LOGINHindi ako umimik sa sinabi niya. May punto siya. Dahil dito ay hinayaan ko siyang makita at mabuhat ang bata.
"He looks like me," kampanteng sabi ni Ivran habang nakatingin sa walang malay na bata. Nagpa-panic ang loob ko dahil baka mamaya ay may makakita pa sa kaniya rito at magtaka. "Hindi. Hinding hindi mo magiging kamukha ang bata. Akin na nga lang ulit ang anak ko. Umalis ka na at baka may—" "I won't leave. Let me carry my son while they're not around," putol ni Ivran sa sinasabi ko at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana. "Talagang gusto mong masira ang samahan nina Mama at Tito Dario, 'no? Masyado kang nagpapahalata sa mga kinikilos mo. Pati si Ruscial, nagtataka na rin sa 'yo. Pwede bang umakto ka ng naaayon?" inis kong tanong sa kaniya. Damang dama ko ang kaba sa tuwing nagtataka sila sa kinikilos ni Ivran. Natawa naman siya sa 'kin na para bang nagbibiro ako. "I didn't do anything, Senra. That's how I act since then. Hindi ka lang sanay dahil hindi naman tayo magkasama palagi," sagot niya bago ako hinarap. "You know what? Hindi naman ako ang dapat mong punahin, e. Kaya ako nagpakita sa 'yo ay para ipaalala ko ang kasunduan natin. Tapos ka ng manganak, kaya ako naman dapat ang atupagin mo." Unti-unting umaangat ang galit ko kay Ivran dahil sa pagpapaalala niyang 'to. Hindi naman ako nakakalimot, pero hindi ko tanggap na kung tratuhin niya ako ngayon ay para na niya akong alila. "Hindi mo ako kailangang utusan," mariin kong sabi. "Alam ko, pero pinapaalala ko lang. Gusto ko lang makasiguro na mangyayari at mangyayari ang gusto ko ngayo't kasama mo na ang anak natin—ang anak niyo pala ni Ruscial," pagtatama niya at ngumiti sa 'kin na may pang-aasar. "Kung wala ka ng matinong sasabihin, mas magandang umalis ka na, Ivran," inis kong sabi. "O sige, aalis ako kapag pumayag ka na sa pagtapos ng binyag ng bata, sa akin ka na tuwing gabi. Make me happy kapalit ng pinakainiingatan nating dignidad ng pamilyang 'to," kondisyon niya. Mas lalo akong kinabahan. Sunod-sunod ang tibok ng puso ko sa gusto niyang mangyari. Itong darating na weekend namin ipapabinyag si baby Raci. Talagang gusto ng matupad ni Ivran ang kasunduan. Mukhang magsisimula na rin ang bangungot ko. "P-Pumapayag ako," alanganin ngunit wala akong choice na sagot. Ngumiti si Ivran na tila nagtagumpay siya sa nais niyang mangyari. Binigay na niya sa 'kin si baby Raci bago siya umalis. Pakiramdam ko, ang liit-liit ng mundo ko. MASASAYA ang pamilya ko at pamilya ni Ruscial habang sine-celebrate ang christening ni baby Raci. Imbitado rin ang mga kaibigan at mga anak nila. "Napakagwapo, ha? Pero alam mo, mas kamukha mo si baby Ivan—" "Raci," pagtatama ko sa ninang ng anak ko. "Ah, Raci ba? Bakit second name tapos—" "Dahil gusto kong marinig ang pangalan ni Ruscial. Baby Raci ang palayaw niya," sagot ko kaagad. Hindi ko alam pero talagang nati-trigger ang utak ko kapag tinatawag na 'Ivan' ang anak ko. Si Ivran kaagad ang pumapasok sa isipan ko. "Ah..." tanging nasabi ng ninang ng anak ko. "Doon muna ako, Senra, ha? Bye muna, baby Raci," paalam din niya saka umalis. Biglang umiyak ang anak ko kaya binalak ko siyang i-breastfeed, kaso ay wala naman akong pantapal para hindi lumitaw ang dibdib ko. Tumabi muna ako sa walang tao para i-breastfeed si baby Raci. Pagtapos nito ay saka ako pumasok ng mansion para kunin ang isang malaking tela. Tatakpan ko na lang ang pagdede ng anak ko. "Anak ng—lintek ka, Ivran!" mahina at mariin kong sabi nang makita ko si Ivran bigla na nasa likuran ko. "Kumusta ang... inaanak kong anak ko?" tanong niya. Umirap ako sa kaniya sa inis. Kinuha siya ni Ruscial para maging ninong ng anak ko. "Pwede ba? Magpapahinga ang anak ko. Umalis ka na rin dito at baka makita tayo ni Ruscial," pagtataboy ko sa kaniya. Nginisian niya ako at tinignan sa mata ko at sa... labi ko. "Hindi na ako makapaghintay, Senra," bulong niya. Tumaas ang balahibo ko na parang nakaramdam lang ng kaluluwa sa paligid. "K-Kung gusto mong matuloy ang pinakainaasam mo, umalis ka na rito ngayon na. Ayokong makita tayo nina Mama at Tito Dario na ganito," sabi ko pa. Tumango lang siya habang nakangiti nang nakakaloko sa 'kin bago siya tuluyang umalis. Ilang minuto matapos umalis ni Ivran, pumasok si Ruscial na tila hinahanap ako. "Love, nandito lang pala kayo. I was looking around you," sabi niya habang naglalakad palapit sa 'kin. "Natutulog na ba ang baby natin?" "O-Oo, love. Bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong ko pabalik. "It's time to our ninong's and ninang's messages for our baby. Halika na. We'll sit down in the front kaya hindi magigising ang bata," sabi pa niya. Ngumiti na lang ako at tumango, hudyat na pupunta na kami ro'n. Inalalayan ako ni Ruscial papunta sa harapan—sa may gitna—upang makaupo sa malambot na upuan. Magkatabi kami habang isa-isa namang nagsisipagpunta sa unahan ang mga ninong at ninang upang magbigay ng message kay baby Raci. Pinipilit kong ngumiti at magpakita na masaya ako sa harap ng maraming tao, pero ang totoo ay mas kinakabahan ako at natatakot lalo na kapag kasama namin si Ivran. "For our next ninong, Mr. Ivran Moredad!" sabi ng host kaya't kusang nagising ang diwa ko mula sa pag-iisip. Naglakad si Ivran patungo sa unahan—sa may gilid—habang nakatingin sa direksyon namin. Seryoso siya at pinipilit lang din ang ngumiti. "For baby Ivan... I would like to wish good health, wealth, and good-looking man when you grow up," sabi niya. Natawa pa ang iilan sa pag-aakalang nagbibiro siya. "And of course, gusto kong paalalahanan ang kaibigan ko to protect baby Ivan at all costs... gano'n din sa Mommy niya." "I will, bro! I will!" sigaw naman ni Ruscial habang tumatango. "I do hope you will find your someone to be my son's ninang, Ivran!" sabi pa ng nobyo ko. Ngumisi si Ivran kay Ruscial. 'Di kalaunan ay tumingin siya sa 'kin. "Yeah, bro, I'll get her soon to be with me." Nagpalakpakan ang mga tao sa tuwa—lalo na sina Tito Dario at Mama—dahil sa pag-aakalang may magiging nobya na si Ivran. Pero ang hindi nila alam, ako ang tinutukoy niya.Hinayaan ko muna si Ruscial kasama ang mga kaibigan niya sa baba. Nag-iinuman sila habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Mabuti na lang at tulog na ang anak kong si Raci kaya kahit papaano ay makakaidlip na ako."Ikaw na ang bahala kay Raci, ha? Gusto ko ng matulog. Inaantok na ako," sabi ko sa babysitter."Opo, ma'am," magalang niyang sagot at saka ko na siya iniwan.Nagpunta na ako sa room ko. Sa pagsara ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Ivran na nasa likuran ng pintuan."A-Anong ginagawa mo—Hmm!" Hindi ko na nagawa pang magsalita nang salubungan niya ako ng halik labi. Sa sobrang diin ay para akong hindi makahinga.Sinubukan ko siyang itulak at palu-paluin para kumalas pero sadyang mas malakas siya kumpara sa 'kin. Ilang sandali pa ay binagsak niya ako sa kama. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan si Ivran habang dama ang takot at kaba."I-Ivran—""Shut your mouth or they will hear us here,"
Hindi ako umimik sa sinabi niya. May punto siya. Dahil dito ay hinayaan ko siyang makita at mabuhat ang bata. "He looks like me," kampanteng sabi ni Ivran habang nakatingin sa walang malay na bata. Nagpa-panic ang loob ko dahil baka mamaya ay may makakita pa sa kaniya rito at magtaka. "Hindi. Hinding hindi mo magiging kamukha ang bata. Akin na nga lang ulit ang anak ko. Umalis ka na at baka may—" "I won't leave. Let me carry my son while they're not around," putol ni Ivran sa sinasabi ko at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana. "Talagang gusto mong masira ang samahan nina Mama at Tito Dario, 'no? Masyado kang nagpapahalata sa mga kinikilos mo. Pati si Ruscial, nagtataka na rin sa 'yo. Pwede bang umakto ka ng naaayon?" inis kong tanong sa kaniya. Damang dama ko ang kaba sa tuwing nagtataka sila sa kinikilos ni Ivran.
