Share

Chapter 2

Author: BM_BLACK301
last update Huling Na-update: 2026-01-08 11:13:47

Mazel

Excited ako paguwi ko galing nang school at naratnan ko si mama sa lamesa na nagkakape.

"Mamq maglalaro lang po ako sa labas babalik 'din po ako agad bago magdilim." Palam ko kay mama matapos ko ilapag ang bag ko sa bakante na upuan at sinabayan ko agad ng takbo palabas nang pinto.

"Ikaw na bata ka kararating mo pa lang maglalakwatsya ka na agad hahanapin ka ng papa mo!" sigaw ni mama.

"Sabihin mo na lang mama nandiyan lang ako sige na." pa-cute ko pa kay maama habang nakasungaw ang ulo ko sa may pintuan.

"Nako! Ikaw talaga dinadaan mo pa ako sa ganiyan na bata ka siya sige pero umuwi ka agad at huwag kang magpupunta sa kung saan-saan," nakasimangot na sabi ni mama.

"Salamat po mama!" Nagtatakbo na ako sa daan pero huminto muna ako kasi may dinukot ako sa bulsa ng palda ko.

May tinira kasi ako na twelve pesos para pambili ng cream O paborito ko kasi ito at dalawa ang binili ko para sa bago kong kaibigan na si Duncan.

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad at pagdating ko dito sa may butas na pader agad kong tinanggal ang nakaharang na playwood at pumasok sa loob ng butas. Pagpasok ko sa loob hindi ko nakita na nando'n pala si Duncan at nakasungaw rin ang ulo niya kaya napasigaw ako ng makita ko siya sa harap ko dahil halos magdikit na ang mukha namin.

Natumba ako at napaupo hinamas-himas ko ang pisngi ng puwet ko. "Aray ko." mahinang daing ko.

"Ayos ka lang ba? Sinisilip ko lang kasi kung ano ang na sa likod nitong pader na nakaharang sa inyo. Hindi ko alam na papasok ka na pala." Kakamot- kamot pa sa ulo si Duncan habang nagpapaliwanag siya.

Natulala ako kasi ang guwapo niya at ang cute.

"Mazel?"

"Are you ok?"

Napakurap ako bigla dahil sa tanong niya dahil hindi ako agad nakapagsalita.

"aa... Sorry nagulat lang naman ako." Sabay ngiti ko sa kaniya at tinulungan niya ako na makatayo.

"Kanina ka pa dito, DC?" tanong ko sa kaniya at kunot noong napatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. "DC na lang ang itatawag ko sa'yo ok lang?" Wika ko at marahan na tumango siya na parang natitigilan.

"Ok lang at kararating ko lang dito nauna lang ako ng ilang minuto sa'yo," sagot niya at umupo na siya sa bato.

"Ok, Oh? Ba't nakasimangot ka na naman? Sabi ng mama ko huwag 'daw sisimangot para hindi pumanget," natatawang sabi ko sa kaniya at napangiti naman siya sa akin ng sabihin ko 'yon.

"Bakit maganda ka ba?"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya at mabilis ang kamay ko binatukan ko nga siya.

"Bakit mo ako binatukan? Mommy at Daddy ko nga hindi ako sinasaktan ikaw pa kaya?" naiinis na sambit niya.

"Sorry, e paano kasi sabi mo. Bakit maganda ka ba? Ibig sabihin ang panget ko sa'yo?" simangot kong sabi

"What's wrong? Nagsasabi lang naman ako ng totoo," nakangisi naman niya na sagot.

"Bakit wala naman ako'ng sinabi na maganda ako a?" Nakanguso kong sabi na nakayuko hindi na siya nagsalita kaya tumingala ako sa langit.

"Joke lang! Maganda ka kaya lang napaka-simply lang ng dating mo hindi tulad ng mga classmate ko na mga babae na ang gaganda ng mga suot nila at mga ayos nila," seryoso na sabi niya.

Napatingin lang ako sa kaniya at huminga mo na ako ng malalim dahil sa mga sinabi niya.

"Ok lang," sagot ko sa kaniya at inabot ko sa kaniya ang isang cream 'O.

"Pasalubong ko pa naman sa'yo 'yan  tapos inaaway mo ako!" Nakanguso kong inabotq sa kaniya

"What is this?" Tukoy niya sa hawak na niya na cream O.

"Alin?" Tanong ko rin sa kaniya.

"Itong binigay mo," sagot niya lang.

Nagtataka naman ako sa tanong niya. "Hindi mo alam 'yan?" Nagtataka kong na tanong sa kaniya.

