Share

CHAPTER 165

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-04 15:14:59

CHAPTER 165

Dahan dahan naman na tumango si Louie habang nanatili pa rin siyang nakayuko ang ulo.

“S-sige… gagawa ako ng paraan. P-pero hindi ko maipapangako na kaagad akong makakagawa ng paraan para mabayaran si Mr. Rodriguez. Malaki laki rin talagang halaga iyon at baka abutin pa ako ng buwan o taon bago ko iyon mabayaran sa kanya,” sabi ni Louie.

“Wala akong pakialam. Basta gumawa ka na kaagad ng paraan dahil kasalanab mo naman iyan,” sagot ni Shirley. “Kilala mo ako at nananahimik lamang ako palagi at hindi nangingialam. Pero sa pagkakataon na ito na dinamay mo na ang anak natin sa kalokohan mo ay hindi na ako mananahimik na lang sa isang tabi at hahayaan ka sa gusto mong mangyari,” matapang pa na sabi nito.

Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Louie. At ni hindi nga niya magawang tingnan ang kanyang asawa dahil talagang nahihiya siya sa ginawa niya. Hindi rin kasi talaga niya akalain na makakaramdam ang kanyang asawa na may ginawa siya kaya hindi niya nap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
bantayan mo c Harold mommy bka mapikot ng sekretarya nya...
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
ayan shirley wag ka papayag na mapikot n cammile c harold kawawa ang apo mo
goodnovel comment avatar
(^_^)
saludo po aq sayo mommy she!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 183

    CHAPTER 183“At noong biglaan ka niyang pinadala rito sa London ay talagang nagtaka na ako sa kanya pero kahit na ganon ay hindi ko siya kinontra dahil sa alam ko na kapag may problema ang iyong ama ay nagsasabi siya sa akin. Pero noong mga panahon na yun ay nainip na ako sa kakaintay na magsabi siya sa akin kung ano ba ang naging problema dahil takang taka na talaga ako sa kanya dahil palagi ng mainit ang kanyang ulo at para bang ayaw niya akong harapin o kausapin man lang. Kaya naman kinomprunta ko na siya at pinaamin kung ano ba talaga ang nangyayari kung bakit siya nagkakaganoon. At doon ko na nga nalaman ang lahat. At nalaman ko rin na…” saglit naman na tumigil sa kanyang pagkukwento si Shirley at isang malalim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan.“Nalaman ko na ang kumpanya nating ito ay sinagip ng ama ni Camille na si Mr. Miguel Rodriguez at bilang kapalit nga ng ginawa niyang pagtulong na iyon ay gusto niya na maikasal ka sa kanyang anak,” pagpapatuloy pa ni Shirle

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 182

    CHAPTER 182Gulat na gulat naman si Harold sa mga pinagsasabi na iyon ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na magaling pala itong umarte at nabaliktad pa nito ngayon ang sitwasyon.“What!? Nababaliw ka na yata talaga Camille,” sabi ni Harold at napapailing na lamang talaga siya rito. “Magsabi ka na lang ng totoo dahil walang maniniwala sa kahibangan mong yan,” inis pa na sabi niya.“Tsk. At gagawin mo pa talagang sinungaling ang anak ko matapos nang mga nakita namin na iyon. Hindi ito maaari kailangan mong panindigan ang anak ko. Kailangan mo siyang pakasalan,” galit naman na sigaw ni Miguel kay Harold.“Pakasalan? Excuse me sir. Wala kaming relasyon ng anak ninyo para pakasalan ko siya at ang mga naabutan ninyo kanina ay kahibangan lang ng inyong anak. Kaya kung maaari lang ay iuwi nyo na sya bago pa sya makapagkalat sa kumpanya ko,” inis din naman na sagot ni Harold sa ginoo dahil bakit nga naman niya pakakasalan si Camille gayong hindi naman niya ito nobya.Bigla naman nagpantig ang