Magkahalong kaba at takot ko nang isugod ako nina tito Dario, Mama at Ruscial sa St. Luke's Hospital nang pumutok na ang panubigan ko. Kita ko ang pag-aalala nila para sa 'kin. Nang ipasok na ako sa isang room ay hindi ko na inalintana ang mga sunod na nangyari. Sobrang sakit na ng tiyan ko kaya para lumakas ang loob ko ay panay ang inhale at exhale ko. "Push!" Ginagawa ko na lang ang sinasabi ng doktor. Sa bawat pagbanggit niya ng salitang 'yon, buong pwersa akong umiire para ilabas ang anak ko. Ni hindi ko rin napansin na nasa tabi ko na pala si Ruscial para alalayan ako. Nakakapit ako sa kaniya habang siya ay panay ang bulong at dasal. "One more, misis. Push pa po," sabi ulit ng doktor. Doon ay muli akong pumwersa at narinig ko na ang iyak ng isang sanggol. Napangiti ako sa sarili ko. Naluluha ako sa tuwa at galak dahil after nine months, nailabas ko n
Naging magaan para sa 'min ni Ruscial ang pag-amin sa mga magulang ko. Sinabi rin namin ang balita sa mga magulang niya at labis ang tuwa nila para sa 'min.Sinaad ni Mama kay Ruscial na hindi muna kami pwedeng magsama hangga't hindi pa kami kasal. Pwede siyang dumalaw rito sa mansion araw-araw. Nalungkot si Mama dahil ang sabi niya, ngayon pa lang siya babawi sa mga naging pagkukulang niya pero nabuntis naman ako. Ayaw niyang mahiwalay sa 'kin, at gayundin naman ako dahil mahal ko siya.Bukod dito, ayaw rin ni tito Dario na madaliin ang lahat ukol sa kasal. Ang sabi niya ay magpakasal na lang kami after kong manganak para hindi raw ako ma-stress sa mga aasikasuhin. Pumayag naman kami ni Ruscial dahil pabor din 'yon sa 'min.Pangatlong araw matapos ang naging rebelasyon sa pagbubuntis ko, kasalukuyan akong nasa pool area habang nakaalalay ang isang kasambahay. Gusto ko kasing maglakad-lakad ngayo't hindi naman sobrang init ng panahon."Sir Ivran," sambit ng kasambahay kaya tinignan ko
Bawat paggising ko ay para pa rin akong nasa bangungot. Isang buwan at kalahati na akong narito sa mansion matapos ng kasal nina Mama at tito Dario.Habang kumakain ng almusal, naiilang akong tignan si Ivran. Hindi ko na makalimutan ang nangyari sa 'min noong gabi ng engagement party."Hi, tito Dario. Hi, tita Lara," bati bigla ni Ruscial, ang ngayo'y boyfriend ko.Nakakailang dahil matalik na magkaibigan sina Ivran at Ruscial. Nalaman ko lang 'yon simula no'ng umakyat sa 'kin ng ligaw si Ruscial, dahilan kaya sinagot ko siya kaagad.Sa tulong niya, makakalayo ako kay Ivran.Habang nakikipag-usap sina Mama at tito kay Ruscial, pansin ko ang matalim na tingin ni Ivran sa kaniya at sa 'kin. Naiilang ako kapag nagtatama ang tingin namin sa isa't isa."Halika, hijo, sumabay ka sa 'min para—""Hindi na po, tita. I'm here to see my beautiful girlfriend," sabi ni Ruscial at saka ako hinalikan sa pisngi.Sakto nito ay napukaw sa atensyon namin ang ingay nang malaglag ang mga kubyertos ni Ivra
"P-Po?" tanging tanong na lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagtataka ni Mama at fiancé niya sa reaction ko."Yes, anak. Si Ivran ang magiging—""H-Hindi po," sagot kong bigla. Mas natutuwa pa ang lalaking 'to sa naging reaction ko."It's okay. If she can't accept me, it's fine. Hindi ko naman kailangan ng kapatid. Excuse me," paalam ni Sir Ivran bago umalis, samantalang ako, nakaramdam ng kaba at pagtanggi."Pagpasensyahan mo na si Ivran, Senra. Ako na ang humihingi ng tawad," sabi ng fiancé ni Mama pero wala akong naging reaction. Hanggang ngayon ay hindi nagsi-sink in sa 'kin na magiging kapatid ko siya."E-Excuse me po," paalam ko na lang at saka naglakad sa ibang direksyon. Gusto kong pumunta sa hindi mataong lugar. Masyado akong nagugulumihanan sa mga nangyayari.Nag-inhale at exhale ako para mapakalma ko ang sarili. Parang masyado yatang gumulo ang estado ko ngayon."Miss? Bakit nandito ka?" tanong na lang bigla ng isang lalaking hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala. Su







