Share

Kabanata 01

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-03-11 13:04:24

**Olivia's POV**

"Carmen, here!" sabay kampay sa akin ni Ruby nang makita niya ako sa may bukana ng isang exclusive bar.

Kakauwi ko lang sa Pilipinas galing England. I was in England for five years, at talagang na-miss ko ang Pilipinas, hindi lang ang pamilya ko kundi pati na rin ang mga kaibigan, kakilala, at siyempre, ang klima.

Pagkalapit ko sa front bar, agad kaming nagyakapan ni Ruby. Tumatalon pa sa tuwa ang kaibigan ko, halatang mas excited pa siyang makauwi ako ng Pinas kaysa ako mismo.

"Girl, na-miss kita nang sobra! Grabe, ang ganda-ganda mo!" hiyaw niya, sabay pisil nang mahigpit sa kamay ko.

"Ikaw rin naman. Mas nagiging kamukha mo na si Tito Flordy," sagot ko. Napansin kong parang lalo silang nagkahawig. Hindi naman sa nagmukha siyang lalaki, pero para siyang female version ng daddy niya.

"So, sinasabi mong mukha akong lalaki?" seryosong tanong niya sa akin.

Natawa ako bago ko siya hinila papunta sa bar stools. Gusto ko ring uminom hindi para maglasing, kundi para lang makainom kahit kaunti.

"Syempre hindi. I mean, a girl version of Tito Flord," paliwanag ko bago umorder ng cosmopolitan sa bartender.

"So, how's your life there, babe?" tanong ni Ruby pagkatapos umorder ng martini shot.

"Good. Peaceful but challenging," tanging sagot ko sa kanya.

Most people spend their early twenties figuring out what they want to do with their lives. Me? I had already graduated from university at twenty. It wasn’t luck or some miracle because I worked for it. While others balanced parties and weekend getaways, I was diving headfirst into linguistics, education, and foreign languages, determined to finish my degree ahead of schedule.

By twenty-two, I had already earned my master’s degree. While working toward it, I also worked part-time as a language instructor at the same university where I was studying.

Hindi madali ang magturo sa murang edad dahil may mga estudyanteng mas matanda pa sa akin, at minsan may ilan ding nagdududa sa kakayahan ko. Pero hinayaan kong magsalita ang kaalaman ko.

Sa bawat klase na itinuro ko, sa bawat tanong na sinagot ko, pinatunayan ko na hindi edad ang batayan ng katalinuhan kundi ang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa ginagawa mo.

"I mean... nakailang boyfriend ka doon?" usisa niya bago sumimsim ng martini.

I wrinkled my nose.

"Fling-fling lang. No serious relationship," amin ko.

Wala talaga akong oras para sa seryosong relasyon, lalo na't hindi naman foreigner ang type ko.

Mas gusto ko pa rin na makarelasyon ang isang Filipino kahit may lahing foreigner, basta may dugong Pinoy. Mas gusto ko ang kulturang Pinoy dahil, siyempre, isa rin akong Filipino kahit hindi puro.

My mom has American and Moroccan descent, while my dad has British and Chinese ancestry. Kaya hindi talaga ako full-blooded Pinoy, katulad ni Ruby, na parehong may lahing foreigner ang mga magulang.

Habang abala kami sa pag-uusap, biglang may sumulpot sa likuran namin.

"Oh, Segundo. Akala ko ba wala kang balak bumaba?" sabi ni Ruby. Muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko at napalingon sa kausap nito.

Nagtagpo ang mga mata namin. Ngunit hindi ako nagpatalo sa titigan. Heto na naman ang kinaiinisan kong tao. Kumunot nang bahagya ang makapal niyang kilay, tila inaalala kung sino ako.

Aba’t kunwari pang hindi ako namumukhaan! Utot mo, Segundo!

"Dora?" aniya na may maarteng boses.

Dora—iyon ang tukso niya sa akin noon dahil mahilig akong magpagupit ng maikling bangs at buhok noong kabataan ko pa.

Napatigil ako. Parang automatic na bumalik ang inis ko sa kanya, para bang kahapon lang kami huling nagkita.

"Oh wow, Zoro, looks like you got lost again. What a surprise." tugon ko in a mocking tone sabay pinasaringan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago ako napairap.

Pareho kasi sila ni Zoro ng sakit—no sense of direction.

