Share

Chapter 22

Author: Kara Nobela
last update Huling Na-update: 2024-10-01 00:07:12

Jake POV

“JR! Sinabi ko na sayong mag-ingat ka sa pagsasalita. Ayan narinig ka tuloy ng baby ko.” inis na wika ni lola Cecilia.

JR ang tawag sa akin ni lola, JR as in junior dahil pareho kami ng pangalan ni dad.

“Halika nga dito baby.” tawag nito sa batang may katabaan.

Labas sa ilong na napatawa ako. Hinabol ko ng tingin ang batang lalaki at pinagmasdan ito habang naglalakad palapit kay lola. Ang tataba ng mga binti.

“Baby pa ba yan? Ang laki laki na nyan.” puna ko. Inirapan lang ako ni lola Cecilia pagkuway ngumiti ng ubod ng tamis sa batang lalaki.

“Close mo ears mo Jacob, merun ditong hindi marunong magpreno ng bibig.” ani lola at binato ako ng matalim na tingin. Ngayon ay nakaupo na sa kandungan nya ang bata.

“Narinig ko po yung sinabi niya.” wika ng bata.

“Wag mong intindihin yun ha.” malambing na tugon ni lola dito habang hinahagod ang buhok nito.

“Sabi nya po, holi sit.” dire-diretsong saad ng batang lalaki na tinawag ni lola na Jacob.

Napamulagat ako sa sinabi ng bata. Huli n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Fei Koh
Ayan na! Nagkita na ang mag-ama.. pero malamang magkakasalisi pa muna sila ni Mira sa paghatid at sundo nito kay Jacob
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
hahahaha nag kita na Ang mag Tatay sana nman Author mag kita na Sila Jake at mira
goodnovel comment avatar
Gene Darden
hala maging bayot si Jacob hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Last Chapter

    Mira POV“Oi, bawal yan!” nagulat ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.Mariin akong napapikit. Nakakahiya!“Bat dyan ka umiihi, alam mo bang bawal dyan?” wika nito.Nilingon ko kung saan nagmumula ang pamilyar na boses. Laking gulat ko ng makita si Jake na nakatayo si gilid ko sa hindi kalayuan.OMG! Dejavu… si Jake na naman?!?!“Pwede ba umalis ka dyan!” sigaw ko rito.“Bakit ako aalis, eh mas nauna ako rito?” ani Jake. Kita ko sa mga mata nya ang nakakalokong ngiti.Oh God! Ganitong ganito ang nangyari sa first encounter namin.“Hoy lalaki, lumayas ka dyan!”“Infairness, amputi at ang kinis.” wika ni Jake at pilyong ngumiti. Ganitong ganito rin ang sinabi niya noon. Ni hindi man lang niya binago ang linya.“Hoy manyak! Ako ang ina ng anak mo kaya utang na loob, lumayas ka dyan. Sasabog na ang ihi ko.”“Okay, sa isang kondisyon.” ani Jake.Haaaay… Eto na naman siya sa kondisyon niya!“Ano?!?!”“Magpakasal ka sa akin.” anito.Nais kong matawa sa sinabi nito. Susuplahin ko pa san

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 53

    Mira POV Inihatid ako ni mang Luis sa isang beach kung saan ginaganap ang team building. Nabanggit na rin ni Jake sa akin na kumuha siya ng private house para sa amin kaya dun na ako dumiretso. Nakabukod ito sa tinutuluyan ng mga empleyado kaya hindi ko sila nakita. Nangingiyak ngiyak na ako habang naglalakad upang harapin si Jake. Araw araw na lang siyang nagyayang magpakasal tapos may kababalaghan pala siyang ginagawa. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng makita ang buong pamilya ni Jake na naririto ngayon, ganun din sina Mark at Lindsay. Pati sina kuya Alfred at ate Myla ay naririto rin. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan ng dumating ako. Nakangiting tumayo si Jake ng makita ako upang lumapit. Yayakapin at hahalikan niya sana ako ngunit itinulak ko siya. “May babae ka ba?” tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. Nawala ang tawanan at bigla tumahimik ang paligid. “Sagutin mo ako, may babae ka ba?” namumuo ang luha sa mga mata ko. “Babe.. anong sinasabi mo?”

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 52

    Mira POV Isang araw bago ang team building ay dumating ang mga magulang ni Jake sa bahay ni lola Cecilia. Kagabi lang binanggit ni Jake ang tungkol kay Jacob kaya nagkukumahog ang mga ito na lumuwas ng probinsya para makita ang kanilang apo. Halatang halata sa mga ito na ang kasabikan na makita si Jacob. Mas lalo pa ang mga itong hindi magkandatuto nang makita kung gaano kataba at kacute ang apo. Wala rin kasing kaduda duda na mag-ama sila ni Jake dahil para silang pinagbiyak na bunga. “Napakaganda naman pala ng nobya mo.” magiliw na sabi ni Maritha Santillanes ang ina Jake. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang buong puso nitong pagtanggap sa akin, ganun din ang ama nitong si Jake Santillanes Sr. Nagtungo kami sa restaurant ni Lindsay ng gabing yun upang doon kaming lahat magdinner. Naroon din si Jasmine ang anak ni Lindsay. Ilang beses na rin silang nagkita ni Jacob para sa playtime at magkasundong magkasundo ang dalawa, palibhasa ay magkaedad lang ang mga ito. Bago magsimula an

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 51

    Mira POVPara akong napako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang napatingin kay lola. Bigla akong kinabahan, dahil ngayon ko lang narealized na hindi pa nga pala ako dinadatnan ngayong buwan.Napatingin ako kay Jake na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.“O, hindi ka na nakasagot dyan?” ani lola.“La, hindi pa naman po sigurado.” ani Jake na nakalapit na agad sa akin. Halata sa mukha nito ang nag-aalala para sa akin.Isang malakas na lagapak ang nangyari nang hampasin ni lola ng hawak nitong pamaypay ang braso ni Jake.“Hind yun ang punto kong damuho ka. So, ginagapang mo pala si Mira sa kwarto nila!”“La, mali ka. Siya ang gumagapang sa kwarto ko.” nakakalokong sabi ni Jake. Alam kong nagbibiro lang ito pero baka sabihin ni lola na ako talaga ang gumagapang sa kanya.“Ang kapal mo! Kinukulit mo kaya ako kahit katabi ko si Jacob, alangan namang dun natin gawin.”Lumawak ang ngiti ni Jake samantalang natutop ko naman ang aking bibig dahil sa nasabi ko. Si lola naman ay nan

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 50

    Mira POVSi lola Cecilia ang pinakamabait na lola na nakilala ko. Ngunit ibang klase siyang dumisiplina. Kahit sarili nitong apo ay hindi kinukunsinti ang kamalian. Hindi siya nakakalimot na paalalahanan ako na huwag akong basta lalambot kay Jake. San-ayon naman ako sa kanya na dapat paghirapan nitong makuha muli ang aking pagtitiwala, according sa utak ko.Kaso iba ang binubulong ng puso at katawan ko. Masyado akong marupok pagdating kay Jake. Siguradong madidisappoint si lola sa akin kapag nalaman niyang ilang linggo na kami ni Jake na gumagawa ng milagro gabi-gabi. Kapag tulog na ang lahat ay patago kaming nagtatagpo sa kanyang silid.Balak ko namang sabihin sa kanya ngunit naghihintay lang ako ng mga 2 o tatlong linggo pa para hindi naman hindi masyadong halata na maaga akong bumigay sa apo niya. Hanggang ngayon kasi ay tinitiis niya ang kanyang apo. Tinataray tarayan pa rin niya si Jake at kinukutusan tuwing may pagkakataon.“Hanggang kelan mo ba gagawin to?” tanong ni Jake nang

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 49

    Mira POVNang medyo nahimasmasan ay tumayo na ako at lumabas ng bangko. Paglabas na paglabas ko ay nakita ko ang pagbaba ng isang pamilyar na mukha mula sa isang sasakyang nakaparada sa harapan ng banko. Walang iba kundi si Lindsay!Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya. Parang nabiyak ang aking puso nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit ako iniwan ni Jake. Ang babaeng mahal na mahal ng nag-iisang lalaki sa buhay ko.Napatingin siya sa direksyon ko at nagkasalubong ang aming mga mata. Lumiko ako upang hindi ko siya makasalubong. Hindi ko rin alam kung kilala ba niya ako? Ilang beses lang naman kami nagkaharap. Binilisan ko ang aking paglalakad. Ang sakit pala na makita ang babaeng mahal ni Jake.“Mira!” narinig kong tinawag niya ako. Hindi ako lumingon dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.Nakita kong mabilis itong naglakad at hinabol ako. Bakit niya ako hinahabol? Aawayin ba niya ako dahil inaagaw namin ni Jacob ang atensyon ni Jake sa kanilang mag-ina?“Mira!” ani

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status