"I'm not asking you kung alam ko 'to," masungit na sagot niya.

"Ang sungit mo naman," mahinang bulong ko. "Cream O 'yan biscuit na may palaman na chocolate paborito ko kaya ito medyo mahal lang," sagot ko at tiningnan siya.

Nakita kong paikot-ikot niyang tinitingnan ang plastik nito na para bang ngayon lang talaga niya 'yon nakita.

"Why? I mean, magkano ba ito?" tanong niya.

"Seven pesos." sagot ko agad

"Only seven pesos tapos mahal na sa'yo? Ang mga kinakain ko nga worth of five hundred pesos above snack lang 'yon," parang wala lang na sabi niya.

"Ikaw na mayaman wala naman akong pera katulad mo at syempre mayaman kayo," naiinis na sagot ko sa kaniya.

"Ok I understand, sandali wala ba itong poison?" seryoso na tanong niya sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya na 'yun at grabe talaga siya.

"Ano ba 'yan ang daming arte. Try mo lang kasi ako nga simula magkaisip at ng matikman ko 'yan hinahanap-hanap ko na 'to!" sabay ngisi ko sa kaniya.

"Ok, mauna ka munang kumain," mahinang sabi niya na nakatingin sa akin.

"Natatakot ka bang mamatay? Biscuit lang takot ka na agad?" Hindi makapaniwala na sabi ko dahil sa itsura niya. Sinimulan ko na itong buksan at kinain ko na nang sunod-sunod.

"Ano ba 'yan ang takaw mo! Yung mga kilala ko na babae hindi ganiyan kumain mahinhin sila 'di tulad mo,"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya pinagpatuloy ko lang ang pag-ubos sa biscuit.

Nakatingin pa rin siya sa akin habang ako busy sa pagnguya at inaasar ko pa siya na sarap na sarap ako at ng medyo ubos ko na ngumiti ako sa kaniya kasi para siyang tangang nakatingin sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas nagtaka naman ako bigla sa kaniya.

Ang sarap ng tawa niya. "Bakit ka tumatawa?" Tanong ko pero hindi siya sumasagot kasi sobrang tawang-tawa siya kaya natawa na rin ako sa kanya pero mas lumakas ang tawa niya ng tumawa ako.

Kahit hindi ko alam kung anong kinatutuwa niya ang saya ko kasi narinig ko kung paano siya tumawa ang sarap ng halak-hak niya.

"You know what? Youebso funny!" Aniya niya habang nakakapit sa tiyan dahil sa kakatawa. "Look at yourself." sabi pa niya.

"Bakit ba? Wala naman salamin paano ko makikita?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Ok." sagot niya at may kinukuha siya sa loob ng maliit na bag na suot niya.

May nilabas siyang bagay na kulay silver at halos kasing laki yun ng notebook may kung anong pinipindot siya doon.

"Tngnan mo ang itsura mo dito," abot niya.

Nagtataka man ako ay kinuha ko na at pagtingin ko nakita ko ang mukha ko napangiti ako kaya pala siya tumatawa kasi puno ang mga ngipin ko nang durog na cream'O kaya nagmukha akong walang ngipin. Tumawa na rin ako at tiningnan ko siya na tumatawa pa rin siya habang nakatingin sa akin. Pero namangha ako sa bagay na hawak ko dahil kahit hindi siya salamin para ka na rin nakatingin sa salamin.

"Tawa ka nang tawa diyan! Ikaw naman kainin mo 'yan para makita ko rin ang itsura mo," turo ko sa hawak niyang cream O na hanggang ngayon hindi pa niya binubuksan.

"No way!" Iling na tanggi niya.

"Ay ang daya! Sige na kainin mo na yan,' pangungulit ko sa kaniya pero todo tanggi siya.

"Ayoko nga sabi." Muling iling niya.

"e sige na bahala ka uuwi na lang ako." Sinabayan ko ng tayo talagang uuwi na ako.

"Ok, I'll do it! Basta huwag kang lang umalis," mahinang sabi niya.

Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya at inumpisahan niyang kainin ito at sabay-sabay niya talagang kinain lahat. Nginuya nang nginuya habang napapangiti ako kasi hirap na hirap siyang lunukin.

"Bakit kasi sabay-sabay mo kinain? Hidi mo naman kaya," tawang sabi ko sa kanya.

"A-ano? Ka-kaya ko  kaya!" sagot niya na napapapikit na akala mo na nabubulunan na.

"Kaya mo? e hirap ka na ngang magsalita," pigil ang tawang sabi ko sa kan'ya.

