[Jane's POV.]Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyaring halikan namin sa elevetor. Nung hinalikan nya ako ay feeling ko kaming dalawa lang talaga sa mundo. Parang bumalik kami sa dati na kame pa. Doon lang ako tinubuan ng hiya sa rooftop pagkatapos naming magkahalikan.Kasi naman parang natutunaw ako sa mga titig nya saakin. Hindi ko alam ano tumatakbo sa isip nya sa mga oras na yun.Kaya nag desisyon akong umalis nalang at umuwi dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa sobrang hiya nararamdaman ko sa mga oras na yun. Napabuntong hininga na naman ako dahil sa naisip ko. Nandito ako ngayon sa trabaho at ewan ko ba dahil simula nangyari sa rooftop ay ang cold nya na sa lahat?O saakin lang siya cold?Tulad ngayon! Hindi na siya namamansin. Hindi na ako masyado inuutusan mag isang linggo na! Hello? Sekretarya nya ako pero hindi nya ako inuutusan masyado! Wala siyang pinapagawa na mahirap! Nasa harapan lang naman ng office nya yung table ko! Pero bakit? B
[Jane's POV.]Lumipas ang mga araw ay ganon parin ang tagpo namin. Hindi parin talaga kami nag papansinan. O tamang sabihin hindi nya parin ako pinapansin? Namimiss ko tuloy siya este namiss ko yung inuutusan nya akong na wala naman konektado sa pagiging sekretarya ko.Tapos ngayon ay aalis na naman s'ya papuntang Thailand na hindi kasama ang sekretarya nya. Hindi naman sa gusto ko sumama. Diba ganon naman kapag sekretarya? Pero siya ayaw nya ata akong isama.Sa mga nagdaang araw ay napapansin kong napakabusy nya. Yung tipong yung busy niya sa buhay ay parang may sariling pamilya. Ano nga ba oras ang byahe n'ya? Kahit nga yun ay hindi akong alam! Alam ko naman yung mga schedule nya. Sekretarya nya nga ako pero wala akong alam sa ibang mga lakad nya. Mas may alam pa si Mrs. Perez. Ano yun? Parang wala rin akong trabaho dito! Ah meron pa naman mag file ng mga papeles nya dito at mag check ng mga documents at emails. Kaya nga ako nag apply ng trabaho para may paglibangan ako! Gusto
[Jayson's POV.]Nakakapagod. Isang linggo rin pala ko dito sa Thailand at ito na naman ako papuntang airport dahil uuwi na ako ng Manila.Ewan ko pero ang excited ko umuwi ngayon.Nakakapagod man itong trabaho ko pabalik-balik sa ibang bansa ay masaya naman ako kahit wala na ako oras minsan sa sarili ko. Kamusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya saakin?Tsk. Bakit naman siya magagalit? Dapat nga ako magalit parin sa kanya dahil sa pang iiwan nya saakin dati.____________________Kakalapag lang ng eroplano at nandito na ulit ako sa Manila.Pero bakit feeling ko may mali at may nangyari na hindi ko alam?Ah siguro jetlag lang siguro ito kasi galing ba naman akong byahe at wala pa akong tulog.Kaya deretso na akong umuwi sa condo ko. Pagkauwi ko ay nag hubad lang ako ng damit at iniwan ko lang ang boxer short ko saka nahiga sa kama. Nakapikit ako ng may ngiti sa labi."Bukas magkikita na naman tayo.." sambit ko at tuluyan na akong nakatulog._____________________Ang aga kong pumas
[Nicole's POV.]Ilang araw na din ang lumipas na ayain akong uminom ni Jayson dahil may problema sa babae. Tsk! Palagi n'ya namang pinoproblema yan eh. Ano naman bago? Ang loko naman ayaw pang aminin na mahal n'ya pa yung babae. Napaka talaga! Halata naman siya deny pa siya! Kalokohan n'ya. Halata naman nag aalala lang siya dahil hindi n'ya matawagan yung isa kung makaaya naman mag inoman parang laki agad ng problema eh. Tsk! Ewan ko rin kay Jane at bakit hindi makontak ang phone. Nag alala tuloy yung isa. Kawawa naman tuloy itong mokong na ito este kaibigan ko. Tsk! Mabuti nalang yung sarili kong lovelife ay ok lang.Pero ewan ko rin kung nasaan ang isang yung. Ilang araw na rin hindi nag paparamdam. Huwag n'ya sasabihin na ghosted na n'ya ako ah!Tsk. Siya nga pala ang dahilan kung bakit lahat ng lalaki ay hindi ko na tinatawag na honey, babe at iba pa eh. Ang sabi nya kasi siya lang dapat tawagin kong honey at babe. Seloso pala ang love kong si Michael. Kaya tinigilan ko na
[Jane's POV.]Ilang araw na ba ako nagpapakabusy dito sa state? Hindi ko parin kasi maalis sa puso't isip ko na mahal na mahal ko parin s'ya. After nong pag'uusap namin ni kuya ay dumiretso na ako dito sa room ko. Nung nakita kame ni dad kanina palabas ng library ay tinanong nya kami kung anong nangyari sakin at bakit namamaga ang mga mata ko. Sinabi ko nalang na napuwing lang ako sa alikabok doon sa library habang nag uusap kami ni kuya. Mabuti nalang at naniwala agad si Dad. Ito ako ngayon sa bintana ng kwarto naka dungaw at nakatulala sa kawalan. Namimiss ko na siya. Kamusta na kaya s'ya?Hay naku Jane! Eh ano pa nga ba? Mas ok ata yun ngayon kasi wala kana walang sagabal sa kanila ng gf nya. Nakita mo na nga nung girlfriend diba? Pumunta ka pa sa condo nya. Tss. Naalala ko naman bago ang huli namin pag uusap.~flashback~Pagkatapos namin nag usap ni Jayson dahil babyahe pa siyang papuntang Thailand para sa another bussiness trip nya ay ilang minuto lang lumipas ng may tuma
[Someone's POV.]Nandito ako ngayon sa opisina ko sa bahay at pinapapunta ko dito ang aking anak na lalaki. Bigla naman bumukas yung pintuan kaya napatingin ako dito at pumasok naman ang aking anak. "Dad, Ano po ba yun at parang napaka importante naman masyado?" tanong n'ya saakin pagkaupo nya. "May sasabihin ako sayo. Napagkasunduan namin ng kaibigan ko na itutuloy na yung pagpapakasal mo sa anak nya." Casual na sambit ko sabay inom ng kape na pinahanda ko kanina."Ano?! Bakit naman Dad? Akala ko ba hindi na matutuloy yun? Sabagay kailan ba hindi natupad ang gusto mo?" Walang modong sagot ne'to saakin. "Ayusin mo pagkasagot saakin!" Pinandilatan ko siya ng mata. "Tsk. Sa ayaw at sa gusto nyo pareho ay tuloy na ang pagpapakasal sa inyo ng anak ng kaibigan ko.!" Sabi ko sabay tayo. Tinalikuran ko na siya para lumabas sa opisina ko. "Pero Dad.." pinutol ko na agad ang iba pang sasabihin pa nya. "Wala ng pero-pero! Magpapakasal ka sa kanya. Tapos ang usapan." At tuluyan nako lumaba
[Jayson's POV.]It's been two months ng hindi na nagpaparamdam at nagpapakita saakin si Jane at nung isang linggo ko na siya hindi nakikita saka ko lang natanggap ang resignation letter nya galing sa agency nya. Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya at bakit bigla nalang siya susulpot sa harap ko at bigla rin mawawala ng walang paalam? Gusto kong magalit ulit sa kanya pero para saan pa? Iniwan nya naman na ako dati. Ngayon iniwan nya ulit ako kaso wala nga lang paalam. Para saan pa siya para mag paalam saakin? Hindi naman kame. Hindi naman ako importante sa kanya. Tss. Tsk. Bakit ko ba pinoproblema yun?Wala naman na ata yun pakialam pa saakin. Dahil kahit paalam ay hindi nya nagawa. Dalawang buwan narin na hindi s'ya mawala sa isip ko. Iniisip ko kung saan ba s'ya ngayon. Kamusta na kaya siya? Anong ginawa nya ngayon? Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko sa office table ko nang mag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko ay may tumatawag sa pala saakin. Sino paba ang magkukulit sa
[Jane's POV.]Dalawang buwan na kaming nandito sa ibang bansa at isang buwan pa lang ang nakakalipas nung sinabi ni dad na tuloy ulit yung kasal ko sa anak ng mga Corpuz!Kahit ayoko ay parang wala na rin akong magagawa dahil lahat naman ng gusto ng pamilya ko lalo na si Dad ay kailangan masusunod! Ngayong araw din mismo ay uuwi kami ng pilipinas dahil may roong kunting salo-salo bukas ng gabi sa kasama ang mga Corpuz. Kaya ito kame nag hahanda ng mga gamit namin pauwi ng Manila. ___________________Ilang oras rin ang lumipas bago lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa airport ng Manila.Ang nakakainis lang dahil si kuya ay parang nagmamadali parang may hinahabol? "Ano ba kuya? Bakit nag mamadali ka? Tsk." Iritang sabi ko dahil mas nauuna talaga siya saamin ni dad mag lakad. Tapos ang laki pa ng hakbang n'ya.Kapag susundan ko si kuya ay maiiwan naman si dad sa likod namin. Tss. Kaya bumalik nalang ako kay dad para magkasabay kaming dalawa. "Bakit ganon si kuya, dad? Tignan