Share

Chapter 2

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2022-03-27 07:36:17

CHAPTER 2

Dahan-dahan akong pumasok sa bahay dahil malalagot ako kay tiya kapag nakita ako. Alam kong magagalit na naman ito dahil gabi na naman ako nakauwi kong hindi lang sana ako dinala ng magaling na lalaking 'yon hindi sana ako naabutan ng gabi. Dahan-dahan ko ulit binuksan ang pinto ng kwarto ko pero nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw. Napatingin agad ako kay tiya na salubong ang noo na nakatingin sa akin.

“T-tiya gising pa pala kayo kum-.”

“Tumahimik ka Irene!.” Napa-iling naman ako kay tiya dahil kahit gabing-gabi na sumisigaw pa rin siya.

“Tiya h 'wag ka nga po sumigaw baka magising sila kuya maga-.”

“Wala akong paki-alam! Ikaw na bata ka kung saan-saan ka na naman pumunta. Irene bente anyos ka na pero ang utak mo daig pa rin ang sampung taong gulang.” wika niya habang taktakpan ko na sana ang ating tainga, dahil nag-umpisa na naman si tiya sa kaka-sermon sa akin.

“Kailan ka ba titino bata ka ha! Alam mo namang nagtatrabaho ang nanay mo para sa'yo pero anong ginawa mo huminto ka sa pag-aaral at laging sangkot sa gulo. Tinalo mo pa ang mga kuya mo sa pinaggagawa mo.” wika niya.

Hay! Nako hito na naman tayo, sa isip ko pa.

“Bukas na bukas tatawagan ko ang nanay mo para ipasok ka na lang din niya sa kanyang pinag trabahohan. Baka sakaling tumino ka doon.”

“Tiya naman alam mo naman na ma miss kita kapag umalis ako dito baka hindi ako makatulog doon kapag hindi kita makita,” lambing ko pa kay tiya baka sakaling gumana hehehe.

“Tumigil ka Irene hindi mo na ako madada-an sa mga salita mo, mas mabuti kong nandoon ka para malayo ka rin sa mga barkada mo rito na walang ibang ginawa kung hindi turoan kang makipag basag ulo sa labas.” Hinawakan ko naman ang aking ulo at umarting nahihilo.

“I-Irene anak anong nangyari sayo?" natatawa naman ako dahil natataranta si tiya habang lumapit sa akin. Mabait si tiya Milag itinuring na niya akong anak dahil na rin wala silang anak na babae.

“Tiya nagugutom na ako wala pa po akong kain simula kanina,” lambing ko pang sabi sa kanya.

“Ikaw talaga na bata ka, sinasabi ko na nga ba, kaya bawas-bawasan mo na talaga ang kakagala mo.” Napangiti naman ako kay tiya habang naglalakad na siya papunta sa kusina at sumunod naman ako sa kanya.

“Oh, kumain ka na, para makatulog ka na at anong oras na Irene at bukas na bukas tatawagan ko ang nanay mo.” wika niya habang nag hugas ako ng aking kamay at nag-umpisa ng kumain. Tssk lagot na talaga ayaw ko pa namang pumasok sa pinagtatrabahuhan ni mama, pero wala naman akong magawa dahil hindi ko natapos ang pag-aaral ko.

Nauna ng pumasok si tiya sa kwarto namin. Magkatabi kasi kaming matulog dahil nasa ibang bansa nagtatrabaho si tiyo. Sina kuya naman ay magkatabi sa kabilang kwarto. Niligpit ko na ang aking pinagkainan at hinugasan ito. Kawawa naman si tiya kung siya pa ang maghuhugas nito. Tinungo ko na ang banyo at naghugas ng katawan para makatulog na.

Nagising ako sa ingay na naman ni tiya sa kadadaldal kaya tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Nagulat akong makita si mama na nakaupo at nagkakape.

“Oh, gising na pala ang napakabait mong anak Rosa.” Ngumiti naman ako habang nakatingin na si mama sa akin.

“Ma.” sambit ko sabay mano ko kay mama.

“Irene anak iligpit muna ang mga gamit mo at pumayag na ang amo ko na ipapasok kita doon.” wika ni mama na ikina-gulat ko naman, dahil ayaw ko talagang mamasukan doon pero wala naman akong magagawa para na rin makakatulong ako kila mama at tiya.

“O-opo ma,” sagot ko kay mama at pumasok na sa kwarto para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko.

“Bilisan mo anak dahil kailangan natin makabalik agad sa mansion nila ma’am Sam!” sigaw pa ni mama sa akin kaya binilisan ko na ang kilos ko at nilagay ko na lang ang kuntin kong gamit. 

