Paano kung gusto ka nga niya pero may mahal siyang iba? Yan ang katanungan ni Mira sa kaniyang sarili. Kontento na ba siyang pangalawa lang siya sa puso ng lalaking mahal niya na sa simula't simula pa lang ay naging tapat na sa kaniyang totoong nararamdaman?
View MoreMira POV
Nasa Tagaytay kami ngayon dahil kasali kami sa team building ng Engineering Department ng school namin. Tutal ay di pa naman nagsisimula ang team building ay naisipan namin ng kaklase kong si Janet na mamasyal muna sa isang park. Kanina ko pa nararamdaman na parang puputok na ang aking pantog dahil ihing ihi na talaga ako. Sobrang haba ng pila sa public restroom. Madami kasing grupo na mga eskursyonista ang dumating dito sa park. Aksidente pang na-lock ang pintuan ng banyo kaya hinihintay pa naming dumating ang guard na siyang may hawak ng susi. Hindi ko na yun mahihintay kaya umalis na ako sa pila. “Mira, san ka pupunta?” tanong ni Janet. “Sandali, hahanap lang ako ng signal. Tumatawag kasi ang tyahin ko.” pagsisinungalin ko. Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa si Janet dahil dali-dali na akong umalis sa lugar na yun at nang wala ng nakakakita sa akin ay nagtatakbo ako papalayo. Naalala ko na may nadaanan kaming kubo kanina sa di kalayuan. Baka may banyo sa loob nito kaya nagtatakbo ako papunta dun. Pagdating ko sa kubo ay wala naman akong makitang restroom. Tambayan lang pala ito. Paano na, lalabas na talaga ang ihi ko? Tumakbo ako sa may bandang likod ng kubo. Dito na lang ako iihi. Kung babalik pa ako sa pila ay hindi na ako aabot at mapapaihi na ako sa aking pantalon. Malayo naman itong kubo sa mataong lugar at isa pa ay maraming puno ang tumatakip dito. Mabilis kong binuksan ang zipper ng aking jeans at saka umi-squat. Kasunod ay hinubad ko hanggang tuhod ang aking pantalon upang maka ihi na ako. “Oi, bawal yan!” nagulat ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. Mariin akong napapikit. Nakakahiya! “Bat dyan ka umiihi, alam mo bang bawal dyan?” wika nito. Nilingon ko kung nasaan ang nagsalita. Laking gulat ko ng makita si Jake na nakatayo si gilid ko sa hindi kalayuan. OMG! Sa lahat ng tao bakit ito pa? Si Jake lang naman ang pinakasikat na yatang college student hindi lang sa engineering department kundi sa buong Riverdale University dahil sa angkin niyong kagwapuhan. Isa pa ay galing ito sa napakayamang angkan. “Pwede ba umalis ka dyan!” sigaw ko rito. Naka-squat pa rin ako. Hindi ko magawang tumayo dahil makikita niya ang aking pwet, pati na rin ang pichi-pichi ko. “Bakit ako aalis, eh mas nauna ako rito?” ani Jake. Kita ko sa mga mata nya ang nakakalokong ngiti nito. “Alis sabi!” galit kong sabi sa kaniya. “Infairness, amputi at ang kinis.” wika ni Jake at pilyong ngumiti. “Bastos!” sigaw ko. “Ako pa tong bastos ngayon eh ikaw nga tong nagpapakita ng pwet dyan.” anlakas ng tawa ni Jake. “Anu ba! Utang na loob… umalis ka nang lintik ka. Ihing ihi na ako!” pakiusap ko rito. “Okay, sa isang kondisyon.” ani Jake. Anak ng tokwa may kondisyon pang nalalaman ang hínayupak na to. Sa lahat ng pagkakataon ngayon pa talaga. “Ano!” pasigaw kong tanong. “Girlfriend na kita mula ngayon.” tugon ni Jake. Anu daw? Gusto niya ako maging girlfriend eh andami namang nagkakagusto rito kaya hindi na niya ako kailangang iblackmail para lang magka gf. “Bakit ako eh ang dami namang nagkakagusto syo?” “Exactly, kasi dimo ako type, ikaw lang yata ang hindi naggwapuhan saken kaya ikaw ang gusto ko” ani Jake. “Hindi naman sa ganun, napakarami ko lang problema sa buhay para isipin ang mga bagay na yan kaya pwede ba, wag ka nang dumagdag pa. Andami namang magaganda dyan…. alis na, dali!” muli ko siyang pinagtabuyan. “Pero ikaw yung pinakamaganda sa lahat…. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka pumapayag.” ani Jake at humalukipkip pa ang loko. . “Lumayas ka dyan! Sasabog na ihi ko!” malakas ko siyang sinigawan. “Sssshhh… wag kang maingay baka marinig ka nila, papalapit na sila dito oh.” Tumingin pa ito sa bandang harapan ng kubo na parang may tinitingnan. Kinabahan ako dahil baka nga abutan ako ng mga yun. Mas lalong nakakahiya. “Oo na! Sige na! Tayong dalawa na… kaya utang na loob lumayas ka na!” galit na galit kong sabi sa kaniya. Ngumiti ng maluwang sa Jake. “Papayag din pala, pinatagal pa…. okay, see you later my love.” wika nito habang malawak ang pagkakangiti, yung parang ngiting panalo at tuluyan ng umalis. Nang makita kong tuluyan na siyang nakaalis ay sumabog na nga ang aking ihi. Nang makaraos ako ay biglang gumaan ang aking pakiramdam. Buti na lang at may baon akong tissue at sanitizer. Agad kong nilisan ang lugar na yun at baka may iba pang makakita sa akin. Binalikan ko si Janet na nakapila pa rin sa public restroom. Kunwari na lang ay nakikipila pa rin ako. Baka kasi magtaka siya kung hindi ko gagawin yun. Nakita niya kung paano ako namilipit sa pagpipigil ng ihi kanina. Tumagal din ng kinse minutos ang paghihitay namin. Nang makalabas kami ng restroom ay umalis na kami sa park at muli naming binalikan ang mga kasamahan namin sa team building. Kahit medyo padilim na ay nag-eenjoy pa rin ang lahat. May kanya kanya kaming ginagawa. Merung nag-iihaw at nagluluto ng kakainin namin ngayon gabi. Merun ding mga nakatambay sa bonfire. May mga naglalaro ng cards at binggo. Merun ding mga nagvivideoke. Bawat grupo ay merung hawak na megaphone. Kaya mas mabilis magtawag kapag may kailangan sa kabilang group. Paminsan minsan nga ay nagbabatuhan pa ng mga jokes. Lahat naririnig namin dahil sa lakas ng magaphone. Maingay man ay masaya naman ang lahat. May nag-iinuman din ngunit palaging isinisigaw ng baklang si Matty sa megaphone na bawal magpakalasing. Mas pinili kong dito na lang tumambay sa grupo ng mga nag-iihaw. Para panaka naka ay makatikim pa ako ng barbeque habang nag-iihaw. “Ang swerte talaga Lindsay no? Dalawang nagugwapuhan ang nakabakod palagi sa kaniya.” narinig kong nag-uusap ang mga babae malapit sa pwesto ko. Nag-iihaw din ang mga ito. Nilingon ko ang direksyon ng babaeng pinag-uusapan nila na si Lindsay. Naka upo ito sa may bonfire at napapagitnaan ng dalawang gwapong lalaki. Walang hindi nakakakilala kay Lindsay. Napakaganda naman kasi nito. Siya yung tipo ng bidang babae sa mga drama. Mayaman, maganda, matalino at popular. Perfect dreamgirl para sa mga lalaki. Tanaw na tanaw ko ang kanyang mukha. Napakaamo at ubod ng ganda. Mukha rin siyang mabait. Napaka class din ng kaniyang dating dahil ang totoo naman ay anak ito ng isang business tycoon. Kilala ang pamilya nito sa buong bansa. Siya yung tipong “All girls wanna be like her and all boys wanna be with her.” Hindi na rin nakakapagtaka na pinag-aagawan si Lindsay ng mga lalaki ngunit may boyfriend na ito at katabi niya ngayon. Siya si Mark na anak din ng isang business tycoon. Napakagwapo nito at marami ding mga babae ang nagkaka crush sa kaniya sa university. “I’ll be honest, guwapo naman talaga si Mark pero hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili siya ni Lindsay kesa kay Jake. Mayaman din naman at di hamak na mas gwapo si Jake kesa sa kay Mark noh.” narinig kong winika ng isa sa mga estudyanteng babaeng nag-uusap. “I know, I can’t believe na binasted niya si Jake.” pagsang-ayon ng isa pa. Yup, si Jake yung sira-ulong nakahuli sa akin kanina na umiihi sa likod ng kubo. Nakaupo ito sa tabi ni Lindsay ngayon. Silang tatlo nina Mark ang pinag-uusapan ng mga estudyanteng babae na nasa harapan ko ngayon. Graduating na silang tatlo sa kursong engineering. Bumulong sa akin si Janet. “Mga Marites.” anito. Napatawa ako sa sinabi nito. Totoo naman ang sinabi ni Janet. Pati buhay ng ibang tao ay pinapakialaman ng mga ito. Kami ni Janet ang palaging magkasama kahit saan. Hindi kasi kami kagaya ng ibang mga estudyante dito sa Riverdale University na mga anak mayayaman. Pareho kaming scholar ni Janet kaya kami nakapasok dito. Pareho din kaming nasa first year college. Muli kong nilingon ang kinaroroonan ni Jake at dalawa pang katabi nito. Kung titingnan mo ay parang nakapasuplado ni Jake. Nung una ay ganun din ang akala ko. Nakaka-intimidate kasi ang dating nito dahil halatang anak mayaman. Maging ang papanamit nito ay hindi maitatangging puro mamahalin. Ilang beses ko na rin itong nakasalubong at nakita sa ibat ibang activities sa school dahil pareho lang naman kami ng department pero ni minsan ay ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Sabagay ay ganun naman talaga ito kahit kanino kaya nga suplado ang impression sa kaniya ng ibang mga estudyante. Walang maniniwala sa akin kahit pa si Janet kung ikukuwento ko ang naging engkwentro namin ni Jake sa likod ng kubo. Baka sabihin pa ng mga ito ay nag-iimbento lang ako ng kwento. Wala kasi sa itsura nito ang kikilos kagaya ng ikinilos niya kanina. You cannot judge people by its cover talaga. Lahat ay may itinatagong kabaliwan. Sabay sabay kaming napalingon ng marinig naming nagsigawan ang mga estudyante sa paligid ng bonfire kung nasaan ang grupo nina Lindsay. Nakita kong tumayo si Jake. Mas lalo pang nagsigawan ang mga ito ng humakbang si Jake papalayo sa kanilang pwesto. Naglakad si Jake papunta sa direksyon kung saan kami nag iihaw. Habang papalapit ay nakatingin ito sa akin. Lumingon ako sa aking likod at baka may iba pa siyang tinitingnan. Ngunit wala ng ibang tao pa sa likuran ko. Muli ko siyang nilingon at sa akin pa rin siya nakatingin. Lumapit pa ito sa akin at huminto sa tapat ko. May ini-abot ito sa akin na 3 itlog na pula. Nakatingin sa aming dalawa ang lahat ng mga estudyante na nasa paligid namin. Hindi ko alam kung bakit niya ako binibigyan ng itlog na maalat. Hindi nagsalita si Jake bagkus ay tumango lang at iniabot sa akin ang mga itlog na hawak nito. Nalilito man ay tinanggap ko yun. Tumalikod agad ito upang bumalik sa kaniyang pwesto. “Tinanggap niya! Wooohhh!!!” muntik na akong mapalundag sa gulat nang biglang nagsalita si Matty, ang estudyanteng may hawak ng megaphone na nasa tabi ko na pala. Napatakip ako ng teynga dahil sa lakas ng volume ng megaphone. Muling nag hiyawan ang mga estudyante sa paligid ng bonfire. “Anung