Share

CHAPTER 274

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-08-12 18:05:02

CHAPTER 274

“Anak makinig ka naman sana sa akin. Wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo. Hanggat makakaya ko ay ibibigay ko ang lahat ng gusto mo para lang maging masaya ka. Pero ang tungkol kay Harold… hindi ko na maipapangako na kaya ko pa iyong ibigay sa’yo,” lakas loob na sabi ni Miguel dahil gusto na rin niyang matigil ang kanyang anak sa kakukulit nito sa kanya tungkol kay Harold dahil sa totoo lang ay naririndi na rin talaga siya dahil wala na itong bukambibig kundi si Harold na lamang palagi.

“No dad. Please, si Harold lang po ang gusto ko. Please gumawa po kayo ng paraan,” nangingilid na ang luha sa mata ni Camille ng sabihin niya iyon.

“Camille ayoko lang na mas lalo ka pa na masaktan kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na ito sa'yo. Nagkausap na kami ng ama ni Harold at kahit siya ay wala na ring magagawa pa rito at tuluyan na rin niyang isinuko ang kanilang kumpanya sa akin kapalit ng titigilan na natin si Harold,” paliwanag ni Miguel. “Anak hanggat kaya ko naman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eve Gomez
Sana ikasal na agad si Harold at Jillian
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 298

    CHAPTER 298“Ewan ko ba sa babae na iyon dahil napakahirap talaga niyang paliwanagan. Kahit naman noong nasa London pa kami ay nagpapaliwanag na ako sa kanya pero hindi naman siya nakikinig sa sinasabi ko at talagang sarado na ang kanyang utak. Ang gusto na lang kasi niya ay ang gusto niya ang masusunod pero hindi rin naman siya uubra sa akin dahil walang wala siya sa kalingkingan ni Jillian dahil napakalayo talaga niya rito,,” sabi pa ni Harold.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Louie at tila ba parang nakaramdam siya ng awa kay Camille pero mas nanaig sa kanya ngayon ay ang kapakanan ng kanyang anak kesa sa ibang tao kaya ginawa na lamang niya ang kung ano ang mas tamang gawin.“Oo nga pala bakit biglaan naman yata ang pagpunta mo rito? Ni hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka pala ngayon,” sabi pa ni Louie ng maalala niya ang bagay na iyon dahil kanina pa niya itong gustong itanong sa kanyang anak pagkarating pa lang nito roon.“Inutusan po kasi ako ng a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 297

    CHAPTER 297“Maraming salamat hijo. Pakisabi na rin sa kanya na salamat at pasensya na rin,” sagot naman ni Louie at saka niya kinuha ang iniaabot ng kanyang anak. Gusto pa sana niya itong kausapin at tanungin pero ng kindatan siya nito ay nakuha na niya ang ibig nitong sabihin kaya naman itinikom na lamang muna niya ang kanyang bibig.“Anong sabi mo? A-asawa? Sinong asawa mo? Hindi yan maaari dahil ako lang ang magiging asawa mo at wala ng iba. Sinong babae ang pumikot sa’yo? Sabihin mo sa akin at magbabayad sya sa ginawa nyang iyon sa'yo," galit na galit naman na sigaw ni Camille kay Harold.Humarap naman na si Harold kay Camille at nanatili pa ring seryoso ang kanyang mukha.“Unang una ay wala ka ng pakialam pa kung sino man ang asawa ko dahil sino ka ba para pagsabihan ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Pangalawa ay sino naman ang nagsabi sa’yo na ikaw ang magiging asawa ko? Sarili mo lang ang pinapaniwala mo r'yan sa sinasabi mo. Nahihibang ka na talaga dahil wala naman tayong re

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 296

    CHAPTER 296Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ni Louie ng makita niya ang bagong dating sa kanyang opisina at maging si Camille ay nagulat din sa dumating na iyon at ang galit na mukha nito kanina ay biglang napalitan ng saya at agad na itong napangiti ng makita ang bagong dating na iyon.“H-Harold!? Ikaw nga,” sabi ni Camille at mas lalo pang lumawak ang ngiti nito sa labi. “Sabi ko na nga ba at dito lang kita matatagpuan. Sobrang tagal na kitang hinahanap at kung alam mo lang kung paano ako mabaliw sa kakahanap sa’yo,” sabi pa niya“A-anong ginagawa mo rito anak?” gulat na gulat naman na tanong ni Louie sa kanyang anak dahil wala naman silang usapan na pumunta ito rito ngayon sa kanyang opisina.Sa katunayan nga ay matapos ang kasal ni Harold at Jillian ay sinabihan ni Louie si Harold na wag na munang maglalabas labas kasama si Jillian para makasiguro sila na maging ligtas ang mga ito. Maging ang kanyang asawa na si Shirley ay hinayaan na lamang din muna niya na manatili sa baha

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 295

    CHAPTER 295“Good Morning Mr. Villanueva. Nice to meet you,” agad na bati ni Camille sa ama ni Harold at dire diretso pa siyang naglakad palapit dito. May tipid na ngiti pa ang nakapaskil sa labi nito at saka ito nakipagkamay kay Louie.“Good morning din Ms. Rodriguez,” bati rin naman ni Louie sa dalaga at saka niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. “Napadalaw ka yata hija. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?” tanong pa niya.Umayos naman ng pagkakatayo niya si Camille at saka niya seryosong tiningnan ang ama ni Harold.“Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa at siguro naman po ay alam nyo naman po kung sino talaga ang pakay ko sa pagpunta ko rito. Gusto ko lamang pong malaman kung nasaan na po si Harold ngayon? Sa pagkakaalam ko rin po ay may kasunduan na kayo ni dad na pumapayag kayo na ipakasal sa akin si Harold. Kaya nasaan na po siya para mapag usapan na po namin ang tungkol sa aming kasal,” sagot naman ni Camille at talagang pinapanindigan nito ang kanyang gusto kahit na naipa

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 294

    CHAPTER 294“Anak, alam mo kung gaano kita kamahal at alam mo rin kung gaano ko kagusto na maging masaya. Ginagawa ko naman ang lahat para sa’yo pero itong gusto mong mangyaro mahirap tong kunin dahil hindi naman isang bagay si Harold. Tao sya at marunobg din na mag isip,” mahinahon pa na sabi ni Miguel at saka siya huminga ng malalim.“Alam mo anak paulit ulit ulit na lang tayo rito. Ilang beses ko na itong pinaliwanag sa’yo pero hindi ka naman nakikinig sa akin. Ilang beses ko na ring sinabi sa’yo na hindi ko maibibigay ang gusto mong ito pero ipinagpipilitan mo pa rin. Hindi ko na alam kung paano pa ba kita papaliwanagan at hindi ko na alam kung ano pa bang paliwanag ang gusto mo. Suko na ako sa’yo. Bahala ka na sa kung anong gusto mong gawin pero ito lang ang sasabihin ko sa’yo anak. Hindi ako nagkulang na pagsabihan ko. Hindi ako nagkulang na payuhan ka. At oras na magkamali ka ng gagawin mo ay hindi na kita papakialaman pa. Sana ay nagkakaintindihan tayong dalawa,” seryoso pa na

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 293

    CHAPTER 293Naipikit naman ng mariin ni Miguel ang kanyang mata at pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili dahil baka hindi na naman siya makapagpigil at masaktan na naman niya ang kanyang anak.“Camille hindi kita pinalaki para maging ganyan kadesperada sa isang lalaki. Marami pa namang iba r’yan kaya maghanap ka na lamang. Bigyan mo naman sana ako ng kahit na kaunting kahihiyan. Nang dahil kasi sa kagustuhan mo na iyan ay namimilit na ako ng tao para lang maibigay ko ang gusto mo at talagang nakakahiya na iyon dahil masyado ka naman na yatang naging makasarili non,” gigil pa na sabi ni Miguel sa kanyang anak.“Pero dad…” “Camille stop acting like that. Malaki ka na at marunong ka naman ng mag isip ng tama. At alam mo naman na siguro sa sarili mo na mali yang gusto mong mangyari. Oo nga at magiging masaya ka sa gusto mong iyan pero ang ibang tao sa tingin mo ba ay magiging masaya. Akala ko pa naman ay nakapag isip isip ka na sa ilang araw kang nawala rito yun pala ay hindi ka pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status