Mag-log inMazel
Sabado ngayon kaya maaga pa lang magkasama na kami ni Duncan, magkatabi kami ngayon sa paborito naming upuan.
Habang nakikinig kami ng kantang ngayon ko lang narinig pero ang sarap niyang pakinggan.
"Ano ang title ng song na 'yan?" Tanong ko sa katahimikan namin.
"If tomorrow never comes." sagot niya lang.
Lumipas ang ilang oras nagpaalam na ako 'kay Duncan na labis na kinalungkot ko dahil maghihiwalay na kami ulit dahil hapon at baka hinahanap na rin ako nila papa at mama.
"Sige uuwi na ako kasi baka dumating na ang papa ko bukas na lang ulit ha?" Paalam ko sa kan'ya.
"Ganun ba? Sige ako rin uuwi na pero sandali lang may ibibigay pala ako sayo,"
Natigilan naman ako ng makita ko na may dinukot siya mula sa bulsa nang pantalon niya.
"Ano naman ang ibibigay mo?" tanong ko sa kaniya.
"Halika dito lumapit ka sa akin tapos talikod ka." seryoso na sabi niya.
Nagtataka na sumunod ako sa sinabi niya at hinawi niya ang buhok ko papunta sa harapan ko.
"Nagsha-shampoo ka ba? Bakit ang dry ng buhok mo?"
Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.
Talaga to! Lahat napapansin araw-araw kaya ako naliligo.
"Syempre naman noh! Pintasero ka talaga ano ba kasing gagawin mo?" Naaasar na ako at narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Sandali lang huwag ka kasing malikot baka maputol 'to,"
Nakita at naramdaman ko na lang na may lumawit na makinang na bagay sa ibabaw ng dibdib ko at alam ko silver ang tawag dito.
Bakit niya ako sinuutan ng kwintas? At mukhang mamahalin 'to. Naitanong ko sa isipan ko.
"Para 'yan sa iyo para lagi mo akong maalala," nakangiti niyang sabi nang lumipat siya paharap sa akin.
Ang gwapo niya talaga kahit bata pa siya siguro pareho kaming nine years old or higit siya sa akin.
"Para sa akin 'to? Nakakahiya naman," sagot ko at hindi ko magawang tumingin sa kanya. Tinuon ko na lang ang aking paningin sa kwintas na hugis bilog ito na may hati sa gitna.
Ano kaya 'yon? May hati sa gitna? Siguro pwede 'yon pag-hiwalayin. Sabi ko sa isipan ko.
"Wala 'yon, pinasadya ko 'yan talaga para talaga sa iyo kapalit ng drawing na kinuha ko," nakangiti niya pa na sabi.
"Kapalit ng drawing ko? e, mukhang ang mahal nito," tukoy ko sa kwintas na bigay niya at kumikinang pa ngumiti lang siya sa akin na kinayuko ko ulit. "Magkano ba to?" curious na tanong ko pa.
"Huwag ka ng magtanong baka hindi mo na isuot kapag nalaman mo." mayabang na sagot niya.
Natulala naman ako at masaya na may halong kabang naramdaman.
Iingatan ko ito Duncan...
"Talaga? Salamat!" Sabay yakap ko sa kanya nagulat naman ako nang itulak niya ako palayo. "Bakit?" Takang tanong ko naman sa kanya at umatras naman siya palayo sa akin.
"Nothing! Sorry! Sige na umuwi ka na baka gabihin ka pa sa daan mag-iingat ka rin." taboy niya na nakangiti.
------
Tulad nang dati nagmamadali ako sa paguwi galing sa school. Nagpalit agad ako ng pangbahay para mapuntahan ko na agad si, Duncan.
Tamang-tama wala naman si mama umalis na para magtinda ng turon. Ala-una na sa katanghalian ng pumunta ako do'n sa sabdivision sa likod nang pader. Ang saya-saya ko habang naglalakad at kapit-kapit ko sa kanang kamay ko ang kwintas na binigay ni, Duncan.
Pagdating ko dito nagtaka ako kasi walang Duncan na naghihintay kahit bakas man lang na may dumating dito wala kang makikita talaga. Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan at umupo ako dito sa paborito ko na upuan ang biak na bato kung saan magkatabi kaming nauupo ni Duncan.
Baka naman parating na 'yon kausap ko sa isipan ko maghihintay na lang muna ako habang nagkukuyakoy ang mga paa ko. Pero lumipas na ang kalahating oras siguro 'ay wala pa rin si Duncan.
Hangang sa mag-isang oras na ang lumipas wala pa rin s'ya kaya umuwi na lang ako kasi baka may ginawa lang siya kaya hindi nakapunta.
Ilang araw pa ang lumipas at halos araw-araw ako'ng nagpabalik-balik doon at walang Duncan na nagpakita sa akin. Nakaramdam na ako ng lungkot dahil hindi ko na siya nakikita kasabay nang mga pag-iisip ng kung anu-ano.
Siguro ayaw niya na akong maging kaibigan o kaya naman pinagbawalan na siya nang mama niya.
Pero hindi ako sumuko at muli akong nagpunta doon at naupo dahil nagbaba-kasakali na nandidito siya. Dalawang linggo na ang lumipas kaya naman sobrang nalulungkot na ako at namimiss ko na siya bigla na lang tumulo ang mga luha ko.
"Ang daya mo naman Duncan!" Sigaw ko kahit wala naman akong kausap dito. "Ang daya mo talaga! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin nasaan ka na ba?" Garalgal na ang tono ng boses ko dahil sa pag-iyak ko habang nakatanaw sa langit.
"Bigla ka na lang hindi nagpakita." Sigaw ko pa ulit at wala ng tigil sa pagpatak ang mga luha ko. "Hoy! Duncan nasaan ka na ba? Tara na maglaro na tayo," umiiyak na sambit ko at tahimik na umiiyak ako.
Naisipan ko na lang na umuwi dahil siguro nga wala na siya at puro lungkot na lang ang naramdaman ko ngayon habang naglalakad pauwi. Malungkot na binalik ko ang nakatabing na maliit na playwood dito sa butas.
Matapos kong takpan ito naglakad na ako pero natigilan ako nang mapansin kong nagkakagulo ang mga tao dito.
Anong nangyayari? Bakit sila nagkakagulo? At nagtatabukhan?
Pabalik-balik lang ang mga tao at nagtatakbuhan kung saan-saan may mga dala-dalang mga gamit. Nawala bigla ang lungkot ko at pagtataka ang pumalit ngayon hangang sa marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.
"Mazel!"
"Anak! Mazel! Nasaan kabang bata ka!?"
Napatakbo ako sa kinaroroonan ni mama dahil hinahanap niya ako.
"Ma! Nandito po ako!" Sigaw ko at nilpitan ko si mama.
"Saan ka ba nagpupunta na bata ka! Halika na at bilisan mo umuwi na tayo at kunin mo ang ilang mahalagang bagay na kaya mong madala at aalis na tayo dito ngayon!" Malakas na wika ni mama.
Nagulat ako sa sinabi ni mama.
Ano bang nangyayari?
"P-pero b-bakit po ma? Ano bang meron bakit nagkakagulo sila?" Nagtataka kong tanong kay mam habang palinga-linga ako sa nagkakagulo na mga tao.
"Dumating na ang mga malalaking bulldozer na truck at ededimolis na talaga nila itong lugar natin. Pero 'yung iba ayaw pumayag ipaglalaban daw nila. Ang papa mo gusto niya makaalis na tayo bago pa masira ang bahay natin. Ayaw na ng papa mo na makisali pa sa gulo baka 'daw mapaano pa tayo kaya mabuti na ang umalis na lang tayo agad."
Mahabang paliwanag ni mama habang kinakaladkad ako pabalik sa bahay. Kahit sa murang edad ko naunawaan ko na agad ito. Nilingon ko pa ang lugar kung saan kami nagkakilala ni Duncan at hindi-hindi ko 'yon makakalimutan.
====°°°°=====
Eight years later...
Matuling lumipas ang taon at ngayon nga seventeen years old na ako. Marami na ang nangyari at kahit walong taon na ang lumipas hanggang ngayon naaalala ko pa rin si, Duncan.
Patungo na ako ngayon sa regestrar office ng may tumawag sa pangalan ko. Huminto ako at nilingon ang tumawag sa akin at napangiti naman ako ng makita ko ang dalawang teacher na close ko.
"Ms. Mazel Montero! Halika muna may magandang balita para sa'yo!" Si Teacher Lando ang adviser ko at ang teacher ko sa science si Ms. Linsay magkasama sila.
Lumapit naman ako sa kanila at binati sila. "Sir good afternoon po at sa'yo din Ms. Linsay." yumuko ako sa kanila. "Bakit po Sir Lando?" magalang kong tanong.
"Meron akung ibibigay sa iyo." Sabay abot niya sa akin nang isang brown envelope.
Nagtataka na kinuha ko na rin. "Ano po ito Sir?" tanong ko pa sa kanila habang sila naman 'ay nakangiti sa akin.
"Buksan mo para malaman mo." nakangiting sabi ni sir sa akin kaya binukasan ko na may kaba at excitement akong naramdaman.
Ibig sabihin dito na ako mag-aaral?
Namilog ang mata ko at napasigaw at may scholar pa na magagamit ko hanggang college na.
"Sir! Totoo po ba ito?" Hindi makapaniwala na sambit ko habang titig na titig sa papel.
