My Ex-Husband Regrets Losing Me To a Billionaire

My Ex-Husband Regrets Losing Me To a Billionaire

last updateLast Updated : 2026-10-19
By:  Chang GoUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa loob ng sampung taon, itinago ni Allan Santos ang tunay na pagkatao ni Jane Vasquez—ang babaeng pinakasalan niya matapos itong mabuntis. Para sa pamilya ni Allan, isa lamang si Jane sa mga babaeng naghahanap ng pagkakataong makapangasawa ng mayaman. Nakilala niya si Allan sa isang bar kung saan nagtatrabaho siya tuwing gabi. Hindi nila alam na sa umaga, isa siyang respetadong propesyonal at dating Chief Technology Officer (CTO) ng Aurelion Technologies International, isang kilalang kumpanya sa larangan ng teknolohiya at artificial intelligence. Nagtatrabaho si Jane sa bar hindi dahil wala siyang ibang kakayahan, kundi dahil kailangan niyang makalikom ng pera para sa operasyon ng kaniyang ina. Ngunit nang mabuntis siya at pakasalan ni Allan, iniwan niya ang kaniyang mataas na posisyon upang italaga ang sarili sa kaniyang pamilya. Para sa kanila, isa siyang babaeng mapagsamantala. Para sa kaniyang biyenan, hindi siya karapat-dapat sa kanilang pamilya. Ngunit ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi lamang ang pangmamaliit sa kaniya. Kundi ang araw na nalaman niyang ikakasal ang sarili niyang asawa sa dating secretary ng kanyang asawa na si Alexa Cruz. Sa araw ng kasal, sa harap ng mga panauhin at ng pamilyang minsang ipinaglaban niya, tuluyan nang gumuho ang mundong binuo ni Jane. Sa halip na humingi ng tawad, itinaboy siya ni Allan. Maging ang sarili niyang anak ay pinili ang babaeng papalit sa kaniya. Pagkatapos ng sampung taon ng pagtitiis at pagsasakripisyo, tuluyan siyang lumayo sa lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niya. Ngunit hindi alam ni Allan na ang babaeng itinuring niyang pabigat ay ang mismong propesyonal na kailangan ng kaniyang kumpanya. Hindi niya alam na ang dating CTO na matagal nang hinahanap ng Aurelion Technologies International ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Alas-tres ng hapon, habang abala si Jane Santos sa paghahanda ng tanghalian, biglang tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello, si Mrs. Santos po ba ito? Ako po si Mica mula sa Good Events Wedding Company. Tatawag lang sana ako upang kumpirmahin ang ilang detalye tungkol sa nalalapit na kasal ninyo.”

Natigilan si Jane.

Bahagya siyang napangiti bago sumagot. Maganda ang kanyang pakiramdam nang araw na iyon, kaya hindi niya inakalang may maririnig siyang kakaibang balita mula sa kabilang linya.

“Oo, ako nga si Mrs. Santos. Pero sampung taon na kaming kasal ng asawa kong si Allan. Wala naman kaming planong magdaos ng panibagong kasal.”

Saglit na natahimik ang kausap niya.

“Sandali lang po. Baka nagkamali ako ng natawagan. Kayo po ba si Ms. Alexa Cruz, ang mapapangasawa ni Mr. Allan Santos?”

KLANG!

Bumagsak sa sahig ang kutsarang hawak ni Jane. Parang biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang bawat salitang narinig niya. Nanlamig ang kanyang mga daliri habang unti-unting namumutla ang kanyang mukha.

“Hello? Naririnig ninyo ba ako? Kayo po ba si Ms. Alexa Cruz?”

Nanginginig ang mga labi ni Jane.

“A-Ako… hindi…”

“Pasensya na po. Mukhang maling numero ang natawagan ko.”

Pagkatapos humingi ng paumanhin, agad na pinutol ng babae ang tawag. Ngunit hindi na mapakali si Jane.

Allan Santos ang pangalan ng kanyang asawa. Ikinasal siya kay Allan noong dalawampu't dalawang taong gulang pa lamang siya. Sampung taon na ang kanilang pagsasama, at mayroon silang pitong taong gulang na anak na lalaki.

Hindi rin bago sa kanya ang pangalang Alexa Cruz. Ito ay ang secretary ni Allan at kasalukuyang nagtatrabaho sa kumpanyang pinamamahalaan ng kanyang asawa.

Ilang ulit na niyang narinig ang pangalan ni Alexa mula mismo kay Allan. Sa tuwing binabanggit ng lalaki ang dalaga, hindi nawawala ang papuri sa kanyang mga salita.

Matalino raw ito. Mahusay. May pambihirang talento. Ngunit ni minsan ay hindi naisip ni Jane na maaaring may mas malalim na ugnayan ang dalawa.

