Share

CHAPTER 13—A maid and a secretary

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at nakita kong 11 PM na. Iilan pa lang ang natapos ko dahil gusto raw ni Rome mano-mano ang paglalaba sa mga kurtina para hindi ma-disporma ang style ng mga kurtina.

Tumayo ako at nag-stretch dahil sumakit ang likod ko. Nauuhaw na rin ako, hindi ko na napansing hindi na pala ako nakakainom ng tubig bawat oras.

“Ah!” Pag-sigaw ko nang maapakan ko ang kurtina at nasabit ang paa ko. Akala ko babagsak ako pero may kamay na sumalo sa akin kaya’t napakapit ako roon sa isang braso.

Halos gusto ko nang magpalamon sa lupa nang si Rome ‘yon.

Sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya, nakakaakit at nakaka-in love.

Doon ako nagkaroon ng pagkakataon para titigan ang bawat sulok ng mukha niya. Napapikit ako at napanguso para hintayin ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Napadaing ako at napahawak sa baywang ko nang bitawan niya ako.

Napaubo naman siya ng malakas. “Oops.” Ngumisi siya habang ako ay nahihirapan sa ilalim.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Amelia Macale Pangilinan
maganda itong story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status