See you next chapter 💕
Napahigpit ang hawak ko sa notebook. Mas lalo akong binabalot ng anticipation, dahil ang tagal niyang humarap sa amin. “Puwede bang magpasuyo?” aniya kay Dex. Mas lalo akong napasinghap. God. It’s her! That voice... I know that voice. It’s Olivia’s voice. “Ayaw gumana ng projector,” dagdag pa niya, bahagyang nakayuko habang sinusubukan pindutin ang remote. Kaagad namang napatayo si Dex. “Oo naman po, Ma’am. Ako na pong bahala mag-set up,” sagot nito bago mabilis na nilapitan ang mesa at agad inasikaso ang projector. Maya-maya’y humarap na siya sa lahat. Nakangiti pa siya... isang ngiting pormal at magaan, hanggang sa tumama ang kanyang paningin sa akin. Biglang nagsalubong ang mga mata namin. Pareho kaming natigilan na para bang tumigil ang oras, bago siya unang umiwas ng tingin at agad na bumalik sa pagiging composed. “Good morning, class. I am your new lecturer. My name is Olivia Carmen Misuaris, and I’ll be your new lecturer for Marketing Management,” pormal niyang pa
Arn's family owned this school. Her parents, Arnie and Raju Hunter, are close friends of my mom. Bukod sa paaralan, may sarili pa silang mga negosyo na itinayo sa iba’t ibang lugar—mga hotels, restaurants, at ilang real estate properties, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit kilala sila at mayaman talaga ang pamilyang Hunter. Hindi man sila kabilang sa Top 10 billionaires ng bansa, at least nasa listahan pa rin sila ng Top 14, na sapat na para ipakita kung gaano kalaki ang impluwensiya nila sa business world. Pero, I only treated her as a friend. Kahit pa isa siya sa mga pinagkakasundo sa akin ni Grandpa, bukod kay Alexandria na hanggang ngayon ay nananatiling candidate para sa isang arranged marriage, talagang tutol ako sa ganoon. I don’t want to enter into marriage yet, lalo na’t sariwa pa rin sa akin ang bigat ng naging epekto ng una kong nawasak na kasal. I was the one at fault, and I still carry the guilt along with the lessons it left behind. Kaya mas pinipili kong umiwas kay
**Segundo** “Flordy,” isang sigaw ng pangalan ko ang umalingawngaw sa corridor. Si Vince. Kilala ko agad ang boses niya kahit hindi ko pa siya nililingon. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala naman talaga akong balak kamustahin ang paligid dahil alam kong nasa akin na naman nakatutok ang atensiyon ng mga estudyanteng nakatambay doon. I just wanted to ignore them, pero heto nga... bigla na lamang sumulpot si Vince, isinigaw ang pangalan ko kaya tuluyan nang nawala ang focus ko para balewalain ang lahat. Ibinaba ko ang hawak kong notes na kanina ko pa binabasa bago siya nilingon. Agad naman siyang lumapit sa akin, mabilis ang mga hakbang, at palukso pa ngang inakbayan ako na para bang matagal kaming hindi nagkita. “Bro, good morning sa ’yo,” nakangiting bati niya. “Ang daming chicks na nakatingin sa ’yo, oh,” pabulong niyang dagdag. “Alam ko,” kalmadong sagot ko bago inilibot ang paningin. Napansin kong karamihan ng mga nakatambay sa corridor ay puro babae, at halos lahat sila
**Olivia** “Carmen, kailan ka ba uuwi rito?” tanong sa akin ni Mommy habang nakikipag-video call siya. Napatigil ako sa pagsusulat at dahan-dahang naibaba ang hawak kong pen. Napatingin ako sa screen ng laptop para silipin ang mukha ng aking ina. Kita ko sa kanyang mga mata ang pamumuo ng luha, halatang pigil na pigil na siyang umiyak. Ang pagod at pananabik ay parehong nakaukit sa kanyang tingin. “Oo nga naman, anak. It’s been two years na since na-finalize ang divorce ninyo ni Segundo. Segundo right now has finally moved on. Alam kong hindi ka na guguluhin ng taong iyon. He has a girlfriend now, at mukhang masaya naman sila,” singit ni Daddy habang umuupo sa tabi ni Mommy, dala pa ang baso ng tubig na kanina pa niya hawak. “Aray! Bakit?” reklamo ni Dad nang bigla siyang paluin ni Mommy sa balikat. “Di ba sabi nga ni Olivia, ayaw niyang marinig ang pangalan ni Segundo,” inis na asik ni Mommy kay Dad, halos nanggigil pa habang nakakunot ang noo at mariing pinipisil ang braso nito
**Segundo** “I think kailangan mo nang linisin ang room na ’to,” sabi ni Mom. Napalingon ako sa kanya, bahagyang nagulat. Hindi ko namalayang pumasok na pala siya. Nakatayo ako sa gitna ng dating malawak kong room, kung saan bawat sulok ay puno ng alaala. Ginawa ko itong parang museo ni Olivia Carmen, puno ng mga larawan niya mula pagkabata hanggang sa mga huling sandaling magkasama kami, nakapaskil sa dingding at maayos na naka-frame. Ang bawat litrato, bawat maliit na bagay na may kinalaman sa kanya, nandoon pa rin, maingat kong iningatan. “Kanina pa kita hinahanap. Ilang beses na rin kitang tinatawagan pero you’re not answering. Kaya dito ko na naisipan na magpunta at hindi nga ako nagkamali dahil narito ka nga,” dagdag niya. Lumapit siya, marahang tumabi sa kinatatayuan ko. Sumabay ang tingin niya sa direksyon ng mga litrato na matagal ko nang pinagmamasdan, para bang binabasa rin niya ang bawat alaala na ayaw kong pakawalan. “Seg, you need to let this go. Two years na an
**Olivia** 11:40 PM Narinig ko ang bosina ng dalawang sasakyan sa labas ng mansiyon. Nananatili akong nakaupo sa sofa, naghihintay sa pagpasok ng mga magulang ko. Habang nasa labas sila, dinig ko ang mga boses nila, at alam kong ang pagkawala ko ang pinag-uusapan nila. Pagkapasok nila sa loob, parehong natigilan ang mga magulang ko nang makita nila ako, para bang isang multo lang ang nadatnan nila sa gitna ng sala. “C-Carmen?” “Olivia?” Sabay ang pagtawag nila sa akin, nanginginig ang tinig at puno ng pag-aalala. Isang malamig na tingin lang ang ibinalik ko sa kanila. Mabilis na lumapit sa akin si Dad, halos madapa pa sa pagmamadali, umupo sa tabi ko, at niyakap ako nang mahigpit, para bang takot siyang muli akong maglaho sa harapan nila. “God… ilang oras kaming naghahanap sa labas—mula umaga hanggang inabutan na kami ng gabi kakahanap sa’yo, tapos naririto ka lang pala sa mansiyon,” ani Daddy, umiiyak habang yakap-yakap ako. Tuluyan namang lumapit si Mommy. “Si Segundo, hal