Mayamaya nakita kong lumunok na siya at sabay ngiti natawa naman ako ng husto sa itsura niya dahil tulad ko pareho na kaming mukhang bungi.

"Ang panget mo!" Tawang sabi ko at todo pa siya sa pagngiti kaya mas lalo akong tawa nang tawa sa itsura niya.

"Patas na tayo pero one time ko lang gagawin ito never na," sabi niya at pinahiran niya ang gilid nang bibig niya.

"Ok, sandali ano ba tawag diyan sa malaking bagay na yan?" Kuryos kong tanong dahil mukha siyang cellphone pero malaki.

"Ito ba?" Tukoy niya sa sinasabi ko.

Tumango ako sa kaniya.

"Ipad to," sagot niya.

"a, parang cellphone pero malaki?" Curious kong mahinang sabi.

"Gusto mo ba subuka?" Tanong niya.

Tumango ako at pinahawak niya sa akin at tinuruan niya ako mag-touch sa lahat at manghang-mangha ako dahil ang ganda ng bagay na 'to at sa tingin ko mamahalin ito.

"Mag-selfie tayo," sabi niya.

Napalingon ako sa kaniya at nakatingin ako sa sided niya na mukha na nakangiti medyo magkalapit ang mukha namin.

"I know I'm handsome kaya tumingin ka na sa camera,"

Parang naginit bigla ang magkabilaan ko na pisngi dahil sa sinabi ni Duncan, inalis ko ang atensyon ko doon at tumingin sa sinabi niya. Nakita ko ang mga mukha namin sa camera at napangiti ako dahil ang cute namin dalawa.

Matapos namin mag-picture ay nanonood kami ng mga palabas sa iPad niya. Hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't isa dahil malapit ng magdilim.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Childhood Sweetheart   chapter 30

    AN: Last part na po ito babyebye na sa kanila pero masaya ako dahil sa wakas au complete na ito. At sa mga nagbabasa at nag-aabang, tiyak na hindi na kayo mabibitin dahil sa isang bagsakan na 'to. =========================================DUNCANMatapos ang masayang graduation namin nandito na kami ngayon sa isang sikat na bar. Hindi ko na pinasama si Kath at joyce, this is the celebration for the boys only."P're congrats sating lahat at sa wakas naka-alis na din tayo sa high school," natatawang umpisang salita ni, Jex.Sabay-sabay naming pinagdikit ang hawak naming mga baso na may laman na alak. Masaya kaming nag-uusap ng mapansin kung may nakatingin sa akin. Lumingon ako at nagsalubong ang aming mga mata ng isang lalaki na kilalang-kilala ko. Si Kaido Santi, ang isa sa mga mortal ko kaaway, seryoso siyang nakatingin sa akin hindi ko alam pero wala akong nababakas na pagbabanta sa kaniya ngayon."P're, may problema ba?" Napapitlag naman ako sa kalabit ni Allen sa akin. "Wala

  • My Childhood Sweetheart   chapter 29

    AN: Masaya ako at matatapos ko na rin ito at talaga namang nagpapasalamat ako sa mga nag-aabang po diyan. ==========================================MazelMatapos ang masayang birthday ni Duncan, ito balik school na naman kami. At nakakapanibago talaga ang lahat dahil lahat sila 'ay nag-aaral na ng husto kaya sobrang saya ko. Kasalukayan kaming nakikinig sa dini-discuss ng teacher namin sa filipino. Nang may inabot si Duncan sa akin na kapirasong papel. I love you, Mazel Montero Patterson ❤Napangiti naman ako kaya sumulat din ako at saka ko pa-simpleng inabot sa kaniya.I love you too.. ❤ mamaya na lang tayo mag-usap baka makita tayo ni ma'am.Matapos ko ibalik ang papel sa kaniya binalik ko na ang atensyon ko sa harapan. Muli inabot na naman niya sa akin ang papel, binasa ko naman agad ito.Hayaan mo siya, nakaka-boring siya magturo.Luko talaga to! Gusto ba niyang hindi siya makagraduate? Iniripan ko siya at saka nag-sulat ulit. Ayaw mo bang grumaduate? Sige ka hindi ako papaka

  • My Childhood Sweetheart   chapter 28

    AN: Konti na lang at matatapos na ito sanay nag-enjoy kayo sa bawat chapter ng story nila. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.. =======================================MAZELAhh... grabe parang isang taon akong hindi natulog, isang linggo na ang lumipas simula ang hindi inaasahang mga pangyayari. Ngayon 'ay ok naman na ang lahat at ako, sobrang nag-alala si sila mama at papa sa akin dahil sa biglang pagkawala ko, pero ngayon back to normal ulit.Nalaman ko na namatay na si Paulo, mali pala Paulino Pong Trinidad ang totoo niyang name. Siya ang may kagagawan ng lahat at hindi ko talaga lubos maisip na napakasama niya, as in demonyong baliw siya. Kinaibigan ko pa naman siya 'yon pala naka-plano na ang lahat sa kaniya ito. Pero ang mas inalala ko at hinanap ko sa paggising ko ay walang iba kung hindi si, Duncan. Akala ko mamatay na siya sobrang nag-iiyak ako sa nalaman kong tinamaan siya sa tagiliran. Mabuti nga at ok rin siya, isang beses ko lang siyang nakita no'ng lalabas na a

  • My Childhood Sweetheart   chapter 27

    AN: Konti na lang po at matatapos ko na siya, nagsusulat ako habang nagkakape dahil ito ang lakas ko. =========================================DUNCANHindi ako makapaniwala sa aking nalaman dahil pagkatapos ng magandang pakikisama ko sa kanya. Siya pala ang ta-traydor sa'kin. Naikuyom ko ng sobrang higpit ang aking kamao."Ano DC? Nadismaya ka ba? Ang isa sa matalik mong kaibigan ay matindi mo pa lang kalaban?" ngising salita ni Pong."Ang dami mong kuwento simulan na natin 'to ng matapos na." pigil ang galit ko habang matalim na nakatingin kay, Vincent."Madali lang naman ang gagawin mo DC, tatayo ka lang diyan at na-namnamin mo ang lahat ng sarap. At kung iniisip mong lumaban huwag mo ng gawin dahil isang tawag ko lang tiyak pagpipiyestahan ng mga ka-grupo ko ang katawan ng mahal mo," natatawang wika nito at sinabayan nya ng tawang pang-demonyo. "Pero bago ang lahat pirmahan mo muna ito," sabay hagis niya ng ballpen at papel na naka-rolyo."Anong palagay mo sa akin tanga? Bakit

  • My Childhood Sweetheart   chapter 26

    AN: Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat dahil sa mga patuloy na suporta niyo. Lalove ko kayong lahat, sana'y wala tayong iwanan hanggang sa huli. =========================================DUNCANPinaadar ko na ang kotse ko para puntahan si Dwane, pati na rin si Jex at Vincent. hindi pa ako nakakalabas ng campus nang matanawan ko na si Jex at Dwane. Bakit hindi nila kasama si Vincent? Kinabahan 'din tuloy ako.Hininto ko agad ito at nagmadaling bumaba, sinalubong naman ako agad nila."P're alam mo na?" seryosong tanong ni, Dwane"Tinawagan 'din ba kayo?" tanong ko sa kanila"Oo," sabay na sagot nila. "P're nakita mo ba si Vincent? Ang alam lang namin si Mazel at Allen lang ang hawak nila." naguguluhang paliwanag ni, Jex."Sino kaya 'yung gago na 'yon? Ang lakas ng trip niya," galit na turan ni Dwane."Kailangan nating mag-ingat baka hawak na rin nila si, Vincent." muling wika ni, Jex.Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang nag-iisip ng malalim."Anong unang gagawin natin,

  • My Childhood Sweetheart   chapter 25

    AN: Pasensya na pala sa mga nag-aabang diyan kung natagalan, pero ito hindi na kayo mabibitin pa. 😘🙃😉Love you all guys! ❤ =================================== Kung bakit pinatay ang papa ni, Duncan... ------"Tangina mong matanda ka! Pinapatay na kita para sa akin mapunta ang lahat ng kayamanan mo, pero sa hayop na Franco Patterson, mo pa rin pala ibibigay ang lahat. Wala kang tinira kahit piso sa akin, ang utak mo talagang matanda ka!” Gigil na gigil na kausap ni Napoleon sa harap ng puntod ng kanilang boss. Na matagal na nilang pinaglingkuran ni Napoleon Trinidad at ang papa ni Duncan, na si Franco Patterson. ~~~~~ Magkaibigang matalik ‘yan ang turingan nila ngunit binago ito dahil sa kagahaman sa pera ni, Napoleon Trinidad. Tinalo nito ang pagkakaibigan nilang dalawa. Naging tauhan sila ng isang matandang mafia lord at kabilang dito ang papa ni Duncam. Higit na pinagkakatiwalaan ng matanda dahil sa angking galing sa pakikipaglaban at pagiging tapat na tauhan kaya mas lalo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status