masasabi mo?” tanong ni Matty habang nagsasalita sa megaphone. “Ha?” naguguluhan pa rin ako sa nangyayari ganun din ang iba pang mga estudyante na nakapwesto malapit sa akin. “Anung masasabi mo sa ibinigay sayo ni Jake?” ulit nito pagkatapos ay itinapat pa nito sa bibig ko ang megaphone para dun ako pagsalitain. Nakakunot ang noo kong tumingin dito. Ano pa nga bang masasabi ko sa ibinigay niya? Eh obvious naman kung ano yun. Kaya nagsalita ako na parang wala sa loob…. “Ang alat ng itlog niya.” Yun lang lang kasi ang naisip kong tamang description sa itlog na galing kay Jake. Biglang nagtawanan lahat ng nakarinig. Napatingin ako sa direksyon ni Jake. Nakangiti ito sa kanyang kinauupuan habang si Mark at ang iba pang mga estudyante ay halos gumulong na sa katatawa. Seryoso naman ang mukha ni Lindsay, siguro ay dahil prim and proper lang talaga ito. “Alam mo ba kung anung ibig sabihin ng tatlong itlog na yan?” wika ni Matty, hindi na ito naka-megaphone. Tumingin ako sa kanya ng buong pagtataka dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Ganun din ang iba pang mga Marites na gustong malaman kung ano at para saan ba talaga yun. Nagpatuloy si Matty sa kanyang pagsasalita. “Naglalaro sila ng Truth or Dare… at ang dare nila para kay Jake ay ibigay ang tatlong itlog na pula sa babaeng pakakasalan niya.”Mira POV“Oi, bawal yan!” nagulat ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.Mariin akong napapikit. Nakakahiya!“Bat dyan ka umiihi, alam mo bang bawal dyan?” wika nito.Nilingon ko kung saan nagmumula ang pamilyar na boses. Laking gulat ko ng makita si Jake na nakatayo si gilid ko sa hindi kalayuan.OMG! Dejavu… si Jake na naman?!?!“Pwede ba umalis ka dyan!” sigaw ko rito.“Bakit ako aalis, eh mas nauna ako rito?” ani Jake. Kita ko sa mga mata nya ang nakakalokong ngiti.Oh God! Ganitong ganito ang nangyari sa first encounter namin.“Hoy lalaki, lumayas ka dyan!”“Infairness, amputi at ang kinis.” wika ni Jake at pilyong ngumiti. Ganitong ganito rin ang sinabi niya noon. Ni hindi man lang niya binago ang linya.“Hoy manyak! Ako ang ina ng anak mo kaya utang na loob, lumayas ka dyan. Sasabog na ang ihi ko.”“Okay, sa isang kondisyon.” ani Jake.Haaaay… Eto na naman siya sa kondisyon niya!“Ano?!?!”“Magpakasal ka sa akin.” anito.Nais kong matawa sa sinabi nito. Susuplahin ko pa san
Mira POV Inihatid ako ni mang Luis sa isang beach kung saan ginaganap ang team building. Nabanggit na rin ni Jake sa akin na kumuha siya ng private house para sa amin kaya dun na ako dumiretso. Nakabukod ito sa tinutuluyan ng mga empleyado kaya hindi ko sila nakita. Nangingiyak ngiyak na ako habang naglalakad upang harapin si Jake. Araw araw na lang siyang nagyayang magpakasal tapos may kababalaghan pala siyang ginagawa. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng makita ang buong pamilya ni Jake na naririto ngayon, ganun din sina Mark at Lindsay. Pati sina kuya Alfred at ate Myla ay naririto rin. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan ng dumating ako. Nakangiting tumayo si Jake ng makita ako upang lumapit. Yayakapin at hahalikan niya sana ako ngunit itinulak ko siya. “May babae ka ba?” tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. Nawala ang tawanan at bigla tumahimik ang paligid. “Sagutin mo ako, may babae ka ba?” namumuo ang luha sa mga mata ko. “Babe.. anong sinasabi mo?”
Mira POV Isang araw bago ang team building ay dumating ang mga magulang ni Jake sa bahay ni lola Cecilia. Kagabi lang binanggit ni Jake ang tungkol kay Jacob kaya nagkukumahog ang mga ito na lumuwas ng probinsya para makita ang kanilang apo. Halatang halata sa mga ito na ang kasabikan na makita si Jacob. Mas lalo pa ang mga itong hindi magkandatuto nang makita kung gaano kataba at kacute ang apo. Wala rin kasing kaduda duda na mag-ama sila ni Jake dahil para silang pinagbiyak na bunga. “Napakaganda naman pala ng nobya mo.” magiliw na sabi ni Maritha Santillanes ang ina Jake. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang buong puso nitong pagtanggap sa akin, ganun din ang ama nitong si Jake Santillanes Sr. Nagtungo kami sa restaurant ni Lindsay ng gabing yun upang doon kaming lahat magdinner. Naroon din si Jasmine ang anak ni Lindsay. Ilang beses na rin silang nagkita ni Jacob para sa playtime at magkasundong magkasundo ang dalawa, palibhasa ay magkaedad lang ang mga ito. Bago magsimula an
Mira POVPara akong napako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang napatingin kay lola. Bigla akong kinabahan, dahil ngayon ko lang narealized na hindi pa nga pala ako dinadatnan ngayong buwan.Napatingin ako kay Jake na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.“O, hindi ka na nakasagot dyan?” ani lola.“La, hindi pa naman po sigurado.” ani Jake na nakalapit na agad sa akin. Halata sa mukha nito ang nag-aalala para sa akin.Isang malakas na lagapak ang nangyari nang hampasin ni lola ng hawak nitong pamaypay ang braso ni Jake.“Hind yun ang punto kong damuho ka. So, ginagapang mo pala si Mira sa kwarto nila!”“La, mali ka. Siya ang gumagapang sa kwarto ko.” nakakalokong sabi ni Jake. Alam kong nagbibiro lang ito pero baka sabihin ni lola na ako talaga ang gumagapang sa kanya.“Ang kapal mo! Kinukulit mo kaya ako kahit katabi ko si Jacob, alangan namang dun natin gawin.”Lumawak ang ngiti ni Jake samantalang natutop ko naman ang aking bibig dahil sa nasabi ko. Si lola naman ay nan
Mira POVSi lola Cecilia ang pinakamabait na lola na nakilala ko. Ngunit ibang klase siyang dumisiplina. Kahit sarili nitong apo ay hindi kinukunsinti ang kamalian. Hindi siya nakakalimot na paalalahanan ako na huwag akong basta lalambot kay Jake. San-ayon naman ako sa kanya na dapat paghirapan nitong makuha muli ang aking pagtitiwala, according sa utak ko.Kaso iba ang binubulong ng puso at katawan ko. Masyado akong marupok pagdating kay Jake. Siguradong madidisappoint si lola sa akin kapag nalaman niyang ilang linggo na kami ni Jake na gumagawa ng milagro gabi-gabi. Kapag tulog na ang lahat ay patago kaming nagtatagpo sa kanyang silid.Balak ko namang sabihin sa kanya ngunit naghihintay lang ako ng mga 2 o tatlong linggo pa para hindi naman hindi masyadong halata na maaga akong bumigay sa apo niya. Hanggang ngayon kasi ay tinitiis niya ang kanyang apo. Tinataray tarayan pa rin niya si Jake at kinukutusan tuwing may pagkakataon.“Hanggang kelan mo ba gagawin to?” tanong ni Jake nang
Mira POVNang medyo nahimasmasan ay tumayo na ako at lumabas ng bangko. Paglabas na paglabas ko ay nakita ko ang pagbaba ng isang pamilyar na mukha mula sa isang sasakyang nakaparada sa harapan ng banko. Walang iba kundi si Lindsay!Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya. Parang nabiyak ang aking puso nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit ako iniwan ni Jake. Ang babaeng mahal na mahal ng nag-iisang lalaki sa buhay ko.Napatingin siya sa direksyon ko at nagkasalubong ang aming mga mata. Lumiko ako upang hindi ko siya makasalubong. Hindi ko rin alam kung kilala ba niya ako? Ilang beses lang naman kami nagkaharap. Binilisan ko ang aking paglalakad. Ang sakit pala na makita ang babaeng mahal ni Jake.“Mira!” narinig kong tinawag niya ako. Hindi ako lumingon dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.Nakita kong mabilis itong naglakad at hinabol ako. Bakit niya ako hinahabol? Aawayin ba niya ako dahil inaagaw namin ni Jacob ang atensyon ni Jake sa kanilang mag-ina?“Mira!” ani
Mira POVKatatapos lang naming mag-almusal kaya narito na ulit ako sa banyo upang ayusin ang aking sarili. Muli kong kinuha ang concealer at pinahidan ko muli ang aking leeg. Sabi ko na nga bat at magiging tsikinini to eh.Sa susunod ay pag-iingatin ko na si Jake. Sa susunod? Baliw na nga talaga ako.Kanina sa lamesa habang nag-aalmusal kami ay hindi kami nag-iimikan ni Jake na akala mo ay walang kababalaghang nangyari kagabi upang hindi kami mahalata ni lola. Siguradong magagalit ito sa akin.Nung ipagtapat kasi namin kay Jacob na si Jake ang kanyang tunay na ama at iniwan namin sila para magkasarilinan ay kinausap naman ako ni lola nang masinsinan. Mahal daw niya si Jake ngunit gusto daw niyang turuan ito ng leksyon kaya nais niyang tulungan ko siya. Hiniling niya sa akin na pahirapan ko muna ang apo niya.“Lola kahit po hindi nyo sabihin sa akin, yan po talaga ang gagawin ko. Hindi na po ako ang dating Mira na madali niyang mapapasunod. Sa tindi po ng pinagdaan kong hirap, imposibl
Mira POVBago mag-alas singko ay nagmessage sa akin si Jake na hihintayin niya ako sa kabilang kanto para sabay na raw ulit kaming umuwi. Hindi na ako nagreply dahil napagpasyahan kong hinding hindi na talaga ako sasabay sa kanya. Hindi pwedeng palagi na lang siya itong nananalo sa aming dalawa tapos ako naman itong namomroblemaNang oras na nang labasan ay sumabay ako sa mga katrabaho ko kagaya ng dati ko nang nakasanayan. Kahit alam kong naghihintay si Jake sa kabilang kanto ay mabilis akong sumakay sa nakaparadang jeep. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ang jeep. Wala pang 15 minutes ang biyahe papunta sa bahay ni lola kung may sariling sasakyan, inaabot naman ng 30 minutes o higit pa kung sa pampasaherong jeep ako sasakay, depende sa traffic.Ilang beses kong narinig na nagring ang aking cellphone sa loob ng bag pero hindi ko yun sinagot dahil alam kong si Jake lang yun. Manigas siya! Dapat ay kahapon ko pa ito ginawa, masyado na siyang namimihasa sa kabaitan ko.Si lola, napar
Mira POVKanina pa ako gayak para pumasok sa trabaho ngunit hindi ako makalabas ng silid. Siguradong nag-aalmusal na sina lola at Jake sa kusina. Hindi na lang ako kakain at didiretso na lang ako sa trabaho. Hindi ko kayang makasabay si Jake sa pagkain. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. Tinuktukan ko ang aking sarili, bakit ba naman kasi hinayaan ko siyang gawin yun sa akin kagabi at ang malala pa ay tumugon ako sa halik niya. Siguradong narinig din niya ang pag-ungol ko. Napatakip ako ng mukha at nagpapadyak. Ang bilis kong bumigay. Nakakahiya!Napaigtad ako ng may marinig akong mahihinang katok. Hindi ako kumilos, aalis din yung kumakatok kung di ako sasagot. Malay ko ba kung sino yung nasa labas, baka si Jake yun, lalong hindi ko siya pagbubuksan.“Mira..” boses ni ate Ester.Mukhang walang balak umalis si ate Ester kaya napilitan akong buksan ang pintuan.“Buti gising ka na, akala namin natutulog ka pa.”“May inaayos lang po ako.”“Pinabababa ka na ni lola, kumakain na sila.”
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments