Share

Kabanata 32.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-01-30 21:22:23

Galit na pumunta si Tyrone sa kompanya ng mga Jimenez para puntahan si Owen. Alam niyang ginagamit ni Owen si Czarina para galitin siya. Akala niya ay makakaiwas siya kay Owen dahil wala ito sa kompanya nila, hindi sila magkikita araw-araw pero hindi niya akalain na si Czarina naman ang ginugulo nito.

“Tyrone?” ani ni Natalie ng makita niya si Tyrone. “Hindi pumasok si Czarina kaya kung hinahanap mo siya wala siya rito.” Wika ni Natalie, matatalim naman ang mga mata ni Tyrone na tumingin kay Natalie kaya bahagya pang napaatras si Natalie sa takot na masaktan siya ni Tyrone.

“Nasaan si Owen? Nasaan ang gagong yun?!” nanggagalaiting sigaw ni Tyrone. Nablangko pa ng ilang segundo si Natalie bago siya sumagot.

“Nandun siya sa office ko, bakit ba? Ano bang kailangan mo at galit na galit ka sa kaniya?” sumakay na si Tyrone sa elevator, sumama naman si Natalie dahil baka magkagulo sa loob ng office niya. “Pwede bang huminahon ka? Huwag kayong mag-aaway sa loob ng office ko pakiusap.” Ani pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
matutunana nyo rin ang Sarili nyong magmamahalan...kayo n talaga ang tinadhana....alagaan mo si czarina Wala syang ibang maasahan Ikaw lang Tyrone...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Contract Marriage   Kabanata 100.2

    Naalala niya na naman ang naging buhay niya noong 1st at 2nd trimester. Pakiramdam niya sa bawat araw na lumilipas para bang napakatagal. Gutom na gutom na siya pero wala siyang gustong kainin. Kung may gusto man siyang kainin, isinusuka niya rin kaagad yun makalipas ang ilang minuto. Wala siyang ibang hinihiling noon kundi ang matapos na ang trimester na yun at makapanganak na siya.“Ang sarap sarap po pala mommyla ng avocado na may milk. Pwede ko po ba itong kainin araw-araw?” papuri ni Isabella. Siya talaga ang pinakamadaldal sa kanilang magkambal pero noong nababalot pa ito ng takot halos hindi siya makausap, si Riley ang palaging sumasagot para sa kambal niya.“Hindi rin maganda kapag araw-araw, mahal. Mas better kung paminsan minsan lang dahil baka magsawa ka kung palagi mong natitikman.” Sagot ni Melanie.“Ganun po ba? Sige po, dadamihan ko na lang ang kain ko ngayon.” Napangiti na lang si Melanie. Masaya siya sa tuwing nagugustuhan ng mga apo niya at ni Czarina ang mga ginagaw

  • My Contract Marriage   Kabanata 100.1

    Ilang buwan na lang ay manganganak na si Czarina kaya hindi na siya pinayagan ni Tyrone na pumasok sa kompanya. Pinagpahinga niya na lang ito sa mansion dahil ayaw niyang ma-stress si Czarina sa mga problema ng kompanya nila. Hindi naman malaki ang problemang kinakaharap ng kompanya nila pero dahil sa dami ng kailangang gawin ni Czarina hindi na siya pinayagan ni Tyrone na magtrabaho na muna kaya si Mateo ang pansamantalang namamahala sa kompanya.“Mommy, do you want apple? Ipagbabalat po kita.” Ani ni Riley. Napangiti naman si Czarina saka niya ginulo ang buhok ng anak niya. Sa ilang araw niyang pagstay sa mansion ay nakapagfocus siya sa mga anak niya. Hindi na rin siya nagreklamo nang sabihin ni Tyrone na magbed rest na muna siya hanggang sa makapanganak siya. Hangga’t wala pa ang bagong member ng pamilya nila, itutuon na muna niya ang atensyon at oras niya sa mga anak niya. Hindi man niya masasabi pero mahahati na ang oras niya, kailangan mas marami siyang oras sa baby nila kesa sa

  • My Contract Marriage   Kabanata 99.2

    Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Tyrone. Nilapitan niya kaagad ang asawa niya para halikan ito.“Pasensya ka na, naghintay ka ba ng matagal? Sinabi sa akin ng secretary ko na nandito ka.” Bakas ang pagod sa boses ni Tyrone pero hindi niya yun pinapahalata kay Czarina. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Czarina.“Bakit parang paos ang boses mo? Anong ginawa mo?” tanong niya. Hinaplos naman ni Tyrone ang leeg niya.“Kaninang umaga pa kasi yung meeting namin. Ipinapaliwanag ko sa kanila lahat para maintindihan nila ang mga opinion ko. Bakit ka nga pala napabisita rito?”“Owen is finally awake,” excited na pagbabalita ni Czarina.“Really? Then that’s good news. Alam na ba nila Tita Amelia? Galing ka ba sa hospital?” ngumiti at tumango naman si Czarina. Nanunubig pa ang mga mata niya dahil sa sobrang tuwa.“Binisita ko siya, iminulat niya na ang mga mata niya at naigalaw na rin niya ang kamay niya. Nandun na rin sila Tita Amelia, iniwan ko na sila nang kausapin sila ni doc.” Na

  • My Contract Marriage   Kabanata 99.1

    Dinalaw ni Czarina si Owen. Ilang minuto na siyang nakatayo sa gilid ni Owen pero hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya kay Owen na wala pa ring pinagbago ang kalagayan. Napabuntong hininga na lang si Czarina. Hindi niya maiwasan minsan na mawalan ng pag-asa. Paano kung mga machine at mga gamot na lang ang nagbibigay ng buhay kay Owen?“Gumising ka na please,” nakikiusap na saad ni Czarina. Hinawakan niya ang kamay ni Owen at bahagya iyong hinaplos. Ngayon niya na lang ulit binisita si Owen after three weeks dahil kung araw-araw niya itong bibisitahin para bang na-sstress siya kapag nalalaman niya ang kalagayan nito. Lahat ng mga sinasabing nurse na nakaduty kay Owen para bantayan siya at i-monitor ay iisa pa rin ang sinasabi. Wala pa rin talagang nagbabago sa kondisyon ni Owen.“Hi ma’am Czarina,” masiglang bati ng nurse na kararating nang magpaalam itong lalabas saglit. Tipid lang namang ngumiti si Czarina. “Well, we have a good news pero hindi ibig sabihin ay magiging mabuti

  • My Contract Marriage   Kabanata 98.2

    “Don’t be sorry, alam ko naman na kapag alam mo hindi mo guguluhin ang kuya mo. Hayaan muna natin siyang magpahinga ngayon, okay?” tumango naman si Isabella.“Kaya pala wala siya sa mood kagabi, maaga siyang natulog tapos naririnig ko siyang parang naghihilik. Akala ko masarap lang ang tulog niya pero masama na pala ang pakiramdam niya. Sana kinapa ko siya para natawag ko kayo ni daddy.” Bahagyang ngumiti si Czarina saka niya hinaplos ang pisngi ng anak niya.“Don’t blame yourself, it’s not your fault. Pumunta ka na sa kusina at mauna nang kumain. Mamaya na lang kakain si kuya kapag nagising na lang ulit siya.” Sumunod naman kaagad si Isabella sa utos ng kaniyang ina. Kalong-kalong pa rin ni Czarina ang anak niya. Tinitigan niya ito sa mukha at hinaplos ang ulo nito. Hinalikan niya sa noo ang anak niya. Hindi niya akalain na matagal na panahon niya na rin palang hindi nakakarga sa ganung posisyon ang mga anak niya. Naguilty tuloy siya dahil hinahayaan niya na ang mga anak niya dahil a

  • My Contract Marriage   Kabanata 98.1

    Nakaupo na si Czarina sa kama nila habang nakasandal sa head rest. Ginabi na ng uwi si Tyrone dahil sa dami nitong ginawa sa kompanya at pakikipagkita sa mga clients nila. Nakasunod ang paningin ni Czarina sa asawa niya dahil ramdam nito ang mabigat na aura. Hindi na muna niya ito tinanong, hinayaan na muna niyang makaupo si Tyrone para makapagpahinga. Nilingon naman ni Tyrone ang asawa niyang tahimik na nakamasid sa kaniya. Napabuntong hininga na lang si Tyrone saka niya nilapitan ang asawa niya.“Kumain ka na ba?”“Oo, kanina pa. Gusto mo bang ipaghain na kita?” umiling naman si Tyrone saka niya hinaplos ang pisngi ng asawa niya.“Huwag mo akong alalahanin. Nagmeryenda naman kami kanina. Bababa na lang ako mamaya. Yung mga vitamins mo, nainom mo na ba?” tumango naman si Czarina.“Pumunta ka na sa kusina at kumain, hihintayin kita para dire-diretso na rin ang pagpapahinga mo.” Hinalikan ni Tyrone sa labi ang asawa niya saka ito sumunod sa sinabi ni Czarina. Nagtungo na siya ng kusina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status