Grabe! Sobrang saya ko dahil sa wakas makakapag-aral na ako sa isa sa mga sikat na school. Pangarap ko ito simula noon pa lang dahil gusto ko dito ako makapagtapos ng pag-aaral dahil karamihan sa nagtapos dito 'ay may magandang trabaho at mabilis ka kasing matatangap sa work na aaplyan mo kapag nangaling ka mismo dito sa school.
"Oo naman at para talaga 'yan sa'yo deserve mo mag-aral d'yan at alam namin ng mga teacher mo na hindi kami mabibigo sayo. Dahil isa kang ma-ipagmamalaking studyante namin dito sa Contancia High school at mamimiss ka namin. Pero mas okey na rin 'yun dahil ito ang mas importante. Basta huwag kang magbabago a! Lalo naman ang lumaki ang ulo kapag nakapasok ka na doon." Nakangiting paalala ni Sir, Lando.
"Nako! Maraming-maraming salamat po talaga sa inyong lahat na mga teacher ko." Niyakap ko naman silang dalawa kahit tinutulak ako ni Sir Lando.
"Pangako po tutuparin ko ang lahat ng pangarap ko at higit sa lahat hindi po ako magbabago at hindi ko rin po kayo bibiguin." Naluluhang sabi ko sa harapan nila nakangiti sila sa akin.
Para ito sa mga magulang ko at sa katapuran ng mga pangarap ko.
Umalis na sir pero ako ito nakatingin pa rin sa hawak ko kasi hindi parin ako makapaniwala na dito na ako mag-aaral sa St. Patterson High School College. Dito ko ipagpapatuloy ang high school ko hanggang sa mag-college ako dahil dire-diretso na dito ang high school at college.
Habang nakatanaw sa malayo at naiisip ko noong una pa lang na nakita ko sa picture ang school na ito. Nangarap na ako talaga na sana 'ay makapasok ako doon at ito na nga dininig ang panalangin ko at ang laki nang pasasalamat ko sa mga teacher ko na tumulong na matupad ito. Dahil sa iyon sa kanila nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-aral do'n hindi naman ako sobrang talino kung baga pang-apat lang ganun.
Super ganda kaya doon at puro 'raw mayayaman ang karamihan na nag-aaral doon pero meron din naman na katulad ko na scholar lang rin at syempre ganon 'rin ako kapag nakapasok doon.
Haayy...
Grabe sobrang excited na ako talaga at bukas na bukas ay pupunta na ako doon para malaman ko ang mga kailangan ko pa.
AN: Last part na po ito babyebye na sa kanila pero masaya ako dahil sa wakas au complete na ito. At sa mga nagbabasa at nag-aabang, tiyak na hindi na kayo mabibitin dahil sa isang bagsakan na 'to. =========================================DUNCANMatapos ang masayang graduation namin nandito na kami ngayon sa isang sikat na bar. Hindi ko na pinasama si Kath at joyce, this is the celebration for the boys only."P're congrats sating lahat at sa wakas naka-alis na din tayo sa high school," natatawang umpisang salita ni, Jex.Sabay-sabay naming pinagdikit ang hawak naming mga baso na may laman na alak. Masaya kaming nag-uusap ng mapansin kung may nakatingin sa akin. Lumingon ako at nagsalubong ang aming mga mata ng isang lalaki na kilalang-kilala ko. Si Kaido Santi, ang isa sa mga mortal ko kaaway, seryoso siyang nakatingin sa akin hindi ko alam pero wala akong nababakas na pagbabanta sa kaniya ngayon."P're, may problema ba?" Napapitlag naman ako sa kalabit ni Allen sa akin. "Wala
AN: Masaya ako at matatapos ko na rin ito at talaga namang nagpapasalamat ako sa mga nag-aabang po diyan. ==========================================MazelMatapos ang masayang birthday ni Duncan, ito balik school na naman kami. At nakakapanibago talaga ang lahat dahil lahat sila 'ay nag-aaral na ng husto kaya sobrang saya ko. Kasalukayan kaming nakikinig sa dini-discuss ng teacher namin sa filipino. Nang may inabot si Duncan sa akin na kapirasong papel. I love you, Mazel Montero Patterson ❤Napangiti naman ako kaya sumulat din ako at saka ko pa-simpleng inabot sa kaniya.I love you too.. ❤ mamaya na lang tayo mag-usap baka makita tayo ni ma'am.Matapos ko ibalik ang papel sa kaniya binalik ko na ang atensyon ko sa harapan. Muli inabot na naman niya sa akin ang papel, binasa ko naman agad ito.Hayaan mo siya, nakaka-boring siya magturo.Luko talaga to! Gusto ba niyang hindi siya makagraduate? Iniripan ko siya at saka nag-sulat ulit. Ayaw mo bang grumaduate? Sige ka hindi ako papaka
AN: Konti na lang at matatapos na ito sanay nag-enjoy kayo sa bawat chapter ng story nila. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.. =======================================MAZELAhh... grabe parang isang taon akong hindi natulog, isang linggo na ang lumipas simula ang hindi inaasahang mga pangyayari. Ngayon 'ay ok naman na ang lahat at ako, sobrang nag-alala si sila mama at papa sa akin dahil sa biglang pagkawala ko, pero ngayon back to normal ulit.Nalaman ko na namatay na si Paulo, mali pala Paulino Pong Trinidad ang totoo niyang name. Siya ang may kagagawan ng lahat at hindi ko talaga lubos maisip na napakasama niya, as in demonyong baliw siya. Kinaibigan ko pa naman siya 'yon pala naka-plano na ang lahat sa kaniya ito. Pero ang mas inalala ko at hinanap ko sa paggising ko ay walang iba kung hindi si, Duncan. Akala ko mamatay na siya sobrang nag-iiyak ako sa nalaman kong tinamaan siya sa tagiliran. Mabuti nga at ok rin siya, isang beses ko lang siyang nakita no'ng lalabas na a
AN: Konti na lang po at matatapos ko na siya, nagsusulat ako habang nagkakape dahil ito ang lakas ko. =========================================DUNCANHindi ako makapaniwala sa aking nalaman dahil pagkatapos ng magandang pakikisama ko sa kanya. Siya pala ang ta-traydor sa'kin. Naikuyom ko ng sobrang higpit ang aking kamao."Ano DC? Nadismaya ka ba? Ang isa sa matalik mong kaibigan ay matindi mo pa lang kalaban?" ngising salita ni Pong."Ang dami mong kuwento simulan na natin 'to ng matapos na." pigil ang galit ko habang matalim na nakatingin kay, Vincent."Madali lang naman ang gagawin mo DC, tatayo ka lang diyan at na-namnamin mo ang lahat ng sarap. At kung iniisip mong lumaban huwag mo ng gawin dahil isang tawag ko lang tiyak pagpipiyestahan ng mga ka-grupo ko ang katawan ng mahal mo," natatawang wika nito at sinabayan nya ng tawang pang-demonyo. "Pero bago ang lahat pirmahan mo muna ito," sabay hagis niya ng ballpen at papel na naka-rolyo."Anong palagay mo sa akin tanga? Bakit
AN: Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat dahil sa mga patuloy na suporta niyo. Lalove ko kayong lahat, sana'y wala tayong iwanan hanggang sa huli. =========================================DUNCANPinaadar ko na ang kotse ko para puntahan si Dwane, pati na rin si Jex at Vincent. hindi pa ako nakakalabas ng campus nang matanawan ko na si Jex at Dwane. Bakit hindi nila kasama si Vincent? Kinabahan 'din tuloy ako.Hininto ko agad ito at nagmadaling bumaba, sinalubong naman ako agad nila."P're alam mo na?" seryosong tanong ni, Dwane"Tinawagan 'din ba kayo?" tanong ko sa kanila"Oo," sabay na sagot nila. "P're nakita mo ba si Vincent? Ang alam lang namin si Mazel at Allen lang ang hawak nila." naguguluhang paliwanag ni, Jex."Sino kaya 'yung gago na 'yon? Ang lakas ng trip niya," galit na turan ni Dwane."Kailangan nating mag-ingat baka hawak na rin nila si, Vincent." muling wika ni, Jex.Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang nag-iisip ng malalim."Anong unang gagawin natin,
AN: Pasensya na pala sa mga nag-aabang diyan kung natagalan, pero ito hindi na kayo mabibitin pa. 😘🙃😉Love you all guys! ❤ =================================== Kung bakit pinatay ang papa ni, Duncan... ------"Tangina mong matanda ka! Pinapatay na kita para sa akin mapunta ang lahat ng kayamanan mo, pero sa hayop na Franco Patterson, mo pa rin pala ibibigay ang lahat. Wala kang tinira kahit piso sa akin, ang utak mo talagang matanda ka!” Gigil na gigil na kausap ni Napoleon sa harap ng puntod ng kanilang boss. Na matagal na nilang pinaglingkuran ni Napoleon Trinidad at ang papa ni Duncan, na si Franco Patterson. ~~~~~ Magkaibigang matalik ‘yan ang turingan nila ngunit binago ito dahil sa kagahaman sa pera ni, Napoleon Trinidad. Tinalo nito ang pagkakaibigan nilang dalawa. Naging tauhan sila ng isang matandang mafia lord at kabilang dito ang papa ni Duncam. Higit na pinagkakatiwalaan ng matanda dahil sa angking galing sa pakikipaglaban at pagiging tapat na tauhan kaya mas lalo







