LOGINArielle never thought her biggest mistake would come knocking on her door. Two months ago, she made the most reckless choice of her life. Naglasing siya sa kasagsagan ng kanilang school prom. Sinadya niya iyong gawi dahil alam niyang may taong poprotekta sa kanya. Dahil sa kalasingan ay nangyari ang isang bagay na noon niya pa gustong maranasan sa piling ng lalaking palihim niyang hinahangan... si Eleazar Ramirez, ang kanyang professor. Together, they spend a hot, passionate and sinful night... that she could never forget. Ang buong akala niya ay hinding-hindi na sila muling magkikita pa ng lalaki, pero biglang isang araw ay sumulpot ito sa kanilang bahay. May suot na singing at hawak ang kamay ng kanyang nakakatandang kapatid na babae. Her world fell apart when she realized the man she had fallen for… was her sister’s fiancé. Now, trapped in a secret that could destroy her family and her relationship with her sister. She must face the guilt of loving someone she was never meant to have and Eleazar, was torn between his duty and his desire that he could no longer hide. Nasa kanilang kamay ang desisyon, kung ibabaon na lamang ba sa limot ang gabing kanilang pinagsaluhan, para maiwasang masira ang isang magandang pamilya? O pipiliin pa rin nilang ipagpatuloy ang kasalang kanilang sinimulan dahil pareho nila iyong nagustuhan?
View More"I slept with my Sister's Fiancé"
ARIELLE'S POINT OF VIEW "Hinay-hinay lang naman sa pag-inom, Ari! Wala kang kasamang driver, kaya walang maghahatid sa 'yo," paalala ni Themarie, sinusubukang agawin ang baso mula sa kamay ko. Pero hindi ko siya hinahayaang maagaw iyon, dahil sa t'wing tatangkain niyang agawin ang baso ay nilalayo ko iyon sa kanya. "Hayaan mo na ako, Themarie. School prom naman natin! Nasa legal age na rin naman ako kaya pwede akong maglasing!" asik ko at muling nagsalin ng alak sa aking baso. Hindi ako magawang pigilan ni Themarie kaya mas pinili na lang niyang hayaan ako dahilan alam niyang hindi ako makikinig sa kanya. “Ay bahala ka, Ari. Pero kapag nahilo ka, ‘wag mong akong matawag-tawag at mautos-utusan ha,” paalala niya at agad akong tinalikuran. Tumawa lang ako habang sinusundan siya nang tingin. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan. Habang pinapakinggan ang malakas na tugtog na parang umaalingawngaw na sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid, pero ayos lang, dahil masarap sa pakiramdam kasi parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Lalong lumakas ang musika kung kaya ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapasayaw, bitbit ang baso ay naglakad ako papunta sa dancefloor. Ang daming estudyante ro’n, nagsasayawan, nag-iingayan, sigawan at kung ano pa, pero sa mga sandaling ‘yon, ako ang pinaka-wild sa kanilang lahat. Sumasabay ang aking buhok sa galaw ng katawan ko, sumasayaw ito at lumilipas dahil sa malakas na hangin na tumatama sa akin. Naririnig ko ang sigawan ng ilang estudyante, ang mga tawanan, at mas lalo akong nadadala room. Sa sobrang agresibo ng galaw ko pakiramdam ko ay halos nasira na ang suot kong dress. Kasalukuyan akong nasa gitna nang pagsasayaw ko nang biglang may nagsalita mula sa gawing likuran ko, na para bang sinasaway ako. “Miss Navarro,” malamig ngunit mariin ang boses nitong saad. Nang lingunin ko ito ay agad akong nahiwagaan nang bumungad sa akin ang mukha ng professor ko... si Eleazar Ramirez. Natigilan ako sandali, pero dahil sa tama ng alak ay natawa lang ako nang mapakla habang nakatingin sa kanya. “Prof… nakikisayaw lang naman ako,” sabi ko, sabay subok na makalayo sa kanya. Pero hindi niya ako pinagbigyan, sa halip ay mabilis siyang gumalaw at mariing hinawakan ang aking siko. “Enough, Arielle,” mariin niyang sabi. “You’re not thinking straight.” “Eh ano kung hindi?” sabat ko, medyo pasuray. “Prom naman ‘to, ‘di ba? Libre maging masaya—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nagsimula na siyang hilahin ako papalayo sa dancefloor. Sinubukan kong bawiin ang kamay niyang nakahawak sa akin, pero mas lalo niya lang hinihigpitan iyon. Wala akong planong sumunod sa kanya, gusto kong magsaya at ayaw ko lang umuwi. "Let go of me!" asik ko, nagpupumiglas pa rin kahit na mas hallway na kami. Nagsimulang gumapang ang matinding inis sa katawan ko lalo na nang marinig ko ang ilang bulungan ng mga estudyante at ibang teachers sa school. Pero siya, para siyang walang pakialam kahit pa mapahiya ako. "I will take you home, Arie--" "And who do you think you are to decide? I'm not going hom--" "Uuwi ka! Sa ayaw at sa gusto mo ay uuwi ka!" sigaw niya, hindi ako kaagad nakasagot dahil sa pagkagulat. Ito ang kauna-unahang beses na pinagtaasan niya ako nang boses kaya normal lang na magulat ako. "Sh!t!" bulong ko, padabog na naglakad papalapit sa kanyang kotse, binuksan ko ang pinto nito at nang nasa loob na ako ay pabato kong isinara ang pinto. Agad naman siyang sumunod at pumasok sa driver's seat. Ikinabit niya ang kanyang seatbelt at agad na binuhay ang makina ng kotse. Peoe maya-maya lang ay biglang pumasok sa isipan ko ang isang kalokohan. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko at wkaang sabi-sabing umupo sa kanyang kandungan at kitang-kita ko ang matinding pagkagulat sa kanyang mukha. "What the h*ll are you doing, Arielle?!" mariin at naguguluhan niyang tanong. Hindi ako sumagot, gamit ang pareho kong oald ay sinapo ko ang magkabila niyang pisnge at mariin siyang pinagkatitigan. "If I ask you to kiss me, will you do it for me, Sir?" sambit ko. Ang boses ko ay parang nagmamakaawa sa kanya na sana ay sumang-ayon siya sa pakiusap ko. He didn't answer, he just looked at me as id he was searching for something while looking straight into my eyes. Dumukwang ako para mas lalong mailapit ang aking mukha sa kanya, hanggang sa iilang dangkal na lang ang distansya ng mukha namin at ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa mukha ko. "Sir.... I'm asking you, will you kiss me or not?" I said, again and my voice was barely above a whisper. Then, I felt his hands tightened around my waist and slowly, he pulled me even more closer to his body and I could feel the heat burning in my skin. And without breaking his gaze on me, he whispered... "I know it's not right, but I couldn't held back anymore, Arielle. You pushed me to my limits, and hopefully you won't regret what you did to me," mariing sambit niya. At walang sabi-sabing siniil nang isang mapusok na halik ang aking labi. TO BE CONTINUED....."I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"ARIELLE’S POINT OF VIEW“Okay class,” biglang bulalas ni Professor Dela Peña habang inaayos ang mga papel sa mesa niya. Kaming lahat ay agad na tumuwid sa pagkakaupo at seryosong nakatingin sa kanya. “For your midterm project, you’ll be conducting a formal interview with one of the country’s well-known businessmen. This will be a requirement for your Business Communication and Research subject, so make sure to take it seriously," seryosong ani nito, nakapatong ang parehong palad sa ibabaw ng mesa at isa-isa kaming tiningnan.Nagtinginan kaming lahat sa loob ng classroom, may mga napanganga, may mga napailing, at may ilan ding agad na napangiti at bakas ang excitement sa mukha.“Interviewing a famous businessman?” bulong ni Themarie sa akin, bahagya pang nanlaki ang mata. “As in famous, famous? Baka mayaman ‘to ha!”Napailing ako, pero hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. “Business Communication nga, ‘di ba? Baka gusto ni Ma’am ng exposure type
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW "Kumusta naman ang meeting with future brother-in-law, kagabi?" pagbasag ni Themarie ng katahimikan. Kanina pa kami magkasamang dalawa, pero magmula din kanina ay hindi ako nagsasalita, hindi ko nai-kwento sa kanya ang nangyari kagabi kaya siguro ay nagtanong na siya kasi wala akong balak magkusa. Pilot akong ngumiti at bumaling sa kanya, "Okay naman. Medyo nakakagulat lang kasi si Sir Eleazar Ramirez, 'yung fiancé niya." Wika ko. At napaismid ako kaagad nang kumawala ang inaasahan kong reaksyon sa mukha niya. Gulat na gulat siya, mas gulat pa na nalaman niyang galing sa tax namin ang binili ng Hermes bag ng mga contractor.... "Hindi ba 'to, trip-trip lang, Arielle? as in seryoso talaga?" paniniguro niya. Sinamaan ko siya nang tingin.“Hindi ako nagbibiro, Themarie,” sagot ko, sabay buntong-hininga at sandaling tumingin sa bintana ng café kung saan kami madalas tumambay tuwing break, para na rin gawin ang thesis namin
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"ARIELLE'S POINT OF VIEW “Arielle…”Mahinang boses niyang sambit, pero sapat na lara mapatigil ako. Nakatalikod pa rin ako sa kanya, bahagyang nakayuko, parang nagdadalawang-isip kung lilingon ba o tuluyang lalayo.Hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag sa gano'ng paraan, hindi ko tuloy mapigilang muling umasa na baka may pag-asa pa talaga.Narinig ko ang mahinang yabag nito papalapit sa akin. Bawat hakbang ay parang unti-unting bumubura sa distansyang pilit kong nilalagay sa aming pagitan.“I tried to forget you,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “But the truth is… I couldn’t.”Napapikit ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Gusto kong sabihing pareho kami, pero paano ko aaminin ‘yon, kung ang tanging dahilan kung bakit nandito siya ngayon… ay dahil sa kapatid ko?“Dalawang taon, Arielle,” narinig kong dagdag niya, mababa ang boses. "Dalawang taon kong tinangka na kalimutan ‘yung gabing ‘yon. Pero kahit anong gawin ko…” bahagya siyan
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE’S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung paano ko nagawang maupo rito sa dining table, sa harap mismo ni Eleazar at sa tabi nito ay Ate Lynna na halos hindi maibsan ang saya sa tuwing tinitingnan ang fiancé niya. Napakagat ako ng labi, pilit pinipigilan ang sarili na huwag mag-react sa bawat tawa at paglalambing ni Ate sa kanya. Mula kanina ah hindi ko magawang tingnan si Eleazar nang diretso. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, sa kaba, o sa galit... o baka lahat-lahat na. “Eleazar, tikman mo ‘tong adobo ni Mommy,” masiglang sabi ni Ate Lynna habang nilalagyan ng iba't ibang pagkain ang pinggan nito. “Masarap ‘to, promise. Favorite ko ‘to simula pa noong bata ako.” Ngumiti lang si Eleazar, tipid at mahinahon. “Sure,” aniya, sabay sulyap sa kanya. Napayuko ako, kunwari’y abala sa pagkain, pero ramdam kong uminit ang batok ko. "Nakakainis. Bakit kailangan pang siya? Bakit siya pa ang napili ni Ate?!" tanong na walang sawang tumakbo sa utak
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW (Two years later....) "Ano?! Engaged na si Ate Lynna?" gulat kong tanong kay Mommy. Kakalabas ko lang nang kwarto at iyon agad Ang bungad nito sa akin. Nakakagulat kasi wala naman akong nabalitaan na may boyfriend, na pala ang kapatid ko. She always focuses on her studies that's why this news was so surprising. "Yeah. She'll come here later for dinner, at ang sabi niya ay isasama niya raw ang kanyang boyfriend para ipakilala sa atin," tugon nito, halata ang excitement sa boses ni Mommy. Maging ang mga mata niya ay nakangiti habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin. Napairap ako sa kawalan, walang ganang naupo sa silya sa dining table at nagsimulang kumain ng agahan. May klase pa ako ngayon, sobrang busy dahil second year college na ako. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan, mula sa dining area ay bumaling ako sa hagdan at natanaw ko si Daddy. And as usual, blangko ang ekspresyon nitong n
"I slept with my Sister's Fiancé" ARIELLE'S POINT OF VIEW "Hinay-hinay lang naman sa pag-inom, Ari! Wala kang kasamang driver, kaya walang maghahatid sa 'yo," paalala ni Themarie, sinusubukang agawin ang baso mula sa kamay ko. Pero hindi ko siya hinahayaang maagaw iyon, dahil sa t'wing tatangkain niyang agawin ang baso ay nilalayo ko iyon sa kanya. "Hayaan mo na ako, Themarie. School prom naman natin! Nasa legal age na rin naman ako kaya pwede akong maglasing!" asik ko at muling nagsalin ng alak sa aking baso.Hindi ako magawang pigilan ni Themarie kaya mas pinili na lang niyang hayaan ako dahilan alam niyang hindi ako makikinig sa kanya.“Ay bahala ka, Ari. Pero kapag nahilo ka, ‘wag mong akong matawag-tawag at mautos-utusan ha,” paalala niya at agad akong tinalikuran. Tumawa lang ako habang sinusundan siya nang tingin. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan. Habang pinapakinggan ang malakas na tugtog na parang umaalingawngaw






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments