makita mo kung hinahanap ka na nila.""Sige po ate. Nasan po si Nanay Brenda? Bat po wala kayong kasama?""Naglalabada si Nanay kila Aling Linda kaya mag isa lang ako dito."Parang kapatid na din ang turing ni Bella kay Vanessa at Viela. Minsan kasi ay dun nagpapalipas ng oras si Bella sa bahay nila Vin. Wala kasi siyang kapatid kaya pag umaalis ang kanyang ina ay wala siyang kasama sa bahay madalas din naman wala ang kanyang ama dahil sa nagtatrabaho eto. Kaya minsan si Vanessa at Viela ang nakakasama nya bukod kay Vin. Wala syang ibang mga kaibigan na malapit lang sa kanila bukod kay Vin dahil karamihan ay mga bata pa ang anak ng kanilang kapitbahay kung meron man na kaedad nya ay puro lalake naman."Nasan pala si kuya Vin mo?" Tanong nya kay Vanessa."Ah si kuya po nasa kwarto po nya eh si ate Viela naman po gumagawa ng assignment nya kasi kauuwi pa lang po" daldal pa ni Vanessa."Ah. May sakit ba si kuya mo ?""Wala naman po ate. Natawa pa nga po yun kanina habang nagmemeryenda kami. Bakit po ate?""Ah. Wala naman. Tahimik kasi sya kanina""Baka nag eemote lang sya ate""Hahaha. Emotero na pala ngaun ang kuya mo. Hahaha" nagkatawanan na lang sila ni Vanessa.Pasado alas sais na ng gabi. Sabay na napatingin si Bella at Vanessa sa pintuan ng may kumatok dito."Sino yan?" Tanong ni Bella."Ako to si Vin. Andyan ba si Vanessa?" Sagot naman ni Vin.Agad naman pinagbuksan ni Bella si Vin ng pinto "Oo andito si Vanessa. Napasarap ang kwentuhan namin hindi na namin napansin ang oras. Pasok ka muna.""Hi kuya!" Sabat naman ni Vanessa." Ikaw talaga Vanessa kanina pa ako naghahanap sa iyo eh. Wala ka dun sa mga kalaro mo. Yun pala andito ka lang. Baka nakakaistorbo ka na dyan ang kulit mo pa naman." Sabi ni Vin sa kapatid."Hindi. Okay lang Vin. Wala naman akong kasama dito naglalabada kasi si nanay kaya mag isa lang ako dito ngayon." Sagot naman ni Bella."Mabait kaya ako kuya. Si ate Viela kaya yung makulet" nakangusong sagot ni Vanessa sa kuya nya."Hoy narinig ko yun noh!" biglang dating ni Viela."Hahaha. Hi ate Viela" sagot ni Vanessa sabay peace sign sa kapatid." Hahaha. Kayo talaga pasok na muna kayo" anyaya ni Bella kila Vin at Viela."Hindi na Bella. Hinahanap lang talaga namin etong si Vanessa. Hinahanap kasi ni lola pagdating" sagot naman ni Vin." Ah sige" sagot naman ni Bella " sige na Vanessa umuwi ka na hinahanap ka na pala ni lola" dugtong pa nya."Sige po ate Bella. Babye. Bukas ulet" sagot naman ni Vanessa."Sige. Bye." Sagot ni BellaNakatingin naman si Vin kay Bella dahil nag iisa nga pala eto sa kanila. "Okay ka lang ba dito? Wala kang kasama eh." Sabi ni Vin kay Bella."Okay lang ako. Maya maya siguro andyan na din si nanay" sagot naman ni Bella."Sigurado ka? Balikan kita mamaya""Okay nga lang ako. Ano ka ba!""Chat mo ako pag wala pa si Nanay Brenda para samahan kita dito habang hinihintay mo sya.""Sige chat na lang kita.""Mag lock ka ng pinto ha""Opo."Lumabas naman na ang magkakapatid at naiwan na mag isa si BellaAlas otso na ng gabi wala pa din ang nanay ni Bella. Sumilip sya sa bintana nila saktong lumabas naman si Vin sa kanilang bahay. Napatingin naman si Vin sa gawi ng bahay nila Bella at nakita nya si Bella na nakasilip don na parang may hinihintay."Bella" tawag ni Vin sa kaibigan. "Wala ka pa bang kasama dyan?" dugtong pa nya."Wala pa eh. Hindi pa nauwi si nanay" sagot naman ni Bella."Sige hintayin mo ako dyan. Magpapaalam lang ako kay lola" sabay talikod ni Vin."Lola samahan ko lang po muna si Bella sa kanila" pagpapaalam ni Vin sa kanyang lola."Bakit apo?" Sagot ng lola nya."Wala po kasing kasama si Bella sa kanila. Hindi pa daw po nauwi si nanay Brenda galing sa paglabada""Ah. O sya sige samahan mo na muna si Bella dun sa kanila. Umuwi ka na din kaagad pag dating ni Brenda ha.""Opo lola." sabay labas sa kanilang bahay.Naghihintay naman si Bella sa kanila. Maya maya pa ay nakita na nya si Vin na papunta sa kanilang bahay. Nang malapit na ito ay binuksan na nya ang kanilang pintuan."Pasok ka. Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Bella kay Vin."Hindi pa naman. Samahan na muna kita dito wala kang kasama eh baka kulbitin ka pa ng multo" biro pa ni Vin kay Bella."Sige manakot ka pa! Magpapasalamat na sana ako eh kaso nananakot ka naman." iirap irap na sagot nya kay Vin."Hahaha. Joke lang eto naman"Alam kasi ni Vin na matatakutin si Bella kaya minsan ay tinatakot nya eto."Galit ka na nyan? Hahaha. Sorry na." Sabi pa ni Vin na tatawa tawa pa.Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da