LOGINBEWITCHED ATTORNEY (ENTICE SERIES 2) Cherry's life is unlucky... Mangkukulam daw ang kaniyang ina at marami raw siyang kinulam—pati si Cherry ay kinulam sa isang lalaki. Cherry doesn't believe it all, it was all because of the trauma of her mother after her father's death. Pero hindi sumagi sa isipan niya na maniniwala siya sa ina... She's bewitched to a man, it was so casual as what she intended to think. Ngunit habang nagtatagal ay habang nahuhulog na siya sa lalaki. Hindi ito dapat mangyari. Sabi sa kanya, gawa-gawa lang ang sumpa, isang kathang-isip. Paano niya tatanggapin ang sumpa kung siya ang una't huli niyang pag-aalinlangan? That man brought disaster to her... it was an intoxicating disaster that made the man engraved in her mind. Ngunit ang hindi niya alam, siya pala ang pinapaikot ng lalaki. What would Cherry do? Now that she believes that both of them are bound. Paano niya mababawi ang sumpa? Paano niya kakalimutan ang lalaki?
View MoreBEWITCHED ATTORNEY
WRITTEN BY: TATTERDEMALION This is the work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination and used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or events is purely coincidental. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission. And also, I want to remind you that this story is unedited. I'm always updating a typographical, grammatical, or spelling errors in my chapters so be bare with me. CHAPTER 1 Your destiny was always on the wheel of fate. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. People just wait to thrive for what luck would bring them. Some folks drill their ambition deep, pumping every ounce of grit in hopes of climbing out of the pit. They refuse to place blind trust in fate, convinced their true place is always at the peak. The bitter truth gnawed at me, no matter how hard we claw for the summit, it’s all too easy to slip to the bottom when people around you are quick to pull you down, shackling you with scorn and whispers you can’t silence or outrun. "Mangkukulam!" I gritted my teeth. Nainis pa ako nang may nagtapon sa akin ng maliit na bato dahil narumihan ang pantalon ko. "Aswang 'yan!" "Siguro ay pinatay niya talaga ang asawa niya, 'no? Ayaw lang aminin!" Ugh! Bakit ba ako sumunod kay Mama?! The humiliation stung worse with every step beside her, especially seeing the jungle of medicinal herbs bulge from her hands! Wala siyang pakialam sa mga isinasaboy ng mga tao sa kaniya- mayroon ngang nagsaboy ng holy water, o baka nga tubig lang 'yon na marumi. Kainis! Pati ako- 'yong suot ko, 'yong dignidad ko, narumihan! "Naku! Kawawa naman ang mga anak niya! Sana hindi sila matulad sa kaniya!" Sinubukan kong iyuko ang ulo ko upang hindi ako makita ng mga tao pero nagiging sanhi lang iyon para muntikan na akong madapa ng ilang beses. Medyo kumalma lang ako nang makaalis na kami sa palengke. My Mom laughed out loud, as if she won against those people. Iritado ako at gusto kong alisin ang kamay ko na kanina niya pang hawak, pero mahigpit iyon at alam kong hihilahin niya lang ako ulit kapag kumawala ako. Ano ba ang gusto niya?! "Ma, saan mo ba ako dadalhin?" "Ilang taon ka na?" I rolled my eyes. Nasa gubat na kami at ilang tanong na ang ginawa ko sa kaniya simula sa bahay pero wala siyang sinagot ni isa! "Ma, birthday ko ngayon... hindi mo alam kung ilang taon na ako?" She stopped. We both gasped for air. Lumingon siya sa akin at saka tinaasan ako ng kilay. "Ilan nga?" "Twenty-two," tipid kong sagot sa kaniya. Her eyes widened, almost comically, and she hurried forward, forcing me to scramble back to her side. Para namang nakakita siya ng multo n'ong sinagot ko na 22 na ako! "Bwisit!" aniya sa gitna ng mga yapak niya. "Dapat noong disi-otso mo pa 'to ginawa!" We stopped at the lake... a wide, midnight pool where the moon carved streaks across the water. A huge stone jutted from the side, and Mama led me straight to it. I watched her unpack odd bundles-- witchcraft tools and charms... arranging them like she’d rehearsed this ritual a thousand times. I already knew what she was planning! "Ma, magriritwal ka naman? Kaya ka napagsasabihan ng ibang tao