CHAPTER 271“Tama ka anak… tama ka. Maling mali talaga ang ginawa ko na iyon kaya sana ay makabawi pa ako sa lahat ng pagkakamali na nagawa ko sa’yo at pati na rin kay Jillian,” sagot ni Louie.Bigla namang tumayo si Harold at saka niya yinakap ang kanyang ama dahil kahit na sumama ang loob niya rito ay hindi pa rin naman niya ito kayang tiisin dahil ito pa rin ang kanyang ama.Agad naman na gumanti ng yakap si Louie sa kanyang anak at tuluyan na ngang sumabog ang kanyang luha na kanina pa niya pinipigilan dahil sa ginawa na iyon ni Harold ay alam niya na pinatawad na siya nito.Nakangiti naman si Shirley habang pinapanood niya ang kanyang mag ama at hindi na rin niya napigilan pa ang kanyang luha dahil sa wakas ay magiging maayos na muli ang kanilang pamilya dahil akala niya talaga ay masisira na ang iningatan niyang pamilya.Ilang minuto rin naman na nanatili ang mag amang Harold at Louie na magkayakap hanggang sa kusa na rin silang bumitaw na dalawa. Agad din naman na nagpunas ng k
CHAPTER 270“S-seryoso ka ba sa sinasabi mo na iyan Louie? Baka naman kung ano na naman ang binabalak mo na hindi maganda kila Harold at Jillian ha. Binabalaan kita dahil ako na talaga ang makakalaban mo,” tila hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Shirley sa kanyang asawa at talagang pinagbanataan pa niya ito kung sakali man na may binabalak ito na hindi maganda sa dalawa.“Alam ko naman na nagdududa kayo sa sinabi ko pero maniwala kayo sa akin. Handa kong gawin ito para sa inyo. Ako ang may kasalanan kaya nasira ang pamilya natin kaya sana ay hayaan nyo ako na ayusin ko ito at para na rin makabawi ako sa inyo, Harold. Wala na kasi talaga akong maisip na ibang paraan para tigilan na si Harold nila Miguel at Camille at kung hindi pa natin ito gagawin sa lalong madaling panahon ay baka kung ano pa ang gawin ng mag ama na iyon. Mabuti na rin na isekreto na muna natin ito dahil ayoko rin na madamay pa si Jillian dito dahil baka kung ano pa ang gawin nila rito kapag nalaman nila na buntis
CHAPTER 269“Naiintindihan naman kita anak. Halika na muna rito. Maupo ka na muna para makapag usap tayo ng maayos,” sagot ni Louie kay Harold at nauna na itong maupo roon.Napatingin naman si Harold sa kanyang ina at nang tumango ito sa kanya ay napabuntong hininga na lamang din siya at saka siya sumunod sa kanyang ama.Pagkaupo ni Harold ay sandaling katahimikan naman ang namayani sa kanila. Hindi na rin nga pala umalis ang ina ni Harold at sinamahan na talaga niya ito upang marinig din niya ang anumang pag uusapan ng kanyang mag ama.“Ano po ba ang gusto ninyong pag usapan natin dad? Sabihin nyo na po dahil hindi po ako magtatagal dito,” tanong na muli ni Harold ng matahimik ang kanyang ama.Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan ni Louie bago siya seryosong tumingin kay Harold.“Anak alam ko na masama pa ang loob mo sa akin dahil sa ginawa ko. Humihingi ako ng pasensya dahil aminado naman ako na kasalanan ko ito. Masyado kasi akong nagpadalos dalos ng desisyon ko at
CHAPTER 268“Kagaya mo ay ayaw ko rin naman na ganito ang mangyari sa ating pamilya. Pero sa pagkakataon na ito ay papabor muna ako sa’yo dahil alam ko na mali na ang ginagawa ng iyong ama. Pero alam mo umaasa ako na isang araw ay babalik na sa dati ang ating pamilya… na isang araw ay maliliwanagan na muli ang iyong ama at maging masaya na muli tayo na magkakasama. Kung hindi lang sana nagkaganyan ang iyong ama ay panigurado na matutuwa iyon kapag nalaman niya na dalawa ang magiging apo namin. Kating kati na nga ako na magkwento sa kanya pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili para sa kapakanan ni Jillian at ng mga anak ninyo. Kaya sa ngayon ay tiis tiis na lang muna tayo pero sa oras na maikasal na kayo ni Jillian ay wala ng magagawa pa ang iyong ama at hindi na niya maipipilit pa ang Camille na iyon sa’yo,” sagot ni Shirley kay Harold. Totoo kasi na hindi pa rin niya maiwasan na malungkot sa tuwing naaalala niya na hindi na kagaya dati ang kanilang pamilya. Nalulungkot siya na
CHAPTER 267Hindi pa kasi talaga sinasabi ni Harold kay Jillian ang tunay na dahilan kaya siya biglang nawala noon at pinadala ng kanyang ama sa London. Ayaw kasi niya na mastress ito lalo na at malapit na itong manganak. Ang alam lang din talaga ngayon ni Jillian ay nagkaroon ng problema sa kumpanya nila kaya sila ganito ng kanyang ama ngayon.Dahan dahan naman na tumango si Jillian at naiintindihan naman niya si Harold kung ayaw pa nitong magkwento sa kanya. At isa pa ay may tiwala rin naman siya kay Harold kaya kahit na hindi muna ito magkwento ay ayos lang naman sa kanya.“Alam ko balang arae ay magkakaayos din kayo ng iyong ama,” sagot naman ni Jillian. “Alam na ba niya ang tungkol sa pagbubuntis ko?” hindi na naiwasang tanong ni Jillian dito.“Ang sabi ni mommy ay alam naman daw ni dad na buntis ka pero hindi na sila nagkukwento pa rito. At sa magiging kasal naman natin ay mabuti na rin na wala na muna siyang alam. Gusto ko na maing maayos ang kasal natin kaya hayaan na lang mun
CHAPTER 266“Harold, tumawag nga pala ang iyong ama at ang sabi niya ay may gusto raw siyang sabihin sa’yo. Pauwi na kami ng mga kapatid mo kaya baka gusto mong sumabay na sa amin pauwi ng mansyon,” sabi ni Shirley sa kanyang anak ng lapitan niya ito.Saglit naman na natigilan si Harold sa sinabi na iyon ng kanyang ina at saka siya bumuntong hininga.“Baka naman po pipilitin na naman niya ako na magpakasal sa Camille na iyon. Wag na lang po mom. Iniiwasan ko na nga lang po si dad para hindi na po kami magkainitan pang dalawa,” sagot ni Harold.“Bakit hindi mo na lamang muna subukang pakinggan ang sasabihin niya. Malay mo naman ay iba pala ang sasabihin niya sa’yo. At kung sakali man na kukulitin ka nga niya tungkol sa Camille na iyon ay wag kang mag alala dahil talagang makakatikim na sa akin ang iyong ama,” sagot naman ni Shirley dito. Pinagsabihan na rin kasi talaga niya ang kanyang asawa na tantanan na si Harold ng kakapilit na magpakasal sa Camille na iyon dahil wala naman talaga