Share

Chapter 2

Author: Anne
last update Last Updated: 2024-01-27 21:27:52

Chapter 2

Habang naglalakad sila pauwi ay kain ng kain si Bella ng kikiam habang si Vin naman ay tahimik pa din. Napansin naman eto ni Bella dahil madalas ay kinukulit sya neto o di kaya ay nagdadaldal eto habang pauwi sila.

"May problema ba?" hindi na napigil na itanong ni Bella kay Vin.

Napatingin naman si Vin kay Bella. "Ha? Bakit?" sagot niya kay Bella.

"Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik eh. Nakakapanibago kasi madalas nangungulit ka"

"Ah. W-wala naman. Gusto ko lang ng tahimik"

"May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" sabay salat sa noo ni Vin.

"Wala nga eto. Ikaw talaga. Okay lang ako okay. Trip ko lang na tumahimik ngaun" sabay ngiti kay Bella.

"O sige sabi mo eh kung may problema ka pwede mo ishare sa akin pero kung pera ang problema mo ay wala ako nyan. Hahaha"

"Hahaha. Oo na. Sige na. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dungis mo pa din kumain eh parang hindi ka dalaga eh."

" Yayks... Dalaginding pa lang ako noh... Hahaha"

"Sige na pumasok ka na sa inyo. Dito na ako."

"Tatambay ba tayo mamaya?"

"Hindi muna siguro. Sige na. Bye" sabay talikod at kaway ni Vin sa kaibigan.

Nagtataka naman na nakatingin si Bella sa papalayong si Vin. Hindi talaga sya sanay sa ikinikilos neto ngayon. Sanay kasi sya na tumatambay sila tuwing pagabi na sa labas ng kanilang bahay minsan pa nga ay nakikipaglaro pa sila sa mga bata sa kalsada.

Pagkapasok naman ni Vin sa loob ng kanilang bahay ay napabuntong hininga na lamang siya at walang ganang kumilos. Nakita naman nya ang kanyang lola at ang kanyang bunsong kapatid na si Vanessa na nasa kusina at nagmemeryenda. Napansin naman sya kaagad ng kanyang lola.

"Oh iho andyan ka na pala. Halika dito at magmeryenda ka muna. Gumawa ako ng turon." Saad ng kanyang lola.

Agad naman na lumapit si Vin sa kanyang lola "Mano po lola" sabay mano sa kanyang lola.

"Hi kuya! Ang sarap ng turon na gawa ni lola oh" ngiting sabi ni Vanessa sa kanyang kuya.

Si Vanessa ay bunsong kapatid ni Vin siya ay siyam na taong gulang pa lang. May isa pa siyang kapatid na babe si Viela eto naman ang sumunod sa kanya twelve years old naman eto. Si Vin naman ay sixteen years old na. Silang tatlo na na magkakapatid ang magkakasama na nakatira sa kanilang lola. Lola nila eto sa mother side nya. Ang kanila namang kuya na si Vince ay twenty two years old na at nasa kanilang magulang na eto nakatira. Hinahasa na kasi eto sa paghawal ng kanilang negosyo.

Ang pamilya ng kanyang ina na si Valerie ay hindi mayaman parang kagaya lang sa pamilya nila Bella nasa tamang antas lang ng pamumuhay.

Habang ang kanila namang ama na si Leonard De Villa ay nagmula sa mayamang angkan.

Marami ng negosyo ang kanilang mga magulang. Hindi muna sila pinapakita o pinapakilala na magkakapatid para maging ligtas sila sa mga kakumpitensya sa negosyo ng kanilang pamilya. Kaya sila ay sa lola muna nila nakatira at kapag nasa hustong gulang na sila ay saka sila ipapakilala katulad ng kuya Vince nila.

"Talaga!? Lahat naman ng luto ni lola masarap eh" sagot naman ni Vin sa kapatid nya sabay halik sa pisngi ni Vanessa.

"Korak. Hahaha. Oh eto kuya kumain ka na bago ko pa eto maubos." Humahagikhik na sagot ni Vanessa sabay abot ng turon kay Vin.

"Mmm... Masarap nga!"

" Hay naku. Binobola nyo na naman ako na magkapatid kayo" sagot naman ng lola nya. " Ano bang gusto nyong ulam sa hapunan ha?" pagpapatuloy pa neto.

Bigla naman bumukas ang pinto nila at iniluwa non si Viela na hapong hapo na parang galing sa pagtakbo.

Sabay - sabay naman silang tatlo na napatingin dito.

"San ka na naman galing na bata ka? At hingal na hingal ka pa." Tanong ng lola nila kay Viela.

Agad naman etong lumapit sa kanila. "Mano po lola." Sabay mano sa matanda "Galing po ako sa school lola tapos pagkatapos po ng klase naglaro lang po kami ng mga kaklase ko" pagpapatuloy pa nya.

"Nauna pa akong maka uwi sayo eh" sabat naman ni Vin habang kumakain ng turon.

"Hi kuya Vin! Hi Vanessa!" Sabay halik sa pisngi ng mga kapatid. "Wow! Turon! Mukhang masarap ah" sabay dila sa kanyang labi na para bang takam na takam.

"Masarap talaga ate. Syempre si lola ang nagluto nyan eh." sagot naman ni Vanessa.

"Oh sige na magmeryenda na muna kayo dyan. Ikukuha ko lang muna kayo ng juice" sagot naman ng lola nila.

"Thank you po lola" sabay - sabay nilang sagot na magkakapatid.

Silang magkakapatid ay magkakaiba ng ugali. Ang kanilang panganay na si Vince ay may pagkamasungit habang si Vin naman ay mabait at palakaibigan. Si Viela naman ang pinakamakulit at may pagka pasaway sa kanila pero pag nakita nya na galit na ang kanyang kuya Vin ay tumitigil na eto sa pagpapasaway. Habang si Vanessa naman ang pinakamalambing sa kanilang apat.

VIN POV

Nang mapag isa na naman si Vin ay naalala na naman nya ang sinabi ng kanyang ina ng bumisita ito sa kanila.

"Vin, anak, malapit ka na palang mag college. Handa ka na ba na mag- aral sa ibang bansa?" Saad ni Valerie kay Vin.

"Ma hindi po ba pwede na dito na lang ako mag- aral sa Pilipinas? Parang mas gusto ko po kasi na dito na lang mag- aral kesa sa ibang bansa" sagot ni Vin sa kanyang ina.

"Anak diba napag usapan na natin yan. Yan din ang gusto ng Papa nyo. Sa ibang bansa kayo mag- aaral kapag college na kayo. Diba sinabi ko na yan sayo pagtuntong mo pa lang ng high school." saad ni Valerie sa kanyang anak.

"Opo Ma. P- pero kasi po-" hindi na nya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng magsalita ulet ang kanyang ina.

"Naiintindihan naman kita anak. Syempre nasanay ka na dito. Mahirap na para sayo na malayo ka sa mga kaibigan mo at sa mga kapatid mo pero para din naman eto sayo. Dahil pag nasa tamang edad ka na ay hahawakan mo na din ang isa sa mga negosyo natin. Saka babalik ka pa naman ng Pilipinas pagkatapos mong mag aral don sa ibang bansa." Mahabang paliwanag sa kanya ng kanyang ina.

"Opo Ma. Naiintindihan ko po" malungkot niya sa kanyang ina.

Hinawakan naman ng kanyang ina ang kanyang pisngi at ngumiti "Kaya mag- enjoy ka na muna habang nandito ka. Mag enjoy ka kasama ng mga kaibigan mo ha. Isang taon pa naman bago ka mag college" ngiting sabi ng kanyang ina.

"Yes ma" sagot niya sabay ngiti din sa kanyang ina.

Linggo linggo ay binibisita sila ng kanilang ina sa probinsya kung hindi man ito makabisita malamang ay busy ito sa kanilang negosyo kaya tinatawagan na lamang sila neto. Minsan naman ay kasama neto ang kanilang ama. Minsan lamang iyon makasama dahil busy sa kanilang negosyo minsan isa o dalawang beses lang ito makadalaw sa isang buwan. Pero hindi naman nagkukulang ang kanilang mga magulang sa kanilang mga pangangailangan.

Napabuntong hininga na lang si Vin ng maalala niya ang pag uusap nila ng kanyang ina.

"Siguro mag enjoy na lang muna ako habang nandito ako. Matagal tagal pa naman yon isang taon pa naman" saad niya sa kanyang sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Miguel Amaral
saya suka kisha ini
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
Ang hirap nga nyan Vin lalo na kung may minamahal kang maiiwan
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
mapapalayo kc siya,k Bella kaya ayaw nya sa ibang bansa mag aral.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Billionaire Boy Best Friend   AUTHOR'S NOTE

    Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 245

    CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 244

    CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 243

    CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 242

    CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi

  • My Billionaire Boy Best Friend   Chapter 241

    CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status