Paano siya maniniwala sa tawag na iyon? Paano magkakaroon ng kasal ang kanyang asawa nang hindi man lamang niya nalalaman? At bakit eksaktong pangalan nina Allan Santos at Alexa Cruz ang binanggit ng babaeng tumawag?

Hindi. Imposible ito. Marahil ay nagkataon lamang ang lahat.

Paulit-ulit niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili, ngunit habang tumatagal, lalo lamang bumibigat ang kanyang dibdib.

Alas-onse na ng gabi.

Tahimik ang malawak na sala ng tahanan ng pamilya Santos. Tanging si Jane lamang ang nakaupo sa sofa at naghihintay sa pagbabalik ng kanyang asawa.

Ilang ulit niyang tinawagan si Allan, ngunit wala ni isa sa mga iyon ang sinagot nito.

Alas-dose na nang sa wakas ay tumawag ang kanyang asawa. Agad na sinagot ni Jane ang tawag. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, isang malamig at mababang tinig ang sumalubong sa kanya.

“Napakabusy ko rito! Hindi mo ba ako naiintindihan?”

Nanginig ang puso ni Jane. Sa loob ng sampung taon, palagi niyang isinasaalang-alang ang oras, trabaho, at pangangailangan ni Allan. Kapag may problema ito, siya ang unang nag-aalala. Kapag pagod ito, sinisikap niyang huwag itong gambalain.

Ngunit ngayon, kahit isang simpleng tawag ay tila isa nang malaking abala para rito.

“Uuwi ka ba ngayong gabi?” mahina niyang tanong.

“Hindi. May business trip ako ngayong weekend. Dito na lang ako matutulog sa opisina.”

“Kung ganoon, kailangan mo ba ng—”

Nais sana niyang tanungin kung kailangan nitong magdala ng mga damit at iba pang gamit. Handa pa nga siyang mag-impake at ihatid ang mga iyon kung kinakailangan. Ngunit bago niya matapos ang pangungusap, may narinig siyang tinig ng isang babae mula sa kabilang linya.

“Sir, bilisan mo naman. Kailangan nating asikasuhin ang mga detalye ng kasal.”

“Okay, mamaya na tayo mag-usap,” mabilis na putol ni Allan. “Marami akong gagawin sa mga susunod na araw. Huwag mo akong abalahin sa mga problema sa bahay.”

BEEP.

Naputol ang tawag.

Napatitig si Jane sa cellphone na hawak niya. Hindi man niya narinig ang buong sinabi ng babae, malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang salitang iyon.

Kasal.

Biglang kumalat ang matinding ginaw mula sa kanyang dibdib hanggang sa buong katawan.

Ang tawag na natanggap niya kaninang hapon. Ang pangalang Alexa Cruz. Ang kasal na inihahanda. At ang tinig ng babaeng kausap ng kanyang asawa.

Unti-unting nagdurugtong-dugtong ang lahat. Ngunit sa kabila ng mga palatandaang nasa harapan na niya, may bahagi pa rin ng kanyang puso ang tumatangging maniwala.

Sampung taon niyang minahal si Allan Santos. Sampung taon niyang pinaniwalaan na kahit malamig ito sa kanya at hindi palaging nagpapakita ng pagmamahal, may puwang pa rin siya sa puso nito bilang asawa. Hindi niya kailanman hiniling na maging marangya ang kanilang buhay. Hindi niya rin hiniling na palagi itong nasa tabi niya. Ang nais lamang niya ay ang simpleng katiyakang siya pa rin ang babaeng pinili nito. Ngunit kung totoo ang lahat ng kanyang hinala, ano na lamang ang kahulugan ng sampung taong iyon?

Buong magdamag na hindi nakatulog si Jane.

At nang sumikat ang araw, nakasakay na siya sa isang bus patungo sa kalapit na lungsod. Namumugto ang kanyang mga mata. Halatang hindi siya nakapagpahinga, at maputla ang kanyang mukha dahil sa magdamag na pag-aalala. Ngunit wala na siyang pakialam sa kanyang hitsura.

Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kailangan niyang makita mismo kung talagang ikakasal ang kanyang asawa sa ibang babae.

Nakuha niya ang address ng pagdarausan ng kasal matapos tumawag muli sa wedding planning company gamit ang ibang numero at magkunwaring isang guest na nagtatanong tungkol venue ng gaganapin na kasal. Hindi naghinala ang kausap niya. Walang pag-aalinlangan nitong ibinigay ang address.

At iyon ang dahilan kung bakit naroon siya ngayon. Hindi upang gumawa ng eksena. Hindi upang makipag-away. Kundi upang makita kung hanggang saan siya kayang lokohin ng lalaking sampung taon niyang tinawag na asawa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status