Sa pagpuwesto namin sa bar counter, nagsabi si Heriane ng iinumin naming cocktail sa bartender na naroon. Habang hinihintay ay nagkukuwentuhan kami nang bigla namang may taong bumangga sa likod ko. "Sino ba 'tong taong 'to?" naiinis kong bulong sa sarili ko, ngunit humarap ang lalaki dahil tila narinig niya ako. "Oops, I'm sorry," sabi ng lalaki nang matulak niya ang likod ko. Matalim ko siyang tinignan pero nakangiti lang siya sa 'kin. Parang balewala lang sa kaniya. Ang bastos nito, ah?! "Ah, hi, sir Ivran. I'm Heriane, and this is my friend, Senra," agad namang pagpapakilala ng kaibigan ko at saka nakipagkamay sa lalaking ito. "Oh, hi," sabi naman ng lalaki at saka niya ako muling hinarap. "Hindi ko sinasadyang mabangga ka," sabi niya sa 'kin. "Senra, makipagkamay ka na. Si sir Ivran 'yan," nagngingitngit na bulong ni Heriane sa 'kin. Kahit naiinis ay nakipagkamay na ako sa Ivran na 'to. Uminom at nagkwentuhan kami ni Heriane. Pansin ko na marami ang mga babaeng sing-edad nam
Last Updated : 2025-11-20 Read more