CHAPTER 73Halos maghapon naman nga na iniisip ni Jillian kung ano ba ang gagawin niya dahil hindi niya alam kung paano ba siya magpapaalam sa kanyang ina dahil nga baka mahalata siya nito. At isa rin nga sa inaalala niya ay wala nga itong makakasama sa kanilang bahay.Hindi naman din kasi pwede na hindi siya pumunta roon dahil baka nga magalit si Mr. H sa kanya at ayaw naman nga niya iyong mangyari dahil sa malaki nga ang utang na loob niya rito.Habang nasa malalim nga na pag-iisip si Jillian ay nafinig nga niya na may kumatok sa kanilang pinto at nang bumukas nga iyon ay agad nga niyang nakita si Jane at April.“Jillian, kanina pa kami kumakatok. Bakit ba hindi mo binubuksan ang pinto ninyo?” nakanguso pa nga na sabi ni Jane.Nagulat naman nga si Jillian sa sinabi na iyon ng kanyang kaibigan dahil hindi nga niya napansin na may kumakatok na pala kanina pa napatingin nga siya sa gawi ng kanyang ina at nakita nga niya na mahimbing pa ito na natutulog.“Hinaan mo nga yang boses mo. N
CHAPTER 72Kinabukasan naman nga ay hindi pa rin nga muna pumasok sa kanyang trabaho si Jillian. Gusto kasi niyang alagaan na muna ang kanyang ina at kung pwede nga lang na palagi lang siyang nasa tabi nito ay gagawin nya kaso ay hindi naman pwede iyon dahil wala nga silang kakainin kung hindi siya magtatrabaho.“Anak, bakit hindi ka pumasok sa trabaho mo ngayon? Kaya ko naman na rito kahit na mag isa lang ako kaya wag mo na akong alalahanin pa. Baka hinahanap ka na sa trabaho mo dahil ilang araw ka ng hindi pumapasok,” sabi ni nanay Leony kay Jillian dahil nag-aalala nga siya rito na baka mawalan nga ito ng trabaho nang dahil sa kanya.“Nay, wag nyo na pong isipin ang bagay na iyan. Naka leave pa po ako kaya po hindi ako pumapasok sa trabaho ko ngayon,” sagot naman ni Jillian. “At saka nay gusto ko pa po kayong alagaan muna dahil baka kung mapano kayo rito wala pa naman po kayong kasama,” pagpapatuloy pa nga niya.Bumuntong hininga naman nga si nanay Leony at saka nga niya tinitigan
CHAPTER 71Matapos nga na maayos ni Jillian ang lahat ng mga kailangan niyang ayusin para sa paglabas ng kanyang ina sa ospital ay agad na nga silang umuwi nito sa kanilang bahay. Sobrang excited pa nga ni nanay Leony na umuwi dahil totoong inip na inip na nga siya sa ospital dahil halos dala2ang linggo rin yata siyang namalagi roon.“WELCOME HOME NANAY LEONY!” sabay sabay pa nga na sigaw nina Jane, Jeffrey at April pagkapasok nina Jillian at ng kanyang ina sa loob ng kanilang bahay.Kanina pa rin kasi talaga naghihintay ang tatlong ito sa pagdating nina Nanay Leony at Jillian. Natrapik daw kasi ang mga ito kaya nahuli nga ng dating sa kanilang bahay. Naghanda na rin nga sila ng pagkain na pagsasaluhan nila ngayon.Nagulat naman nga si nanay Leony sa tatlong naroon dahil sa pa welcome home banner ng mga ito. Pero maya maya nga ay napangiti na lang din siya dahil sa ginawa na iyon ng tatlo.“Salamat. Salamat sa inyo,” nakangiti pa na sabi ni nanay Leony habang nakatingin nga siya sa ta
CHAPTER 70Matapos nga na mag-usap ng mag ina ay pinagpahinga na rin muna ni Jillian ang kanyang ina dahil hindi pa nga ito pwedeng mapagod ng sobra ngayon dahil nga sa kakagaling lang nito sa opera at ngayon lang nga ito nagising.Halos maghapon naman na inalagaan at binantayan ni Jillian ang kanyang ina at hindi nga siya umaalis sa tabi nito. At siya na rin nga ang nagpapakain dito.Nung hapon din nga na iyon ay bumalik nga roon si Jane kasama ang kanyang kapatid kaya naman sobrang saya nga ni nanay Leony dahil naroon nga ang kanyang mga anak-anakan.Maya-maya nga ay umalis na muna saglit si Jillian at Jane para bumili ng makakain nila roon habang nagbabantay kay nanay Leony at syempre para na rin bumili ng mga pagkain na pwede rito.“Hindi ka yata umuwi kagabi. Galing ka ba sa kanya?” mahinang tanong nga ni Jane kay Jillian habang naglalakad nga silang dalawa.Saglit naman nga na napasulyap si Jillian sa kanyang kaibigan at saka nga siya bumuntong hininga. Dahan-dahan pa nga siya n
CHAPTER 69Maya maya nga ay may kumatok nga sa silid ni Leony at nang bumukas nga iyon ay agad nga nilang nakita si Jane na nakangiti na pumasok doon.“Oh my god! Gising na nga po talaga kayo nanay Leony!” ngiting ngiti pa nga na sabi ni Jane at excited nga ito na lumapit sa ina ni Jillian.“Syempre naman, Jane. Buhay na buhay pa talaga ako dahil kailangan ko pa kayong alagaan,” nakangiti rin naman na sagot ni Leony at kahit papaano nga ay sumisigla sigla na nga rin ito.“Naku nay, hindi nyo na po kami kailangang alagaan at isipin pa. Kayang kaya na po namin ang mga sarili namin dahil ang mahalaga po ngayon ay magaling na po kayo at makakasama pa po namin kayo ng matagal,” sagot naman ni Jane at saka nga niya hinawakan ang kamay nito.“Hindi nyo po alam nay kung gaano po kami nag alala sa inyo. Kaya mag iingat na po kayo sa susunod at wag na po matigas ang ulo ninyo,” pagpapatuloy pa nga ni Jane.Bahagya naman natawa si Leony dahil sa sinabi ng dalaga dahil aminado naman siya na dahil
CHAPTER 68“Sa opisina mom ay wala naman po akong problema. Maayos naman po ang lahat doon at wala po akong sakit ng ulo sa mga empleyado ko kaya laking pasalamat ko po talaga sa bagay ba iyon,” pagkukwento na nga ni Harold.“Eh ang tungkol naman sa puso mo? Kumusta?” sabat na nga ni Shirley dahil malakas talaga ang pakiramdam niya na may nagugustuhan na nga ang kanyang anak.Napabuga naman nga ng hangin sa kanyang bibig si Harold at saka nga siya nagyuko ng kanyang ulo.“Mom, hindi ko po kasi alam kung talaga bang mahal ko na ang babae na iyon. Basta ang nararamdaman ko po ngayon ay masaya ako kapag nakikita ko siya. Hindi ko naman po iyon maamin sa kanya dahil baka mailang siya sa akin,” pag amin na nga ni Harold sa kanyang ina.Bumuntong hininga naman nga si Shirley at saka nga siya napailing na lamang.“Kilala ko ba ang babae na iyan?” tanong pa ni Shirley.Agad naman na umiling si Harold bilang sagot.“Pakiramdaman mo ang sarili mo anak. At saka bakit mo naman nasabi na baka mai
CHAPTER 67Samantala naman matapos nga na makausap ni Harold ang dalaga sa cellphone ay bumalik na nga siya sa kanilang hapag-kainan para ipagpatuloy ang kanyang pagkain.“Sino yung kausap mo? Mukhang importante yun dahil hindi ka na nakapaghintay pa at sinagot mo na kaagad ang tawag niya,” tanong na ni Louie kay Harold.Dati kasi ay kahit na may tumatawag nga kay Harold ay hindi kaagad nito sinasagot kaya naman nagtataka nga siya dahil nag-excuse nga ito kaagad at nagmamadali nga na sinagot ang tawag na iyon.“Ahm. Wala po yun dad. May importante lang po na sinabi kaya po sinagot ko kaagad,” sagot naman nga ni Harold at saka nga niya ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.Nagkatinginan naman nga ang mag-asawang Louie at Shirley dahil sa sinabi na iyon ng kanilang anak.“Harold, maiba ako. Wala ka pa rin bang ipapakilala sa amin ng mommy mo na iyong nobya?” tanong pa nga ni Louie.Bigla naman ngang natigilan si Harold at saka nga siya marahan na bumuntong hininga.“Wala pa po dad. Pero
CHAPTER 66Pagkapasok nga ni Jillian sa loob ng opisina ng doktor ng kanyang ina ay agad nga niyang nakita ang doktor na nakaupo sa pwesto nito at nang makita nga siya nito ay agad naman itong ngumiti sa kanya.“Good morning po, dok,” bati na nga ni Jillian sa doktor ng kanyang ina.“Good morning din hija. Maupo ka muna,” sabi ng doktor at saka nga ito may kinuha na folder sa kanyang drawer.Tahimik naman nga na pinagmamasdan ni Jillian ang doktor ng kanyang ina.“Ahm.. D-dok kumusta po ang lagay ni nanay? Okay na po ba siya ngayon? Wala naman na po bang naging problema pa?” hindi na nga napigilan na tanong ni Jillian dahil mas kinakabahan nga siya kung hindi niya malalaman ang totoo ngayon pa lang.Tumingin naman nga muli kay Jillian ang doktor at saka nga ito ngumiti sa kanya.“Good news, Ms. Jillian. Mukhang ayos na ayos naman nga iyong ina at mukhang wala naman na ring naging problema pa sa kanya. Ang kailangan na lang siguro niya ngayon ay ang makarecover siya mula sa kanyang ope
CHAPTER 65“B-bakit ka ba umiiyak na bata ka? Buhay pa ako Jillian kaya wag mo akong iyakan ng ganyan,” mabagal pa nga na sabi ni Leony kay Jillian at napakahina pa nga ng boses nito habang nagsasalita.Lalo namang napahagulhol ng iyak si Jillian at nanatili nga siya na nakasubsob sa kanyang ina.Sobrang saya kasi ngayon ni Jillian dahil sa wakas nga ay nagising na ang kanyang ina. Nito kasing mga nakalipas na mga araw ay totoong natatakot na siya sa kalagayan ng kanyang ina kahit na naoperahan na nga ito dahil hindi pa rin nga ito nagiigising. Kaya naman ngayon nga na nagising na ito ay sobrang saya nga ng puso niya at ngayon nga niya masasabi na worth it ang ginawa nya para mapaoperahan ang kanyang ina.Hinayaan lang naman muna ni Leony na umiyak nga si Jillian. Alam nya naman kasi na labis nga itong nag-alala sa kanya. Nabanggit na rin kasi sa kanya kanina ng kanyang doktor na ilang araw na nga siyang walang malay.Nang medyo kumalma na nga si Jillian sa kanyang pag-iyak ay unti un