Secret Romance with my Husband's Dad

Secret Romance with my Husband's Dad

last updateLast Updated : 2025-11-18
By:  Vivian AnneUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Moana Evangelista thought marrying Luke Verde would finally give her the happiness she had dreamed of. But six months into their marriage, all she finds is cold distance, no affection, no warmth, not even a touch at night. And then Luke’s father comes home. Zacharias Verde is everything her husband is not. He is attentive, intense, and dangerously tempting. One forbidden night ignites a desire neither of them can control. Was it a single mistake, or the beginning of something they can never walk away from?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Maaga gumising si Moana dahil maagang pupunta sa trabaho ang asawa niyang si Luke. Ganito na ang routine niya sa mansion, ang pagsilbihan ito. Oo, hindi asawa ang tingin sakin ng asawa ko. Ang gusto lang niya ay dito lang ako sa mansyon at pagsilbihan lang siya kahit pa may mga maids naman, tila masaya siyang nakikita akong nahihirapan.

Oo, hindi asawa ang tingin kay Moana ng asawa niya. Ang gusto lang ni Luke ay manatili siya sa mansyon at pagsilbihan ito kahit pa may mga maids naman. Tila masaya itong nakikita siyang nahihirapan. Hindi niya alam kung anong nangyari sakaniya, dahil hindi naman ganito si Luke noong magkasintahan palang sila.

Ilang taon silang naging magkasintahan bago sila tuluyang ikasal. Akala ni Moana pag naikasal na sila ay mas magiging matatag pa ang samahan nila, mas maipaparamdam nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa, pero mali pala siya.

Dahil anim na buwan palang matapos silang ikasal ay unti unti nang lumilitaw ang ugali ni Luke, na hindi nakita ni Moana sakaniya noong nakaraang tatlong taon na magkasintahan pa lamang sila.

Siguro nga tama ang kasabihan na malalaman mo lang ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito sa isang bubong, at oo... totoo, dahil ngayon lang talaga nakita ni Moana ang totoong ugali ng asawa niya.

“Ma'am ako na po ang magluto, hindi pa naman po lumalabas si Sir.” Kanina pa nagpupumilit si Bonito na kunin ang sandok na hawak ni Moana pero pilit itong tinatanggihan ng huli.

"Ayos lang ako, Bonita. Gusto mo bang maulit yung araw na ikaw ang nagluto... ayos lang sana kung ako lang ang saktan niya pero pati ikaw? Hindi kaya ng kunsensya ko," saad ni Moana sakaniya at ngumiti.

Bata pa si Bonita, kaka-disiotso pa lamang nito at heto nandito siya sa mansyon para mamasukan bilang katulong para matustusan ang pag aaral ng dalawa niyang kapatid sa probinsya nila.

Kaya hindi papayag si Moana na saktan siya ni Luke at paalisin pa ito rito... Wala na siyang mapaglalabasan ng sama ng loob pag nagkataon.

Ang dalawa pa kasing kasambahay rito sa mansyon ay hindi siya kinikilala bilang amo, dahil gano'n ang pinapakitang trato ni Luke kay Moana, kaya pakiramdam nila ay ayos lang na itrato siya na parang mababa pa sakanila. Mas matanda sila kay Moana, kaya siguro ay wala rin silang balak respetuhin siya bilang asawa ng amo nila. Hinahayaan nalang iyon ni Moana.

"Bonita, buti pa gawin mo magwalis ka do'n sa garden at pag nakita ni Sir Luke 'yon ay nako! Ikaw ang palilintikan ko!" sigaw ni Tasha, ang number 1 na feeling tagapagmana ng mansion.

"Anong tinitingin tingin mo madam?" nakapamewang na sabi ni Tasha kay Moana at inirapan pa ito.

"Tasha! Asawa parin ni Sir si Ma'am, konting respeto naman!" suway ni Bonita rito pero humagalpak lang ng tawa ang babae.

"Nakikita mo ba kung pa'no tratuhin ng amo natin yan? Aba! E mas maayos pa trato satin na katulong kesa dyan sa asawang sinasabi mo!" pang iinsulto pa nito.

Magsasalita pa sana si Bonita pero agad siyang hinawakan ni Moana sa braso upang pigilan ito.

"What's that noise! Ang aga aga!" galit na boses mula sa hagdan, at lahat sila ay natahimik ng marinig ang malakas na boses ni Luke.

Sina Bonita at Tasha ay nakayukong nakaharap kay Luke habang si Moana naman ay itinuloy nalang ang pagluluto.

"Hindi mo ba kayang bawalan 'tong mga 'to?! Kaya di ka nila nirerespeto e!" bulyaw ni Luke kay Moana, at napapikit nalang ang babae upang magpigil at hindi na lang ito kinibo.

"Iready mo ang susuotin ko pagtapos mo riyan!" bulyaw pa nito.

"Tashs, itimpla mo nga ako ng kape." utos nito, mahinahon lang kaya naman minatahan si Moana ni Tasha at nginisian pa.

"Ayos ka lang po ba ma'am?" tanong ni Bonita kay Moana.

"Ayos lang ako, sige na pumunta ka na sa garden," utos ni Moana sakaniya at mabilis na nagtungo si Bonita sa garden.

Mabilis niyang tinapos ang pagluluto ng adobong atay ng manok at umakyat patungo sa kuwarto ni Luke. Oo... hiwalay sila ng kuwarto. Pupunta lang si Luke sa kuwarto niya kapag lasing ito at gusto lang makipagsex, tapos wala na.

Habang inaayos ni Moana ang isusuot nito ay napapabuntong hininga siya. Bakit ba siya nagtitiis rito? Bakit ba umaasa parin siyang babalik pa ang dating Luke na minahal niya...

Niladlad niya ang white polo at suit nito sa kama, pati ang slack, sapatos, relo at neck tie. Nang makita niyang maayos na, na perfect na ay huminga siya ng malalim at akma na sanang lalabas nang biglang tumunog ang phone ni Luke.

Lumapit siya sa bedside table at tinignan kung sino ang nag message sakaniya.

From: Unknown number

Hey son. It's been a long time since I saw you. Nabalitaan ko na ikinasal ka na, hindi mo man lang sinabi sakin. I want to see your wife, see you on the next 2 days.

Napakunot ang noo ni Moana ng mabasa iyon. Alam niyang nasa ibang bansa ang papa ni Luke, pero ang sabi nito sakaniya ay may ibang pamilya na raw ito roon.

Totoo kaya?

"Get out, I'm taking shower." Napapitlag si Moana nang magsalita si Luke mula sa likod niya kaya simple nalang niyang inayos ang baso na nasa tabi ng phone nito.

"Wait..." sambit ni Luke kaya napatigil si Moana at napaharap sakaniya.

"Are you checking my phone?" galit na tanong nito. Mabilis siyang umiling pero agad na lumapit si Luke at kinuha ang phone.

"What's wrong with this old man!" singhal nito, at biglang napatingin kay Moana.

"Bingi ka ba? I said get out!" bulalas nito kaya mabilis nang lumabas si Moana ng kuwarto.

Pagbaba niya ay napaisip siya bigla. May galit ba ito sa papa niya? Dapat nga masaya si Luke ngayon dahil finally uuwi ang papa nito para makasama siya... sila.

Ano kayang ugali ng papa niya? Kahit matagal na silang magkarelasyon ni Luke, never niya pa na meet kahit sa video call lang ang papa nito.

Kinakabahan tuloy siya dahil baka sa papa niya nakuha ang ugali nito, baka hindi na talaga niya kayanin kung pati ang papa nito ay apihin rin siya gaya ng ginagawa ni Luke sakaniya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status