Mag-log inMagkahalong kaba at takot ko nang isugod ako nina tito Dario, Mama at Ruscial sa St. Luke's Hospital nang pumutok na ang panubigan ko. Kita ko ang pag-aalala nila para sa 'kin.
Nang ipasok na ako sa isang room ay hindi ko na inalintana ang mga sunod na nangyari. Sobrang sakit na ng tiyan ko kaya para lumakas ang loob ko ay panay ang inhale at exhale ko. "Push!" Ginagawa ko na lang ang sinasabi ng doktor. Sa bawat pagbanggit niya ng salitang 'yon, buong pwersa akong umiire para ilabas ang anak ko. Ni hindi ko rin napansin na nasa tabi ko na pala si Ruscial para alalayan ako. Nakakapit ako sa kaniya habang siya ay panay ang bulong at dasal. "One more, misis. Push pa po," sabi ulit ng doktor. Doon ay muli akong pumwersa at narinig ko na ang iyak ng isang sanggol. Napangiti ako sa sarili ko. Naluluha ako sa tuwa at galak dahil after nine months, nailabas ko na rin sa wakas ang anak ko. TATLONG araw ang nakalipas, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti habang tinitignan ang anak ko, si Ivan Enraci Lazurel Bertiz. Hindi ko nga alam kung bakit ito ang pinangalan niya. Bakit may 'Ivan' pa? "Ma'am, halina po kayo. Prepared na po ang breakfast," sabi ng kasambahay kaya lumabas na ako. Bumaba ako papunta sa dining area at nadatnan na naroroon na sina Mama, tito Dario, at Ivran. Nang magtama ang paningin namin ni Ivran, tinuon niya rin ang pansin niya sa anak ko. "Love, good morning," bati ni Ruscial nang makarating siya. Hinalikan niya ako sa pisngi bago niya tignan at halikan sa noo ang anak namin. "Napakagwapo. Mana talaga sa 'kin." "Halina kayo at ng makakain na. Nasaan na ang apo ko?" tanong ni Mama. Pumwesto na kami ni Ruscial. Nasa tabi ko siya at nasa tapat niya si Ivran. Nagdasal at kumain na kami habang hawak ng isang kasambahay si baby Ivan. Nagkukuwentuhan kami ngunit tanging si Ivran ang hindi sumasalo sa 'min. "Ang gwapo nga ng apo ko, e. Senra, anak, bakit ba Ivan Enraci ang pangalan? Saan niyo nakuha 'yon?" tanong ni Mama. "Si Ruscial po ang nagpangalan. Mukhang matagal na niyang pinaghandaan, e," sagot ko. "Ang ganda nga, e. Bakit nga ba 'yon ang pinangalan mo sa bata, Ruscial?" tanong naman ni Tito Dario. Nangiti si Ruscial at mukhang excited siyang sabihin. "Ivan po dahil kinuha ko po 'yon sa pangalan ni Ivran," paninimula niya. Medyo humupa ang ngiti ko at sinulyapan si Ivran na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaibigan niya. "Talaga? Ang sweet naman," sabi ni Mama. "Noong nasa college po kami, nangako po kami sa isa't isa na kung sino ang unang magkakaroon ng anak, ipapangalan namin 'yon sa isa't isa. Kahit hindi po parehong pareho. Then kapag sino po ang unang ikasal sa 'min, kami lang din po ang magiging best man," paliwanag niya. "Grabe ang pagkakaibigan ninyo ng anak ko, ha? Hindi kayo mapaghiwalay," sabi ni Tito Dario. Sumulyap ako kay Ivran pero parang hindi siya natutuwa sa nangyayari ngayon. "Kaya, Ivran, ikaw ang magiging best man ko sa kasal, ha?" tanong ni Ruscial kay Ivran pero ngumiti lang ito nang sobrang tipid. Medyo naiilang ako dahil sa ipinapakita niyang reaction. "Oo nga, 'no? Excited na ako! Masaya ako para sa inyo ni Senra. Maikasal lang kayo, panatag na ako. Alam kong magiging mabuti kang asawa sa kaniya. Kaya anak, maging mabuti ka rin'g maybahay kay Ruscial, ha?" payo ni Mama. Ngumiti at tumango lang ako sa kaniya. "Aasikasuhin na po namin soon ang about po ro'n. Bagay na bagay kay Senra ang apelyido ko," sabi pa ni Ruscial at saka sila nagtawanan na tatlo. Nakikisabay na lang ako kahit na uncomfortable pa rin ako. "Ivran, anak, anong maipapayo mo sa kaibigan mo?—Sa magiging asawa ng kapatid mo?" tanong naman ni Tito Dario kay Ivran. Lahat ng atensyon namin ay bumaling sa kaniya. Nagbitiw siya ng paghinga at pilit na ngumiti habang tinitignan kami ni Ruscial. Hindi maitatago ang seryoso sa mata niya. Alam kong ayaw niya 'tong nangyayari. "Hmm... to my best friend, make sure you'll do everything to make Senra happy," kalmado at mabagal niyang sabi bago ako tignan. "Because once she becomes sad, the others will fulfill the happiness she deserves." Matapos magbitiw ng payo ni Ivran, sandali kaming natahimik sa isa't isa. Alam kong hindi nila alam ang ibig sabihin niya, pero ako, alam na alam ko. "Oo naman! Ako pa ba? Sisiguraduhin ko na ibibigay ko kay Senra lahat ng gusto at kailangan niya. Hinding hindi ko siya pababayaan. Salamat sa payo," sagot ni Ruscial matapos niyang basagin ang katahimikan. "Kumain na tayo," sabi naman ni Tito Dario kaya nagsipagtuon na kami sa mga pagkain namin. Habang abala ako sa paghihiwa, sandali kong tinignan si Ivran. Para siyang pinagsakluban ng lungkot at inis sa loob niya. Hindi ko na lang din siya tinuunan ng pansin para hindi na ako mag-isip pa ng kung ano-ano. NAGBE-BREASTFEED ako kay baby Raci habang nasa loob ng room. Medyo nailang na ako sa pagtawag sa kaniya ng Ivan dahil si Ivran ang naiisip ko. Naaasiwa ako. Dumalo na ng meeting si Tito Dario, habang si Mama naman ay nagpunta sa tinatayong business. Wala rin si Ivran dahil nasa opisina na, maging si Ruscial. Ako at ang mga kasambahay lang ang naiwan. Sa pagiging mag-isa ko, sa loob ng room, ito na naman ako at pinalilibutan ng maraming bagabag sa utak ko. Hindi ako matatahimik dahil si Ivran ang mitsa ng dignidad ko. Kailangan kong gawin ang gusto niya para lang matakpan ang lahat ng 'to. Sumilip ako sa bintana nang makarinig ako ng pagbusina. Pumarada sa harapan ang kotse ni Ivran. Bumaba siya at pumasok sa loob ng mansion. Nagtataka ako kung bakit siya umuwi? Ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas, nagbukas bigla ang pinto ng room at pumasok siya. "Bakit ka nandito?" tanong ko kaagad sa kaniya. "Dahil gusto kong makita ang anak ko habang wala sila," sabi niya at saka binaling ang tingin sa batang si Raci. "Hindi ba't may kasunduan tayo?" tanong ko. "Ang kasunduan, hindi niya ako makikilala bilang ama, pero hindi ko sinabing hindi ko siya pwedeng makita."Hinayaan ko muna si Ruscial kasama ang mga kaibigan niya sa baba. Nag-iinuman sila habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Mabuti na lang at tulog na ang anak kong si Raci kaya kahit papaano ay makakaidlip na ako."Ikaw na ang bahala kay Raci, ha? Gusto ko ng matulog. Inaantok na ako," sabi ko sa babysitter."Opo, ma'am," magalang niyang sagot at saka ko na siya iniwan.Nagpunta na ako sa room ko. Sa pagsara ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Ivran na nasa likuran ng pintuan."A-Anong ginagawa mo—Hmm!" Hindi ko na nagawa pang magsalita nang salubungan niya ako ng halik labi. Sa sobrang diin ay para akong hindi makahinga.Sinubukan ko siyang itulak at palu-paluin para kumalas pero sadyang mas malakas siya kumpara sa 'kin. Ilang sandali pa ay binagsak niya ako sa kama. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan si Ivran habang dama ang takot at kaba."I-Ivran—""Shut your mouth or they will hear us here,"
Hindi ako umimik sa sinabi niya. May punto siya. Dahil dito ay hinayaan ko siyang makita at mabuhat ang bata. "He looks like me," kampanteng sabi ni Ivran habang nakatingin sa walang malay na bata. Nagpa-panic ang loob ko dahil baka mamaya ay may makakita pa sa kaniya rito at magtaka. "Hindi. Hinding hindi mo magiging kamukha ang bata. Akin na nga lang ulit ang anak ko. Umalis ka na at baka may—" "I won't leave. Let me carry my son while they're not around," putol ni Ivran sa sinasabi ko at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana. "Talagang gusto mong masira ang samahan nina Mama at Tito Dario, 'no? Masyado kang nagpapahalata sa mga kinikilos mo. Pati si Ruscial, nagtataka na rin sa 'yo. Pwede bang umakto ka ng naaayon?" inis kong tanong sa kaniya. Damang dama ko ang kaba sa tuwing nagtataka sila sa kinikilos ni Ivran.
Magkahalong kaba at takot ko nang isugod ako nina tito Dario, Mama at Ruscial sa St. Luke's Hospital nang pumutok na ang panubigan ko. Kita ko ang pag-aalala nila para sa 'kin. Nang ipasok na ako sa isang room ay hindi ko na inalintana ang mga sunod na nangyari. Sobrang sakit na ng tiyan ko kaya para lumakas ang loob ko ay panay ang inhale at exhale ko. "Push!" Ginagawa ko na lang ang sinasabi ng doktor. Sa bawat pagbanggit niya ng salitang 'yon, buong pwersa akong umiire para ilabas ang anak ko. Ni hindi ko rin napansin na nasa tabi ko na pala si Ruscial para alalayan ako. Nakakapit ako sa kaniya habang siya ay panay ang bulong at dasal. "One more, misis. Push pa po," sabi ulit ng doktor. Doon ay muli akong pumwersa at narinig ko na ang iyak ng isang sanggol. Napangiti ako sa sarili ko. Naluluha ako sa tuwa at galak dahil after nine months, nailabas ko n
Naging magaan para sa 'min ni Ruscial ang pag-amin sa mga magulang ko. Sinabi rin namin ang balita sa mga magulang niya at labis ang tuwa nila para sa 'min.Sinaad ni Mama kay Ruscial na hindi muna kami pwedeng magsama hangga't hindi pa kami kasal. Pwede siyang dumalaw rito sa mansion araw-araw. Nalungkot si Mama dahil ang sabi niya, ngayon pa lang siya babawi sa mga naging pagkukulang niya pero nabuntis naman ako. Ayaw niyang mahiwalay sa 'kin, at gayundin naman ako dahil mahal ko siya.Bukod dito, ayaw rin ni tito Dario na madaliin ang lahat ukol sa kasal. Ang sabi niya ay magpakasal na lang kami after kong manganak para hindi raw ako ma-stress sa mga aasikasuhin. Pumayag naman kami ni Ruscial dahil pabor din 'yon sa 'min.Pangatlong araw matapos ang naging rebelasyon sa pagbubuntis ko, kasalukuyan akong nasa pool area habang nakaalalay ang isang kasambahay. Gusto ko kasing maglakad-lakad ngayo't hindi naman sobrang init ng panahon."Sir Ivran," sambit ng kasambahay kaya tinignan ko
Bawat paggising ko ay para pa rin akong nasa bangungot. Isang buwan at kalahati na akong narito sa mansion matapos ng kasal nina Mama at tito Dario.Habang kumakain ng almusal, naiilang akong tignan si Ivran. Hindi ko na makalimutan ang nangyari sa 'min noong gabi ng engagement party."Hi, tito Dario. Hi, tita Lara," bati bigla ni Ruscial, ang ngayo'y boyfriend ko.Nakakailang dahil matalik na magkaibigan sina Ivran at Ruscial. Nalaman ko lang 'yon simula no'ng umakyat sa 'kin ng ligaw si Ruscial, dahilan kaya sinagot ko siya kaagad.Sa tulong niya, makakalayo ako kay Ivran.Habang nakikipag-usap sina Mama at tito kay Ruscial, pansin ko ang matalim na tingin ni Ivran sa kaniya at sa 'kin. Naiilang ako kapag nagtatama ang tingin namin sa isa't isa."Halika, hijo, sumabay ka sa 'min para—""Hindi na po, tita. I'm here to see my beautiful girlfriend," sabi ni Ruscial at saka ako hinalikan sa pisngi.Sakto nito ay napukaw sa atensyon namin ang ingay nang malaglag ang mga kubyertos ni Ivra
"P-Po?" tanging tanong na lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagtataka ni Mama at fiancé niya sa reaction ko."Yes, anak. Si Ivran ang magiging—""H-Hindi po," sagot kong bigla. Mas natutuwa pa ang lalaking 'to sa naging reaction ko."It's okay. If she can't accept me, it's fine. Hindi ko naman kailangan ng kapatid. Excuse me," paalam ni Sir Ivran bago umalis, samantalang ako, nakaramdam ng kaba at pagtanggi."Pagpasensyahan mo na si Ivran, Senra. Ako na ang humihingi ng tawad," sabi ng fiancé ni Mama pero wala akong naging reaction. Hanggang ngayon ay hindi nagsi-sink in sa 'kin na magiging kapatid ko siya."E-Excuse me po," paalam ko na lang at saka naglakad sa ibang direksyon. Gusto kong pumunta sa hindi mataong lugar. Masyado akong nagugulumihanan sa mga nangyayari.Nag-inhale at exhale ako para mapakalma ko ang sarili. Parang masyado yatang gumulo ang estado ko ngayon."Miss? Bakit nandito ka?" tanong na lang bigla ng isang lalaking hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala. Su