Hindi ko inasahang mag-iiba ang itsura niya ngayon. Nakakagulat, pero hindi ko lang pinahalata. He looks very manly. Naka-suit and tie siya, malayong-malayo sa dati niyang kikay na porma. Mas babae pa nga siyang kumilos noon kaysa sa akin!

"Kailan ka pa nakabalik?"

"Wala kang pakialam kung anong petsa ako nakabalik," pabalang kong sagot, na ikinatawa ni Ruby.

Napahalakhak naman si Segundo, iyon bang pilit at awkward na tawa.

"Bwisit ka pa rin ba sa akin hanggang ngayon?" tanong niya. Sumimsim muna ako ng inumin bago siya muling binalingan. Umarko ang isa kong kilay.

"Hindi naman nawala ang pagka-bwisit ko sa'yo kahit saang lupalop ng mundo ako mapunta," prangka kong sagot.

Napatitig siya sa akin, tila iniisip kung dapat siyang mainis o matuwa.

"Wala naman akong magagawa kung bwisit na bwisit ka pa rin sa akin hanggang ngayon, bruha. Siguro naman, magtatagal ka rito sa Pinas, 'di ba?"

"Anong paki mo kung magtatagal ako?" sagot kong muli, at pabalang pa rin ang tono kaya napailing na lang si Ruby.

Alam na alam ni Ruby ang matinding beef sa pagitan namin ni Segundo. Syempre, nakababatang kapatid niya ito, at ako naman ang best friend niya. Isang taon lang ang tanda ni Ruby kay Segundo, at dahil magkahawig pa sila, madalas silang mapagkamalang kambal.

"Paano ba iyan, Carmen? Mukhang balik na naman ako sa pang-iirita sa'yo," nakangising sabi ni Segundo.

Isang matalim na titig ang ipinukol ko sa kanya.

"Please, don't do it. Hindi na tayo mga bata para ulitin ang pagsasakitan at pag-aaway natin noon sa mga walang kwentang bagay, Segundo," pakiusap ko.

"Grow up, jerk!" dagdag ko pa.

"Sorry. But life without irritating you is so boring," sagot niya nang may arte, bago ako inirapan.

Nak ng!

Gusto ko talagang siyang sapakin lalo na kapag ina-artehan at tinaray-tarayan niya ako, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kakauwi ko lang ng Pilipinas. Dapat good memories ang madala ko pagbalik sa London.

"Please lang. Iwan mo muna kami ni Ruby. Doon ka, iyon oh!" sabay turo ko sa isang grupo ng kalalakihang nagkukumpulang nag-iinuman sa dulo ng bar.

"Doon ka makigulo. Kakauwi ko lang kaya huwag mong painitin ang ulo ko," dagdag ko pa.

"Nope," tanggi niya sabay taas ng kilay.

Isang taray na lang talaga at masasabunutan ko na siya.

"Sige. Hindi kita guguluhin sa pananatili mo rito, pero sagutin mo muna ako. Kailan ka babalik sa London?"

"After one and a half years," sagot ko agad.

"Oh...? Do you still participate in drag racing?" tanong niya bigla.

Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit? May competition ba?"

"Yup. May drag race mamayang 10 PM. You can compete with me."

Napatingin ako kay Ruby, pero nanatili lang siyang tahimik, nakikinig lang sa usapan naming dalawa habang sumimsim ng Martini.

"Compete with you?" ulit ko na may halong pagdududa.

"Yeah, matagal na rin akong nakikipag-compete sa drag racing," aniya.

S***a! Pati hobby ko ginaya na niya?!

"But don't worry, it'll just be you and me. Gusto mong tumigil ako sa pang-iirita sa'yo? Why not settle it with a race? If you win, I’ll give you money and freedom. Hindi ako magpapakita sa'yo hanggang sa umalis ka. But if I win, of course, may kondisyon ako," paliwanag niya.

Muling napataas ang kilay ko.

"How much is the bet?"

"10 million pesos," sagot niya agad.

Nalaglag halos ang panga ko. Ganun kalaking halaga?!

"If you win, you get the money and your freedom. Hindi kita gagambalain, at hindi mo ako makikita hanggang sa pag-alis mo."

"What if I lose?"

Napangisi siya. Alam kong may masama siyang balak.

"If you lose, you’ll sign a contract with me. A one-year contract marriage and acting as my doting wife para matakasan ko ang kasal kay Alexandria Sandstorm."

What the f—ck?!

"And an added 50 million pesos as a penalty if you breach our contract," dagdag pa niya.

Napailing ako.

"Are you kidding me?"