Nang matapos na ako sa pag-impake ng aking gamit ay mabilis kaming umalis ni mama dahil kailangan daw namin makabalik agad sa mansion ng mga amo niya at magiging amo ko na rin pala.

Ilang minuto lang ang nakalipas at narating na namin ang mansion ng amo ni mama. Ang ganda at ang laki ng kanilang bahay,dati nakakapunta na rin ako rito minsan kapag may kasiyahan na gaganapin. Dahil pinapapunta ako ng amo ni mama. Mabait naman si ma’am Sam kahit mataray ang kanyang hitsura.

Pinagbuksan agad kami ng gate at mabilis kami pumasok ni mama. Dumiretso agad kami sa maid’s quarters. 

“Ito anak isuot mo ito ha at kailangan mo rin itali ang buhok mo.” wika ni mama at inabot niya sa akin ang isang maid’s uniform na parang hindi aabot sa aking tuhod.

Lumabas na si mama at naiwan ako dito sa loob dahil kailangan ko pang magbihis. Pagkatapos kong mag-bihis ay napangiwi ako habang nakatingin sa suot ko dahil ngayon pa lamang ako nakasuot ng palda. “Tsk." 

Lumabas na ako sa kwarto namin ni mama at hinanap siya sa labas. Nakarating ako sa harap ng mansion at nakita ko ang dalawang poging lalaki na naglalakad. Hmfp sino kaya sila para naman silang mga artista. 

Napatitig naman ako sa isang lalaki na nasa likuran at halos lumaki ang mga mata ko ng makilala ko ito.

“Hey! What are you doing here?” asik niya.

Naman nakakaasar nakilala niya ako bakit ba pati rito nakikita ko ang gago na 'to.

“Hoy! Ikaw na gago ka! Baka gusto mo na naman makatikim ng suntok ko.” asik ko sa kanya dahil sa inis ko.

“Really? Your so brave huh!” tiningnan ko naman siya ng masama at handa ko na sana siyang suntokin.

“Irene!” Napalingon naman ako kay mama.

“Nako sir Niall pagpasensyahan niyo na po ang anak ko.” wika ni mama. Nagtataka naman ako habang nakatingin kay mama.

“A-anak magbigay galang ka kay sir Niall siya ang pangalawang anak ni ma’am Sam.” wika ni mama na ikinalaglag ng aking balikat habang nakatingin sa nakasimangot pa ring pogi sa aking harapan. Napaigtad naman ako ng kurutin ako ni mama sa aking tagiliran.

“M-magandang umaga po s-sir Niall.” bati ko sa kanya at hindi man lang ako sinagot. Tumalikod na siya sa amin ni mama kaya mabilis ko siyang inambahan ng suntok. Pero laking gulat ko ng lumingon ulit siya sa akin at nakita niya ang kamao ko na nasa taas.

“What are you doing? You want to punch me again?” mabilis naman akong napailing sa kanyang tanong.

“P-patawad po sir Niall.” sabi ni mama sa kanya at mabilis akong hinila.

“Ano ka ba naman Irene. Alam mo bang masungit iyon si sir Niall.” asik pa ni mama sa akin.

“Huwag kang mag-alala ma kaya ko na-.”

“Manahimik ka nga matuto kang gumalang sa mga amo natin dahil sila ang nagpapasahod sa atin, isa pa anak gusto ko munang magpahinga sa pagtatrabaho kaya ikaw muna ang pinalit ko dito nakakahiya kasi sa tiya mo kung dalawa tayong nandoon at aasa sa kanila.” Napatingin naman ako kay mama at tumango sa kanya. Pero huwag na huwag lang talaga akong alilain ng Niall na iyon dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na bogbogin ulit siya.

Itinuro ni mama ang lahat ng gagawin ko dito sa mansion. Madali naman akong natuto dahil sa paglilinis lang ako at iba naman ang naglalaba at nagluluto. Dalawa din naman kaming taga linis kaya hindi narin nakakapagod.

Pakanta-kanta ako habang naglilinis sa isang room dito sa mansion ang ganda din ng kwarto na’to parang lalaki ang may-ari nito dahil blue ang kulay ng kurtina at pati na rin ang kama. 

Napa-upo ako sa sahig habang huminto muna ako sa pagpupunas ng sahig at pinunasan ang pawis sa aking noo nang biglang bumukas ang pinto.

