Chapter 41 – Pinadalhan ako ng bulaklak!“Boss!” gulat kong sabi ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng locker room. “May hinihintay po kayo?”Mabuti na lang at nakapagpalit na ako ng Miss Granny attire ko paglabas ko ng shower room. Pero dahil basa pa ang mahaba kong buhok ay nakalugay pa ito imbes na naka-pusod.“Hanggang dito ba naman sa Makati Sports Club, yan pa rin ang suot mo? And dami mo sigurong damit na ganyan!” parang nanunuyang sabi ni Boss kaya napatingin ako sa kanya ng masakit. “Sorry, I didn't mean to offend you! But I like your hair ng makalugay. Come, join me for lunch! Dito na lang tayo kumain sa loob ng club.”Hindi ko mapahindian si Boss. Bukod kasi sa Boss ko siya, gutom na gutom na ako sa mga pinaggagawa kong exercises kanina.“Ano naman po ang masama sa suot ko? Dito ako kumportable!” sabi ko kay Bss.“Wala namang masama sa suot mo kaya lang, why do you hide yourself in those hideous dresses? Nakita na kitang naka shorts at t-shirt. Pinanood din kita
Chapter 42 - Pumila ka para Maka-date AkoBakit kaya niya ako pinadalhan ng bulaklak? Sabi sa card na kasama ng bulaklak. “Hi!” from, J. Matagal kong tinitigan ang mga bulaklak. Para akong kinikilig. Sa buong buhay ko kasi, ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki.“Hoy! Huwag kang mag-ilusyon dyan! Trabaho na!” sabi ng lalaki kong ka-opisina na may halong pang-aasar.Marami akong ginawa ngayong araw na ito. Bukod kasi sa pagsama ko sa creative team ay ako pa rin ang gumagawa ng clerical jobs at utusan kag may bibilihin sa aming department. Kaya naman ang bilis ng oras at uwian na naman. Ten minutes to five ay naghahanda na akong umuwi. Maya maya ay pinatawag ako ng aming creative supervisor, “Gina, akyat ka raw sa penthouse, sabi ni Boss!”“Ano ba yan? Uwian na pinapa-akyat pa akosa itaas! Ano na naman ang iuutos nito sa akin?” sabi ko sa sarili habang nakasakay sa elevator papuntng penthouse office ni Boss. Pagsapit ko doon ay nagliligpit na ang sekretarya n
Chapter 43 – You are Full of Contradictions!Biyernes ng gabi, sinundo nga ako ni Boss sa lobby ng aking condo para sa aming dinner-date. Mercedes Benz na itim ang kanyang kotse. Hindi talaga ako nag-ayos ng gabing iyon. Kung ano ang suot ko sa opisina, ganun din ang isinuot ko sa date namin. Pero siyempre naligo muna ako at nagpalit ng fresh na damit. Ang dala ko lang ay L'Oreal loose powder and lip gloss, debit card, wallet at cellphone na nakalagay sa aking Hermes Kelly messenger bag. Sa isang restaurant sa BGC kami pumunta para kumain ng hapunan. Dahil alam niya ang susuotin ko ay nag-polong long sleeve lang siya at nililis niya ang manggas para hindi ako ma-out of place. Marunong din palang makibagay itong Boss ko. Kumain muna kami at hindi kami nag-uusap habang kumakain. Parang inoobserbahan niya ang bawat kilos ko mula sa aking paglalakad, pag-upo sa mesa, paano gamitin ang mga kubyertos at kumain mula appetizer hanggang dessert.“Did I pass your scrutiny? Kanina mo pa ako
