The Billionaire Boss' Lust Pleasure

The Billionaire Boss' Lust Pleasure

last updateHuling Na-update : 2026-10-15
By:  WildroosterIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
4Mga Kabanata
8views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

The maid he treated like nothing became the woman he couldn't live without. Nang bumagsak ang negosyo ng pamilya ni Kassandra Flores, nawala sa kanya ang lahat...ang marangyang bahay na kinalakihan niya, ang pangarap niyang maging fashion designer, at ang dignidad na minsan niyang ipinagmamalaki. Ang natira lamang ay ang mga sketch ng kanyang namatay na ina at isang trabahong hindi niya kailanman inakalang papasukin: ang maging personal housemaid ni Bianca Lopez, ang fiancée ng pinakamayamang bachelor sa fashion industry, si Rainier Dominic Vergara. Para kay Rainier, walang halaga si Kassandra. Isa lamang siyang empleyadong dapat sumunod, manahimik, at mawala sa paningin kapag may importanteng bisita. Pero may isang bagay na hindi niya kayang balewalain. The way Kassandra looks at him without admiration. Hindi siya kinikilig sa yaman nito. At higit sa lahat, hindi niya sinusubukang akitin ang lalaking halos lahat ng babae ay handang ipaglaban. That indifference becomes Rainier's first addiction. The secret affair that was never supposed to happen started one night ng nadatnan ni Rainier si Kassandra sa private design studio ng mansion. Habang ang lahat ay natutulog... One forbidden kiss becomes a secret neither can take back. At nang mangyari ang ikalawang pagkakataon, pareho na nilang alam na hindi na ito simpleng pagkakamali. Rainier begins seeking Kassandra in secret. Sa mga gabing wala si Bianca, sa mga oras na sarado ang studio, at sa mga sandaling wala silang ibang kailangang gampanan kundi ang kanilang sariling pagnanasa, nagkakaroon sila ng isang relasyong walang pangalan at walang pangako. Sa harap ng mundo, amo pa rin niya si Rainier. But Kassandra refuses to be his secret forever. “Hindi ako ang pahinga mo sa buhay na pinili mong ipagpatuloy kasama ang ibang babae, Rainier. Hindi ako lugar na puwede mong balikan kapag gusto mong makalimot.”

view more

Kabanata 1

1 - Bagsak Na Heiress (Kassandra)

"Akin na 'yang mga bag niyo, Miss Flores, bago ko pa tawagin ang mga pulis para kaladkarin kayo palabas ng sarili niyong bahay!"

Lumalagutok ang mga sapatos ng Sheriff sa aming Italian marble foyer habang binabasa ang notice of foreclosure. Ang mga kolektor, parang mga gutom na buwaya na walang awang pinagliligpitan ang aming mga mamahaling muwebles, pader sa pader, kwarto sa kwarto. Ang mansion na dati ay puno ng halakhak at karangya, ngayon ay amoy alikabok, kasakiman, at pagtataksil. Pinanood ko ang pagbitbit ng dalawang lalaki sa kulay gintong chandelier na paborito ni Mama noong nabubuhay pa siya. Walang nailigtas si Papa sa huling pagsusugal niya sa negosyo. Binalot kami ng utang, nabaon sa utang na umabot sa daan-daang milyon, at sa isang pikit lang ng mata, nawala ang lahat.

Nilapitan ako ng isang tauhan ng bangko at bastos na hinablot ang maliit kong maleta. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng isang matalim na tingin at mas higpitan ang hawak sa aking dibdib.

"Wag mong hahawakan ito kung ayaw mong ipakain ko sa'yo ang sapatos ko," utos ko sa malamig na boses.

Ang hawak ko lang naman ay ang lumang sketchbook ni Mama. Isang kupas na leather portfolio na naglalaman ng mga orihinal niyang guhit, mga pangarap na hindi na niya naabot bago siya pumanaw. Ito na lang ang natitirang kayamanan ko sa mundong ito. Walang alahas, walang mamahaling sasakyan, walang bangko na may laman. Ako na lang at ang mga papel na ito.

Makalipas ang tatlong oras, nakatayo ako sa loob ng isang maliit at amoy lumang papel na opisina sa Makati. Ang hiring agency para sa mga high-profile domestic staff ay parang palengke ng dignidad.

"Sigurado ka ba rito, Kassandra?" tanong ng manager habang tinititigan ang bio-data ko. "Dati kang VIP client dito. Ngayon, nag-a-apply ka bilang stay-in personal maid? Hindi mo ba kakayanin ang pahiya?"

Isinara ko ang aking mga kamay sa aking kandungan hanggang sa mamuti ang aking mga buko.

"Kailangan ko ng pera ngayon din para sa gamot ng Papa ko at para mabuhay," sagot ko na hindi kumukurap. "Hindi nakakabusog ang kapangyarihan o ang dating apelyido. Bigyan mo ako ng pinakamataas na magpasahod."

Pumirma ako sa kontrata nang walang pag-aalinlangan. Ang resibo ng aking lumang buhay ay pinalitan ng isang simpleng itim na uniporme. Ang aking bagong destinasyon? Ang sikat at kinatatakutang Vergara estate, ang pamilyang nakabili sa aming mga natitirang ari-arian sa pamamagitan ng kanilang makapangyarihang holding company. At ang kailangan kong paglingkuran ay walang iba kundi si Bianca Lopez, ang kilalang socialite, fashion influencer, at fiancée ng pinakamayamang fashion mogul sa bansa.

Paghakbang ko pa lang sa dambuhalang pintuan ng Flores estate kinabukasan, naramdaman ko agad ang bigat ng hangin. Ang mansyon ay tila isang malaking gintong kulungan. Puno ng mamahaling mga painting, mga sulyap ng mga mamahaling chandelier, at mga kasambahay na gumagalaw na parang mga walang kaluluwang robot.

"Siguraduhin mong malinis ang bawat sulok ng dressing room ko bago dumating ang fiancé ko!" sigaw ng isang boses mula sa itaas ng grand staircase.

Nakatayo doon si Bianca Lopez, nakasuot ng kulay rosas na silk robe, habang may hawak na baso ng champagne kahit umagang-umaga pa. Sa tabi niya, nakaluhod ang isang nakababatang kasambahay na umiiyak habang pinupunasan ang natapon na kape sa sapatos ni Bianca.

"Sorry po, Miss Bianca, hindi ko po sinasadya," pagmamakaawa ng bata.

"Sinadya mo!" asik ni Bianca habang itinutulak ng kanyang mataas na takong ang balikat ng babae. "Nakikita kong nakatitig ka sa fiancé ko noong isang araw! Nagpapacute ka ba kay Rainier? Sa tingin mo ba papatol sa'yo ang isang Rainier Dominic Vergara?"

Inayos ko ang aking itim na apron, naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi sa sobrang galit. Walang karapatan ang babaeng ito na tratuhin ang kapwa niya tao nang ganito. Dahan-dahan akong naglakad lapit sa kanila, bawat hakbang ko ay may kasamang lakas ng loob na matagal kong itinago.

"Miss Lopez, kung sa tingin mo ay aagawin ng isang kasambahay ang fiancé mo sa pamamagitan lang ng pagtingin, ibig sabihin lang noon ay wala kang tiwala sa sarili mong ganda... o baka naman alam mong madaling maagaw ang fiancé mo dahil hindi ka talaga niya mahal?"

Biglang tumahimik ang buong bulwagan. Ang mga kasambahay na nagwawalis ay napatigil. Ang tauhan sa p***o ay napahawak sa kanyang baril. Si Bianca ay napahinto, ang kanyang baso ng champagne ay muntik nang malaglag mula sa kanyang mga daliri sa gulat.

"Ano... ano'ng sinabi mo?!" nanginginig sa galit na sigaw ni Bianca, ang kanyang mukha ay namumula na parang kamatis. "Sino ka para pagsabihan ako nang ganyan?! Bastos ka! Sino ang nagpasok sa babaeng ito rito?!"

"Ako ang bagong personal maid mo," sagot ko nang may malamig at permanenteng ngiti sa aking mga labi. "At tinutulungan lang kita para hindi magmukhang tanga ang reputasyon mo sa harap ng mga tauhan mo."

"You are fired! Umalis ka rito ngayon din! Guard!" hysterical na sigaw ni Bianca habang itinuturo ang p***o.

Ngunit bago pa makalapit ang security guard, isang malamig at baritonong boses ang yumanig sa buong espasyo mula sa likuran ko.

"Walang aalis."

Napalingon ako nang mabilis. Sa may pintuan ng mansyon, nakatayo ang isang lalaking may katangkaran, nakasuot ng custom dark charcoal suit na walang kahit isang lukot. Ang kanyang buhok ay maayos na nakasuklay paitaas, at ang kanyang mga mata... ang kanyang mga mata ay parang dalawang talim ng kutsilyo na kayang humati ng kaluluwa. Si Rainier Dominic Vergara. Ang CEO ng Vergara Empire. Ang lalaking kilala sa pagiging walang awa sa negosyo at sa kababaihan.

Naglakad siya papsok nang dahan-dahan, ang tunog ng kanyang mamahaling sapatos ay umaalingawngaw sa buong palapag. Hindi man lang siya tumingin kay Bianca na agad na tumakbo pababa ng hagdan para yakapin ang kanyang braso.

"Babe! Look at this new maid! Napakabastos niya! Sinabihan niya ako ng..." reklamo ni Bianca na parang bata.

Ngunit itinaas lang ni Rainier ang kanyang kamay para patigilin si Bianca. Ang kanyang mga mata ay direktang nakatitig sa akin. May pamilyar na spark sa kanyang mga mata na biglang sumiklab. Isang alaala na pilit kong kinalimutan dalawang taon na ang nakararaan.

Ito ang parehong lalaki sa charity fashion gala. Noong gabi kung kailan naghihingalo na ang negosyo ng pamilya ko, nilapitan niya ako sa balcony, inalok akong bilhin ang aking kumpanya at maging kapalit nito ay ang aking kalayaan. Tinanggihan ko siya noon at isinampal sa mukha niya ang kanyang alak. At ngayon, nakatayo ako sa harap niya bilang isang katulong.

"Ikaw..." mahinang bulong ni Rainier, ang kanyang mga labi ay gumuhit sa isang mapaglaro at delikadong ngiti. "Miss Kassandra Flores. Ang babaeng may napakataas na pride."

Humakbang siya lapit sa akin, bawat pulgada ng kanyang katawan ay naglalabas ng nangingibabaw na kapangyarihan. Amoy na amoy ko ang kanyang mamahaling perfume na may halong amoy ng mamahaling tabako at kahoy.

"So, the fallen princess has finally dropped her crown," panunukso niya sa akin habang itinataas ang aking baba gamit ang kanyang daliri. Pinilit kong itagilid ang aking mukha para makawala sa kanyang hawak, ngunit mas higpitan niya ito. "Nasaan na ang tapang mo noong tinapon mo ang champagne ko sa mukha ko?"

"Nasa sa akin pa rin, Mr. Vergara," palaban kong sagot, nakatitig sa kanyang mga mata nang walang katatakutan. "At kung hindi mo aalisin ang kamay mo sa mukha ko, baka maulit iyon ngayon."

Sa halip na magalit, humalakhak siya nang mahina. Isang tunog na nagpataas ng balahibo sa aking leeg.

"Napakaganda mo pa rin kapag galit ka," pabulong niyang sabi, sapat lang para kami lang dalawa ang makarinig. Pagkatapos ay humarap siya kay Bianca na halos sumabog na sa selos at galit sa tabi namin.

"Babe! Bakit mo siya kinakausap nang ganyan?! Ipa-fire mo siya!" sigaw ni Bianca habang hinahawakan ang kamay ni Rainier.

"No," malamig na utos ni Rainier habang binabawi ang kanyang kamay mula kay Bianca. "Hindi siya aalis. Mula ngayon, hindi na siya personal maid mo, Bianca. She will be under my direct supervision. Siya ang mag-aasikaso ng aking private office at ng aking kwarto rito sa estate."

"What?! Rainier, nababaliw ka na ba?!" hysterical na tanong ni Bianca. "Kartero ka ba para kumuha ng sarili mong maid sa bahay ko?!"

"I own this estate, Bianca. I own everything here," walang emosyong sagot ni Rainier bago muling humarap sa akin. "Mag-simula ka na ngayon din, Kassandra. Linisin mo ang studio ko sa ikalawang palapag. At siguraduhin mong walang bawas ang tapang mo kapag pumasko ako roon."

Tumalikod si Rainier at nagsimulang maglakad pataas ng hagdan. Ngunit pagdating niya sa gitna ng hagdanan, napatigil siya. Dahan-dahan siyang lumingon pabalik.

Nakatayo pa rin ako sa baba, nakataas ang aking noo habang nakatitig sa kanya. Hindi ako yuyuko sa kanya. Kailanman.

Naramdaman ko ang matinding tingin ni Bianca mula sa gilid ko. Nakatingin ang fiancée ni Rainier sa kanya, ngunit ang mga mata ni Rainier ay nakapako lang sa akin. Walang ibang tao sa buong silid para sa kanya. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagnanasa, galit, at isang hindi maipaliwanag na kagustuhan na kontrolin ako. At sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko ang matinding kaba sa aking dibdib. Hindi dahil natatakot ako sa kanya, kundi dahil alam kong ang larong ito ay kakainin kaming dalawa nang buhay.

Nang tuluyan nang makapasok si Rainier sa kanyang kwarto, lumapit si Bianca sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng muhi at panganib.

"Hindi ko alam kung ano ang nakaraan niyo ng fiancé ko," pabulong at nanginginig na galit na sabi ni Bianca sa akin. "Pero sisiguraduhin kong magsisisi ka na ipinanganak ka pa sa mundong ito, Kassandra."

Tinitigan ko lang siya nang deretso, inayos ang aking apron, at naglakad patungo sa hagdanan para sundan ang utos ng lalaking nag-iisang may hawak ng aking kapalaran ngayon.

"Ingat lang sa linya, Miss Lopez," sagot ko bago ako tuluyang tumalikod. "Marami ka pang kailangang matutunan sa kung paano ako lumaban."

Narinig ko ang pagmumura paghinga ni Bianca habang naiwan siyang nag-iisa sa gitna ng bulwagan. At sa itaas ng hagdan, naramdaman ko ang p***o ng kwarto ni Rainier na bahagyang nakabukas, habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatitig sa bawat hakbang ko paitaas. Ang laban ay magsisimula pa lang, at wala ni isa sa amin ang nakahandang matalo.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
4 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status