eh!" "Cherry! Legasiya na ito ng pamilya natin! Nasa dinastiya na 'to- balang araw gagawin mo rin ito sa mga anak mo, sa mga apo mo," aniya nito nang hindi ako tinitingnan. Mas malaki pa ang tsansa na may mang-trip sa amin dito kaysa sa maging epektibo ang ritwal niya! Gabing-gabi na eh! "Ma, wala pa nga akong asawa!" "Kaya nga!" I closed my eyes and groaned. Sirang-sira na ang day off ko dahil sa kaniya! sana nagpapahinga lang ako sa bahay, eh si Mama hinila na lang ako bigla. Ni hindi niya man lang nga ako binati ng happy birtday. I didn’t want to leave her here, not in a place so remote it barely registered on the map... not when the whole town branded her as a mangkukulang, o aswang, something to be feared and shunned. Hindi sana kami nandito kung hindi ako sumama sa kaniya. Ang akala ko kasi may surprise siya sa akin-- kasi nga birthday ko. "Tumayo ka lang diyan. Huwag kang aalis," malumanay niyang saad at saka lumuhod siya bago umupo nang tuluyan. "Magdadasal lang ako," dugtong pa habang dahan-dahang inililipat ang posporong may apoy sa limang kandila na itinirik niya. "Ma, hindi naman totoo 'yan!" 'Yan ba 'yong candle? Hihipan ko ba 'yan kasi birthday ko tapos magwi-wish ako? "Wala ka bang respeto sa mga ninuno natin? Ilang siglo na itong ginagawa namin!" "Ma, depende na rin kasi sa lalaki kung magloloko sila! Hindi mo naman kayang hawakan ang tadhana ng isang tao!" Even before Papa died, shattering Mama’s sanity, rumors swirled about the Hermes family’s rituals to preserve loyalty in their bloodline. Ito kasi ang ginagawa nila kapag may tao, mapalalaki man o babae na gustong pumasok sa buhay namin at dugtungan ang aming lahi. They had to pass through this strange, storied ceremony. Ginagawa nila ito upang maging tapat ang kabiyak ng isang Hermes... at masasabi kong totoo naman, wala namang mga may kabit sa pamilyang Hermes, they all loyal to their partners lalo na ang Papa ko. Hindi naman iyon masyadong big deal sa bayan namin. Naging usap-usapan lang n'ong namatay si Papa at napabayaan ni Mama ang sarili. Nawalan siya ng bait at nagsimulang magritwal ng kung anu-ano. Kaya kung may malas man, kamatayan, o sakit dito sa bayan ay kay Mama ang bagsak ng sisi. “They used me… used us as tools, trying to keep faithfulness alive in those who want to join our family…” I bit down on my lip. Mama’s prayer began, her voice low and rhythmic. The moon emerged brighter as clouds slipped away, A cold shiver traveled up my spine. I never truly believed in any of it. But how could I explain this to this d*mn place when this story was the lifeblood of their morbid curiosity? It affects my mental health. Kaya pinili kong magtrabaho sa malayong lugar. Ayos lang kahit lugi sa pamasahe basta maiwasan ko lang ang mga mapanghusgang mata ng mga taong nandirito na wala nang nagawa kundi ang panghimasukan ang buhay ng ibang tao. "Uwi na tayo." Ihinihipan ni Mama ang mga kandila... siguro ay tapos na siya sa pagdadasal niya. Iyong mga natunaw na wax ay isinaboy niya sa lawa bago siya tumayo at humarap sa akin. “Cherry,” she said with a smile so serene it almost unsettled me. “You are now bound to a man.” Bumagsak ang balikat ko. "Ma naman. Natatakot na ako rito oh," saad ko. Hindi ako natatakot na naisumpa ako sa isang lalaki, kasi hindi naman totoo. Ang ikinakabahala ko lang eh baka abangan kami ng mga tao sa bahay at hintayin na mag-alas-dose. Palaging ginagawa 'yan ng ibang mosang sa amin. Tuwing kabilugan ng buwan ay nakamasid sila ng palihim sa bahay namin, hinihintay na maging aswang ang pamilyang Hermes. Kaunting kalabog nga lang sa bahay n'on ay nagbubulungan na sila. "Sa susunod na kabilugan ng buwan, mahuhulog ka sa isang lalaki. Magiging tapat siya sa 'yo habang buhay," aniya. "Ma, mag-aalas dose na," pangamba ko. "Hindi nga ako aswang, 'di ba?" "Ma... Hindi naman ganoon ang nasa isip ko! Baka may mga tao na naman sa labas ng bahay natin!" Kinakatakot ko na baka taliin nila kami sa poste at maghintay ng pagsikat ng araw... Naging banta na 'yon sa amin. Sinubukan ko nang ireklamo sila sa barangay pero nagsawa na rin ako dahil hindi naman sila nakikinig sa akin. "Cherry! Naisumpa kita! Naisumpa kita!" Pumalakpak siya- na siyang ikinalungkot ko. "Paano ko naman 'yon malalaman?" tanong ko at natigil siya. Hindi naman ako interesado. Sadyang natanong ko lang 'yon para matigil siya kakapalakpak. Naririndi na kasi ako. "K.N.N.N.A.P.M," anang Mama. "K.N.N.N.A.P.M?" Ngumisi siya. Those wicked grin makes me goosebumbs! Iyong ngisi na nagpapatindig ng balahibo- lalo na at gabi ngayon. "Kapag.Nakuha.Na.Niya.Ang.Pagkababae.Mo."CHAPTER 82Do you believe in destiny? That fate pulls our strings, toying with lives for sport?They say that fate, destiny and hope are interconnected with each other. Pero ngayon, hindi ako naniniwala. All the things were not destined to happen, we have the control, fate gave people hopelessness, when destiny strikes in a bad way. They're really interconnected, but not in a way that we wanted to be.Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Minsan may mga bagay na kailangan nating tanggapin dahil resulta iyon ng mga desisyon ng tao. Minsan kailangan nating tanggapin na wala na ang paborito nating pagkain sa tindahan dahil may mga nauna nang bumili, desisyon lang natin na pumunta roon nang hindi maaga, o desisyon lang ng tindera na huwag tayong pagbilhan. Destiny doesn't have the control of it, we have it. It's my belief right now.Kung gusto mong kumain, kumain ka lang dahil desisyon mo 'yon.
CHAPTER 81Sinusubukan ni Mama na kunin ang bag sa sahig. She's growling trying to grab the strap using her finger foot.Ginagapangan naman ako nang kaba habang unti-unting lumalapit ang paanan ni Mama sa strap ng aking bag.Isang kaluskos sa pintuan ang nagpadungaw sa amin."Hoy ano 'yan?!"A guy earlier came. Napatingin agad siya sa bag na pilit inaabot ni Mama. He kicks it out, napatili si mama, nagsitapunan ang laman ng aking bag! Gumulong din ang ballpen palabas at ang wallet ko ay dumungaw sa may zipper ng bag."Sa tingin n'yo makakatakas kayo sa amin?!" humalakhak ang lalaking hindi ko kilala.May pumasok ding lalaki sa loob. My eyes darted on my bag, malayo na 'yon dahil sa pagkakasipa ng lalaki at kung pilitin ulit ni Mama na kunin 'yon ay baka saktan nila siya.I gritted my teeth."Hoy, Bruno. Kunin mo ang wallet sa bag niya," saad ng isang kakapasok pa lang kanin
CHAPTER 80 Naramdaman ko na lamang na huminto ang Van. Bumukas ang pintuan at panay ang pagsisisigaw nina Xianny at Mama. I felt some hands pushed me ouside the van, agad akong napadaing nang napadausdos ako sa sahig. Despite the pen, a tight grip was on my shoulder trying to make me stand. Paika-ika akong naglakad kung saan man ako balak dalhin ng mga demonyong ito. Hanggang sa naramdaman ko na sumalampak ang pwetan ko sa sahig. Napadaing pa lalo ako at mas ininda ang galit kaysa sa sakit na nararamdaman. A cloth that covered my eyes, blocking my view, suddenly fell off of my face. Agad akong nasilaw sa liwanag na pumasok sa aking paningin. I squinted my eyes before I recovered my vision. There, a man standing in front of me. Napalingon ako sa paligid at nakita si Mama na humahagulhol sa iyak at wala na ring piring sa mata. Mariano Garcia, for months of being imprisoned, looked so old to me. Mahaba na ang kaniyang buhok at puwede nang pamugaran ng ibon. Iyong mukha niya ay
CHAPTER 79Limuel already went into me. Bago pa niya makita ang mga luha ko ay agad ko iyong pinunasan. With my artificial smile, I faced him.Nasu-suffocate ako dahil sa dami ng taong pumapasok ngayon. I sighed when he went in front of me"Do you want to get some air?" tanong ko.He gazes at me confusingly, nawala ang kakaunting ngisi sa kaniyang labi. He held my jaw and made eye contact."Is something wrong?" he pressed, "Why were you talking to Talia? Did she say something to you?"I tried to give a joyful face at him, with all the smiles I could muster, I giggled."Nangumusta lang siya sa akin. Tara?" anyaya ko. Isinabit ko ang aking kamay sa kaniyang balikat.Humigpit ang hawak ko sa kaniya. Staying beside him felt so comforting, pero ngayong naiisip ko na nagpapakumbaba siya para sa akin ay tila punyal akong pilit na dumidikit sa kaniya.Limuel had such
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews