Nasa site si Herea that day para icheck ang progress ng renovation na pinapagawa nila for her office.Two weeks from now ang launching ng bagong business ng Jenning’s Group of Companies na pamamahalaan niya.She was so excited to get back to work and she knew very well na magiging challenge ito for her dahil na rin sa nakaraan niya.She was so preoccupied at nagulat pa siya when she felt those hands snaking into her waist.Napalingon siya dahil alam naman niya kung sino yun based on his perfume.“Hey love!” ani Adam saka niya hinalikan ang pisngi ni Herea“What are you doing here?” tanong pa niya as she smiled at himPagkagaling nila sa La Union ay naging open na sila sa kanilang relasyon at tuwang-tuwa naman ang lolo niya nung ibalita ni Adam na sila na.Adam is a sweet guy at palagi siya nitong pinapakilig with his simple gestures. Flowers, chocolates, stuffed toys and the like. Minsan, they will go out on dates kapag may time sila and also, they will just ride Adam’s car and go kun
Nanatili si Adam at si Herea sa isang shed at nanuod sila ng mga nasa dagat na surfers at na-enjoy naman ito ni Herea. Adam on the other hand is just silent habang nakapako ang paningin niya sa dagat.May mga lumapit sa kanya na sa tingin ni Herea ay kakilala niya at nakikipag-usap naman sa kanila si Adam pero pag-alis ng mga ito ay balik na naman siya sa pagiging tahimik kaya hindi na nakatiis si Herea at nagtanong na siya dito.“Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya dito“Huh?” “Ang sabi ko, gusto mo na bang umuwi?” tanong ulit niya dito pero umiling siya“Gusto mo pang magswimming mamaya, diba?” ani Adam kaya napahinga ng malalim si Herea“Yes pero kung ganyan ka naman, huwag na lang! Umuwi na lang tayo!” sagot agad ni Herea“Herea sorry! I just…”“ANo bang problema Adam? Bakit bigla kang nawala sa mood buhat nung makausap mo si Joshua? May problema ba kayong dalawa?” usisa ni Herea pero umiling si Adam“Wala Herea!” “C’mon Adam! Pwede bang huwag ka ng magsinungaling!” inis na
Maagang nagising kinabukasan si Herea at paglabas niya sa kwarto ay gising na din si Adam at kasalukuyan na itong nagkakape.“Good morning, Love!” bati ni Adam sa kanya nung nakita siya nito“Good morning, Adam! And please stop calling me, love!” sagot ni Hera kaya natawa ng mahina ang binata“Bakit ba?! Yun ang gusto ko eh!” ani Adam at sinundan na lang niya ng tingin si Herea na papunta sa kitchen to get coffee“Adam, paano ako magkakaroon ng lovelife kung ganyan ang tawag mo sa akin!?” Napatayo naman si Adam at sumunod siya kay Herea na noon ay nakatalikod. He leaned over to whisper in her ears kaya nangilabot naman siya dahil hindi niya naramdaman ang paglapig ng binata.“And what makes you think na papayag ako, Love?” he said in his husky voice, enough to send shivers through her spine“A-adam…wala naman tayong relasyon! Ano ka ba?” Herea tried to calm herself pero napalunok siya nung yakapin siya ni Adam sa likuran and rested his chin on her shoulders“Sagutin mo na ako para ma
Pagkatapos nilang magshopping ay lumabas na sila sa mall na iyon para bumalik sa resort. Excited na talaga si Herea na magpunta sa dagat kaya naman pagdating nila doon ay nagbihis na siya ng nabili niya two-piece bikini sa banyo. Pinatungan niya ito ng cover all at nagsuot lang siya ng flipflops.Paglabas ni Herea sa banyo ay nakita niya na nakahiga sa sofa si Adam at mukhanh natutulog ito. Mukhang pagod siya sa pagmamaneho kaya naman hindi na niya ito ginising at minabuti niyang lumabas ng kwarto dahil dagat na dagat na siya.Paglabas niya ng cabana ay naglakad siya para makapunta sa dagat. Padilim na pero may mga ilaw naman sa paligid kaya pwede pa siyang magswimming. Tinanggal niya ang suot niyang cover all at saka siya naglakad papunta sa pampang. Unti-unting naabot ng alon ang kanyang mga paa kaya naman nakaramdam siya ng kasiyahan. Naupo siya at hinayaan niyang mabasa ang kanyang katawan ng tubig mula sa along humahalik sa pampang.Tahimik ang paligid at wala siyang ibang nari
Sa buong biyahe nila hindi naman nakaramdam ng inip si Herea lalo na at naging mabilis lang ang biyahe nila since may mga bagong tayong expressway na sa bansa.Nagstop-over sila sa gawing Bulacan para kumain ng tanghalian since nagugutom na din naman sila.“Madalas ka ba dito? tanong ni Herea dahil nakikita niya kung paano kausapin ni Adam ang mga empleyado dito“Pag nagagawi ako dito, hindi pwedeng hindi ako kakain dito!” sagot nito sa kanyaNatawa ng mahina si Herea nung makita niya ang kilig na kilig na reaksyon nung isang waitress at ng kausap nito na kahera.“Why?” tanong ni Adam at nagkibit-balikat naman si Herea“Well, mukhang madalas ka nga dito! Seeing how this girls fantasize about you, makes sense!” Herea said kaya napangiti si Adam“I can feel some jealousy over there, love?”“I am not jealous! Bakit naman ako magseselos?” tanong niya dito and he just laughedSomehow, Herea is happy hearing him like this. Yung hindi siya mukhang biyernes santo at palaging pasan ang mundo.
Abot tenga ang ngiti ni Adam habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Kasama niya si Herea at papunta sila ngayon sa location para kausapin ang mga gagawa ng renovation sa opisina ni Herea.Hindi niya alam kung talagang nagkaroon ng emergency si Lucas kaya hindi niya masamahan si Herea ngayon. O sinadya niya ito para magkaroon sila ng panahon para magkasama ng dalaga.Hindi naman kumikibo si Herea dahil hindi niya talaga gusto na kasama si Adam. Wala kasing tigil ang tibok ng puso niya ng malakas at hindi niya iyon nagugustuhan.“Okay ka lang?” tanong ni Adam sa kanya na napansin marahil ang hindi niya pagkibo“Yeah!” sagot naman ni Herea“Are you still upset with me?” tanong ulit ni Adam kaya hindi naman malaman ni Herea ang sasabihin“I am not!” simpleng sagot niya“Yes you are! Huwag ka ng magalit sa akin!” pakiusap ni Adam kaya napahinga na lang ng malalim si Herea“Hindi ako galit! Nagtataka lang ako kung ano ba ang plano mo at ganyan ka?” tanong ni Herea sa binata“Bakit? Nakakapagt