“What the!” sigaw niya na ikinakunot naman ng aking noo habang nakatingin kay sir Niall na nasa pintuan at gulat na tumingin sa akin at sa aking baba. Bigla naman akong yumuko at tiningnan ito. Halos lumuwa ang aking mata sa aking nakita. Asar nakalimutan kong naka palda pala ako habang nakabukaka na nakaharap ako sa pinto. Nakakahiya nakita niya ang panty ko.

“Are you seducing me?” tanong niya pa habang unti-unti kong pinagdikit ang aking dalawang hita.

Sinamaan ko siya ng tingin habang tumayo. Napatingin naman ako sa kanya ng hinawakan niya ako sa braso.

“Hindi na rin masama pwede na rin,” ngisi niya sa akin. Teka lang anong ibig niyang sabihin anong pwede na rin. kaya mabilis ko siyang hinawakan sa kanyang kwelyo.

“Bastos ka ha.” ani ko. Sabay suntok ko sana sa kanyang tiyan pero mabilis niyang nahawakan ang aking kamay.

“Bitawan mo ako.” asik ko sa kanya habang ang gago ay ngumingiti lang sakin.

“Kapag hindi mo a- ahhmmm” gulat akong napatingin sa kanya ng mabilis niya akong hinalikan sa aking labi. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cool Sweetheart    Chapter 73 END

    MCS END“Ouch Baby!” Sigaw ni Niall nang hilahin ko ang kanyang tainga. Namilog naman ang mga mata nang babaeng kausap niya.“Nicole! Kunin mo ‘tong kapatid mo!” tawag ko sa anak ko.“Baby, ano ba ang problema mo?” Nilingon ko naman siya at sinamaan nang tingin.“Hoy babae. Nakita mo namang may hawak siyang bata ‘diba?”“Then?” aba talagang ginagalit ako nang babaeng ‘to.“Ano’ng then? B*bo ka ba? ibig sabihin lang naman nu’n MAY ANAK NA SIYA!” sigaw ko rito sa kanyang tainga.“Baby.”“Lumayo ka nga Niall.”“Who’s this woman?” Turo niya pa sa akin kaya sa sobrang inis ko ay binali ko ang kanyang kamay.“Tulongan ba kita Ma?” “Nicole tumigil ka.” saway naman ni Niall sa anak namin.“Kaya ko na ‘to anak, manood ka na lang,” “Guard!” Sigaw nang babae nang lapitan ko siya.“Baby tumigil ka nga, ano ba ang ikinagalit mo?”“Ah? So wala akong karapatang magalit at magselos? Kung ganu’n humanap ka nang ‘di ka mahal!” Sigaw ko at sinikmurahan ang babaeng kausap niya kanina. Napasinghap nama

  • My Cool Sweetheart    Chapter 72

    MCS C72“Ate, tingnan mo nga ‘yong mukha mo rito,” Napatingin ako sa phone ni Nicholas at agad namilog ang aking mga mata nang makita ang itsura.“Bakit meron ka nyan?” Inis kong wika habang pilit na inagaw sa kanya ang kanyang phone. ‘di ko kasi alam na nakatulog pala ako sa kotse no’ng galing kami kila Mommy. Napagod kasi ako nu’n dahil sa mga pinagga-gawa namin nila Ate, kaya nakatulog ako at nakabuka ang aking b*big.“Ayoko nga!”“Mama si Nicholas oh!” Malakas kong sigaw habang paikot-ikot kai kay Nathalie.“Tumigil nga kayo Ate! Para naman kayong mga bata eh! Baka matamaan niyo si Nathalie.” Nilingon ko naman si Nathaniel dahil sa sinabi niya. agad ko siyang sinamaan nang tingin at ngumisi sa kanya kaya kumunot ang kanyang noo.“Magkamukha naman kayo kaya para na rin si Nicholas ang mabubugbog ko.”“Damn.” Naka-ilag naman si Nathaniel nang tadyakan ko siya.“Ang galing mo ah!” Tawang-tawa naman si Nicholas dahil sa pagsugod ko sa kakambal niya.Nang makita kong kampanti na si Ni

  • My Cool Sweetheart    Chapter 71

    MCS C71“Nicole!” nagising ako nang marinig ang katok nang pinto.“Ma!” Sagot ko at tumayo. tinungo ko agad ang pinto at binuksan ito.“Bakit Ma?” Tanong ko at humalik sa pinsingi ni Mama.“Tumawag ang Kuya Jiho mo, tinatanong kung nasa’n si Margot.”“Sige po Ma tawagan ko na lang si Ate,”“Hindi nga raw makontak, alam mo ba kung nasa’n?” “Opo Ma, puntahan ko na lang.”“Sige maligo ka muna at kumain, saan ka ba kasi galing kagabi?”“Kasama ko po ang mga kaibigan ko Ma,” Tumango naman si Mama dahil sa sinabi ko sa kanya.“Pagkatapos mong maligo anak, bumaba ka agad kasi naghihintay ang Daddy mo,”“Opo Ma,” Isinara ko naman agad ang pinto at sinubukang tawagan si Ate pero out of coverage ang kanyang linya.“Daddy,” Agad akong yumakap kay Dad at humalik sa kanyang pisngi.“Where did you go last night Baby?” Tanong ni Dad habang umupo ako sa upuan.“Sumama ako kila Tad Dad,” Sagot ko habang nilagya ni Mama nang pagkain ang aking plato.“Mga lasing yata sila kagabi Ate,”“Oo, kaya nga isi

  • My Cool Sweetheart    Chapter 70

    MCS C70NICOLE POV“What do you think your doing?” Kunot-noo ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya sa akin.“Aalis na bakit?” Ngumisi naman siya habang nailing sa akin.“Ang tapang mo naman para sagot-sagutin ako.”“Nagpapatawa ka ba? alam mo sino ka ba sa akal-.” Napahinto ako nang hampasin niya nang malakas ang pader.“You didn’t know who I am?” galit niyang tanong habang nanlilisik ang mga mata na tumitig sa akin.Ngumisi naman ako nang nakakaloko sa kanya habang nag-angat nang mukha.“’Di ako interesadong malaman kung sino ka, pasensya ka na.” umismid ako sa kanya sabay talikod. Kung susubukan niya pa uling pigilan ako ay makakatikim na talaga siya sa akin.“Nasa’n si Mama Manang?” tanong ko sa katulong namin nang hindi ko makita si Mama at Nathalie wala rin kasi sila sa kwarto.“Umalis Nicole,” sagot nito sa akin. Nicole lang ang tawag nila dahil ayoko na tinatawag akong Ma’am.Kinuha ko naman ang aking phone at binasa ang text message nang kaibigan kong si Kim.Umupo muna ako

  • My Cool Sweetheart    Chapter 69

    MCS C69“Wife,” Pansin ko ang gulat sa mukha nang asawa kong ni Niall habang papalapit kami ni Nathalie sa kanya.Tumayo naman ito at agad akong hinalikan sa labi.“Kumain na ba kayo? How’s my little Princess hmm?” Aniya habang kinuha si Nathalie at pinugpog nang halik sa pisngi.“Hindi pa,” Sagot ko habang umupo sa sofa. Nilingon naman niya ako at nilapitan.“Why you didn’t eat?” Malambing niyang tanong habang tumabi sa akin.“Nami-miss ko kayo,” Ngumiti naman siya at nailing sa akin.“Paano naman kasi sobrang busy niyo na pareho, pati ‘yong tatlo mong anak, ‘di ko na masyadong nakikita sa bahay,” malungkot kong wika sa kanya.“Wife, alam mo naman na malaki na ang mga anak natin, busy na rin sila sa school at lalo na ngayon na may pinagka-kaabalahan si lang business.” Tsk ‘yang business talaga ang kina-iinisan ko eh, bakit ba kasi nagmana sina Nicholas at Nathaniel sa Daddy nila. “Tapos, paano naman kami ni Nathalie, balewala niyo na lang kami,” natawa naman si Niall kaya nakaramd

  • My Cool Sweetheart    Chapter 68

    MCS C68NATHANIEL POV“Why did you call me?” Tanong nang kambal ko nang makapasok ito sa loob nang aking kotse. “We need to go in Ate Nicole’s school.” Kunot-noo kong wika habang binuhay ang makina nang kotse. Lumingon naman siya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.“Why did you want to go there? Don’t tell me you want to transfer there too?” natatawa niyang wika.“Shut up! I don’t like that school.”“Hmm, really? but why you want to go there?” Napahinga naman ako at nilingon siya.“Ate got hurt.” Ani ko habang napahigpit ang paghawak ko sa manibela. Nang makita ko kasi ang pasa sa mukha ni Ate ay hindi ko mapigilang masaktan nang husto. Walang sino man ang pwedeng manakit sa Ate Nicole ko. “Who did that to her?” Wika nang kakambal ko sa galit na boses.“We need to find out,”“Damn it! I thought Ate can handle herself.”“She can,” balewala kong sagot sa kanya.“Then why did she have a bruise?”“Can you stop shouting? That’s why I told you that we need to go there.” inis ko nama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status