Nang maggabi ay mabilis akong naligo at nagbihis. Si Andrea na ang pumili kung saan kami magkikita. Alas otso nang dumating ako sa bar na pinili niya. Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang ingay ng paligid. The music is loud. Hinanap ko si Andrea at mabuti naman at hindi ako nahirapan. Kaya lang ay nagtaka ako nang makita kong may kasama siya. Lumalapit ako sa table na kinuha ni Andrea pero titig na titig ako sa kasama niya. Until I realized who she is. “Zaria?” gulat kong tawag. Dalawa silang napalingon sa akin. “Oh my god! Scarlet!” tawag ni Andrea. Tumayo narin si Zaria para salubungin ako.They both hugged me. “Gosh, it's been a while! Akala ko hindi kana babalik,” gulat na gulat paring sabi ni Zaria. Umupo kaming tatlo. May mga drinks na sa table namin. “I did my master’s in the US,” sabi ko sa kanila. “And what power did you use, huh?” tanong ni Zaria. Umiling ako. “I swear, I didn’t know what you were talking about. Kakabasa ko lang din sa mga chat mo. I didn’t know he
Mabilis akong tumalikod at saka lumabas. I could hear them now struggling to hold Lucian. Papasok pa lang ako sa kotse ko, may nakita na akong iilang guards na pumapasok sa loob mansion. Halos hindi ko pa mailagay nang mabuti ang susi ko! What does he mean by hunt me? Hahabulin niya ako? Nang nabuhay ang kotse ko, mabilis akong umalis. Sana talaga dinala ko nalang ang sport car ko! Mabilis na bumukas ang gate. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng gate. Mas lalo nang makalabas ako ng subdivision nila. I checked my gas. Full tank! Good! Baka doon na naman ako kulangin. Mabilis ang pagpapatakbo ko dahil nape-pressure ako. Nang mag thirty minutes ay medyo kumakalma na ako. He was just bluffing. Sa pagkalma ko, doon ko rin nakitang may mga kotse sa likod na. Mabibilis ang takbo! Una kong nakilala ang kotse ni Leon! I know it's his. Yan yong nakita kong gamit niya sa mansion two years ago! Kaya kinabahan na ako! Wala na akong inisip pang iba. I immediately stepped on
I wasn’t ready for this. I felt a bit pressured but I let myself calm and let out a smile. These Vergara seniors…Rodrigo, Eduardo, Rafael, and Benedicto…have an authoritative aura. They carry an air that says they are the law, na kung ano ang gusto nila ay iyon ang dapat gawin. They perfect their family emblem. Legacy. Power. Silence. I know they are not something to mess with. That's why it's so tempting to just act sick and go home. But where's the fun in running, right? Let me try playing with them.But to play with them, I needed my alas. I needed Lucian, still so obsessed. Kung hindi ay wala akong laban. I licked my lips. Sinabi ni Anton na wala akong gustong katabi kaya walang tumabi sa akin. Pinagkasya nila ang sarili nila sa mga couch. Sa inuupuan ko ay kasya ang apat pero ako lang ang nakaupo. They were now staring at me. I stared at them too, thinking hard about how to start. Bumaling ako kay Lucian, hindi rin siya umupo sa tabi ko. And I can’t damn start my play if
Halos araw araw na lang akong may imbitasyon sa mansion nila. Kung hindi lunch o dinner, party sa kanila, birthday sa kanila at kung ano ano pang kaya nilang isipin para lang mabigyan ako ng invitation.Nagsasalin ako ng malamig na tubig sa kusina nang biglang pumasok si mama. Naka-ayos siya at halatang may pupuntahan. “Tumawag sa akin si Mrs. Vergara. Inimbitahan ka niyang pumunta sa kanila,” bored na niyang sinabi. Sa paulit ulit nilang imbita, si mama na lang ang nagsawa. I let out a low chuckle. “Alright mama. Thanks for telling me.” Umalis din siya agad. Parang hinanap lang ako para sabihin yon. Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto. Kaya lang ay wala akong magawa. I already had meetings and I already did the paperwork I'm working on. It's already been a week since the birthday party incident. Baka pwede na ulit maglaro? I smirked. Kaya imbes na magmukmok sa kwarto, nag-ayos ako para dumalo sa mansion nila. I wonder what changed? Tumawa ako nang maalala ang nangyari
Tahimik kaming umupo ni Serenity sa bakanteng couch. Bumaling ako sa paligid kung may bakanteng couch pa dahil sa tapat ko ay si Mr. and Mrs. Vergara. Sa kaliwa ko ay si Mama and papa. Sa right side si Kuya Alaric, Kuya Ryker at Ate. Sa tabi ko si Serenity…sa tapat ng dalawang Vergara. May mga inumin na sa coffee table sa unahan namin. I could feel the tension so I sat comfortably and inhaled deeply. I crossed my legs and leaned on the couch. Si Mrs. Vergara ang unang bumasag ng katahimikan. “I just want to ask forgiveness for what my son did, Mr. and Mrs. Saldivar. I tried to stop him, but he’s just like that when he gets too angry…” paumanhin niya. Kita kong tumingin siya sa akin bago kina Kuya Ryker at Serenity.“I’m also asking forgiveness from Mr. and Mrs. Salazar. I’m really so ashamed that happened,” paumanhin niya ngayon kina Mama at Papa.“It’s alright…Senator…” sabi ni mama, nahihirapan kung paano tatawagin ang mama ni Lucian. Nag-usap usap pa sila para e address ang nan
The way Serenity looked at me, parang gusto akong interogahin. Kaya hindi ako lumapit sa kanya. Habang lumalayo ako, rinig ko ang ingay sa iniwan ko. Hindi na ako lumingon. Dumiretso ako kung saan ko nakita kanina si mama. Papalapit ako kay mama nang makita ko na mabilis na naglalakad si Senator Carmela sa direksyon kung saan ako nagmula. Hindi niya ako nakita dahil nagmamadali siya at halatang problemado. Nakita ko si mama, iba na ang kausap. Hindi niya siguro ako nakita nang bumababa ako ng hagdanan kaya nang mapabaling siya sa akin, kita ko ang pagkagulat niya. Mabilis niyang iniwan ang kausap niya. Gulat siyang lumapit sa akin. “Kailan ka umuwi?” Kaya lang ay hindi pa ako nakakasagot nang sumulpot si Serenity. “Scarlet, we need to talk!” seryoso at mataas na boses na sinabi ni Serenity. She immediately brought tension. Kita kong naalarma si mama.Umirap ako. “There’s nothing to talk about, Serenity,” walang gana kong sinabi. “Scarlet, they’re forcing Gov. Vergara to leave the