Chapter 44 – Pinili ako ni Boss!Lumipas ang sumunod na linggo na napaka-hectic ng aking schedule. Nasundan pa ng isang session ang facial at body contouring ko kay Vicki Belo. Nightly rehearsals naman ang pinupuntahan ko para sa Bench fashion show. Ang mga rehearsals namin ay ginawa sa Bench Tower sa BGC kaya naman hiniram ko ang BMW na kotse ni Kuya Phillip dahil gabing-gabi na kung umuwi ako. Tuwang-tuwa naman si Chrissy dahil napanatili ko raw ang aking magandang katawan. Sa araw ay pumapasok naman ako sa aking trabaho bilang marketing assistant. Muling nagpadala ng pumpon ng bulaklak si Sir sa akin sa opisina kaya naman naging usap-usapan ako na may admirer na raw ako kahit pangit ako. Sa kabilang banda, nakatangap naman ako ng tawag mula kay Ms. Ava na nabibilang na raw ang araw ko sa trabaho at masisisante na raw ako. “Okay lang! I don't desperately need this job!” sagot ko sa kanya na lalo namang ikinagalit ni Ms. Ava.Pagkapananghali ay pinatawag ako ni Ms. Jenny
Chapter 45 - Sobrang mahalay!Mamayang gabi na ang Bench fashion show sa SM MOA Arena. As promised, pinadalhan ko sina Kuya Phillip at Hunter ng complementary VIP ring side tickets para mapanood nila ang show. Pinadalhan ko rin si Boss ng dalawang tickets na kapareho ng kina Kuya. Bench underwear ang ipapakita sa fashion show. Dalawang grupo ang show. Ang isang grupo ay kaming mga lehitimong fashion models at ang ikalawang grupo ay mga celebrities gaya ng mga sikat na artista, beauty queens, athletes at singers sa Pilipinas at South Korea.Bago ang fashion show ay tinawagan ko pa sina kuya kung manood ba sila. “Hello, George! Manonood kami ni Hunter!” sabi ni Kuya Phillip. “Kami pa! Pagkakataon naming mag-unwind sa trabaho at makakita ng mga sexy models! Pupunta rin kami sa backstage para maipakilala mo kami ni Hunter sa mga kasamahan mong models. Salamat sa tickets at backstage passes!”“Kaya lang kuya, huwag kayong masho-shock sa suot ko ha? Consider it as a form of art!” paalala
Chapter 46 - Peke at void ang arranged marriage ko!Naging matagumpay ang pakikipag-usap namin ni Chrissy kay Vicki Belo. Kinuha niya akong model sa isa sa mga services na ini-offer na kanyang clinic ang body contouring and sculpture. Bilib ako kay Vicki Belo dahil nag-usap kaming tatlo over lunch at ng pumayag na kami ni Chrissy sa commercial ay may nakahanda agad siyang kontrata na pinapirma sa amin ni Chrissy. “You don't waste time, do you?” sabi ni Chrissy habang ako naman ay nagulat.“Actually, matagal na kitang gustong kunin as a model. Remember when we first met here in my main clinic? I wanted to get you right then. But when I saw you at the Bench fashion show, my God, your body is so perfect! Right then my decision was solidified.” prangkang sabi ni Vicki Belo.“Why, thank you!” sagot ko.“Your talent fee will be paid to you in full a day before the shooting starts. That is of course minus the agent fee of Chrissy here. My secretary will contact you with the details as
Chapter 47 – Nagkakagustuhan na KamiPag-uwi ko sa condo nung hapon na iyon ay matama kong pinagtagni-tagni ang mga pangyayari kung paano ang mga nangyari noong ikasal ako kay James. Una, pareho naming hindi kilala ang isa't isa.. Pangalawa, ni hindi kami nagkita ng personal kaya hindi namin alam ang hitsira ng bawat isa. Ikatlo, nag-uusap lang kami via cellphone para lang matuloy ang arranged marriage namin na kagustuhan ng aming mga ina. Pang-apat, pumayag si James na magpakasal sa aking dahil sa kondisyon ng kanyang ina na gagawin siyang CEO ng kanilang kumpanya. Ika-lima, pumayag din akong magpakasal kay James kapalit ng 10 million pesos. Ang akala ko kasi hindi siya papayag ng magbayad ng 10 million pesos para hindi matuloy ang aming kasal. Ngayon, all the puzzles of my arranged marriage are in place. Bago ako mag-file ng divorce ay paglalaruan ko muna itong si James. Sayang, sa mga ipinapakita niya sa akin sa madalang na magkasama kami ay parang magaan ang aking loob sa kan