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 181

    CHAPTER 181“Itigil mo na yang ginagawa mo Camille habang may respeto pa ako sa’yo at nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko na saktan ka,” gigil pa na sabi ni Harold.Tila nahihibang naman na tumawa si Camille habang dahan dahan niyang tinatanggal ang kanyang braso sa pagkakahawak ng binata. At nang tuluyan nga siyang mabitawan nito ay pinalandas nga niya ang kanyang daliri mula sa bibig nito patungo sa dibdib nito.“Kung sa kama mo naman ako sasaktan ay hinding hindi kita pipigilan baka nga ikalugod ko pa iyon, Harold,” tila nang aakit pa ang boses na sabi ni Camille.Natigilan naman bigla si Harold at para bang bigla siyang natuod sa kanyang kinauupuan. Napalunok pa nga siya ng kanyang sariling laway ng bigla ngang kumandong sa kanya si Camille.“Alam mo ba na matagal na kitang gusto kaso ay hindi mo naman ako pinapansin. Kaya heto… ako na lang gumawa ng paraan para naman mapansin mo na ako. Kaso masyado ka naman yatang mapili sa babae kasi hindi mo pa rin ako pinapansin kahit na

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 180

    CHAPTER 180Bigla naman natigilan si Louie dahil akala pa naman niya ay napapayag na niya si Miguel sa gusto niyang mangyari. Pero mukhang talagang gusto nitong pagbigyan ang anak nito. Pero sa kabilang banda ay naisip niya na ayos na rin yun kesa sa ipilit nito na mangyari na kaagad ang kasalan.“K-kung yan ang gusto mo ay sige… bigyan natin sila ng ilang buwan. Pero kapag wala talagang pagbabago at nanatiling ganon pa rin ang aking anak ay wag na natin itong ipilit pa. Pautay utay ay babayaran na lamang kita sa halaga na nagastos mo para sa aking kumpanya,” sagot naman ni Louie na halatang napipilitan na lamang.Dahan dahan naman na tumango si Miguel sa sinabi na iyon ni Louie. Sa totoo lang ay kaya siya nakipagkita rito dahil sa gusto na niya itong kausapin tungkol sa kasal ng kanyang anak na si Camille at sa anak nito na si Harold. Ayaw na kasi sana niyang pahirapan pa ang kanyang anak kung sa kasalan din naman ito matutuloy. Pero dahil nga sa mga sinabi na iyon ni Louie sa kanya

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 179

    CHAPTER 179Wala naman ng inaksaya pang oras si Louie at agad na siyang pumunta sa naturang restaurant. At habang nasa daan nga siya ay nagtatalo pa rin nga ang kanyang isip kung ano ba ang dapat niyang gawin.Gusto na kasi talaga niyang sundin ang sinasabi ng kanyang asawa pero naisip niya na paano naman niya mababayaran kaagad si Mr. Rodriguez gayong wala naman siyang ganong kalaking halaga para mabawi niya ang kanyang kumpanya. Kaya talagang gulong gulo ang kanyang utak ngayon kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin.Pagkarating ni Louie sa naturang restaurant ay agad naman ng itinuro ng staff kung saan ang table nila at nadatnan na niya roon si Mr. Rodriguez na naghihintay sa kanya. Kaya naman isang malalim na buntong hininga na muna ang kanyang pinakawalan bago siya nagpasya na lumapit na rito.“Good afternoon, Mr. Rodriguez,” agad na bati ni Louie rito at saka niya inilahad ang kanyang kamay rito.“Good afternoon,” sagot din naman ni Miguela t saka niya tinanggap ang pakikipag

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 178

    CHAPTER 178“Hello Shirley! Kumusta kayo riyan ni Harold?” agad na tanong ni Louie pagkasagot niya sa tawag ng kanyang asawa at pilit pa niyang pinapasigla ang kanyang boses na para bang walang nangyayari.“Ayos lang naman kami rito ng anak mo kaya wag mo kaming alalahanin. Napatawag ako dahil ako ang dapat na mangamusta sa’yo. Kumusta? Nakausap mo na ba si Mr. Rodriguez? Nasabi mo na ba sa kanya na hindi na matutuloy ang usapan ninyo na ipapakasal mo si Harold sa kanyang anak?” seryoso naman na sagot ni Shirley mula sa kabilang linya.Mahigit isang buwan na rin kasi ang nakalipas simula ng umalis siya at binigyan pa niya talaga ng oras ang kanyang asawa para magkaroon ito ng pagkakataon na gawan ng paraan ang ginawa nitong problema. Kaya ngayon ay napatawag nga siya rito upang kumustahin na ang tungkol sa bagay na iyon.Bigla naman napalunok ng sarili niyang laway si Louie at laking pasalamat na lang talaga niya dahil hindi niya kaharap ngayon ang kanyang asawa dahil kung nagkataon a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status