Beranda / Romance / My Billionaire Husband's Hidden Identity / CHAPTER 32: “What? Who's Gay?”

Share

CHAPTER 32: “What? Who's Gay?”

Penulis: GennWrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-05 18:56:59

“SI CALEB ang nagbigay n'yan. Pinsan s'ya ng best friend ko at parang younger brother ko na...”

Younger brother? Hindi tanga si Thorin. Malinaw niyang nakita na sa halip na pinsan ni Caleb Moore ang padalhan niya ng pagkain, ay kay Felicity inabot iyon. Normal bang unahin mo ang ibang tao kaysa sa sarili mong kadugo?

Samantala, sariwa pa rin sa isipan ni Felicity kung gaano ka-sofisticated at kung gaano karangya ang Imperial Hotel. Iyon ang first time niyang maka-attend sa ganoong party na kadalasan ay para lang sa mga nasa high society kaya naman talagang manghang-mangha siya.

“Thanks kay Caleb dahil nakakain ng masarap na pagkaing 'di ko pa natitikman sa buhay ko,” hindi maiwasang saad ni Felicity kay Thorin.

Pinag-ekis ni Thorin ang mga binti at braso sa kanyang dibdib na para bang hindi interesado sa narinig saka maikling sumagot, “Hmm.”

“At alam mo ba? Sa Imperial Hotel ginanap ang party. Ang nag-iisang 7-star hotel sa buong Pilipinas!” bulalas pa ng babae na bakas sa mukha ang k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
brilliant ❤
kahit 2 chapters hehe
goodnovel comment avatar
Ronnie Tabuan
More updates please
goodnovel comment avatar
Riinov
hahaha gay dw, baka gusto mo ng patunay felicity.patunayan mo nga miss a
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 38: "Formal Dinner With Felicity's Family."

    NANG makarating sa Quantum apartment ay puno ng pagkamanghang tiningala ni Lucille ang mataas na gusali kung nasaan ang tirahan ng kanyang pamangkin."Aba'y ang ganda naman pala ng apartment mo, Felicity,” bulalas niya habang panay ang tingala sa gusali. "'Di ba sabi mo, kamag-anak ng nobyo mo ang may-ari niyan? Mayaman siguro ang kamag-anak n'ya!" aniya pa na mukhang excited.Samantala, lihim namang bumuntong-hininga si Felicity ng mga sandaling iyon. Alam niyang problema lang ang aabutin niya dahil isinama niya ang tiyahin sa kanilang apartment, pero kapag hindi naman n'ya ito pinaunlakan ay katakot-takot na panunumbat na naman ang aabutin niya.Ngayong alam na nito kung saan siya nakatira, at maya-maya lang malalaman na rin nito ang kasinungalingan niya—na kasal na siya kay Thorin. Kaya sa halip na itago pa sa Tita Lucille niya, hahayaan na lang niyang matuklasan nito ang lahat.Habang ikinakadena ang electric bike niya, isang busina ng kotse ang narinig niya. Nilingon niya iyon at

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 37: "Bida-bidang Tiyahin.”

    “ANG pagmamay-ari ng nobyo mo, pagmamay-ari mo rin. At ang pagmamay-ari mo, pagmamay-ari din namin dahil pamilya tayo.”Pamilya? Halos sumabog ang ulo ni Felicity sa narinig. Kailan pa siya itinuring nitong pamilya? Oo, kinupkop siya nito at pinatira sa bahay pero sa maraming taon niyang nanirahan sa pamilya ng kanyang Uncle John, never siyang itinuring na pamilya ng Tita Lucille niya.Nagmistulan siyang katulong sa pamamahay na iyon. Sa t'wing kumakain ang mga ito ay nahuhuli siya dahil pinagsisilbihan pa niya ang mga ito. Siya rin ang naglalaba ng mga damit ng mga ito, at maski mga underwear ay siya rin. Siya rin ang taga-linis, tagaluto, at tagahugas kahit pa pagod na rin siya sa pagtatrabaho. Kung minsan pa nga, kahit may sakit siya ay walang patawad ang mga ito sa pag-uutos sa kan'ya. Never siyang tinanong ng kanyang Tita Lucille kung kumusta na ba siya, o kung may nararamdaman ba siya, o kung pagod ba siya. Mabuti na lang, kahit papaano ay kinakamusta siya ng pinsan siyang si

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 36: “Ang Mukhang Perang si Lucille.”

    SA LOOB ng maraming taon ay namuhay ng independent si Thorin. Nang mag-college siya ay nag-decide siyang magsarili at bumili ng sariling condo. Nang mag-aral naman siya abroad ay sarili lang din niya ang inaasahan niya, although hindi naman siya pinababayaan ng kanyang parents pagdating sa financial aspect.But not once did they even ask him how he was, or if he had eaten, or if he was tired, or if he was sick. There were so many people around him but none of them showed the same concern as Felicity.Well, hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang mga magulang dahil hindi rin naman siya naging mabuting anak sa mga ito. Speaking of which, iyon ang kauna-unahang weekends na may trabaho siya simula nang magpakasal at katulad ng dati ay wala pa ring nagbago sa kanyang buhay. Work-meetings-home-work, that's Thorin's daily routine and there are times when he gets tired, but he has no choice. NANG makarating sa labas ng subdivision kung saan naghihintay kay Thorin ang kanyang dr

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 35: "Strange Feeling.”

    “B-Bubuksan ko lang ang pinto,” paalam niya saka tumayo at nagtungo sa front door. Tumingin si Felicitybsa monitor para makita kung sino ang taong nasa labas. Nang makitang delivery rider iyon ay mabilis niyang binuksan ang automated door lock.“Good evening, Ma'am. Package for Ms. Felicity Chavez. Paki-sign na lang po for proof na na-receive n'yo ang package,” magalang na saad ng delivery rider.“Okay po,” anang Felicity saka pumirma sa papel at kinuha ang package mula rito. “Thank you, Kuya. Ingat po.”“Thank you, Ma'am.”Nang makabalik sa living room ay kaagad na nagpaalam si Felicity na babalik na sa sariling kwarto dahil ramdam pa rin n'ya ang awkwardness dahil sa nangyari kanina. “M-Mr. Sebastian, thank you para rito,” anang Felicity saka itinaas ang maliit na box. “Mauna rin ako sa'yo. G-Goodnight.”Matapos niyon ay nagmamadaling tumalikod si Felicity na hindi na hinintay pa ang sagot nito. Hiyang-hiya pa rin kasi siya at hindi n'ya magawang titigan ito ng diretso dahil sa kag

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 34: “What's My Secret?”

    WALANG nagawa si Felicity kundi bumalik sa pagkakaupo sa sofa habang hinihintay ang coworker ng asawa. Si Thorin naman ay ipinagpatuloy ang naudlot na pagpunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig.Dahil ang kitchen at living room ay walang divider, kaya malayang napapanood ni Felicity ang galawa ng asawa mula sa kinauupuan. Kumuha ito ng malamig na tubig sa fridge ay nagsalin sa babasaging baso saka uminom ng bayand.He also looked like he had just taken a shower because his hair was still a bit wet. A few strands of his hair were even falling on his forehead, making him look even more handsome.For a moment, pakiramdam ni Felicity ay nasa isang Korean drama siya habang pinanonood ang gwapong lalaki. Maging ang pag-inom nito ay nagbigay ng sexy aura kay Thorin, katulad ng mga bidang lalaki na napapanood niya sa TV. Napaisip tuloy si Felicity. Bakit sa dinami-dami ng babae ay siya pa ang nagustuhan nitong pakasalan? P'wede naman itong tumanggi noon sa blind date, pero sa halip a

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 33: “Is He Hiding Something?”

    “KASI...ANO. Feeling ko gay siya kaya ayaw n'ya sa mga babae...”“What did you say?” nandidilat ang mga matang tanong ni Thorin sa babae matapos marinig ang sinabi nito.Bigla namang nakaramdam ng kaba si Felicity matapos makita ang reaksyon ng asawa. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.“E-Eh kasi naman. Halos 40 years old na s'ya pero tumanggi pa rin siyang magpakasal sa maganda at mayamang babae. K-Kaya feeling ko...feeling ko lang naman. May problema s'ya sa sexual orientation n'ya,” sagot ni Felicity.Lalong sumama ang mukha ni Thorin. Bukod sa pinagdudahan nito ang kanyang sexual orientation ng walang basehan, mas lalo pa siya nitong pinatanda kaysa sa totoo niyang edad. He's only thirty years old and going to be thirty-one in three months. So how did he become 40 years old? Does he really look that old? “At sino naman ang may sabi sayong 40 years old na s'ya?” Kumurap-kurap muna si Felicity habang nakatingin sa lalaki. Ang makakapal niyang eyelashes ay natural na n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status