author-banner
Dracarys
Dracarys
Author

Novels by Dracarys

My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
Read
Chapter: Kabanata 45
"Nakakapanibago na inaya mo 'kong mag-breakfast somewhere. Bakit?" tanong ni Ruscial sa 'kin. Inaya ko siyang mag-almusal sa isang restaurant para makapag-usap din kami nang maayos."Kasi gusto kong mag-sorry sa naging asal ko nitong mga nakaraang araw... lalo na sa pamimilit ko sa 'yo," sagot ko sa kaniya.Ngumiti si Ruscial sa 'kin nang malapad at hinawakan ang kamay ko."Naiintindihan ko, Senra," sabi nito sa 'kin."Tsaka gusto ko rin sanang magkaroon pa tayo ng bonding moments together. Hindi lang kasi ako mapakali sa bahay, e. Ewan ko ba. Pilit ko pa rin'g pinapasok sa isipan ko na ganito na yung buhay ko pero hindi pa rin ako nasasanay," paliwanag ko pa kay Ruscial."It's okay. Makakapag-adjust ka pa. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo, e. I'm sure na maiintindihan din 'to nina tito at tita."Ngumuya ako ng pagkain habang iniisip kung ano pa kaya ang mas mainam na paraan para tuluyan na akong mawala sa piling n
Last Updated: 2026-03-01
Chapter: Kabanata 44
Hinatid namin sina Mama at ang asawa niya sa airport then bumalik na rin kami sa mansion agad."Senra, ano ba'ng ginagawa mo?" tanong na lamang ni Ruscial nang marahan kong hinaplos-haplos ang katawan niya."Bakit ba palagi kang tumatanggi?" tanong ko naman sa kaniya."N-Naiilang ako. Senra, may tiwala sa 'kin sina tito at tita, at ayokong masira ang tiwalang ibinigay nila sa 'kin," sagot nito sa 'kin.Inirapan ko si Ruscial sa inis. Bakit ba masyadong mabait 'tong taong 'to?"Bakit ba parang iniiwasan mo yung gusto ko? Mas sinusunod mo pa sila kaysa sa 'kin, e. Hindi ba't ako ang sinusuyo mo?" tanong ko rito."Senra, mahal kita. Gusto kita pero hindi naman ako makakapayag na may mangyari ulit sa 'tin. Tama na ang isang beses. Paano kung mabuntis ka?""E 'di mag-cond*m ka para hindi mo 'ko mabuntis," pamimilit ko.Hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya dahil hindi niya ako mapagbigyan, mas kinakabahan ako dahil baka mamaya ay pumasok dito si Ivran at muli na naman akong galawin."H'
Last Updated: 2026-02-06
Chapter: Kabanata 43
"Ivran, nandito ka na pala."Binawi ko kaagad ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Ivran nang bigla naming marinig ang boses ng asawa niyang si Klea.Lumapit ito at hinalikan sa labi si Ivran."Mabuti naman at dumating na kayo," sabi pa ni Klea sa 'min."Sige, Klea, aakyat na ako. Inaantok na rin kasi ako, e," paalam ko na lang agad sa kanila at nilagpasan silang dalawa."Goodnight, Senra," dinig kong sabi ni Klea kaya't marahan kong tinaas ang kamay ko para batiin siya pabalik.NAHINTO AKO sa pagkain nang may bulaklak na tumambad sa harapan ko habang abala ako sa pagkain. Nang tignan ko kung kaninong kamay ito nanggagaling ay nakita ko si Ruscial."For you, Senra," sabi nito habang nakangiti nang malapad."S-Salamat. Nag-abala ka pa," sabi ko sa kaniya at kinuha ang bulaklak. Pansin ko ang mga ngiti ng mga kasama ko rito sa mansion."You're such a sweet man, Ruscial. Alam mo ba'ng first time ni Senra na maka-receive ng bulaklak?" sabi ni Mama."Well, I'm lucky at ako ang unang nakapa
Last Updated: 2026-02-05
Chapter: Kabanata 42
"Pwede ba, Ivran? H'wag kang gumawa ng panibagong problema. Sa bahay mo na lang makukuha ang gusto mo," inis kong sabi sa kaniya.Naglakad ako para sana lumabas na ng restroom ngunit bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa braso ko."H'wag kang pakakampante sa mga tao sa loob," seryoso at kalmado niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka."A-Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"Tinignan niya ako at ngumiti siya nang marahan."Those women lately, they are not just women, Senra. They're dangerous. Mas mabuti pa kung layuan mo na si Ruscial, or else, baka may mangyari pa'ng hindi maganda."Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya ngunit isinawalang-bahala ko lang 'yon. Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya sa 'kin at lumabas na ng restroom. Dali-dali akong nagtungo sa loob ng venue para hanapin si Ruscial."Senra, where have you been? Kanina pa kita hinahanap, e," tanong ni Ruscial nang makita niya ako."S-Sa restroom. Pasensya na kung natagalan ako.""Anyway, come and let'
Last Updated: 2026-02-04
Chapter: Kabanata 41
"There he is! Rafael!" tawag ni Ruscial sa isang lalaki kaya't napatingin ito sa gawi niya."Ruscial!" tawag din naman nito."Happy birthday, Raf. You're aging backwards, huh?" pagbibiro ni Ruscial at natawa silang dalawa."Thanks for keep saying that, Ruscial. By the way, who is she? Girlfriend mo?" tanong nito nang makita ako."She's the woman I'm courting, Raf. She's Senra Lazurel. Senra, he's Rafael Quinzor, my good friend and my business partner," pagpapakilala sa 'min ni Ruscial."Hi, Senra, it's nice to meet you.""It's nice to meet you too."Marahang lumapit si Rafael kay Ruscial."She's really beautiful, Ruscial. Baka may maire-recommend ka sa 'kin?" pabiro nitong bulong kahit na naririnig ko.Tumawa silang dalawa."I'll let you know kapag may makita ako. Ikaw naman kasi, e, masyado kang mapili.""Yeah, that's me, e. Anyway, where's Ivran? Nakita mo ba siya?"Hindi ko na sila pinakinggan pa sa pag-uusap nila. Ayokong umalis sa tabi ni Ruscial dahil wala akong makakausap pero
Last Updated: 2026-02-03
Chapter: Kabanata 40
Matapos kong bilhin ang dress ay nagpunta kami ni Pico sa branded shop for bags dahil ang sabi niya sa 'kin kanina ay collector din ang mommy niya."Alam mo, wala naman akong alam tungkol sa mga branded na bag, e. Bumabase lang ako sa apperance at saka sa paliwanag ng sales assistant," sabi ko kay Pico habang namimili kami ng bag."Then yung preference mo na lang ang magiging basis natin. Wala rin naman akong idea that's why I need someone to help me para makapili," sagot naman ni Pico.Inisa-isa namin ang mga bag habang ipinaliliwanag ng sales assistant ang tungkol dito."Ito na lang, miss," sabi ko nang mapukaw sa pansin ko ang isang kulay beige na small bag."Hmm... this looks beautiful. Alam mo rin ang paboritong color ni mommy," sabi naman ni Pico."Paborito niya ang beige?" paninigurado kong tanong. Tumango siya sa 'kin habang nakangiti nang malapad."We'll get that, miss. Thanks," sabi ni Pico sa sales assistant kaya't inasikaso na ito.Matapos bayaran ni Pico ang bag ay saka n
Last Updated: 2026-02-03
You may also like
When Love and Hate
When Love and Hate
Romance · NicsTag
1.3K views
The CEO's Revenge
The CEO's Revenge
Romance · SonOfLincoln
1.3K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status