Segundo and I have known each other since childhood. Our mothers are best friends, and our fathers are also close, especially since they are business partners.
Ako ang panganay na anak nina Caramel at Fourth Misuaris. Mayroon akong tatlong kapatid na lalaki at isang nakababatang kapatid na babae. Samantalang si Segundo naman ay ang bunsong anak at nag-iisang lalaking anak nina Garnet at John Flord Congreene. Our families are close because of our parents’ friendship. However, unlike them, Segundo and I are the complete opposite of close. We love to bicker. Madalas kaming magsabunutan at magkasikatan dahil lang sa mga laruan at gamit. Oo, dahil lang sa materyal na bagay, madalas kaming magkasakitan ni Segundo. Halos lahat ng gusto kong bilhin ay inuunahan niya ako. Parang kapitbahay na inggitera when you buy a speaker with loud bass, gusto niya rin ng mas malakas pa ang tunog kaysa sa kapitbahay niya. Mula pagkabata hanggang sa paglaki namin, hindi na natigil ang pag-aaway namin. Kaya nga sumuko na ang mga magulang namin sa pagtatangkang pag-ayusin kami dahil palagi kaming nauuwi sa sakitan. Oo, mas matangkad sa akin si Segundo at mas malaki ang hubog ng katawan niya, pero kung sa lakas lang, panalo ako. Namana ko kasi ang katawan ng nanay ko na kahit gaano karami ang kain, hindi tumataba. Ayun sabi-sabi, ang mga ganitong klase raw ng katawan ay may pambihirang lakas. Hindi ko alam kung totoo ‘yun, pero ang nanay ko ay panglalaki talaga ang lakas. Ang tatay ko ngang 6’2” at may bigat na 87 kg, kayang-kaya niyang buhatin na walang kahirap-hirap. Naalala ko po noong high school, kasali ako sa girls’ basketball team. Isang beses, itinulak ako ng kalaban para mapalayo, pero sa halip na ako ang matumba, siya ang napaupo sa sahig. Kaya palagi akong ginagawang center, kasi raw, hindi ako madaling mabuwal. Sa eskwelahan naman, madalas imbitado ang parents namin sa guidance office noong high school dahil lang kay Segundo! Grabe talaga ang inis ko sa kanya. Sa sobrang inggit niya sa akin, pati partner ko sa JS Prom, binayaran niya para hindi sumipot! Naglakad tuloy akong mag-isa sa red carpet! Nalaman ko ang ginawa niya nang may nagsumbong sa akin. Kaya noong Lunes, sa unang pasok pagkatapos ng JS Prom, hinarap ko siya. Nauwi kami sa matinding sagutan at nagkasakitan pa mismo sa harap ng principal’s office. Hindi ko na kasi kinaya ang kasamaan ng ugali ng baklang ‘yon kaya napalaban na ako. Sa kabila ng tambak naming bad records sa eskwelahan, naka-graduate pa rin kami ng high school. Siyempre, magkumare ang nanay niya at ang nanay ko at higit sa lahat, ang nanay pa niya ang may-ari ng eskwelahan! Akala ko makakahinga na ako nang maluwag nang maghiwalay kami ng eskwelahan sa kolehiyo. Pero noong second sem... napamura talaga ako! Nag-transfer ang gagó sa university na pinapasukan ko! Talagang ipinanganak si Segundo para bwisitin ako! Lahat ng manliligaw ko, hindi nagtatagal dahil sa kanya. May naging boyfriend pa ako na inagaw niya! Grabe, sobra na talaga. Hindi ko na kinaya ang pambubuwisit niya sa akin sa araw-araw. Kaya noong natapos ko ang first-year college, lumipat na ako ng ibang bansa. Sa London, England ako nag-aral. Balak sana ng parents ko na sa China na lang ako mag-aral, kasi naroon ang tiyuhin kong si Third, pero hindi ako pumayag. Masyado kasing malapit sa Pilipinas bago pati sa China ay masundan ako ng mokong. Gusto ko lang talagang lumayo kay Segundo kaya gusto ko nasa malayo. Maayos ang buhay ko sa London... payapa, dahil wala nang asungot na nakabuntot sa akin. Hindi ko na kailangang makipagtalo sa kanya araw-araw. Hindi ko na kailangang magbantay sa mga diskarte niyang sisira sa buhay ko. Sa London, ako lang ang bida sa sarili kong mundo. Nakapagtapos ako with flying colors at nakapagtrabaho rin doon ng dalawang taon bilang part-time language instructor, na naikuwento ko na kanina. Masaya ako sa England, pero iba pa rin ang pakiramdam ng pag-uwi sa sariling bayan. Pagkatapos ng limang taon sa England, naisipan kong magbakasyon sa Pilipinas. Kakarating ko lang kahapon, at siyempre, tuwang-tuwa ako dahil sa wakas, nakauwi na rin ako after five years. Na-miss ko nang sobra ang Pilipinas, 'no! Sino namang Pilipino ang makakalimot sa sariling bansa, 'di ba? At kung may isang tao na hindi ko na-miss, walang iba kundi si John Flord Congreene Jr. o kilala bilang si Segundo. Kaagad akong tinawagan ni Ruby noong isang araw na kapag nakauwi na ako ay magkita kami sa isang exclusive bar na nakapangalan sa kanya. Karamihan kasi ng mga negosyo at gusali na pinatayo ni Tita Garnet ay nakapangalan sa mga anak niya. Tulad nitong bar, na nasa ground floor ng Rubbean Luxurious Building—ang Rubby Anne Exclusive Bar. Mga 3 kilometers lang ang layo mula rito ng isa pang luxurious building na nakapangalan naman kay Sapphire, ang panganay na kapatid nina Segundo at Ruby—ang Sapphirean Building. Mga fifteen minutes biyahe naman mula sa Sapphirean, makikita ang isang luxurious hotel na ipinangalan naman kay Segundo, ang Flord II 5-Star Hotel. Ang yaman nila, ‘di ba? Ang Sytone ang Top 1 Wealthiest Family sa buong Pilipinas. Ang Misuaris naman ay pang-apat. Kaya nga madalas ipagyabang ni Segundo sa akin na mas mayaman sila. Eh, ano naman?! Ang yabang-yabang ng gàgo! Kahit nasa Top 4 kami sa Wealthiest Families sa bansa, tingin pa rin niya sa akin ay mahirap dahil lang sa simple kong pananamit. Siyempre, hindi naman ipinanganak na mayaman ang nanay ko, kaya itinuro niya sa aming magkakapatid ang pagiging simple. Hindi ko sinasabing hindi tinuruan ni Tita Garnet si Segundo na mamuhay nang simple, pero dahil sa sobrang yaman nila, may kalayaan siyang maging bongga sa pananamit at kilos. Pero bakit siya lang ang mukhang mayabang sa kanilang pamilya?! Down-to-earth naman ang parents niya, mababait rin ang mga kapatid niya. Pero siya? Ang pangit ng ugali niya! ---- "Para saan 'yan?" tanong ko, malamig ang tinig, nang inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang isang brown envelope. Magkaharap kaming dalawa, nakapagitan ang isang fiber glass round table, habang nasa tabi ko naman si Ruby. Naririto pa rin kami sa loob ng bar, at maya-maya lamang ay tutungo na kami sa lugar kung saan maglalaban kami ni Segundo. "Open it," aniya, kaya inabot ko ang envelope at binuksan ito. "That's our first agreement. Bago tayo sumabak sa competition, I want to make sure na hindi magbabago ang desisyon mo, lalo na sa premyong pinag-usapan natin. I already signed it, ikaw na lang ang hindi pa," pahayag niya. Ang galing rin, 'no? Talagang pinaghandaan niya ang bagay na ito. At higit sa lahat, sinigurado niyang wala akong kawala sa premyo. Pagkatapos kong basahin ang mga nakasaad sa agreement, pinirmahan ko ito. Maayos naman ang pagkakasulat ng mga kondisyon, patas at walang bahid ng unfairness. "Here," ani ko, sabay abot sa kanya ng envelope. Agad niya naman itong tinanggap bago tumayo. Mula sa kanyang kinatatayuan, nakatingin siya pababa sa akin, ang mga mata niya'y napaka-seryoso. Kung ang ibang babae ay nilamon na ng karisma ni Segundo, alam kong iba ako. Kilalang-kilala ko siya. He's gay! At sigurado akong bakla talaga siya! Kung ang nanay ko at nanay niya ay talagang tinarget ang malalambot at medyo tagilid na lalaki sa mundo, pwes! Hindi ako! Ang tipo ko talaga ay iyong lalaking-lalaki... matipuno, medyo mabalahibo, may beard sa mukha, at tunay na manly ang dating. Hindi tulad ni Segundo na malambot. Tahimik ko namang siyang tinapunan ng tingin at hindi nagpapatalo sa intensidad ng titig niya. "Good luck," aniya sa mababang tinig. "Let's go!" dagdag pa ni Segundo sa kanyang mga bodyguard. Napatingin naman ako sa dalawa kong bodyguard na tahimik na nakabantay malapit sa pinto. "Beat him," pagsuporta naman ni Ruby sa akin. "Kapatid mo 'yon, hoyyy. Tapos ako ang susuportahan mo?" natatawa kong saad habang sabay kaming lumabas ng bar habang nakabuntot ang aming mga bodyguard. "Hindi naman sa kinakampihan kita. Talagang gusto ko lang na matalo siya, para naman makatikim siya ng pagkatalo," sagot niya, dahilan upang mapahinto ako. "Wala pang nakakatalo sa kanya?" She nodded. "Yup. He has been competing in a lot of drag racing competitions not just here, but also in other countries. Simula nang umalis ka ng Pilipinas ay iyon na ang naging hobby niya, ang makipag-compete at ipanalo ang lahat ng laban." Napanganga ako sa sinabi niya. Napalunok pa ako ng laway dahil sa kaba at naramdamang pagkabahala. Damn it... so undefeated siya? "But I know you will beat him," dagdag niya pa na may kasamang panatag na ngiti. "You look ordinary, but you have this kind of extraordinary skill na wala siya." Tama. Kaya ko siyang talunin. Kaya kong talunin ang mayabang na kupàl na iyon. Kailangan kong pagkatiwalaan ang sarili kong mananalo ako sa pustahan namin.“W-What did you say?” kunot-noong tanong niya sa akin pagkahiwalay ko. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Matamis naman akong napangiti. “I said, I love you...” mahinang ulit ko, sensero ang mga mata. “Why? I mean—ang bilis mo namang ma-in love,” tila natatawang saad niya at bigla na lamang siyang nagseryoso. “Kneel,” utos niya sa akin gamit ang isang mabigat na tinig. Of course ko alam ko na kung anong balak niya. “Okay. As you ordered, my baby,” may ngising saad ko bago sinunod ang gusto niya. "I know she would want to make me do the punishment written in the rules we signed before, kahit ka-ek-ekan ko lang naman 'yung mga iyon. Sa pagkakaalam niya kasi ay seryoso ang mga nakasulat doon, but anyway, a rule is a rule, even if it's just for fun or a prank. The rule I broke was about whoever falls in love first: he or she loses, and the winner gets to give any command. Nakangiti akong napatingala sa kanya habang nakaluhod ako sa harapan niya. Itinaas niya ang isa
**Segundo** Dining Area... Tahimik kaming naghahapunan. Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa napakatahimik na dining area. Mainit pa rin ang dugo ko kay Alex, pinilit ko lamang ang sarili kong pakisamahan siya dahil nga siya ang nakakaalam sa mga kagaguhan ko. Napansin ko rin na panaka-naka ang tingin ni Carmen sa aming dalawa. Halata sa mukha niya na hanggang ngayon ay kuryos pa rin siyang malaman kung ano talaga ang naging dahilan kung bakit parang may bad blood kami ni Alex. Hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko kanina tungkol lamang sa business ang alitan namin. “Mukhang ang dami ng niluto mo, Seg. Ganito ka ba talaga magluto?” basag ni Alexandria sa katahimikan, kalmado ang mukha habang kumukuha ng kanin. “I cooked those for my wife, and of course, for everyone else too. Mas mabuti nang sumobra kaysa magkulang,” sagot ko naman. “Talaga?” aniya, sabay tingin kay Olivia. Naibaba ko ang hawak kong kubyertos at seryosong napatitig sa kanya. Kinuha ko ang table
**Segundo** “Pasok na tayo. Nakakahiya kay Alex na narito pa tayo sa labas tapos naroon siya, nag-aantay sa loob,” muling aya sa akin ni Olivia, pero parang ayaw ko pa ring bumalik sa loob. Sa gilid naman ng aking mga mata, parang may napapansin akong may nakamasid. Kaya ang ginawa ko, pagkatayo ko ay niyakap ko ang asawa ko. Mabilis kong ibinaling ang aking mga tingin sa babaeng nakasilip sa amin. Si Cecelia. Seryoso siyang nakatayo sa hindi kalayuan. Maya-maya pa ay sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Mas humigpit ang yakap ko sa asawa ko. Ayaw ko na talaga sa kabaliwan niya. Hindi na ito basta laro na lang. Nauuwi na kami sa isang napaka-delikadong sitwasyon. Naramdaman ko naman ang paghaplos ng palad ng asawa ko sa likuran ko. Tapos, noong tuluyan nang umalis si Cecelia, naglakad pabalik sa pinagtataguan niya, at saka ko lamang binitawan ang asawa ko. Marahan akong humiwalay sa kanya. Napatitig sa akin si Olivia, matamis siyang napangiti sa akin kaya hindi ko maiwa
**Segundo's POV** "Seg," isang mahinang tinig ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip habang nakaupo ako sa konkretong upuan sa likod ng hardin, kung saan ang katahimikan ay tila yumayakap sa akin. Naibaling ko ang aking paningin kay Carmen. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang maglakad na siya palapit sa kinaroroonan ko. "Hey, baby," mahina kong bati sabay taas ng kamay, inaanyayahan siyang lumapit. Wala siyang pag-aalinlangan na tinanggap ang kamay ko, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ko. "Are you okay? I came here to check on you," ani Carmen, kita sa mga mata niya ang pag-aalala, kaya mas lalo akong sumaya habang nakatingala sa maamo niyang mukha. I slowly slid my arm around her waist, pulling her gently but firmly toward me until she partly settled on my lap. She didn’t hesitate, not even for a second. With a soft, familiar ease, she wrapped her arms around my shoulders, like her place had always been there. "I am fine," kalmadong saad ko, sabay amoy sa leeg niya. Ngunit bi
Pagbalik ko sa living room. Nagulat ako sa nasaksihan ko. “Segundo!” tawag ko sa asawa ko nang makita kong aambahan niya ng sampal si Alexandria. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Pula, nanlilisik, at nanginginig ang kamay na nakataas, handang bumagsak kay Alex anumang oras. Pero ang mas tumatak sa akin ay si Alex mismo. She looked calm. Walang bakas ng takot sa mukha niya. Ni hindi man lang siya kumurap. It was as if she already knew this would happen and she was ready for it. “What the hell is happening here?” tanong ko, halatang kabado, habang dali-daling lumapit sa kanila. As I glanced around, it was then that I noticed the two shattered antique vases lying on the floor. Mga pirasong porselana na tila ebidensya ng tensyon bago ako dumating. “Umalis ka na,” malamig na sabi ni Segundo, hindi pa rin inaalis ang titig kay Alex. Bahagyang umarko ang kilay ni Alex. Sa halip na matakot o umatras, isang matipid na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Aalis naman talaga
Pagkatapos kong maglinis sa kusina, sunod naman sa may sala. May robot vacuum cleaner naman kaya hindi masyadong mahirap maglinis ng sahig. Pindutin na lang ang remote control at kontrolin ang vacuum sa mga parte na hindi ko pa nalilinis. Ang ginawa ko na lang ay gumamit ng feather duster upang alisin ang mga alikabok sa mga kagamitan sa sala.Ngayon ko lang masasabi na ang sipag ko talagang maglinis. Wala kasi akong ibang gagawin bukod kaya kapag malaki ang oras ko ay maglilinis talaga ako, kahit hindi naman talaga ako ganito dati sa bahay at sa apartment na tinirhan ko sa London ng ilang taon. Sabagay, may taga-linis kasi doon, samantalang dito mukhang next week pa darating ang tagalinis. Nakakahiya naman kung papaabutin ko pa ng isang linggo na walang linis ang malaking bahay na ito.Sandali akong napaupo sa mahabang sofa at may napansin na naman akong hibla ng buhok sa ibabaw kaya walang pag-aalinlangan, maingat kong pinulot ang buhok at isa-isa ko itong tinanggal. Napansin ko na