He leaned in, smirking.

"I am f*cking serious, Olivia Carmen Misuaris."

Napairap ako. Tumayo ang balahibo ko pagkadinig sa full name ko, lalo na't nanggaling sa bibig niya.

"Deal or no deal?"

Tinitigan ko siya saglit, tapos ibinaling ang mata ko sa kamay niyang nakalahad.

"You choose. Deal, or one and a half years na bubwesitin kita nang libre? If you win, I’ll endow whatever you want, cover your expenses, spoil you with luxury basta magtagumpay tayo at maiwasan ko ang maikasal kay Alexandria."

Napansin ko naman na parang seryoso talaga siya. Hindi naman siya makikipag-deal sakin kung hindi siya desperado na umiwas sa forced or arranged marriage kay Alexandria.

Yes, his parents matched him to marry Alexandria Sandstorm, the one the great-granddaughter of the owner of Sandstorm Management.

Sytone Glamour and Sandstorm Management are both companies that generate millions of dollars. Since Segundo is the son of Garnet Marie Sytone, one of the top ten Asian billionaires, he and Alexandria are set for an arranged marriage this year.

Alexandria and I were also close friends. Alam kong ayaw niya ring magpakasal kay Segundo, which is why todo-iwas siya sa pag-uwi sa Pilipinas dahil alam niyang pipilitin siya sa isang kasal na hindi niya gusto.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago ko inabot ang kamay ni Segundo.

"Fine. Deal," sagot ko sa wakas.

Tuluyan siyang ngumiti. Isang ngiting alam kong may kasamang kapilyuhan.

"One year lang, ha? Sure ka?" paninigurado ko.

Napangisi lamang siya sakin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 88

    Mabilis akong naglakad patungo sa pinakadulong banyo ng building. Mas gusto ko roon dahil walang tao, tahimik at malinis. Minsan nga doon ako dumadayo kapag sobrang antok o gusto kong mapag-isa. Sumasampa ako sa inidoro, pumikit, at nilulubog ang sarili sa katahimikan. At ngayong araw… mas kailangan ko ‘yon. Pero noong papaliko na ako, napansin ko sina Dina at Kayla kasama ang ilan pa naming kaklase. Nagsisigawan at nagkukulitan na naman sila na parang walang pakialam kung gaano sila kaingay. Napailing na lang ako. Hindi ko talaga kayang sumabay sa ganung ingay ngayon, kaya napaatras ako at mabilis na pumasok sa isang classroom na halatang walang tao. Tahimik sa loob. Ang tanging maririnig mo lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mga boses nilang nagmumula sa hallway. I decided to stay there for a while, hoping they’d leave soon. Pero ayun, bigla pa silang tumambay sa tapat ng room. Narinig ko pa ang malakas nilang tawanan habang nag-aasaran sa isa’t isa. Napahilot ako sa se

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 87

    **Segundo** “Guys, si Ma’am!” ani Ernest nang makita si Olivia na mag-isang naglalakad sa gilid ng oval field. Nasa likuran nila ako. Tamang-tama, pagkalabas ko ng room ay naabutan ko silang magkakakumpol sa second-floor corridor, nakasandal pa sa railing habang nanonood ng mga athletes na nagpapractice ng football sa field. Ang ilan sa kanila, may hawak pang iced coffee habang nakatingin, para bang nanonood ng palabas. “Ang ganda niya talaga,” sabi ni Rex, halos mapanganga habang sinusundan ng tingin si Olivia. “Ang sexy pa,” dagdag naman ni Ernest, halos sabay pa silang napaling ng leeg, parang mga fanboys na sabik na sabik sa bawat hakbang niya. Napailing ako, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Ganito sila palagi tuwing umaga, inaabangan si Olivia na dumaan sa gilid ng oval field, para bang may nakatakdang palabas tuwing 9 a.m. “Sayang talaga,” sabi ni Rowan, sinisipat pa si Olivia na unti-unting lumalayo. “Nakipag-swap pa si Ma’am. Ang ganda na noon, eh. Ginaganahan

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 86

    Noong pababa na kami ng hagdan, pareho kaming napalingon noong patakbong sumunod ang apat na babae. “Oh, bakit? Sasaktan mo na naman ako?” ani Kayla pero napairap lang si Dina bago naisipan na kumapit sa kabila kong braso. “Ay sus! Nainggit ka lang pala,” dagdag pa ni Kayla, natatawa. Muli lamang napairap si Dina at nagpatuloy na kami sa pababa ng hagdan. Pagliko namin, lahat kami natigilan noong nakasalubong namin si Olivia. Mabilis na napadako ang kanyang tingin sa dalawang babaeng nakakapit sa magkabilaan kong braso na para bang ayaw ng bumitiw o humiwalay sa pagkakakapit sa akin. Tahimik naman siyang gumilid, nanatiling kalmado ang ekspresyon, bago kami naisipan na lagpasan. Ilang ulit naman akong napalunok ng laway. I need to calm down. Kung siya ay tila wala ng pakialam sa akin, dapat iyon rin ang gawin ko. Dapat hindi na ako magpapaapekto sa kanya dahil ako lang ang lugi. Naisipan kong marahang alisin ang mga kamay ng dalawang babae—hindi pwersahan, at agad naman silan

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 85

    **Segundo** Habang tahimik ako sa gilid, panay pa rin ang tsismisan ng mga kaklase ko. May conclusion kaagad sila kung bakit nag-swap ng section ang dalawang lecturer. Dahil iyon sa iniiwasan ni Olivia na magkaroon ng tuksuhan sa loob ng classroom. Hindi naman kasi maiwasan iyon. Kahit nga ngayon ay kami ang bukambibig ng mga kaklase ko lalo na't may nag-search ng pangalan ni Olivia at dahil siguro sa curious sila kung single ba ito o hindi hanggang sa umabot na naungkat tuloy ang past namin. Kahit nagbúbulungàn sila, naririnig ko ng usapan nila, na kaya kami naghiwalay ay dahil nga sa past ko—na marami akong sex video scandal na nag-viral tapos iba't iba pang mga babae ang naikama ko. Though hindi naman kita ang mukha ng mga babaeng naikama ko pero halata pa rin naman na iba-iba ang mga nagiging ka-partner ko sa sex video. Hayop na Cecelia. Pagkatapos niyang sirain ang reputasyon ko, ngayon ay masaya siya na para bang walang ginawang mali noon. She’s now married to the city’s

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 84

    “Seg! Segundo!” ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko, at sa ikatlong beses ay naalipungatan ako nang may kung anong tumama sa mukha ko. “Bakit?” tanong ko kay Ruby nang makita kong siya pala ang panay sigaw at nakaisip pang hampasin ako habang mahimbing akong natutulog. “Hoy! Wala ka bang pasok ngayon!? 12:30 p.m. na oh!” aniya sabay turo sa wall clock. Agad akong nagkandarapa sa pagbangon. “Shit! 1 p.m. ang pasok ko!” mabilis kong sabi habang halos tumakbo papunta sa wardrobe, naghalungkat ng kung anong maisusuot. May long quiz pa naman kami ngayon, sayang naman ang review ko kung aabsent lang ako. “Ayan, maglasing pa kasi. Dinamay mo pa si Dad kagabi sa pag-inom. Ayon tuloy, masama ang pakiramdam—inaatake ng high blood,” sermon niya habang nakapameywang, parang nanay na nangungunsensya. “How is he?” tanong ko habang kinukuha ang towel. “He’s fine now. Pero pinagalitan na ni Mom. Mamaya, pag-uwi mo, ikaw naman ang siguradong pagsasabihan niya,” sagot niya. Hindi na ako ku

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 83

    Ilang segundo akong matalim na nakatitig sa picture na iyon bago ko mabilis na isinara ang laptop noong marinig ko ang boses ni Ruby pagkabukas niya ng pinto sa study room ko. Para akong nanlamig. Parang nahuli sa isang masamang akto. Napatingin ako sa kanya. Sa mga tingin niya sa akin ay may kahulugan bago niya ibinaling ang tingin sa laptop ko, na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang isa kong kamay sa ibabaw nito. Kita ko ang bahagyang pag-angat ng kilay niya, ‘yong tipong alam niya na ang ginagawa ko. “Oh… sorry. Mukhang naistorbo yata kita, brother,” paumanhin niya bago napangisi, ‘yong pilyang ngiti na alam kong may kasunod na biro. “Bukas ko na lang kukunin ang mga librong hiniram mo. Parang nabulabog ko yata ang panonood mo ng pórn,” dagdag pa niya. Aangal sana ako, balak kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nanonood ng pórn, pero tumalikod na siya para lumabas ng study room. Hindi niya na ako tinapunan pa ng isa pang tingin. “Ituloy mo na ang panonood. Next time

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status