Share

CHAPTER 166

Author: Anne
last update Huling Na-update: 2025-07-05 13:41:47

CHAPTER 166

“Si Jillian… oo, naibigay ko na sa kanya ang pinapabigay mo. Sa totoo lang anak ay sobrang lungkot niya simula ng umalis ka. Pero wag kang mag alala dahil ibinilin ko naman siya kay Rose. Ibinilin ko sa kanya na palaging tingnan si Jillian at wag pahihirapan sa trabaho. Dapat nga bago ako pumunta rito ay kakausapin ko siya pero hindi ko kasi siya mahagilap ngayon kaya hindi ko na siya nakausap bago ako umalis” sagot ni Shirley.

Dahan dahan naman na tumango si Harold at kahit na medyo na nalungkot nga siya ng malaman niya na sobrang nalungkot si Jillian sa biglaan niyang pag alis ay kahit papaano naman ay nakahinga siya ng maluwag sa isipin na nasa maayos naman itong lagay at panigurado naman siya na hindi ito pababayaan ng matalik niyang kaibigan na si Rose.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Harold at nanatili nga na malungkot ang mukha nito.

“Sana naman ay makabalik na ako ng Pinas. Miss na miss ko na po talaga si Jillian, mom. Gusto ko na po siyan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 169

    CHAPTER 169Napahagulhol naman ng iyak si Leony dahil sa mga sinabi na iyon ni Jillian. At hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa kanyang nga narinig. Mahal na mahal niya ang kanyang anak kaya nasasaktan siya na nagbenta ito ng katawan para lamang sa pagpapagamot niya.“Anak, hindi mo na sana ginawa pa iyon. Sana inisip mo na muna ang sarili mo dahil palagi na lang ako ang iniisip mo. Mahal na mahal kita anak pero nasasaktan ako dahil ginawa mo yun sa sarili mo para lang sa akin,” umiiyak pa na sabi ni nanay Leony.“Mahal na mahal din po kita nay kaya ko po nagawa ang bagay na yun. Sana mapatawad nyo po ako dahil kahit na alam ko po na hindi kayo matutuwa sa ginawa ko ay utinuloy ko pa rin po iyon. Patawad po nay,” sabi pa ni Jillian.Hindi naman na napigilan ni Leony ang kanyang sarili at agad na niyang yinakap ang kanyang anak.“Ako ang dapat mong patawarin anak dahil masyado na akong nagiging pabigat sa’yo. Palagi mo na lang akong iniisip at nakakalimutan mo na ang sarili mo. Pat

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 168

    CHAPTER 168Pagkauwi naman ni Jillian galing trabaho ay nadatnan na naman niya ang kanyang ina na abalang abala na naman sa pagluluto ng kanilang pagkain. Bago nga siya pumasok sa loob ng kanilang bahay ay isang malalim na buntong hininga pa muna ang kanyang pinakawalan.Kanina kasi ay napag isip isip niya na sabihin na sa kanyang ina ang totoo tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi naman kasi pwede na ilihim pa niya ito rito dahil mahahalata rin naman nito na buntis siya lalo na at madalas na nga siyang nagsusuka at nahihilo. Kalaunan din ay lalaki na rin ang kanyang tiyan. Kaya naman minabuti na niya na sabihin na sa kanyang ina ang totoo na siya nga ay buntis.“Hi nay. Mukhang abalang abala na naman po kayo riyan ah,” sabi ni Jillian at pilit pa nga niyang pinapasigla ang kanyang boses kahit na ang totoo ay kinakabahan na talaga siya.Agad naman na napalingon si nanay Leony sa kanyang anak habang may ngiti sa kanyang labi.“Naku, nagluluto lamang ako ng hapunan natin,” sagot ni nan

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 167

    CHAPTER 167“Wag po kayong mag alala dad. Gagawa po ako ng paraan para magustuhan din po ako ng mommy ni Harold,” sabi ni Camille sa kanyang ama. At habang sinasabi nga niya iyon ay bigla nga siyang nakaisip ng gagawin niya para magustuhan siya ng ina ni Harold.“Siguraduhin mo lang anak na ayos yang gagawin mo dahil baka hindi na kita tulungan sa susunod sa mga gusto mo. Malaking halaga ang nailabas ko para lang sa kalokohan mong ito. Kaya ayusin mo ang pinaggagagawa mo r’yan,” sagot ni Miguel at siya na nga ang nagputol ng kanilang tawag.Napabuntong hininga na lamang nga si Miguel matapos niyang ibaba ang kanilang tawag ni Camille. Bilang isang ama ay gusto niyang palaging masaya ang kanyang anak kaya handa niyang gawin ang lahat para sumaya lamang ito. Pero sa pagkakataon na ito ay para bang bigla siyang nakaramdam ng inis kay Camille dahil baka masayang lang lahat ng ginawa niya dahil sa kalokohan nito. Hindi rin kasi talaga biro ang nagastos niya para makuha ang kumpanya ni Loui

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 166

    CHAPTER 166“Si Jillian… oo, naibigay ko na sa kanya ang pinapabigay mo. Sa totoo lang anak ay sobrang lungkot niya simula ng umalis ka. Pero wag kang mag alala dahil ibinilin ko naman siya kay Rose. Ibinilin ko sa kanya na palaging tingnan si Jillian at wag pahihirapan sa trabaho. Dapat nga bago ako pumunta rito ay kakausapin ko siya pero hindi ko kasi siya mahagilap ngayon kaya hindi ko na siya nakausap bago ako umalis” sagot ni Shirley.Dahan dahan naman na tumango si Harold at kahit na medyo na nalungkot nga siya ng malaman niya na sobrang nalungkot si Jillian sa biglaan niyang pag alis ay kahit papaano naman ay nakahinga siya ng maluwag sa isipin na nasa maayos naman itong lagay at panigurado naman siya na hindi ito pababayaan ng matalik niyang kaibigan na si Rose.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Harold at nanatili nga na malungkot ang mukha nito.“Sana naman ay makabalik na ako ng Pinas. Miss na miss ko na po talaga si Jillian, mom. Gusto ko na po siyan

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 165

    CHAPTER 165Dahan dahan naman na tumango si Louie habang nanatili pa rin siyang nakayuko ang ulo.“S-sige… gagawa ako ng paraan. P-pero hindi ko maipapangako na kaagad akong makakagawa ng paraan para mabayaran si Mr. Rodriguez. Malaki laki rin talagang halaga iyon at baka abutin pa ako ng buwan o taon bago ko iyon mabayaran sa kanya,” sabi ni Louie.“Wala akong pakialam. Basta gumawa ka na kaagad ng paraan dahil kasalanab mo naman iyan,” sagot ni Shirley. “Kilala mo ako at nananahimik lamang ako palagi at hindi nangingialam. Pero sa pagkakataon na ito na dinamay mo na ang anak natin sa kalokohan mo ay hindi na ako mananahimik na lang sa isang tabi at hahayaan ka sa gusto mong mangyari,” matapang pa na sabi nito.Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Louie. At ni hindi nga niya magawang tingnan ang kanyang asawa dahil talagang nahihiya siya sa ginawa niya. Hindi rin kasi talaga niya akalain na makakaramdam ang kanyang asawa na may ginawa siya kaya hindi niya nap

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 164

    CHAPTER 164Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Louie at saka niya seryosong tiningnan ang kanyang asawa.“Okay, fine. Sasabihin ko rin naman ito sa’yo pero hindi muna sa ngayon. Hayaan mo na muna ako na solusyonan ito bago ko sabihin sa’yo ang naging problema. Nakikusap ako, Shirley. Wag mo na muna akong kulitin ngayon. Pakiusap,” sagot ni Louie.“Sige, gusto mo na hindi kita kukulitin? Walang problema pagbibigyan kita pero… aalis ako kasama ang mga bata ngayon din dito sa mansyon. Tutal naman ay may sarili kang mundo at hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo kaya sa’yo na ang mansyon mo pero akin ang mga anak ko at pati na rin si Harold,” matapang pa na sagot ni Shirley at saka nga ito tumayo upang lumabas na sana ng kanilang silid ng biglang magsalita si Louie kaya napatigil siya sa kanyang paghakbang.“Wag naman ganito, Shirley. Ayaw ko lang na mag isip ka pa kaya hindi ko ito sinasabi sa iyo. Kaya hayaan mo muna ako na masolusyonan ito. Wag ka namang umalis,” s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status