Chapter 48 – Ano ang Tinatago mo, Gina?“E ang asawa mo? Paano kayo nagkikita o nagkakasama kung ganyan saan saang bansa ka nakakarating? ” urirat uli ni Boss. “Paano kayo magkakaanak niyan?”“Asawa???? Anak????” nalilito kong sagot. “A, e... halos isang taon na kaming hiwalay ng asawa ko. Di ba sinabi ko na sa iyo?”“Ako rin hiwalay sa asawa. Ikaw? May balak ka pa bang mag-asawa muli?” pangungulit ni Boss habang kumakain ng fried chicken.“Actually, meron naman. Yan ay kung talagang mahal niya ako at tatangapin ako ng mapapangasawa ko bilang ako at hindi dahil sa aking nakaraan.” seryosong sabi ko. “Maiba naman tayo. ikaw, Boss, ano naman ang nangyari sa inyo ng asawa mo? Bakit kayo naghiwalay?”“Ako? Kasal kasalan lang naman ang nangyari sa amin ng asawa ko. Nagpakasal kami dahil gusto ng mga nanay namin. Pagkatapos ng kasal ay nagkanya-kanya na kami. Ni hindi nga kami nagsama kahit na isang gabi. Isa pa, mukhang gold-digger ang napangasawa ko. Biro mo, hiningian pa niya ako
Chapter 63 - Kung ayaw ni James, e di huwag.Alas nuwebe ng umaga sa Paris, alas tres ng hapon na sa Pilipinas ng makarating ako sa Paris, France after 18 hours na flight. May dalawang oras pa kasing layover ang Cathay sa Hongkong Airport. Nakakapagod din kapag ganito kahaba ang flight lalo na at economy ang ticket ko. Sinundo ako ng L'Oreal Headquarters sa Charles de Gaule Airport sa Paris patungo sa aking hotel. Ang tickets, hotel accommodation at iba pang amenities bukod sa model's fee ay sagot lahat ng L'Oreal.Mabuti na lang at bukas pa ang rehearsal sa fashion runway kaya puwede pa akong magpahinga at matulog sa hotel. Dahil sa pagod at jet lag, tuloy-tuloy ang tulog ko magmula ng dumating ako dito sa Paris kaninang umaga. Hatinggabi ay nag ring ang cellphone ko. Groge pa ako sa antok ng sagutin ko ito. Hindi ko na nakita kung sino ang tumatawag.“Hhhellooo?” inaantok kong sagot. “Gina!” sabi ni James. “Mukhang inaantok ka pa!”“James, inaantok pa talaga ako. Alas dose na
Chapter 62 - Ipa-bless natin ang ating mga singsing!Gabi na. As usual bago ako matulog ay tatawag sa akin si James. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. “Salamat sa regalo mo sa akin. Ngayon lang nangyari na ang girlfriend ko ang nagbigay sa akin ng ganitong regalo.” sabi ni James.“Bakit, hindi ka ba binibigyan ng token of love ng mga naging girlfriends mo?” biro ko kay James.“Ha? Ah, e....ibang klase kasi ang regalo nila sa akin. Sarili nila ang binibigay nila sa akin.” pagmamalaki ni James.“So, proud ka pa ng lagay na yan?” sarkastiko kong sabi. “Ang guwapo mo kuya!”“Well, guwapo nga ako sa kanilang paningin! Kung hindi ba, bakit nila ibibigay ang sarili nila sa akin!” proud na sabi ni James.“Manyakis ka talaga!” inis kong sabi. “Pero puwedeng magrequest? Sa Linggo, pagsimba natin, puwedeng ipa-bless natin ang ating mga singsing?”“Ano yun? Parang ikakasal?” nang-iinis na tanong ni James.“Ayaw mo? Di huwag!” inis ko ring sabi.“Hindi naman sa ayaw ko! Kaya
Chapter 61 – Infinity RingsKinabukasan sa office, kalat na ang pag-resign ko. Sa creative department ko, tanong ng tanong ang mga kasamahan ko kung bakit ako nag-resign.“Paano yan, wala ka ng trabaho. Paano mo bubuhayin ang sarili mo?” tanong ng isa.“May lilipatan ka na bang ibang kumpanya? Wag ka ng umalis dito! Dehado ka sa paghahanap ng trabaho ngayon dahil undergraduate ka lang!” sabi naman ng isa.“Bakit wala na ba kayo ni Boss James? Kaya ka aalis?” tanong ng babaeng taga-copywrite.“Hay, naku! Kaya ako nag-resign dahil ayaw kong magpapromote. Baka maging issue pa yan kay Boss James. Na-promote ako dahil boyfriend ko siya? No way! Ayaw ko ng ganun. Isa pa burnt out na ako sa trabaho ko dito. Hindi naman siguro ako magugutom kung isang taon akong walang trabaho.” paliwanag ko sa kanila.“Dyan ako bilib sa iyo, Gina. Hindi mo pinangagalandakan na boyfriend mo si Boss. Hanggang ngayon Boss James pa rin ang tawag mo sa kanya!” sabi ng lalaking taga-creative.“Nirerespeto
Chapter 60 - Ako? Kamukha ni Love?Makalipas ang isang linggo, sa opisina, laking gulat ko ng ibigay sa akin ng HR ang promotion paper ko. Pinapapirmahan sa akin ang papel bilang patunay na tinatanggap ko ang promotion at payag ako sa mg kundisyong nakapaloob dito.“Paki-iwan na lang ang papel at pag-iisipan ko kung tatanggapin ko ang promotion.” sabi ko sa HR personnel. “Ibabalik ko na lang mamaya sa HR. Salamat!”Pinuntahan ko si Ms. Jenny, ang aming Advertising Manager. “Good morning po, Mam!” bati ko sa kanya.“O, Gina! May kailangan ka?” tanong ni Ms. Jenny.“Opo. Tungkol po sa promotions ko?” sagot ko. “Akala ko po ay nag-usap na kayo ni Boss James tungkol dito? Ayaw ko po ng promotion dahil baka maakusahan ako ng nepotism. Na kaya ako na-promote ay dahil girlfriend ako ni Boss. Ayaw ko po ng ganun.”“Gina, kaya ka mapopromote ay dahil sa iyong kakayahan! Hindi dahil girlfriend ka ni Boss!” paliwanag ni Ms. Jenny. “Ako ang nag-insist na ipromote ka! Walang kinalaman si Bo
Chapter 59 - Si George at Gina ay Iisa!“Are you done? Wala kang pakialam kung sino ang girlfrined ko! Wala kang karapatang lait-laitin siya. You don't even know her!” pagsaway ni James sa kanyang kapatid. “Kung wala kang sasabihing maganda, umalis ka na!”Nakatungo ako at hindi kumikibo habang nagtatalo ang magkapatid.“Isusumbong kita kay Mommy! I hate cheaters!” galit na sabi ni Jasmine. “Tumigil ka na, Jasmine! Huwag mong pakialaman ang buhay ko. Wala kang pakialam kung sino ang gusto ko. Sige, magsumbong ka! Tingnan ko lang kung hindi mawala ang allowance mo sa akin.” buwelta ni James sa kanyang kapatid. “Umalis ka na!”Inis at nagpupuyos sa galit na umalis si Jasmine. “I am sorry! Nag-away pa kayo ng kapatid mo ng dahil sa akin.” paghingi ko ng paumanhin kay James. “Sabagay, may katuwiran naman siya. Legally kasi, may-asawa ka pa and yet, eto ako, girlfriend mo. Ako ay ganun din.”Nang dumating na ang aming pagkain, hindi gaanong nagalaw ang mga ito dahil nawalan na kam
Chapter 58 – James, kumuha ka ng higit pa sa akin!Umakyat ako sa penthouse office ni James. Pinapasok agad ako ng kanyang secretary sa opisina nito. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Baka kasi may makita akong hindi kaaya-ayang tanawin sa loob o dili kaya ay makaistorbo ako. Pagpasok ko sa opisina ni James ay tila abala ito sa binabasang dokumento habang nakaupo sa tapat ng kanyang mesa. Hindi niya tinaas ang kanyang ulo upang malaman kung sino ang pumasok basta itinuro niya na tumayo ako sa harap ng kanyang mesa.Five minutes na akong nakatayo sa kanyang harapan ng, “Ms. Gina! Good thing you are here!” sabi ni James na parang nang-iinis. Tumayo siya mula sa kanyang mesa, lumapit sa akin at inikot-ikutan ako. “Ano naman ang peg ng lalaking ito? Ms. Gina pa ang tawag sa akin! Nakakainis na!” bulong ko sa aking sarili.“Mabuti at suot mo ang kuwintas na bigay ko sa iyo!” sabi ni James habang patuloy pa rin siya sa mahinang pag-ikot sa akin.Nahawakan ko tuloy ang kuwintas unco
Chapter 57 – Takot sa Pakikipagrelasyon!Magaling na ako at nakabalik sa rin sa trabaho. Open secret na ang relationship namin ni James sa opisina. Si James naman lalo siyang naging sweet sa akin. Every Sunday ay sa condo ko na siya nagbababad pagkatapos naming magsimba sa umaga, mamasyal at kumain sa labas.Minsan tinanong ko siya tungkol sa aming relasyon. “James? Saan hahatong itong relasyon natin? Pareho tayong may-asawa! Kung saka-sakaling magkatuluyan tayo, gusto mo bang magka-anak? Ano ang hinahanap mo sa isang babae? Ano ang expectation mo sa magiging asawa mo?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.Nagulat at parang nalito si James sa mga tanong ko. “Bakit parang nalito ka sa mga tanong ko? Wala ka bang balak na magkatuluyan tayo?” malungkot kong tanong.“Hindi naman ako nalito. Nagulat lang ako sa mga tanong mo. Kasi coming from you, para kasing ikaw yung may mga agam-agam sa ating relasyon. Lagi kang umiiwas kapag medyo umiinit na tayo sa romansa. Ikaw itong takot na ipa
Chapter 56- Pantasya ng BayanSinusubuan ako ni James ng pagkain para raw makakain akong mabuti. Patingin-tingin lang naman sa amin si Kuya. Nang matapos akong pakainin ay saka pa lang ito kumain. Maya-maya may kumatok sa pinto, si Kuya Hunter pala.“Sis! Ano ba ang nangyari? Ngayon lang ako nakarating dito kasi ang dami kong inasikaso sa office.” sabi ni Kuya Hunter habang nakatingin kay James. “Kumusta ka na?“Okay lang kuya! Masakit kapag gumagalaw ako.” sagot ko kay Kuya Hunter. “Si James pala, Boss ko. Siya ang CEO ng JV Groupe Advertising.”Nakipagkamay naman si Kuya Hunter kay James.“Boyfriend niya!” pahabol ni Kuya Phillip.“Boyfriend? That's a first!” sabi ni Kuya Hunter. “Gaano na kayo katagal naging magboyfriend?”“Kuya!!!” sawata ko kay Kuya Hunter.“Well, three months na!” sagot ni James.“Three months and we got to know about it now?” galit na sabi ni Kuya Hunter. “You know James, she is our baby sister! That is why, overprotective kami sa kanya ni Kuya Phillip
Chapter 55 - Si Ava ang sumaksak sa akin!Sinugod ako sa Emergency Room ng Makati Medical Center. Si James pala ang nagsugod sa akin doon. Hindi na siya pinapasok sa ER pero kinunan muna siya ng statement sa kung ano ang nangyari sa akin ng mga pulis na naka-assign sa ospital dahil nasaksak nga ako.Nagising ako sa aking hospital bed kinabukasan ng umaga. Si Kuya Phillip ang una kong nakita na natutulog sa may sofa na katabi ng kama ko. “Kuya Phillip?” mahinang tawag ko sa kanya.“George! Kumusta na ang pakiramdam mo! Napasugod ako dito kaninang madaling araw ng tawagan ako ni James sa cellphone ko. Nag-ala tsamba lang siya ng pagtawag sa akin at tinanong kung kapatid daw ba kita dahil ang nakalagay lang sa contact ng cellphone mo ay kuya. Akala ko nga ay prank call.” sabi ni Kuya Phillip. “Pero nung makita kita dito ay natakot ako!”“Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sugat kuya.” mahinang sagot ko. “Nasaan na si James?”“Kakaalis lang niya at babalik daw siya after two hou