Ganoon na nga ang nangyari kay Lenie. Araw-araw siyang inuutusan ni Alexis kahit na hindi naman sakop ng trabaho niya iyon. Wala namang magawa si Lenie dahil bukod sa boss niya ito ay kaka-hire lang din sa kanya kaya dapat ay maging good ang record niya sa RCG.
“Ano? Kaya mo pa ba? Alam mo, sa dami ng babae na empleyado ni Sir, sa iyo lang siya ganyan. Never naming naranasan iyan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya at paborito ka niyang utusan,” sabi ni Zyra.
“Ewan ko ba sa boss natin, hindi ko alam kung paborito ba ako o may galit sa akin. Pero, kaya ko ito. Walang-wala ito kumpara sa naranasan kong pait sa buhay,” sagot naman ni Lenie pagkatapos ay ngumiti kay Zyra.
Sa tatlong linggo kasi na nandoon siya sa RCG ay parang sanay na siya sa araw-araw na nangyayari sa buhay niya. Hindi na lang niya pinapansin ang kanyang boss para tuloy-tuloy lang ang trabaho.
“Lenie, tawag ka ni Sir. May iuutos daw sa iyo. Bilisan mo,” sabi ni Celeste.
Nagtaka naman si Lenie kung ano na naman ang iuutos ng kanyang boss dahil kakautos lang nito 30 minutes ago sa kanya. Pati si Zyra ay nagtaka na rin pero wala naman itong maitulong kay Lenie.
“Okay, sige. Papunta na ako. Thank you, Celeste,” sagot ni Lenie pagkatapos ay tumayo na para pumanhik na sa fourth floor.
Pagdating sa opisina ni Alexis ay tinanong agad ni Lenie kung ano ang kailangan nito sa kanya. Sinubukan niyang ngumiti pero pakiramdam niya ay tinuturin na siya ni Alexis na parang isang robot.
“Sir, ano po ang iuutos niyo this time?” tanong ni Lenie.
Hindi nagsalita si Alexis, may binigay lang siyang papel kay Lenie. Pagkatapos ay dumukot ng limang libong sa kanyang bulsa at binigay iyon kay Lenie.
Binuksan ni Lenie ang lukot na papel at nalula siya dahil sa sobrang daming nakalista roon. Nandoon ang pangalan ng mga empleyado ni Alexis at nakalagay din ang paborito nilang drink sa isang coffee shop malapit sa opisina.
“A-Ano po ito, Sir?” naguguluhan na tanong ni Lenie.
“I want you to buy all of that and distribute them one by one sa lahat ng empleyado ko. Is that clear?” may awtoridad na sagot ni Alexis.
Gulat na gulat si Lenie nang marinig niya iyon. Saglit niyang hinanap ang kanyang pangalan pero wala iyon sa listahan. Namuo na naman tuloy ang inis niya kay Alexis dahil doon.
“Ah, okay po Sir. Pero, saan ko po isasakay ang lahat ng ito pagkatapos? Masyado po kasing madami, hindi ko po kayang kunin ‘yong lahat,” ramdam sa boses niya ang lungkot at pagod na nararanasan niya.
“You figure it out, Miss Santos. Alam kong matalino ka. Simpleng bagay lang iyan para sa iyo. Rent a taxi if you can. Basta, kailangan ay maibigay mo na sa lahat iyan by 3pm,” sagot ni Alexis pagkatapos ay binigyan niya si Lenie ng isang nakakalokong tingin.
Hindi na nakapagsalita pa si Lenie noon. Agad siyang tumalikod at huminga nang malalim pagk ay lumabas na ng opisina ni Alexis.
Noong mga oras na iyon ay parang gusto na niyang sumabog sa inis pero kinalma niya ang sarili dahil alam niyang kailangan niya ang trabahong iyon.
Wala nang nagawa si Lenie kung hindi ang magrent ng taxi para mapabilis ang utos ni Alexis. Lalo pa siyang na-pressure dahil may oras na binigay ang kanyang boss sa kanya.
Pati ang driver ng taxi ay gulat na gulat sa dami ng dala ni Lenie na drinks. Tinulungan na siya noong driver dahil kitang-kita na hindi na kaya ni Lenie ang kanyang dala-dala.
“Miss, ayos ka lang ba? Bakit ang dami naman nitong kape na in-order mo?” may pag-aalala na tanong noong driver kay Lenie.
“Ayos lang naman po ako. Oo nga po, ang daming in-order noong boss ko. Para po iyan sa lahat ng katrabaho ko,” sagot ni Lenie kahit na hirap na sa ilang hawak niyang drinks.
Dahil sa awa ng taxi driver kay Lenie ay hindi na niya pinabayaran pa ang metro ng taxi niya.
“ Ha? Sigurado po kayo, Kuya? Ayos lang naman po sa akin iyon. May trabaho din po kayo, ayaw kong masayang ang pagod ninyo,” sabi ni Lenie, hindi makapaniwala sa sinabi ng taxi driver.
“Hija, wala sa akin iyon. Ayaw ko nang dumagdag pa sa problema mo ngayong araw. Okay na iyon. Ang importante sa akin ay nakatulong ako,” sagot naman ng taxi driver.
Pagbaba niya sa taxi ay panay ang pasasalamat niya roon sa driver. Hindi siya makapaniwala na may mababait pa palang tao sa mundo.
Nang maibigay na ni Lenie sa bawat isa ang mga drinks ay pumunta siya sa isang sulok, malayo sa lahat at doon umiyak. Hindi na niya kinaya ang pagod dahil sa mga utos ni Alexis sa kanya.
Ang hindi niya alam ay sinundan pala siya ni Zyra kaya nakita nito ang pag-iyak ni Lenie. Nagulat na lang siya at agad na pinunasan ang kanyang mga luha nang makita ang si Zyra.
“Lenie, okay ka lang ba? Oo nga pala, nilagay ko na ang drink sa cubicle mo. Enjoy that drink. Masarap iyon at favorite ko,” nakangiting sabi ni Zyra na pinagtaka naman ni Lenie.
“Ha? Naku, huwag na. Okay lang ako. Isa pa, para sa iyo iyon kaya dapat lang na ikaw ang uminom noon,” sagot ni Lenie.
“Hindi, sa ‘yo na iyon. Nakainom naman na ako kanina. Hindi ko kasi alam na o-order ka pala sa coffee shop na iyon,” nakangiting sagot ni Zyra.
Wala nang nagawa si Lenie kung hindi bumalik sa kanyang cubicle at tanggapin ang drink na binigay sa kanya ni Zyra.
Napangiti na lang siya dahil akala niya dati ay mataray si Zyra. Iyon pala, ito pa ang magiging kaibigan niya.
Ang hindi alam ng dalawa ay rinig pala sila ni Alexis. Nang makita ni Alexis si Lenie na umiiyak ay may parang kutsilyo na humiwa sa kanyang puso sa di malamang dahilan.
Simula noon ay pinangako niya sa sarili na hindi na niya pahihirapan pa si Lenie at babawi siya sa lahat ng kasalanang nagawa niya sa kanyang empleyado.
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni