Share

CHAPTER 5

[Jane's POV]

Nang makauwi ako ay hindi rin naman ako makatulog.

Kaya lumabas nalang ako ulit at pumunta sa bar para makainom ng kunti at makatulog agad.

Hindi naman ako maglalasing talaga. Gusto ko lang makainom ng kunti.

Tamang alak lang ng makatulog agad!

Pagdating ko doon dumiretso ako agad sa bar counter para mag order.

Nag makapag order nako may napansin akong lalaking papasok at diretso sa bar counter at umorder talaga ang pinakahard na alak?

Lumaki ang aking mga mata ng makilala ko siya. Mabuti nalang at medyo madilim sa bandang pwesto ko. Kaya malaya ko siya tinititigan.

Hindi parin nag babago, siya pa rin ang mahal ko. Medyo nag matured nga lang at nagkalaman laman ang katawan nya.

Pag umiinom siya ay nakakaakit tignan. Kaya nung napansin kung aalis na siya sinundan ko na ito kasi nakita kong masuray-suray ito sa pag lalakad na akala moy matutumba.

Deretso siya sa parking lot at mag dadrive pa talaga siya sa lagay na yan ha? Hirap na nga siya mag lakad kasi may tama na siya tapos mag dadrive pa?

Kaya nung napansin kung matutumba na talaga siya ay nagmamadali akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.

God! Ang hot talaga mo kahit kailan!Mas lalo na ngayon. Nako Jayson ang laki ng pinagbago mo. Ikaw pa rin ang mahal ko at hindi magbabago yun. Nasambit ko nalang saaking isip.

Kaya ano pa ba magagawa ko? Kaya dinala ko nalang siya sa kotse ko at tinanong kung saan siya umuuwi.

Nang ayaw nya sabihin. Inaalala ko nalang kung saan siya dati nakatira. Kaya mabilis ko siyang dinala dun at hiningi ang susi ng unit nya para makauwi narin ako.

Nagpatulong narin ako kay manong guard dahil medyo mabigat rin siya.

Tinanong ko kung saan kwarto niya. Tinuro naman nya kaso madame pa siyang sinasabi na kalokohan. Kaya napasagot tuloy ako sa kanya na hindi naman nya narinig.

Mabilis namin siyang dinala doon sa unit niya at pinaupo rin siya ni kuya guard sa sofa.

Nang makaalis si kuya guard ay binalikan ko siya at panay tanong kung ano ano pinagsasabi ko kanina.

Sinagot ko nalang siya na wala at dinala sa kwarto nya at binagsak sa malaking kama niya.

Kasi naman kung makatitig siya saakin parang tutunawin ako!

At ano itong nararamdaman ko nag iinit ako sa titig nya.

Kaya umalis kaagad ako sa harap nya at kumuha ng basahan para mapunasan ko siya at damit na sando kasi amoy alak na siya at pawis.

Pagbalik ko ay pinunasan ko kaagad siya na parang nag mamadali ako. Nakatitig pa rin siya sakin na nakakatunaw hindi ko nalang pinansin at isinuot ko na sa kanya ang damit niya.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay hinila nya ako sa braso para halikan!

Nag pumiglas ako pero ang lakas nya at mas lalo nyang diinan ang halik.

Kaya napapikit ako at hindi namalayan na humahalik narin akong pabalik sa kanya. Naramdaman kong ngumiti siya saamin halikan.

Hindi ko alam kung kilala niya ba ang kahalikan nya o alam n'yang ako ito?

Pero parang ayoko narin tumigil kasi ang sarap pala sa pakiramdam na mahalikan ulit ang iyong minamahal.

Nang lumalalim na yung halik namin ay napahiga ako sa tabi nya.

Nakaramdam akong nawawala na yung pagka aggressive nya at nagiging passionate na yung mga halik nya.

Tapos maya maya pa ay may binubulong siya pero hindi ko maintindihan. Basta ang narinig ko lang ay "mahal parin kita"

at yun nag bigay sakin ng dahilan para matigilan at tumigil sa paghalik sa kanya.

Ewan ko ba kong ako ba yun o may MAHAL NA SIYANG IBA?

Pero ang sakit isipin kung may mahal na nga siyang iba. Parang hinahati pira-piraso ang aking puso.

Maya maya pa ay bigla siyang humiwalay saakin at akala ko gising siya pero yun pala nakatulog lang ito.

Hindi ko napansin na umiiyak

na pala ako na makita ko na bumabagsak sa mukha nya ang mga luha ko.

Habang tinititigan ko siya habang tulog ay may lumandas na naman sa pisngi ko na mga luha. Kaya pinunasan ko ito at inayos na siyang humiga.

Ewan ko ba kung ano pumasok sa utak ko at hinalikan ko siya ulit at binulungan ng. "I love you mahal ko. At patawad.". at umalis nako sa condo unit nya.

Sumakay nako sa elevetor at doon umiyak ng umiyak.

Ewan ko ba kong dahil ba ito sa ginawa ko sa kanya or sa dahil iniisip kung may mahal na siyang iba?

Ang sakit pag iniisip ko yun.

Nang makalabas nako sa elevetor ay pinagtitinginan nila ako.

Paano ba naman kasi maga ang mga mata ko mukhang galing sa pag iyak?

Kaya dumiretso lang ako sa parking lot at sumakay sa k0tse ko.

Mag drive ako papunta kung nasan sila.

__________________

Mga ilang minuto ay nakarating rin ako sa memorial park kung nasaan sila.

Nandito ako sa sementeryo!

Kahit na gabi na ay pumunta parin ako kasi gusto ko siya puntahan at magsabi sa kanya lahat ng hinanakit ko.

Naglakad ako papunta sa puntod nila.

At nang nasa tapat nako ay kinausap ko sya,

"..Mama.." banggit ko habang umiiyak.

"Bakit po ganon Ma? Ang sakit pa rin. Kahit matagal na ma. Bakit ma? Bakit po ayaw n'yong maging kami dati ma? Bakit po?" Himihikbing tanong ko kahit alam kong walang sasagot saakin.

Ang sakit pa rin! Kahit anong pilit kong kalimutan sya! Pero hindi ko magagawa at hindi ko kaya! Kasi hanggang ngayon at alam ko na mahal na mahal ko parin sya!

"Ma! Ang daya n'yo naman po! Alam nyo pong hindi ko kayang magalit sa inyo eh. Kasi mahal na mahal ko rin kayo. Pero mahal ko rin po s'ya ma. Bakit kasi ang selfish n'yo ma? Samantalang kayo masaya at ako nagdudusa sa hiniling n'yo sakin na iwanan siya. Ang daya daya nyo ma eh! Iniwan nyo po ako." Umiiyak na banggit ko sa puntod nya.

"At ikaw ate. Alam mo naman pong mahal ko po s'ya. Pero pinaghiwalay n'yo kami. Kayo ni Mama! Dahil yun ang gusto mo hindi ba? Kasi alam ko naman na may gusto ka sa kanya kaya sinunod ko ang gusto mo hindi ba? Sinunod ko dahil mahal ko rin kayo. Pero ate hindi ko s'ya makalimutan eh. Mahal ko pa rin po s'ya Ate. Mahal na mahal." Umiiyak paring sambit ko saka pinunasan ang mga luha ko dahil nanlalabo narin mga mata ko dahil sa luha.

"Tulad kanina hindi ko siya naiwasan ng halikan nya ako. At ginusto ko rin dahil mahal ko siya pero dahil sa narinig ko mula sa bibig nya ay nasaktan ako kaya ako nandito ngayon sa harap nyo." Sambit ko ulit na umiiyak.

"Pasensya na Mama at Ate kung naging ganito naman po ako sa harap niyo. Hindi ko po mapakita sa kanila na ganito ako kahina." Sambit ko ulit at tumayo nako at nagpagpag ng damit ko kasi nakadapa ako sa damu kanina habang umiiyak.

"Hayaan n'yo Ma at Ate pipilitin ko pong kalimutan siya ngayon at hahayaang mawala s'ya dito sa puso't isip ko Ma at Ate. Dahil ganon ko po kayo kamahal kahit nasa kabilang buhay na po kayo. Tutuparin ko parin yung hiling nyo saakin na iiwasan siya. Gagawin ko po talaga para sa inyo. Kahit 6 years na ang nakakalipas alam kung may mahal na syang iba. At may dahilan na akong iwasan siya. Kaya magagawa ko na talaga po ang gusto nyo. MAHAL NA MAHAL KO KAYO MAMA AT ATE." Sambit ko ulit sabay punas ng aking mga luha at naglakad nako papalayo sa puntod nila.

Kahit masakit pipilitin kung kalimutan ka Jayson. Dahil yun ang tama at napangako ko sa kanila bago sila mawala sa mundong ito. Siguro hanggang doon nalang talaga tayo mahal ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kotse ay napatingin ako sa salamin ng kotse ko. At gusto ko nalang talaga mag mura ng malakas ng makita ko maga ang mga mata ko!

Kinusot kusot ko ito at nag punas ng wipes sa mulha ko para mawala yung kalat ng mascara ko.

Anong gagawin ko? Baka magtanong si Dad anong nangyari sa mga mata ko? Ayaw nya pa naman kapag tungkol sa nakaraan ang dahilan.

Hindi bali baka tulog na ang mga tao roon sa bahat. Kaya mabilis na ako nag drive papauwi sa bahay namin.

Habang nag dadrive ay napag isip-isip kong dapat kumuha na ko ng condo unit na malapit sa work ko ng makapag isa talaga ako.

Hindi bale hihilingin ko kay Dad na maglipat ako muna ako. Na para talagang independent ako na kaya ko talaga na ako lang mag isa.

Malapit na ako sa bahay na napadaan ako sa isang pamilyar na park.

Napakapamilyar kahit 6 years na nakakalipas hindi ko makalimutan!

Kaya mabilis akong pumarada ng kotse at lumabas. Pumasok ako sa medyong lumang park at umupo sa isang duyan!

Dito mismo sa lugar na to kung saan ko s'ya unang nakilala at tinarayan.

At dito rin mismo kung saan ko siya sinagot. Walang iba kundi ang lalaking mahal na mahal ko hanggang ngayon.

[To be continued..]

__________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status